He silently brought the bottle to his mouth and took a sip, all the while his eyes never left Beatrix, watching her every move. He wanted to think she looked somewhat uncomfortable while Daniel's hand were on her shoulders, but then she never protested nor removed it, na lalong nagpatindi ng panibughong unti-unting umaahon sa kanyang dibdib.
He is a possesive man. Yes, what's his is his. Hindi mabilang na mga gabing hindi siya makatulog sa kakaisip kung ano ang ginagawa ni Beatrix sa mga panahong wala ito sa piling niya. Is she alone? Is she with someone? Halos mabaliw siya sa kaisipang may iba itong kapiling sa mga taong hindi sila magkasama. Ganoon pa man, pinili niyang paniwalain ang sarili at paalalahanan kung gaano siyang minahal ng dalaga, na dahil sa pagtinging iniukol nito sa kanya bata pa lamang ito ay hindi nito magagawang makipag siping sa iba. Ngunit sa kabila ng kanyang isip ay naroon noon ang tanong - magagawa ba niya itong tanggapin kung mayroon palang pagkakataong nakalimot ito habang magkawalay sila? Noong una ay hindi niya alam ang sagot, pero ngayon muli na niya itong kasama ay naging malinaw sa kanya ang lahat. Oo, magagawa niya itong tanggapin, if it means having her back in his life, he can swallow his pride and put his ego aside.
His eyes followed the two na ngayon ay ilang hakbang na lamang ang layo sa kinaroroonan nila ni Frances. Gustong gusto niyang tumayo at hatakin ang asawa palayo kay Daniel ngunit hindi niyang gustong magsimula ng isang eksena dahil baka tuluyan nang mauwi sa suntukan ang enkuwentro nila ng lalaki. Not that he's scared of the guy or anything, alam niyang kayang kaya niya itong pabagsakin gamit ang kamao niya, ngunit kailangan pa rin niyang maging madiplomasya kahit paano, alang alang kay Beatrix na tiyak na ma to-trauma at para na rin sa Princess Luna. Daniel is a public figure, ilang salita lamang nito sa media ay tiyak na magiging malaki ang epekto sa kanyang negosyong pinaghirapan.
"Oh I'm so glad you came to join us " ani Frances na sinalubong sina Daniel, saglit nitong binitiwan ang niluluto sa grill "I'm Frances Avila, the manager of this place" inilahad nito ang kamay kay Daniel na tinanggap naman ng binata.
"Thanks for inviting me" tugon ni Daniel
Frances laughed softly "of course! Hindi naman maaaring hindi namin imbitahan ang fiancee ni Bea" she said smiling, glancing at Beatrix "please have a seat" itinuro nito ang dalawang magkatabing wicker chair sa mesang inookupa ni Xander.
"I don't know though if this a good idea" Daniel replied scratching his head "you see Bea doesn't want the press to know that she's here and people might recognize us" inilibot nito ang paningin sa pool area. Malaki ang infinity pool na naroroon, overlooking the vast land na natatiman ng iba't ibang puno, halaman at mga bulaklak.
"Don't worry, we closed this area for this private event tonight. Tayong apat lamang ang naririto ngayon, and oh well, some of the servers para sa drinks natin" nakangiting sagot ni Frances.
"That's great then!" si Daniel. He gently led Beatrix to one of the vacant chairs at naupo sa silyang katabi nito.
"This is a nice place" ani Daniel, obviously trying to break some ice between the three of them. The tension was so thick you could almost feel it in the air.
"Salamat. I built this for Beatrix" walang gatol na sagot niya bago muling uminom ng beer. Tahimik niyang tinitigan ang dalaga ngunit mailap ang mga mata nito sa kanya.
"Pare, I would appreciate it sana kung titigilan mo na si Bea. Past na 'yong sa inyo" kinuha nito ang isang beer mula sa mesa at binuksan iyon.
He chuckled to hide is irritation "ako ang magsasabi pare kung past kami o present. Ako ang asawa"
Daniel was about to say something but then Frances came with a platter of BBQ. Naupo ito sa kanyang tabi at magiliw na nagsimula ng usapan. Si Beatrix ay nanatiling mukhang walang gana. Ni hindi ito kumuha ng pagkaing nasa harapan.
Maya maya ay isang waiter ang dumating na may dala pang mga beer na naka bote gayon din ang isang bote ng mamahaling vodka.
"woh ho! who drinks vodka?" ani Daniel na tila nasurpresa.
"I do!" ani Frances at binuksan ang bote ng Grey Goose. Nagsalin ang babae sa isang shot glass at nilagok iyon.
"Are you planning on getting drunk?" tanong niya rito.
Frances laughed at malagkit siyang tinignan "If I do get drunk, you'll be there to take care of me anyway, hindi ba?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng babae ngunit bago pa siya nakasagot ay malakas na nagsalita si Beatrix.
"Give me a shot too" Beatrix said out of the blue, iniusod nito palapit sa gawi ni Frances ang isang shot glass.
"Since when do you drink?" tanong niya rito sa mababang tinig. Maging si Daniel ay tila nagulat na gustong uminom ni Beatrix.
"Since now" malamig na tugon nito sa kanya.
"Oh are you sure Bea? I don't think you could handle-" hindi pa natatapos ni Frances ang sinasabi ay inabot ni Beatrix ang bote ng vodka at sinalinan ang sariling baso, pagkatapos ay walang pangingiming tinungga ang laman niyon.
"woah, take it easy love" sita ni Daniel dito na nakapag pasalubong lalo sa kilay niya.
"Love?" tumawa siya "don't you think it's impolite to call someone else's wife that endearment?"
"Wow everyone's getting all fired up here!" disimuladong panghaharang ni Frances sa umiigting na tensyon sa pagitan nila, sinabayan iyon ng tawa to make it sound like a joke, then she grabbed all their shot glasses and poured for all of them. Itinaas nito ang sariling baso "cheers!"
******
The night went by fast and Beatrix was obviously getting drunk. Tila nawala ang inhibisyon nito at lumalakas na rin ang halakhak. She seems to be laughing at the darnest thing at lalo siyang naiirita na abot ang hampas nito sa braso ni Daniel sa kahit ano lamang na sabihin ng lalaki.
"I think this is enough for the night" aniya na sinabayan ng pagtayo mula sa kinauupan.
"Hold on a second...Mr. de S-Shilva" anito na sinundan ng bungisngis "where do you think you're going? We're still having fun! Right?" anito kina Daniel at Frances.
Naiiling niyang sinubukang kuhanin ang hawak nitong baso sa kamay ngunit mabilis nito iyong nailayo "hep..hep... This is mine" itinuro nito ang basong hawak. Ibinaling nito ang paningin kay Frances "got that Frances? MINE!"
"Why don't we play a game and see who belongs to whom?" Frances said with a smirk. Dinampot nito ang isang bote ng beer na walang laman "I'm sure you're all familiar with this one" isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
"Frances..." bigay warning niya sa babae
"Well, go ahead. Mauna ka ng umalis kung gusto mo. I'm sure the three of us will have fun. The night is still young anyway!"
Muli niyang tinapunan ng tingin si Beatrix. Her cheeks were red at mapungay ang mga mata nito. She was still laughing like a lunatic. There's no way in hell he is leaving her with Daniel!
Muli siyang naupo.
Bagaman alam na nilang lahat ang panunutunan ng laro ay bahagya pa rin itong ipinaliwanag ni Frances.
"here we go!" Frances said excitedly as she spun the bottle. Nagpaikot-ikot ang bote bago huminto. Ang magkabilang dulo niyon tumuro sa tapat ng dalawang babae. Parehas pinili ng dalawang babae ang 'truth' na consequence.
"I will ask first" ani Beatrix na nakangisi. "Did you shleep with my husband?" derektang tanong nito kay Frances na nakatitig, the smile on her lips vanished.
Makabuluhang ngumiti si Frances at sumulyap sa kanya "well... I was his fiancee first before you snatched him remember? Hindi ba natural lang naman siguro iyon?" may malisya ang ngiting ibinigay nito.
"Frances -" he said but the woman continued, not even paying him any attention.
"Now my turn to ask Ms. Luna Montecillo" the woman paused "Do you love Daniel?"
Nakita niya ang tila pagkabalisa ni Beatrix sa hindi inaasahang tanong ni Frances. She glanced at him bago muling inubos ang laman ng maliit na baso "I don't think I need to answer that question"
"Aww c'mon! Be a sport! This is a game! Bakit nahihirapan kang sagutin? Isn't Daniel your fiancee?"
Gusto niyang bigwasan ang mukha ni Daniel ng gagapin nito ang kamay ni Beatrix at dalhin iyon sa labi.
I know you don't love him, Beatrix. I know it. Say that you don't love him!
"yes. I love him" she replied while looking at Frances directly.
Xander gave out an insulting laugh. Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga.
"aww...bagay talaga kayong dalawa!" Frances exclaimed "hindi ba Xander?"
"Just what are you doing right now?" gigil na tanong niya kay Frances.
"Relax, Xander. Naglalaro lang tayo. Huwag kang pikon" muli nitong pinaikot ang bote. This time, each end of the bottle pointed to him and Beatrix.
"I choose dare." he said seriously without waiting to be asked, at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan upang lapitan si Beatrix. Napangaga ang dalagang nakatingala sa kanya sa pagkakatingin.
He grabbed one of her arms upang itayo ang dalaga "and this is my dare" walang babala niyang sinakop ng mga labi ang labi nito. Marahil dahil sa pagkabigla ay hindi ito nakabawi. She almost went limp in his arms.
Wala siyang pakialam kung nanonood man sa kanila sina Frances at Daniel. Beatrix is his woman. Dapat malaman ni Daniel na kanya lamang ito. He wound his arms on her waist at hinantay na pumalag ito, but she remained passive, narinig niya ang pagsinghap nito ng hininga.
*******
Muntik na siyang magprotesta ng pakawalan ni Xander ang mga labi niya. God! She wants more! Her head is spinning and all her senses seem to be heightened. Sa kabila ng espiritu ng alak ay nangingibabaw ang pagwawala ng puso niya sa kanyang dibdib.
Xander let her go at muling bumalik sa kinauupuan. Her cheeks were burning hot, hindi niya malaman kung dala ba ng mga nainom niya o ng halik ng binata?
"and you said you love him?" Xander asked matapos nitong makabalik ng upuan "I think your kisses revealed who you really belong to, princess"
Nakaramdam siya ng usig ng kunsensya na nagawa niya ang bagay na iyon sa harap ni Daniel, kahit pa nga ba nakipagkalas siya sa pagiging fiancee nito kanina.
"Don't flatter yourshelf sooo much, Xander" she retorted, her speech was a little slurred dala ng kalasingan "you're forgetting that I am an actress. Sanay ako sa mga ganyang eksena" aniya upang itago ang pagkapahiya.
"Ows?" taas kilay na sagot nito.
Tumikhim si Frances, looking uncomfortable. Muli nitong pinaikot ang bote na tumuro sa kanya at kay Daniel.
"Perfect!" bulalas ng babae na tila ba iyon talaga ang hinihintay "now why don't we see you two lock lips?" Frances said cunningly.
Beatrix doesn't know what to say lalo na nang tumayo mula sa kinauupuan si Daniel at humakbang palapit sa kanya. If she doesn't do this, malalaman ni Xander ang katotohanan that she still has feelings for him.
Natigilan siya. Shit! Is this just the vodka talking o talagang may nararamdaman pa siya para kay Xander?
Daniel gently took her hand at malamlam ang mga matang tinitigan siya. Napilitan siyang tumayo mula sa kinauupuan upang hindi mapahiya ang lalaki. He slowly bent his head towards her, tila naiilang din ito.
Relax Beatrix! Imagine that this is just a scene for a movie! This is just another one of those scenes and- naputol ang kanyang pangungumbinsi sa sarili ng may mga kamay na humatak sa kanyang palayo mula kay Daniel.
"I don't think I can let that happen" Xander's voice almost echoed. Both Daniel and Frances were startled, parehas itong napatingin sa binata na ngayon ay mahigpit siyang yakap sa isang braso.
"Let Beatrix go. She's not your wife anymore" Daniel said, nasa boses ang galit.
"Oh yes, she is very much still my wife!" he roared. Binalingan siya nito sa nag aapoy na mga mata "we're going!" deklara nito sa kanya at halos hilahin siya palayo sa lugar na iyon.
"Xander!" narinig pa niya ang malakas na tawag ni Frances dito but Xander did not even look back. Mabilis siyang inilayo nito sa pool area at halos kaladkarin patungong silid.
Her head spun even more, parang lalo siyang nahilo at tila masusuka sa mabilis na paglakad.
"L-let me go!" hinila niya ang kamay mula rito, but he instantly grabbed her hand again and dragged her into the room. Malakas nitong isinara ang pintuan sa likod nila.
"Kelan ka pa naging lasinggera Beatrix?!" galit na tanong nito
Tumawa siyang tila nasisiraan na ng bait "I told you. I changed. Hindi na ako ang dating Beatrix!" Her steps swayed as she tried to walk towards the door to get out of that room but Xander was blocking the way.
"t-this ish...not my room!"
"you're not going anywhere!" dumagundong ang tinig nito sa silid "lasing na lasing ka! Baka mamaya puntahan at pagsamantalahan ka ng gunggong na lalaking 'yon!"
She laughed again. Hindi niya alam kung bakit ba mahipan lang yata ng hangin ang ilong niya ay natatawa na siya, she can't seem to stop laughing.
"and I'm safe here?" she asked mockingly "mas delikado pa nga ako dito" muli niyang sinubukang tunguhin ang pinto ngunit hindi niya matinag ang malaking bulto ng binata.
"ano ba ang nangyayari sa iyo? You would seriously let that son of a bitch kiss you earlier!" he said exasperated "what's wrong with you, God damnit!"
"what's wrong with me?" pag uulit niya sa tanong nito sabay turo sa sariling dibdib. She tried to fix her gaze on his face pero parang nagdadalawa ang tingin niya sa guwapong mukha ng kaharap "what's wrong with me...ish that I think I shtill love you, you bashtard!" walang lakas niyang hinampas ang dibdib nito. Dala ng kalasingan ay wala na yata siyang kontrol sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Damn me for...sh-still loving you, Xander de S-Shilva!!! Ba...kit mahal pa rin kita?!" That was the last thing she said bago nagdilim ang buong paligid.