Naging masaya ang lahat sa Atlantis, nalutas na ang problema. Nabawi na ang trident.
Si Sirenita at pinarusahan ni Arnie. Isa na to ngayong janitor 🐟 malungkot man ang kanyang anak na si Fishna kahit paano ay natutuwa na rin ito dahil makakapiling pa rin niya ang ina.
Habang nagdiriwang ang lahat, wala ng sasaya pa kay Arnie. Masayang masaya ito dahil sa dami ng pagkaing naka hapag sa batong Lamesa.
Arnie: Borjo, Kabatao, Kabayuhan ... sige lang kain lang kayo ng kain, tingnan ninyo oh, napakaraming pagkain!!!
Ang tatlong seahore:😩😩😩
paano kaya kami kakain ng marami??? seahorse kami.....
Patuloy sa pag ngasab si Arnie, hindi niya malaman kung ano ang uunahing kainin kung kaya't dampot na lang siya ng dampot sa bawat bandehadong ilapag ng mga siyokay sa lamesang bato.
Arnie: Oy!!! Bakit naka tunganga lang kayo? Alalahanin ninyo... malayo ang ating lalakbayin tungo sa mundo ng mga bathala!!! Hindi ba Neptuno? ang baling na tanong pa nito kay Neptuno, ng mapunang hindi pa rin kumakain ang tatlong seahorse.
Mag u-umaga na ng matapos ang selebrasyon, lahat ay pagod na nakatulog habang ang kawawang janitor fish 🐟 na si Sirenita ay buong tiyagang nagli linis ng buong bulwagan. Lahat ng dumi ay buong tiyaga nitong nililinis gamit ang bibig kung kaya't halos lumobo na ang tiyan nito.
Mahimbing din ang tulog ni Arnie, nag paligsahan pa sila ng pag hilik ni Neptuno habang panaka naka ay sumasalit ang mahaba at matinis na tunog ng utot ni Arnie.
Ang tatlong seahorse naman ay walang magawa kung hindi ang tiisin ang amoy ng utot dahil ang puwit ni Arnie ay sa mukha nilang tatlo nakaharap.
Tatlong seahorse:😖😖😖🤢🤢🤢😵😵😵
Makalipas ang ilang oras na pagti tiis, hindi na nagawang maka tagal pa ni Borjo, dali dali siyang lumangoy palabas ng palasyo upang doon ay sumagap ng sariwang tubig.