webnovel

Chapter 75: Tungo Sa Mundo Ng Mga Bathala 2

Sisinghap singhap na lumabas ng palasyo si Borjo. Sa kanyang likuran ay nakita niya na halos hindi na rin magawang lumangoy ni Kabatao at Kabayuhan, nahilo na rin ang dalawa sa mabahong samyo ng tubig at hangin dahil sa utot ni Arnie.

Kung maari lamang siguro nilang idemanda si Arnie dahil sa pag kakalat nito ng polusyon sa hangin at tubig ay ginawa na ng tatlo.

Kabatao: Prinsipe Borjo... hindi pa ba tayo maaaring bumalik sa ating mundo? Nahihirapan na ako dito...Ang daing na reklamo ni Kabatao, halos wala ng kulay ang mukha nito dahil sa kakulangan ng hangin at pagpi pigil huminga.

Prinsipe Borjo: Gusto ko mang bumalik na rin, wala akong magawa. Narinig naman ninyo kagabi sa selebrasyon na magtu tungo pa tayo sa mundo ng mga bathala.

Kabayuhan: Mundo ng mga Bathala??? iyon ba ang tinatawag na Olympus??? ang singit na tanong ni kabayuhan.

Prinsipe Borjo: Oo yun nga, at may kalayuan iyon dito. Hindi ko nga alam kung paano tayo pupunta doon.

Kabayuhan: Inakupo!!! wag naman sana sa pamamagitan ng portal na gawa ni Arnie. Hindi ko pa nalilimutan hanggang ngayon ang dinanas natin sa huling portal na ginawa niya......

Abay muntik ng magka lasog-lasog ang mga buto ko doon ah!!!

Kabatao: Oo nga, tama ka!!! Ako man ay na trauma sa portal na iyon ... akala ko ay katapusan ko na.

Pero malay mo ... baka... portal na naman na gaya ng dati at pag lumabas na tayo sa portal... maging ibong mukhang kabayo naman tayo??? Hindi kaya ganon nga ang mangyari???

Kabayuhan: Tumigil ka nga diyan!!! Kung ano-ano sinasabi mo??? Baka mamaya niyan, mag dilang butiki ka.....

Kabatao: ah??? bakit dilang butiki???

Kabayuhan: ah, basta!! yon ang gusto ko..... anong paki mo???

Prinsipe Borjo: Mag si tigil nga kayo diyan!!!/kung ano ano nalalaman ninyong sabihin.....

Siguiente capítulo