webnovel

Alaala Ng Sirena (1)

MAY MALAMYOS na boses na kumakanta. Puno iyon ng magkahalong pangungulila at pagmamahal. Parang dinuduyan ang diwa ni Andres, unti-unti siyang ginigising. Pero hindi niya magawang idilat ang kanyang mga mata. Gusto lang niya pakinggan ang kumakanta. The melody made him feel nostalgic. Na para bang pamilyar sa kaniya ang tunog na iyon pero hindi lang niya maalala kung kailan at saan niya narinig.

Ngayon habang naririnig niya ang awitin ay may dumaang mga imahe sa kanyang isip. Like a memory of a long time ago. Una niyang naalala ang pakiramdam ng buhangin sa kanyang mga paa, ang malamig na hangin na tumatama sa balat niya at ang tunog ng alon sa dagat. Sunod niyang narealize na gabi sa alaala na iyon at na naglalakad siya papunta sa batuhan, sinusundan ang pinanggagalingan ng malamyos na boses.

Pagkatapos nakita niya ang magandang babae na nakaupo sa batuhan at nalaman niyang ito ang kumakanta. In this memory, he felt mesmerized as he stares at the woman. Na nang lumingon at magtama ang kanilang mga paningin ay nakita niyang sirena pala!

Sa isang iglap, narealize ni Andres na hindi sa kaniya ang alaala na nakikita niya. This is the mermaid's memories of the man she fell in love with. Tumalon-talon ang alaala kaya nalaman niya na hindi iyon ang huling beses na nagkita ang dalawa. Palagi nagtatagpo ang mga ito sa batuhan na iyon. Palagi ang pag-awit ng sirena ang hudyat na magkikita na ang mga ito. Magkaiba ang lengguwahe ng dalawa pero sa kung anong dahilan na hindi niya alam, nagkakaintindihan ang sirena at ang mortal na lalaki.

Umibig ang mga ito sa isa't isa. Alam ni Andres kasi naramdaman niya ang pagmamahal sa kanyang puso na para bang siya ang lalaking nasa alaala ng sirena. Nararamdaman din niya ang saya ng lalaki na iyon kapag nakatitig ito sa magandang mukha ng babae.

Pero ang masayang alaala ay napalitan ng kakaibang lungkot at kadiliman. Hindi niya alam kung gaano katagal na panahon ang lumipas pero tumalon ang nakikita niyang eksena. Malungkot na ang dalawa kasi nagpapaalam na ang lalaki sa sirena.

"Ipapadala ako nila papa at mama sa maynila. Doon ako mag-aaral ng kolehiyo. Matagal akong mawawala pero pangako… babalik ako. Magkakasama tayo uli…"

Parang nilamutak ang dibdib ni Andres. Bumuka ang kanyang bibig na para bang siya mismo ang nagsabi ng mga salitang iyon. Naramdaman din niya na parang siya ang lumusong sa tubig at humakbang palapit sa sirena na ang mga luha ay bumabagsak bilang perlas sa dagat. Hinaplos niya ang mukha nito, yumuko at naglapat ang kanilang mga labi. Nang humakbang na uli siya palayo ay napasulyap siya sa tubig. Nagulat siya nang makita ang repleksiyon niya mula roon.

The image of the man looks exactly like him but also different. Iba ang hairstyle. Iba ang aura at lalong iba ang pananamit. Parang nilamutak ang sikmura niya nang marealize na nakita na niya dati ang mukhang iyon. Sa library ng bahay nila at sa opisina sa Abba college, may malaking portrait ng lalaking iyon na naka display.

Ang imaheng nakikita niya sa tubig ang hitsura ng kanyang lolo noong teenager pa ito. Bigla naintindihan ni Andres kung bakit pamilyar sa kaniya ang melody na inaawit ng sirena. It was the tune his grandfather used to sing to him when he was a child.

Si lolo Manolo ang lalaking hinihintay ng sirena? Kaya sinabi ng mga Naiad na kamukhang kamukha niya ang mortal na iniibig nito? Kaya ba may malungkot at nostalgic na ngiti sa mukha ni lolo kapag nakatitig ito sa paborito nitong painting kasi naalala rin nito ang sirena na iyon?

Biglang may lumitaw na mataas na alon sa dagat. Naalis ang pagtitig niya sa repleksiyon sa tubig at napatingala. Nanlaki ang mga mata ni Andres, itinaas ang mga braso para takpan ang mukha kasabay nang pagbagsak ng alon sa kaniya.

Umangat siya, nasama sa agos ng tubig at tumilapon sa ere. Nahigit niya ang hininga at biglang nabura ang mga eksenang nakikita niya kanina. Nagising at naging alerto ang diwa niya nang marinig na naman ang matinis at nakakangilo na tunog mula sa Magindara.

Dumilat siya at ang maliwanag na buwan sa langit ang una niyang nakita. Kasunod niyon naramdaman niyang para siyang nakalutang sa ere at may mahinang hangin ang parang nakapalibot sa buo niyang katawan. Anong nangyayari?

"Andres!"

Kumurap siya nang marinig ang mga boses nina Ruth, Selna at Danny. Sinubukan niya gumalaw at niyuko ang sarili. Nagulat siya nang makitang ipo-ipo pala ang nakapalibot sa kaniya at dahilan kaya nakalutang siya sa ere. Lumingon siya sa ibaba. Nakalusong pala sa dagat si Lukas, umiikot-ikot ang tubig at hangin sa paligid nito. Kahit hindi niya nakikita alam ni Andres na magkaiba na naman ang kulay ng mga mata nito. Nararamdaman kasi niya ang malakas na kapangyarihang nagmumula rito, mas malakas pa kaysa dati.

"Gising ka na ba?" biglang tanong nito sabay tingala sa kaniya.

Lumunok si Andres. "Oo."

Tumango si Lukas, ikinumpas ang isang kamay at bigla ay para siyang hinagis papunta sa dalampasigan. Napaupo siya sa buhanginan. Tumakbo palapit sa kaniya ang mga kaibigan niya.

"Andres! Ayos ka lang ba? Akala namin makakain ka na ng Magindara!" naiiyak na sabi ni Selna.

"Akala namin malulunod ka na at mamamatay!" sabi naman ni Danny.

Lumuhod sa tabi niya si Ruth, hinawakan ang magkabilang pisngi niya at kahit hindi nagsasalita ay alam niyang sobrang nag-alala. Pumapatak kasi ang mga luha sa magkabilang pisngi nito. Sumikip ang dibdib niya at magaan na hinaplos ang gilid ng mga mata nito. "Huwag kang umiyak," bulong ni Andres. "Mas gusto kong nakikita kang nakangiti kaysa malungkot, Ruth."

Humikbi ito, pinakawalan ang mukha niya at marahas na pinunasan ang mga luha. Pagkatapos huminga ito ng malalim at halatang pilit na ngumiti. Ilang segundong nagkatitigan lang sila. Pero mayamaya narinig na naman nila ang matinis na tili ng Magindara. Napalingon silang lahat sa dagat.

Mas malaki na kaysa kanina ang umiikot na tubig kung saan si Lukas ang nasa pinaka-sentro. May namumuo na ring makapal at maitim na ulap sa langit at para bang ano mang oras ay kikidlat na rin. Sa harapan ng lalaki, naroon ang sirena na nakaangat na sa tubig at nakagapos sa ipo-ipo, pilit kumakawala pero hindi magawa. Dark shadows are oozing out of her body. Na para bang pinipiga ng ipo-ipo ang kasamaan at kadiliman palabas sa katawan nito.

Bigla bumalik sa isip ni Andres ang mga nakita niyang eksena kaninang wala siyang malay. Hindi lang ang kuwento ng pag-ibig ng sirena at ng kanyang lolo ang naalala niya. Mas nanaig ang realization na ang Magindara na nakikita niya ngayon na mukhang halimaw ay dating may maamong mukha at mga matang kumikislap sa pagmamahal. Binago ito ng kalungkutan at sinamantala ng masamang nilalang na katulad ni Rosario. But deep inside, he knew she's still the soft hearted mermaid his grandfather used to love.

Tumayo siya at kahit masakit ang katawan at nanginginig pa ang mga tuhod ay nagsimula siyang maglakad palusong sa tubig.

"Andres? Anong ginagawa mo? Delikado diyan!" sigaw ni Danny.

Hindi siya lumingon pero itinaas ang kamay para ipaalam na ayos lang siya at huwag sumunod ang mga ito. Habang palapit siya nararamdaman niyang hinihigop siya ng hangin at tubig, nakakawala ng balanse. Pero nagpakatatag siya at nagpatuloy sa paglapit hanggang maramdaman yata ni Lukas ang presensiya niya kasi bigla itong lumingon. Mukha itong galit. "Bumalik ka sa dalampasigan. Huwag mo sayangin ang pagliligtas ko sa'yo. Mapapahamak ka rito."

Umiling siya. "Anong balak mong gawin sa kaniya?"

Napansin niyang tumingkad ang asul na mata ni Lukas at lalong lumakas ang puwersa na nanggagaling rito. Napaatras si Andres kasabay ng mas matinis na tili ng Magindara. Nasasaktan ito.

Ibinalik ni Lukas ang tingin sa harapan. "Matagal nang dapat patay ang nilalang na ito. Ang dugo na lang ni Rosario ang dahilan kaya buhay pa ito ngayon. At hindi ito puwedeng magpagala-gala sa dagat ng ganito. Kailangan nito mawala."

Nagulat si Andres sa rebelasyon na iyon. Napatitig siya sa mukha ng Magindara na bigla ring napatingin sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay tumigil ito sa pagtatangkang makawala sa ipo-ipo. The monstrous and evil look on her face started to fade too.

Siguiente capítulo