webnovel

Chapter 81: All Eyes On Her

Nang matapos naman ang practice nila Barbie napagpasyahan ni Dana na magkaroon ng pool party dahil na rin marami syang naging bisita.

"Wow!!! Barbecue!!!" Masayang sambit ni Uno.

Siniko naman ni Gaile si Uno at pabulong na sinabi "ano? Ngayon ka lang makakain ng barbecue? Galing ibang planeta?"

"Tsss! Mahilig lang talaga ko dito. Kumain ka nalang din. Bakit kasi binabantayan mo si Barbie eh samantalang ang dami ngang naka bantay sa kaniya.

At ang sinasabi nga ni Uno na nag babantay kay Barbie eh sila Kenny, Thew at Baron kasama pa si Friday.

"Pakiramdam ko kasi hindi kumportable si Barbie sa surroundings nya lalo na diyan kay Friday."

"Hmm?"

"Para kasing napipilitan lang makipag usap si Barbie yung ngiti nya sa pilitan na pakiramdam ko ayaw nyang makipag usap dito. At alam kong alam rin yon ni Kenny."

Napatingin naman si Uno dun kila Barbie at napansin nya ngang parang over protective si Kenny.

"Hmm... Pero kung iisipin one of the boys si Barbie no?"

"Yeah."

"Kasi tignan mo kung sa ibang babae yan nag papa cute na yan sabi nga ng iba "lumalandi" pero tignan mo si Barbie kitang kita mo sa mukha nya na asiwang asiwa sya feeling ko inisip nya na sana di nalang sya nag exist."

"Haha... Baliw ka! Bigyan mo nga ko nyang kinakain mo."

"Here. Masarap ang barbecue infairness sa tandem nila Dana at Sam magaling sila sa pag iihaw."

Napatingin naman si Gaile dun sa dalawa "ah... May kasamang love kaya ganon."

"Ah... Hahaha... Oo nga masyado silang in love."

"Hey! Bakit ayaw nyong mag swimming?" Sambit ni Gil na nasa pool.

"Sige lang parang sa inyo lang nila Jericho at Gabo kulang pa ang pool eh." Sagot ni Gaile na naupo sa may pool side malapit kay Gil.

"Sus! Di ka lang marunong mag langoy." Sabi ni Gil na umahon na at naupo na rin sa tabil ni Gaile.

"Sinong may sabi?" Binigyan nya ng towel si Gil.

"Thanks."

Nakisingit naman si Uno at tumabi kay Gaile "marunong mag langoy si Gaile athletic kaya sya."

"Of course I know parehas sila ni Kenny."

Uno smirked at sa isip-isip nya "feeling naman neto marami syang alam kay Gaile. Humph!"

"Nga pala, gang kailan kayo dito?" Tanong ni Gaile kay Gil.

"Baka bumalik na din kami sa monday ng umaga afternoon class naman kami."

"Ohh... Kaya naman pala wala sa mood si Kenny inaasar nyo na naman."

"Yeah!" At kumagat sya sa kinakaing barbecue ni Gaile.

"Tsss! Mga baliw talaga kayo." Sagot ni Gaile at pakagat na sana sa barbecue nya pero tinabig ito ni Uno. "Yah!!! Yung barbecue ko!!!"

"So-- Sorry, may langaw kasi akong nakita don't worry ikukuha nalang kita."

"Aisssshhh!"

"Wait lang kukuha kita."

At pag alis nga ni Uno natawa si Gil "problema mo?"

"Hahaha... Wala lang manhid ka kasi Gaile."

"Ano?"

"Wala, for you to find out. By the way, kamusta kayo ni Barbie?"

"Ha?"

"Sus! Wag ako brad, alam kong titibo tibo ka kaya sure akong crush mo si Barbie."

Gaile bonked him "baliw ka!"

"Aray!!!"

"Oh sige gaganti ka? Gusto mong makatikim ng mag asawang sampal?"

"Hayssss!!! Kahit kailan talaga napaka brutal mo paano ka magkaka love life nyan pag ganyan ka parati."

"Ahhh... Ganon etong sayo!!!" Sinakal nya si Gil at kiniliti ng kiniliti at nakita yon si Uno.

"Ouch!" Reaction ni Sam.

"Ano ba?!" Pagalit na sambit ni Uno.

"Hahaha... Pikon! Bakit kasi ayaw mo pang umamin kay Gaile?"

"Huh! Coming from you?"

"Shhh! Wag kang ano diyan!"

"Tsss! Ewan sayo!"

"Bro, magkaiba naman tayo si Dana ngayon palang kasi kami nagiging close eh kayo naman ni Gaile matagal na magkakilala. I mean close."

"Close nga pero hanggang kaibigan lang naman ako sa kaniya."

"Paano mo naman na sabi?"

"Basta!"

"Pero nga pala, close pala si Gaile sa mga pinsan ni Kenny?"

"Um. Magkababata kasi sila ni Kenny at Thew di ba? Kaya wala ng ka gulat-gulat doon kung close sya sa mga ito."

"Sabagay, kaya okay lang sayo na maungusan ka nung isang yon?"

"Syempre hinde!"

"Oh, ano pang hinihintay mo? Go!"

"Um."

"Tsss! Pakipot!"

Lumapit naman si Dana kay Sam "who's pakipot?"

"Ha? Wala yon. Tara na mag ihaw na ulit tayo."

"Okay."

Sa kabilang side naman kubg nasan sila Barbie...

Tumayo si Kenny at sinabing "cr lang ako."

"Bro, di mo na kailangan pang sabihin yan." Sabi naman ni Baron.

Kenny smirked at umalis na nga pero bago sya tuluyang umalis tumingin sya kay Barbie na para bang sumesenyas na sumunod rin ito.

"Ah, sino gusto ng barbecue? Kukuha ako." Sabi ni Barbie.

"Ako na kukuha." Sabi ni Friday.

"Ha? Hi-- Hindi na kuya ako na dito nalang kayo."

"Ah, okay..."

At pangiti ngiti nga si Barbie na para bang inip na inip na at nung di na nakatingin yung tatlo sa kaniya pumuslit na sya at pumasok sa loob.

"Ahhh!" Nagulat syang may bigla sa kaniyang humila.

"You okay?" Sabi ni Kenny na humila sa kamay ni Barbie.

"I want to go home and rest."

"Okay sige mauna ka na sa kotse ako ng mag sasabi sa kanila na uuwi na tayo."

"No!"

"Ha? Pero akala ko ba gusto mo ng umuwi."

"Oo nga pero nakakahiya kila Dana eh."

"Pero ayos lang yon pagod ka na."

"Hindi, ayos lang ako hindi lang ako makahinga."

"Ha?! Ayos ka lang ba?"

"Oo, what I mean is masyadong awkward kasi pag kasama si kuya Friday parang lahat kasi ng atensyon nya na sakin na. Buti nga naisipan mong tumayo na."

"Um. Nahahalata ko kasing bored na bored ka na eh."

"Yeah."

"Umuwi na tayo. Sabihin nalang natin na nasa bahay na si dad at hinahanap na tayo para may reason tayo na makauwi kesa ganyan ka."

"Um."

"Okay, lumabas na tayo at sabihi nating uuwi na tayo."

"Okay..."

At ng makalabas sila nagulat silang andun pala si Friday.

"Br-- Bro..."

"Ku-- Kuya Fri..."

"Did I make you uncomfortable baby girl?"

Nagkatinginan sila Kenny at Barbie "ah.. ahm... Kanina ka pa ba diyan kuya?"

"Um. And I accidentally heard of everything."

"So-- Sorry... I... I didn't..."

"It's okay mabuti na ring narinig ko yun kesa naman ganito na na hindi ka pala comfortable sa approach mo sayo."

"Ahm... Kuya, don't get me wrong its just that I'm a big girl na po eh I'm not your baby girl anymore."

"Yeah... Sorry for treating you like a kid."

"Sorry din kuya kung hindi ko agad sinabi."

"Don't worry it's totally fine with me pero sana I'm still your kuya that you used to call me."

"Of course kuya! You are always my kuya forever and always."

"Malaki ka na nga talaga..."

"Kuya naman ehhhh..." She hug him immediately and apologize.

"Okay lang ako wag kang mag alala."

"Talaga kuya? Baka galit ka po ah."

"No, no I'm not mad at you I'm happy nga na malinaw na ang lahat."

"Kuya sorry talaga sa attitude ko."

"It's okay, wag ka na sad."

Hinila naman na ni Kenny si Barbie "okay, tama na yan... Umuwi na tayo."

"Uuwi na kayo?" Bungad ni Baron na kasama si Thew.

"Um. Hinahanap na kami ni dad."

"Ohh... Okay..."

Hinawakan ni Kenny ang kamay ni Barbie "mag paalam na tayo kay Dana."

"Um."

Habang nauna naman na yung dalawa na tulala nalang yung tatlo sa likuran.

"She really is close to him ha?" Sabi ni Friday.

"Yeah." Sagot ning dalawa na para bang dismayado.

"They look cute together."

"Yeah."

"Pffft... Are you guys choir? Or maybe disappointed?"

"Yeah."

"Tsss! Silly."

***

Magkakaroon ng ilang araw na documentary sa Academy at magiging main cast ay ang instant celebrity na sila Barbie, Kenny, Thew at Baron pati na rin ang ilang mga students.

"Talaga po Sir? Mag mag vi-video samin araw-araw?" Tanong ni Quinley kay Sir Mariano.

"Not daily but for 3days."

Tumaas ng kamay si Sam "Sir, ipapalabas po sa tv?"

"Oo."

Natuwa naman ang buong klase sa sinabing iyon ng kanilang guro.

"Quiet!!! Mag behave kayo! Hindi lahat kayo makakasama syempre napakaraming students ng AGA may ilan lang na magiging main cast at yung the rest extra pero wag kayong mag alala makikita parin naman kayo sa tv for the whole coverage."

"Okay lang po yun Sir basta makita kami sa tv. Di ba guys?" Sabi ni Quinley at sumangayon naman sa kaniya ang iba.

"Okay, okay... At dahil may instant celebrity tayo sa classroom sila Barbie, Kenny, Thew and Baron ang magiging main cast."

"Wow!!!" Reaction ng klase.

"Maliit na bagay guys don't worry isasama namin kayo." Sabi ni Baron at natuwa naman ang nga kaklase nila.

Tumaas ng kamay si Uno "Sir, tungkol saan po ang documentary?" Aniya.

"Dahil nga trending silang apat kaya napili ng isang tv show na i-feature ang AGA at ang daily routines ng mga students ngayon. Sa madaling salita gusto nilang malaman ang buhay ng mga estudyante ngayon."

"Ohhh..." Reaction ng buong klase.

"Kaya, bukas na bukas ihanda nyo na ang mga sarili nyo. Okay?"

"Opo Sir." Anila.

"Okay sige mag break na muna kayo at intayin nyo ang susunod na subject."

"Bye Sir."

Pag alis naman ni Sir Mariano lumapit agad sila Sam at Uno dun kila Barbie.

"It's not a big deal we just need to be ourselves." Sabi ni Baron.

"Well, sanay naman na kayo sa camera. Di na bago sa inyo ang vinivideo kayo." Sabi ni Uno.

"Tsss! Nonsense they just want us for their tv ratings." Sabi ni Thew.

"Yeah. Trending kasi kayong apat kaya para ma boost ang viewers kayo talaga ang ido-documentary nila. Mga wise din ang mga yon." Opinyon naman ni Sam.

"Sa panahon ngayon kung sino yung sikat dun ang mga producer." Sabi naman ni Gaile.

"Aha, I watch youtube and all the vloggers today is more famous than the tv artists." Sambit naman ni Dana.

"Yeah. Mas marami pa nga minsang sponsor ang nga vlogger eh kesa sa mga artista." Sam said.

"What can you say brad?" Tanong ni Uno kay Kenny.

"Nothing. Nagugutom na ko. Bie, anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano."

"Lets go?"

"Um."

At gaya ng dati nauna na naman yung dalawa na parang may sariling mundo.

"Lately napapansin kong parang sobrang close nung dalawa." Sabi ni Sam.

"Um. They always together parang they don't want to seperate." Opinyon naman ni Dana.

Di naman nag comment sila Thew at Baron na tumayo na rin para mag punta sa cafeteria.

"He-- Hey!!! Intayin nyo kami!" Pahabol na sambit ni Uno at nagsi sunod na nga sila.

"Tsss! Edi sila na ang famous!" Ang naiinis na sambit ni Sheilla.

"What should we do girl? That Barbie girl is always on you spotlight." Sabi ni Hannah kay Ellaine.

"I don't care."

"Pero girl ikaw ang princess ng Academy."

"I said I don't care!!!"

"So-- Sorry."

"Lets go! Mag practice na tayo!"

"Oo sige."

Simula nga nung nalaman ni Ellaine na anak si Barbie ni Mr. Tang hindi na sya nag tangka pang gumawa ng ikapapahiya nito dahil kahit ang daddy nya ay walang laban sa yaman ng mga Tang.

"What? That girl again?" Sabi ni Yveth habang nag lalagay ng gamit sa locker nito.

"Um. Sila daw nila Thew, Kenny at Baron ang magiging main cast nung documentary." Sagot naman ni Curtney na kaibigan ni Yveth na kapawa kasali sa cheering squad.

"Huh! Where's Ellaine? Wala ba syang ginagawa?"

"Sa pagkakaalam ko she don't bother kasi ang sabi lilipat na rin daw si Ellaine ng ibang school sa next school year."

"What the heck is going on with her?"

"Pero girl, what if isali natin yang si Barbie sa cheering squad?"

"What? No way!"

"Pero girl, kapag isinali natin sya may chance na ikaw na ulit ang maging queen bee kailangan lang mapasayo yung attention nung mga pupunta dito."

"Then what if hindi ko makuha yung attention nung nga yon?"

"Then lets be friends to that Barbie girl. Well, not literally we need to be friends to her but of course to get the attention of the staff. We just need to make sure na close tayo kay Barbie para lagi rin tayong makikita sa camera."

"Yeah... Great idea, tell the squad that we need to recruit new member. Starting tomorrow we will go to every classroom para mag invite ng sasali."

"Yes, timing natin pag dumating na yung mga staff ng tv show para hindi makaka ayaw si Barbie."

"Yeah... We need to make a plan to pursue her."

"Um."

"I will make sure that ako ang magiging bida at hindi yang newbie na yan. Dahil kami lang ni Thew ang karapat dapat sa spotlight."

"Go girl!"

At kinabukasan nga simula ng klase nasa classroom na nila Barbie ang mga staff ng tv show na gusto silang i-document.

"Get one whole sheet of pad paper and write an essay about our lesson for today. Isipin nyo na bumalik kayo sa past ano ang gusto nyo pang baguhin from out history." Sabi ni Ms. Gina ang teacher nila Barbie sa History.

At gumawa nga ang buong klase ng essay at habang nag susulat ang mga ito naka focus sa kanila ang camera ang patuloy silang vinivideo ng dumating sila Yveth at Curtney at ilan pang miyembro ng cheering squad.

"Ohhh... Sige naiintindihan ko." Sambit ni Ms. Gina at pumasok na nga sila Yveth at Curtney para mag announce na they recruiting new cheering squad member.

Pabulong namang sinabi ni Sheilla kay Ellaine na "are they for real? Nag rerecruit talaga sila?"

"So what? Baka they want to replace me asap!"

"Pero next school year ka pa lilipat di ba?" Sabi naman ni Hannah.

"I don't care anymore!"

Nang mag simulangvmag bigay ng flyers sila Yveth at Curtney maraming mga kababaihan ang naging interested maliban kay Barbie na patuloy lang da pag susulat nya ng essay.

Sumenyas naman si Curtney kay Yveth para simula na ang kanilang plano.

"Here, come and join us." Sabi ni Yveth kay Barbie na kinagulat nito.

"Ah, no thanks I'm not into dance."

"Oh..."

"Why don't you try?" Pag singit agad ni Curtney at siniko nya ng bahagya si Yveth.

"Ye-- Yes, we're willing to teach you. Madali lang promise."

"Ah, no... Hindi pwede si Barbie." Sabi ni Kenny.

"Ha?"

"Yeah. She don't need to join she's a transferee marami pa syang kailangang habuling subjects." Opinyon naman ni Baron.

Nagkatinginan sila Yveth at Curtney dahil hindi nila inaasahang may mag dedefend kay Barbie.

"But... Cheering is not that mahirap naman and we're willing to help her di lang sa pg sasayaw pero pati na rin sa klase nya after all were her seniors, right Yveth?"

"Oh, yeah... Curtney is right we're willing to help her."

"Oh really?" Tanong ni Thew.

"Ye-- Yes of course!" Sagot agad ni Yveth.

"Then, what if all of the girls want to join even the boys? Are you still want to help them, seniors?" Sambit ni Thew na parang bang nag dududa kila Yveth at Curtney. Dahil kilala nya ang mga ito bilang mga spoiled brats at bullies. Dahil ng mga panahong that he become an athlete in AGA he once to be like them too. Kaya alam nya ang galawan ng mga ito.

Nagkatinginan sila Yveth at Curtney na para bang di alam ang isasagot.

"Why don't you try Ms. Barbie?" Sabi ng isang staff.

"Po?"

"Just try it, I think kahit naman transferee ka makakahabol ka parin sa mga naiwan mong subjects. They said you're smart girl. Ms. Gina, what can you say?"

"Ha? Well, for me... As long as she can manage everything at di nya mapapabayaan ang pag aaral nya okay lang naman. And, tatry lang naman at nasa kaniya parin kung sasali sya o hindi."

"Yes! Just try it for a week tapos pag di mo bet edi don't join! Hindi ka namin pipilitin we're just want you to experience it." Sambit ni Yveth.

Naging maingay na ang buong klase dahil gusto nilang sumali si Barbie.

Hindi naman makasagot si Barbie at dala ng kaba nya she presses her ballpen as if it won't break it. At nakita yon ni Kenny kaya hinawakan nya ang kamay ni Barbie.

Napatingin naman si Barbie sa kaniya at parang naging panatag kaya sumagot sya na "okay, I will try it."

"Yown!!!" Sambit ng mga kaklase nya na parang naging masaya at gusto ring i-try ang pag che-cheering.

"Quiet!!!" Sabi ni Ms. Gina.

"We will wait for you Barbie." Sabi ni Yveth.

"O-- Okay."

At nag paalam na nga sila Yveth at Curtney.

"Okay, back to your essay."

"Yes Ma'am."

Pabulong bulong naman sila Baron at Thew kay Barbie.

"What are you trying to do? Bakit ka nag oo sa mga yon?" Sambit ni Thew.

"You don't need to do that if you don't want it." Sabi naman ni Baron.

"It's okay. Tatry ko lang naman malay nyo di ko naman magustuhan edi hindi ako sasali."

"Pero kahit na! Hindi madali ang galawan sa pag che-cheering." Sabi ni Thew.

"Kaya nga! Mamaya sasamahan ka namin sasabihin mo sa kanil na di ka sasali." Opinyon ni Baron.

"Ayos nga lang try lang naman di ba?"

"Kenny, tignan mo si Barbie ayaw nyang makinig." Sabi ni Thew.

"Huh! Himala ata at kinakausap mo ko directly."

"Hoy!!!"

"Enough! Mag sulat na nga lang kayo ng essay nyo. Hindi ito ang time para mag away remember there's camera spying on us."

"Tsss! I don't care basta pag isipan mo yung sinabi namin sayo." Sabi ni Thew.

"Kaya nga Bie, listen to us we're worried about you." Sambit ni Thew.

"Oo na sige na mag sulat na kayo."

"."

Sa gymnasium,

"Are they really recruiting?" Tanong ni Dana habang pinapanood ang mga students na gustong sumali sa cheering squad.

"Kaya nga konting sayaw lang tinanggal na agad nila? Well, yung iba naman kasi di talaga magaling." Sambit ni Uno.

"I don't think more than one ang gusto nilang kunin." Sabi ni Sam.

"Um. I think they're just rooting for Barbie's turn." Sabi ni Gaile at sumangayon naman sa kaniya sila Thew, Baron at Kenny na kararating lang.

"Oh? Tapos na ang interview nyo?" Tanong ni Uno.

"Oo." Anila.

"Ano ng nangyayare dito?" Tanong ni Thew.

"Gaya ng nakikita nyo halatang wala silang balak kumuha ng bagong member they're just want Barbie to join. Kilala naman natin si Senior Yveth gusto nyang sya lang ang star sa AGA at simula ng sumikat kayong apat nawala na ang shine nya bilang "queen bee" ng campus na ito." Sabi ni Gaile.

"Um. I think she just want the camera to focus on her tignan nyo kanina pa sya nag papasin sa mga staff." Sambit ni Sam.

"Knowing Yveth ugali nyang sapawan ang iba, right Thew?" Baron said.

"Yeah. That's why hindi na dapat pa sumali diyan si Barbie."

"Pero gusto nya i-try and sa pagkakaalala ko she said that when she was a kid she once a ballet dancer." Sabi ni Dana.

"A ballet dancer?" Anila.

"Um. Hindi ba yun nabanggit sayo ni Barbie, Kenny?"

"Ah, hindi... Ayaw nya kasing tinatanong sya about sa buhay nya sa Manila."

"Ohhh... Pero malay natin totoo yung sinabi nya."

"Ayan na! Si Barbie na ang susunod." Sabi ni Uno.

At ng si Barbie na ang sumunod hindi lang camera ang nakatutok pati na rin ang iba pang mga students na naroroon especially ang tropa nito.

Nang mag simula ng sumayaw si Barbie hindi inaasahan ng lahat na magaling pala ito sa sayaw pero kakaibang pag sayaw ang ipinakita nya at gaya nga ng sabi ni Dana kanina marunong itong mag ballet.

"Drei, its that my baby girl?" Sambit ni Mr. Tang na nag punta rin doon ng malamang sasali ang anak.

"Opo Director! Napaka graceful nya pong sumayaw. Ang galing po ni Young Miss!!! Sure po na mapapasali po sya."

Mr. Tang smiled like proud father and said "she really is daughter of Amanda and I."

Siguiente capítulo