webnovel

Chapter 82: Documentary 101

Applause... Applause... Applause...

"Eh?" Reaction ni Barbie matapos syang palakpakan ng mga tao dahil hindi nya inaasahang mapapamangha nya ang mga manonood sa ginawa nyang pag ballet dahil pang karaniwan lang naman sa kaniya ang ganoon sayaw.

Kahit nga si Curtney ay napamangha rin ni Barbie "tigilan mo nga yang pag palakpak mo!" Sambit ni Yveth na naiinis.

"Pero girl, she's good I didn't know na she knows how to move hindi ba sabi nya di sya marunong sumayaw pero grabe palang lambot ng katawan nya. She's slay queen indeed!"

"Heh!"

Lumapit naman kay Barbie ang tropa nya to congratulate her about her performance.

"We didn't know na you know dancing pala at di pang basta sayaw ballet pa? That was cool!" Sabi ni Gaile na para bang proud na proud at niyakap pa si Barbie.

"Ah, actually wala akong maisip na pang audition kaya yung pangkaraniwan na..."

"Pangkaraniwan?" Anila.

Patuloy namang naka roll ang camera sa kanila.

"Basic lang yun sayo?" Tanong ni Uno.

"Well, every morning nag i-stretching ako then sometimes napupunta na rin sa pag ba-ballet ko kaya pangkaraniwan na yun sakin."

Napapalakpak naman sila Uno at Sam sa kaniya.

"Aisshhhh! Tigilan nyo nga yan nakakahiya!"

"But you slayed girl! Di lang kami ang napa wow mo lahat ng tao dito pati si Director Tang." Sabi ni Baron.

"Mr. Tang is here?"

"Um. Kanina nakita namin but he left already eh." Sabi naman ni Dana.

"Pero, are really going to join?" Tanong ni Thew tapos bigla syang tinabig ni Yveth at lumapit kay Barbie as if close sila.

"Of course! She will join us."

"Aha! Definitely a yes!" Pag sangayon naman ni Curtney na gaya ni Yveth feeling close rin kay Barbie.

"So, naka pasa ako sa audition?"

"Yes na yes for you girl!" Sagot ni Curtney.

"Really?"

"Um. You can start practicing tomorrow na kasama kami."

"Eh?"

"Um. And you will be going to join us sa paparating na exhibition to other school."

"What? No way! She's just a newbie tapos isasali nyo na agad sya? Barbie, halika na umuwi na tayo!" Pagalit na sambit ni Kenny na hinila na papalapit sa kaniya itong si Barbie then umalis.

"He--Hey!!! We're not done talking to her?!!" Pahabol na sambit ni Yveth.

"She done here. Lets go guys!" Sabi ni Thew at iniwan na nga nila yung dalawa na pati yung mga nag vivideo kila Barbie ay umalis na rin.

"Wa-- Wait!!! We're still here!!! Film us too!!! Heyyy!!!" Pagalit na sambit ni Yveth pero hindi sya pinansin ng mga staff na sumunod na rin kila Thew.

"Dang it!"

"Calm down girl. We will definitely do something about it."

"Then what? Bakit kasi kailangan si Barbie pa yung sikat bakit di ako?!!!"

"Pero girl, maganda, matalino at talented kasi si Barbie nakita mo naman yung pag sayaw nya kanina. Kung lalaki nga ako baka na fall na rin ako sa kaniya. She dance gracefully at nakita mo ba yung mga manonood kanina mga naka nga-nga!"

"Shut up!"

"Don't be mad I'm pretty sure naman na babalikan tayo ni Barbie nakita mo naman yung reaction nya kanina nung sinabi natin na kasali na sya."

"I don't care if she will or not going to join sino ba sya? She is just a newbie!"

"Pero paano na yung spotlight girl? Mukhang maagaw na talaga sayo ang pagiging "queen bee" gusto mo ba yon?"

"No! Absolutely no!!! Ako lang dapat ang nag iisang queen bee ng AGA! Hindi ako papayag na agawin sakin ni Barbie ang lahat ng dapat at sa akin!"

"That's the spirit girl!

"Huh! They don't know anything..." Sambit ni Ellaine na kasama sila Sheilla at Hannah na kanina pa pala naroroon din.

"What do you mean that they don't know anything?" Tanong ni Sheilla.

"Wala! Tara na nga we're wasting out time here!" Sagot ni Ellaine na nauna na dun sa dalawa.

"Sa tingin mo ayos lang ba sya?" Tanong ni Hannah kay Sheilla.

"I really don't know anymore hindi ko na sya ma gets. Lately parang wala na syang care sa mga taong naka surrounds sa kaniya."

"Yah, I noticed that too. Dati sabi nya we need to get close to that Barbie girl para kay Kenny sya pa nga yung nag plan na maging friend natin yun kahit we don't like naman."

"Kaya nga! But now she seem so unbothered!"

"Maybe she not in the mood?"

"I don't know ang hirap nyang basahin napaka moody nya lately."

"What now? Mag tsi-tsismisan nalang ba kayo diyan?" Pagalit na sambit ni Ellaine.

"Oo andiyan na." Anila.

"Double time!!!"

"See, ang moody nya." Sabi ni Sheilla at sumunod na nga silang dalawa ni Hannah kay Ellaine.

Samantala sa may parking lot nagtatalo sila Kenny at Barbie bago pa man dumating ang tropa

"Hindi nga pwede! Kung ayaw mong magalit si daddy umayos ka Barbara!" Pagalit na sambit ni Kenny na inaayos na ang motor nya at iniabot kay Barbie yung isang helmet.

"Pero kanina lang ayos lang sayo na sumali ako tapos ngayon ganyan ka na. Apakalabo mo!" Sagot naman ni Barbie na isinuot na yung helmet.

Sumakay naman na si Kenny sa motor at inalalayan si Barbie "kanina yon pero ibang usapan na ang exhibition di ka pa nga nag papractice tapos ipapasok ka na agad nila sa ganung eksena?"

"Pero kaya ko nga kaya nga ako isinali na eh."

"Ah basta! Tama na ang usapang ito umuwi na tayo mag luluto pa ko wala si ate Chinggay."

"Hmm?"

"Anong gusto mong kainin? Mag order nalang kaya tayo?"

"Ewan ko."

"Guys!!!" Pahabol na sambit ni Uno at sumunod na nga din yung iba kahit yung mga staff na nag dodocumentary sa kanila.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni Gaile.

"Um. Mauna na kami sa inyo." Sagot ni Kenny.

"Pero paano yung nga yon?" Sabi ni Sam and he is referring to the staff.

"Kayo nalang we need to go."

"Ha?"

"Bye guys." Sambit ni Barbie at umalis na nga sila ni Kenny.

"Hoy!!!" Sambit ni Baron.

"Ano ng gagawin natin?" Sabi ni Sam.

Pumunta naman na si Baron at Thew sa sasakyan nila at nagsi alis na rin.

"Ho-- Hoy kayong dalawa!!!" Pahabol na sambit ni Gaile.

"I think we should go na rin." Sabi ni Dana.

"Mabuti pa nga tara na bago pa sila mag simulang mag tanong." Sabi ni Uno at hinila na nga niya si Gaile at pinasakay sa motor nya.

"Sa-- Sandale bakit ako sasakay dito???!"

Nagkatinginan naman sila Dana at Sam dahil sila nalang ang natira "ahm... do you want to make sabay? My driver is here na rin."

"Ah... O-- Oo sige mukhang wala naman na akong choice. Tara na!"

At sumabay na nga si Sam sa kotse nila Dana.

"Anong nangyare?" Sabi ng staff at napakamot nalang sa ulo nila at walang na gawa kung hindi umalis na rin.

"."

Nang makauwi naman sila Kenny at Barbie sa bahay nila wala doon si Bruce at nasa Barangay Hall pala.

"Wag ka ng makulit Barbara kahit pa sabihin mo kay daddy yang kagustuhan mong sumali sa cheering squad di ka rin papayagan non!"

"Bakit naman eh sasayaw lang naman ikaw lang naman itong OA!"

"OA? Huh! Hindi ba dapat kampi ka sakin dahil nung una palang naman ayaw mo na talagang sumali ah. Eh ano na ngayon? Bigla ng nag bagao ang isip mo dahil marami lang na pumalakpak sayo kanina?"

"Hindi no!"

"Eh bakit nga ngayon nag pupumilit ka?"

"Eh gusto ko lang. I just want me p be their friends too."

"Friends? Sino sina Yveth at Curtney? Hoy! Ginagamit ka lang ng dalawang yon para makasama sila sa documentary na yan. Kaya wag kang mag pauto."

"I know, kahit naman sino yun ang magiging tingin sa kanila kaya I just want to be their friends."

"Ano? Nababaliw ka na ba? Anong friends pinagsasabi mo? Hindi ba nung unang linggo mo pa lang sa AGA binully ka nila tapos gusto mo silang maging kaibigan? Mga plastik ang nga yon kaya wag na!"

"It's okay."

"Aba't! Anong okay? Nalimutan mo na bang pinagtripan ka nila nagka sakit ka pa nga nun di ba? Ano bang nangyayare sayo?"

"Bakit ba? Past is past! And sa tingin ko di naman talaga sila masasamang tao isa pa senior natin sila ahead sila satin kaya gumalang ka naman."

"Huh! Ewan ko sayo! Diyan ka na nga at maghahain na muna ako mag palit ka na rin muna ng damit."

"Tsss! Opo eto na! Humph!"

Umakyat na nga si Barbie ng room nya at inayos naman ni Kenny ang kakainin nila ng biglang...

"Ahhhhh!!!"

Napasigaw si Kenny at dali-dali namang bumaba si Barbie na naka palda pa pero wala ng uniporme pang taas pero may suot naman syang white na sleeveless na ang tawag ay kamison or kamiseta kapag nasa probinsya.

"Anong nangyayare?"

"Ahhhh!!!"

"Bakit? Bakit ka ba na sigaw???"

Nag pa linga-linga naman si Kenny at ng wala syang makitang pwedeng itakip kay Barbie hinubad nya nalang ang uniform nya at ipinatong nya dito.

"Anong ginagawa mo?"

"Ba-- Bakit kasi ganyan lang ang suot mo?! Kababaeng tao mo!"

"Tsss! Oh edi parehas na tayo kasi hinubad mo yung uniform mo."

"Haysss! Wag ka na ngang mangatwiran lalaki ako kaya ayos lang!"

"Tsss! Ewan sayo modern na Lo!"

"Lo ka diyan! Isuot mo na muna yang uniform ko baka makabalik na si daddy dito ano pang isipin nya!"

Sinuot nga ni Barbie yung uniform ni Kenny pero hindi na nya binutones "bakit ka ba kasi biglang sumigaw?"

"May tuko kasi akong nakita pag bukas ko ng cabinet. Syempre na gulat ako bumungad eh."

"Tu-- Tuko? Yung gecko?"

"Um. Ayan nga sa lapag eh tumalon kasi pag bukas ko ng kabinet."

"Sa-- Saan?"

"Takot ka sa tuko?"

"Na saan nga yung tuko???!!!"

"Ayan nga sa may bandang likuran mo buti pala..." Hindi nya na naituloy ang sasabihin dahil biglang sumampa sa kaniya si Barbie.

"Alisin mo!!!"

"A-- Anong ginagawa mo?"

"Yung tuko!!!"

At buhat-buhat na nga ni Kenny si Barbie at nakatingin sya dito na para bang natutuwa pa sa nangyare.

Tuko... Tuko...

"Ahhhhh!!!! Alisin mo na!!!"

Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Barbie kay Kenny ng mga oras na yon dahil nga takot ito sa tuko.

"Pffft... Akala ko ba matapang ka? Anyare na? Eh... Daig mo pa ang tuko kung makayakap ka sakin."

"Eiiiii!!! Alisin mo na!!!"

"Okay, okay... Pero promise mo hindi ka na sasali sa cheering squad na yan."

"Oo na!!! Alisin mo na yung tuko!!!"

Kenny smiled at iniupo nya muna sa may lababo si Barbie.

"You stay here muna kung ayaw mong tumalon sayo yun."

"Oo na!!! Alisin mo na!!!"

"Yes Madam."

Mabilis lang na paalis ni Kenny yung tuko dahil madalas naman syang nakaka encounter ng mga ganun dahil maraming puno sa likod bahay nila.

"Okay na. Bumaba ka na diyan kakain na tayo."

Barbie shook her head.

"At bakit? Wala na yung tuko! Baba na diyan!"

"I can't walk."

"Ha?"

"I think na ngimay yung mga tuhod ko."

"Haysss! Ano ka bata? Halika na nga!" At binuhat na nga niya si Babie papunta sa dining area ng biglang dumating ang daddy nya.

"Anong ginagawa nyong dalawa?"

Sa gulat ni Kenny sa daddy nya naibagsak nya si Barbie.

"Aray!!!"

Lumapit naman agad si Bruce at nag alala kay Barbie.

"Ayos ka lang nak?"

"Ahm... Opo nangimay po kasi ang mga tuhod ko."

"Ha? Kaya mong tumayo?"

"Ahm... Siguro po okay na?"

Tinulungan naman ni Bruce na tumayo si Barbie.

"Yung upuan ayusin mo na Kenny!"

"O-- Opo dad."

At ng makaupo na si Barbie kinuwento nga ni Kenny ang nangyare.

"Ohh... Ganun pala. Pasensya ka na Bie, minsan kasi talaga may tuko na pumapasok dito sa bahay."

"Ahhh... O-- Okay lang po basta wag lang po sana sa room ko."

"Ah, don't worry wala naman dun lagi kasi dine sa kusina talaga."

"Um. At kapag meron sumigaw ka lang." Sambit ni Kenny at nag wink.

Barbie smirked and she rolled her eyes towards him.

"Sir Principal?"

"Hmm? May bisita kayo dad?"

"Ay!!! Oo nga pala andiyan nga pala sa terace sila Thew at Baron."

"Po?"

"Pumasok na kayo bukas yan!!!"

Pabulong bulong naman si Kenny "ano na namang problema ng dalawang ito? At nandito na naman!"

"Thankyou for inviting us Sir Principal." Sabi ni Baron.

"Nako, itong batang ito tito nalang kapag wala sa school para namang di kayo magkababata ni Kenny. Halina at maupo na kayo para kumain. Kenny, ikuha mo sila ng pinggan."

"Salamat po. Hi Barbs!"

"Yow!"

Napansin naman nila Thew at Baron na ang suot na uniform ni Barbie ay hindi nito pag mamayari.

Nakita naman ni Kenny na nakatingin yung dalawa kay Barbie at nalimutan nyang hindi pa nga pala ito nakaka pag bihis ng pambahay.

"Aiiisssh!!! Barbara!!!" Aniya at nagulat naman sa kaniya sila Barbie.

"Ba-- Bakit? May tuko ba ulit?"

"Ano bang nangyayare nak? Pa bigla-bigla ka namang sumisigaw diyan."

Tumayo naman si Kenny at binuhat nya si Barbie.

"A-- Anong gagawin mo? Ibaba mo ko!!!"

"Dad, kayo na po munang bahala diyan."

"O-- Okay..."

Kinagabihan,

Andoon pa rin sila Baron at Thew sa bahay nila Kenny dumatinf nga rin ng gabing iyon sila Gaile, Dana, Uno at Sam.

Nasa terrace ang tropa at nag kukwentuhan about sa documentary habang nag bubuo ng malaking puzzle na regalo ni Baron kay Barbie.

"Panigurado naman na babalik ang mga yun bukas dahil wala silang masyadong na shoot sa inyo." Sabi ni Uno.

"Bakit kasi mag pa ganun pa g kaartihan eh." Sabi naman ni Gaile.

"Eh kasi nga, instant sikat silang apat syempre maraming mga taga tv talaga ang magiging interesado sa kanila ikaw ba naman yung magkaroon ng ilan ilang millions and counting pa." Opinyon naman ni Sam.

"Oh, mag juice and popcorn muna kayo mga bata." Pag singit na sambit ni Bruce at tinulungan naman syang agad ni Barbie sa bitbitin pero kinuha naman agad sa kaniya nito ni Kenny.

"Ako na, baka mabasag mo pa. Napaka clumsy mo pa naman!"

"Tsss!"

Napatingin naman ang tropa dun sa closeness nung dalawa.

"Sige maiwan ko na kayo at ako eh may gagawin pa."

"Opo. Salamat po." Anila.

Nang maka alis si Bruce kumuha na isa-isa yung tropa ng kani-kanila nilang inumin maliban kay Barbie na hindi mahilig sa juice.

"Oh, ayaw mo ng juice Bie?" Tanong ni Dana.

"Hindi sya mahilig sa juice hindi rin kasi sya mahilig sa mga fruits." Sagot ni Kenny na tubig ang iniabot kay Barbie.

"Ohhh... I see..."

Naging awkward bigla ang atmosphere kaya naman naka isip si Sam ng gagawin.

"May bottle ako dito gawin natin yung uso ngayo na flip the bottle."

"I know that game!" Sabi ni Dana.

"Yan ba yung kapag na flip yung bote eh pwedeng kumain?" Tanong ni Uno.

"Um. Pero dahil popcorn lang ang nandito lagyan natin ng twist para exciting."

"Ano namang twist?" Sabi ni Gaile.

"Madali lang, kapag na flip yung bote walang consequences at syempre kapag di na flip yung bote matic na may truth or dare na tanungan. Ano G kayo?"

"Tsss! Gusto mo lang gumawa ng issue. Umandar na naman yang pagka journalist mo, Samuel!"

"Pero I think masaya yon maaga pa naman. G ako!" Sabi ni Baron.

"Ako din!" Sambit ni Uno at Dana.

"Kayo, mga pre? Bie ikaw?" Tanong ni Uno.

"Okay lang sakin." Sagot ni Barbie.

"Count me in." Sabay pang sambit nila Kenny at Thew.

"Ayos! Oh, Gaile ikaw nalang ang hindi pa. Sali na kasi!"

"Oo na! May choice pa ba ko?"

"Alright! Simulan na natin, guys?"

"G!!!"

Siguiente capítulo