"Unbelievable!" Sigaw ni Mira with matching nanlalaking mata pa.
"You kicked Jeremy?! Woah! Eh anong sabi nung lolo nila? Hindi naman nagalit sayo?"
"I don't know." Kibit balikat kong sagot sa kanya.
"Nung pinuntahan kasi nila ako non akala ko magagalit sakin yung lolo nila pero langya. Nag offer pa sa akin ng trabaho."
Tumango naman si Mira sa akin at natahimik.
Akala ko ay tapos na siya sa pagtatanong. Kaya naman balak ko sanang umidlip nang ilang sandali pa ay bigla nalang siyang sumigaw.
"Putspa! Eh bakit ka pa tinatanong sakin ni Jeremy eh don kana pala nakatira?!"
Napatingin naman ako sa kanya at natawa. Nakakunot na kasi ang noo niya tapos onti nalang ay maiimagine mong may lumalabas na usok sa ilong niya.
"Hindi niya pa alam Mira. Palihim palang kasi akong nakatira dun."
Napanganga naman siya at tumingin sa akin.
"Multo kaba?! Pano mo nagawang maglabas masok sa mansion nila ng hindi napapansin?!"
Ngumisi nalang ako at kinindatan siya.
"Ako pa ba Mira?"
Tumango naman ito at ngumiti ng nakakaloko.
"Oo nga pala. Nakalimutan kong may kaibigan akong demonyita."
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Tss. Nahiya naman ako sayo Devila!"
Agad na binato niya sa akin ang throwpillow na nakatarget sa mukha ko. Sinambot ko naman ito at niyakap.
"Leche! Wag mo kong tatawagin niyan."
"Ay nga pala Ella. Yung grupo? Ano nangyari don?"
Napabuntong hininga naman ako dahil hindi na siya natapos sa pag tatanong.
FLASHBACK
Pangalawang araw ko ng naninirahan dito sa mansion nila pero hindi pa din nila ako nakikita.
Dalawang araw na din akong naghihintay ng impormasyon tungkol sa grupo kaya naman nabuburyo na ako dito.
*Let's kill this love!
Yeah! Yeah! Yeah! Yeah! Yeah! Yeah!
Agad kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Sino to?" Seryosong tanong ko sa kabilang linya.
"M-miss Ella? Dala ko na po ang kontrata."
"Sige po. Sa likuran ng mansion nalang po tayo magkita."
Agad naman akong natuwa at tumalon sa bintana ko.
Saktong paglapag ko ay ang pagdating naman ni Butler Rico.
"Ms. Ella. Nandito na po ang kontrata at ang nga impormasyon tungkol sa grupo."
Agad kong kinuha ang papel at nginitian si Butler Rico.
"Ms. Ella, bakit nga po pala dito ninyo ako pinadaan sa likuran?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hindi pa kasi nila alam na nandito ako." Aniya ko pa at itinapat ang hintuturo sa labi.
Nakanganga naman itong tumango sa akin.
"Sige po. Mauuna na ako. Kailangan ko pa po itong asikasuhin." Pagpapaalam ko at umakyat sa puno.
Nang makarating ako sa tuktok ay tinalon ko iyon papasok sa bintana ng kwarto ko.
'Hehe. Works every time!'
Agad akong umupo sa kama at binuksan ang folder na hawak ko.
Blaze Slayer
Iyan ang pangalan ng grupo na bumugbog kay ate.
May walong miyembro at ang lider ay si Blaze.
Isang matabang lalaki na maputi at may tattoo sa kamay.
Isa sa mga pinakasikat na grupo pagdating sa mga maduduming trabaho.
'Tss. Yan lang?'
Agad kong nilukot ang papel at binato sa trash can.
Kinuha ko na agad ang itim na jacket ko at itim na face mask na may design na ekis.
Ipinusod ko din ang buhok at nilagay ang red na contact lens.
"Time to pay the price."
Tumalon na ako agad sa bintana ko at nagtaxi papunta sa hideout nila.
'Tss.'
Isang mansion ang bumungad sa akin pagbaba ko palang sa taxi.
Pinindot ko ang doorbell at pabalang na tinulak ko ang gate nila na nakapaglikha ng maingay na tunog.
Agad namang may lumabas na dalawang lalaki sa pintuan.
Isang violet ang buhok at isang orange na buhok.
Napangiwi naman ako ng makita ang itsura nila.
'Astig sana yung kulay eh! Panira lang mukha!'
"Sino ka?!"
Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa dalawa at tinaasan sila ng kilay.
Agad kong hinila ang ulo ng isa at tinuhod ito. Akmang susugod naman ang isa nang sipain ko ang mukha niya. Parehas na silang nakahiga at tumutulo ang dugo sa ilong pero..
'kulang pa.'
Kinuha ko ang kanang braso nung naka violet hair at itinali yon sa kaliwang paa ng naka orange hair.
Hinila ko pataas yung nakaorange at hila din naman nito ang nakaviolet na buhok. Isinabit ko ang damit nung isa sa mataas nilang gate.
Pagkatapos ay sinipa ko ang tali na kumokonekta sa dalawa.
"P*ta! Ang sakit! MABABANAT ANG LEGS KO!"
"AHHH! AYAW KO NA! BALI NA ANG BRASO KO!"
Sigaw nilang dalawa kaya naman lahat ng natirang miyembro ay lumabas na sa mansion.
Kalmado lang akong nakatayo at inaantay sila na sumugod sa akin. Pero mukhang naduduwag na sila kaya naman ako na mismo ang gumawa ng paraan.
Itinaas ko ang kamay ko at dahan dahang naglakad papalapit sa kanila.
Natuwa naman ang lider nila at astang hahampasin na ako ng bat na hawak niya.
Nang ihampas niya iyon ay tumambling ako patalikod kaya naman ang natamaan ay ang kasama niya. Tumumba naman ito agad at tumulo ang dugo sa ilong.
Napangisi ako ng makitang lima nalang sila.
Napansin kong hahablutin na ako ng nasa likod ko kaya naman sinipa ko siya at siniko ang isa pang lalaki na sumugod sa akin. Lumuhod naman ako at sinipa ang paa ng isa pang dapat na hahampasin ako. Pag kahulog niya sa sahig ay sinipa ko siya sa *toot *toot para di na makatayo.
'Ha! Last one.'
Lumingon ako sa pwesto ng lider nila at kinawayan siya.
"Laban pa?" Maangas na tanong ko at nagpameywang.
Nanginginig na ibinaba niya naman ang bat at lumuhod.
"P-pasensya na. M-may nagawa ba kami sa iyo?" Utal utal na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako kahit na hindi nakikita.
"Nung nakaraang araw ay may isang babaeng naiwan sa bahay nila. Tahimik lamang ito na nasa kwarto nang bigla siyang pasukin ng walong lalaki. Hindi man pinagsamantalahan, binugbog naman ng walang awa." Huminto ako sa sinasabi ko at tinignan siya.
"Ngayon, ano ulit ang itinatanong mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"P-pasensya na. Hindi naman dapat siya ang target namin. S-si Mikaella dapat iyon. Napag utusan lang kami ni Ma'am Reia."
Agad na napakunot ako ng noo.
"Mikaella? Siya ang pakay ninyo? Para saan?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
"Hindi ko po alam kay Ma'am Reia. Basta binayaran niya lang kami para paligayahin daw at saktan si Mikaella." Paliwanag nito sa akin at yumuko.
Mapait na napangiti ako at tumingala.
'Ikaw pala ma. Ikaw ang may pakana nito.'
Inayos ko ang sarili at sinipa ang lider nila.
"Kulang pa ito sa ginawa ninyo." Malamig na sabi ko sa kanya.
Itinali ko silang lahat sa isang lubid at itinaas ang tali sa isang poste. Nilambitin ko ang kamay at paa nila para maramdaman nila ang bigat nila at madislocate man lang o mabalian sila.
"S-sino k-ka?" Uutal utal na tanong ng lider sa akin.
Nakangisi akong lumapit sa kanya at ibinulong kung sino ako.
Agad naman itong namutla at nanlaki ang mata dahil sa ibinulong ko.
Humarap ako sa kanila at tumingin ng malamig.
"This is my last warning."
"Do it once, I'll let you live. But do it twice, I'll let you suffer until you die."
End of FLASHBACK
~Other Side of the Story~
Someone's P.O.V.
"She's good." Bulong kong papuri sa babaeng nasa ibaba.
"Never changed." Kibit balikat na sabi ng babaeng katabi ko dito sa puno ngayon.
Tinignan kong muli ang babae.
Kalmado lamang itong nakatingin sa mga kalaban niyang namumula na sa galit.
Nakita kong nilibot niya ang mata niya sa mga kalaban na para bang kinikilala at tinitignan ang mga kahinaan dito.
Itinaas nito ang kanyang kamay at naglakad ng dahan dahan papalapit sa mga kalaban.
"What the f*ck is she doing?!" Inis na tanong ko at tatalon na sana pababa nang hawakan ako sa kamay ng kasama ko.
"Just watch her! You don't need to interfere. Sagabal ka lang!" Nang aasar na sabi nito sa akin.
Hinila ko naman ang kamay niya at hinapit ang bewang niya. Naramdaman kong nanigas siya sa pagkakaupo at parang hindi na makahinga.
"What is it milady?"
"N-nothing." Mahinang sabi nito at yumuko.
"Good."
Tumingin na muli ako sa pwesto ng binabantayan namin pero halos mapanganga nalang ako ng makitang nakalambitin at nagsisisigaw ang mga lalaki. Mukhang umalis na din ang babae kaya naman tumalon na ako pababa ng puno.
"Wala na siya. Tara na. Kailangan pa nating ireport ito."