MIRA
"Sinasabi ko na nga ba't traydor yang mama mo eh!" Inis na sambit ko at tinignan ang balanced na nasa table namin.
"Yang kapatid mo din na yan walang kwenta!"
"Mira."
"Parehas sila ng ugali!"
"Mira!"
Inis na tinignan ko si Ella na nagpipigil ng tawa.
"What are you laughing about?" Kunot noong tanong ko dahil bigla bigla nalang siyang tumatawa.
Agad niyang itinuro ang halaman na nasa lamesa namin.
'O. My. Gash!'
"Waah! Yung halaman ni mama!" Sigaw ko at binuhat ang halaman papunta sa kitchen.
Agad na nilagyan ko iyon ng tubig at ibinalik sa table.
ELLA
Nanlulumong nakatingin si Mira sa halaman na kinalbo niya at paulit ulit na bumubulong ng "Lagot ako kay mama."
Napailing naman ako sa ikinikilos niya.
'Paano ko naging kaibigan 'tong baliw na 'to?'
Tumagal ang limang minuto ay tumigil na siya sa pagbulong. Pero hindi nawala ang tingin niya sa halaman.
Ilang sandali pa ay tinanong ko na si Mira.
"What do you think about the deal? Are you interested?" Tanong ko kay Mira.
"Kung sagot nila ang pag papa aral. Bakit hindi?" Sagot nito at nakahawak pa ang kamay sa baba.
Tumayo naman na ako sa pagkakahiga at hinila si Mira.
"Tara!"
Nalilitong tumingin naman sa akin si Mira.
"Saan tayo pupunta?" Tanong pa neto sa akin.
"Sa kwarto mo! Mag iimpake! Dali na!" Sagot ko at tinulak siya papasok sa kwarto niya.
Natulala naman siya at napanganga sa sinabi ko.
"ANO?! Bakit saan ba ako titira?!" Tarantang tanong nito sa akin.
"Sa mansion nila. San pa ba?" Maangas na tanong ko at nginisian siya.
"NO! A BIG NO!" Sigaw niya sa akin at yakap pa ang sarili.
Napairap naman ako sa hangin dahil sa kaartehan ng babaeng ito.
"Eh paano mo sila mababantayan kung malayo ka?! Engot ka talaga!" Inis kong sabi sa kanya at dumiretso sa cabinet niya.
Kinuha ko na ang ibang mga damit niya at isinalansan na sa luggage niya.
"Che! Ayoko nga! Ibalik mo yung mga damit ko! Magpapaalam pa ako kay mama!"
Napatigil ako sa pag aayos ng maalala si tita.
'Oo nga pala. Si tita pa.'
Napabuntong hininga nalang ako at tumalon pahiga sa kama niya.
"Sila Mel at Myra? Di mo tatanungin about sa contract?" Tanong ni Myra sa akin at umupo sa gilid ng kama niya.
Pumikit ako at sinagot siya.
"Actually, iniisip ko nga kung sasabihin ko eh. Baka mapahamak pa sila."
Nanahimik naman siya.
"Aray!" Daing ko dahil hindi ko inaasahang pagpalo niya sa akin ng unan.
"Ganon? Sa kanila concerned ka? Sa akin hindi?" Nakapout na sabi niya at inirapan ako.
'Baliw na.'
"Tss. Ewan! Sa Monday sasabihin ko nalang din sa dalawa."
Mayaman naman kasi si Myra at Melissa. Hindi na problema sa kanila ang tuition. Trip lang talaga nila ang magjeep dahil gusto nilang maging independent.
"Oy!" Tawag sa akin ni Mira.
Itinagilid ko naman ang ulo ko at tinignan siya.
"Kung sakaling pumayag yung dalawa, sino babantayan mo?" Tanong niya sa akin at nahiga sa tabi ko.
Napaisip din naman ako sa tinanong niya.
'Sino nga ba?'
"Hmm. Si Melissa kasi ay malamang si Nicholas ang pipiliin." Sambit ko sa kanya.
Narinig ko namang bumungisngis siya at maya maya ay umupo bigla.
"Hahaha! Hindi kaya delikado yang Nicholas na yan kay Mel?" Natatawang tanong niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Hindi naman siguro gagawa ng ikakasakit ni Nicholas si Mel. Ikaiinis lang." Dugtong ko pa sa sinabi ni Mira.
"Hahaha! Eh si Myra kaya? Sino kaya pipiliin niya? Nakilala mo na ba silang lahat na magpipinsan?"
Napailing naman ako sa tanong niya. Umupo na din ako at kinapa ang phone sa bulsa.
Agad na binuksan ko ito at ipinakita sa kanya ang mga larawan.
"Watdapak! Kailangan ba talaga pag gwapo isa, gwapo lahat?!" Sigaw na sabi niya at nakangangang nakatingin sa picture ng apat.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
'Legit. Kailangan ba talaga gwapo silang lahat?'
"Ba't may picture ka nila?" Tanong niya sa akin habang nakatingin parin sa phone ko.
"Sinend sa akin ni Butler Rico. Para daw kilala natin yung babantayan natin." Sagot ko at naghikab.
Papikit pikit na ako dahil sa antok. Kaya naman hinayaan ko nalang dumaldal si Mira doon at natulog na.
MIRA
Napatango naman ako sa sinabi niya.
Hanggang ngayon ay nakatingin pa din ako sa picture nila dahil pakshet lang kasi talaga! Nakakainggit naman kasi! Ang gwa gwapo nila!
Pinindot ko ang picture ng isang lalaki at lumabas ang information tungkol sa kanya.
Nicholas Ford
•A senior high school student.
•17 Years Old.
•His parents are Madison Alonzo and Richard Ford.
•He is a famous actor and international model.
•Intelligent in all the subjects except mathematics.
'Ah! Siya pala yung crush ni Melissa.'
Rence Ford
•A senior high school student.
•18 years old.
•His parents are Lance Ford and Reigna Morales
•He owns one of the largest and biggest corporation in the world.
•He is the youngest and most famous business tycoon.
•His commpany is a sole proprietor.
•Intelligent in all the subjects except Filipino.
'Mukhang seryoso sa buhay to ah!'
Ross Alvin F. Dela Vega
•A senior high school student.
•18 years old.
•His parents are Myreia Ford and Ronald Dela Vega
•Has an average grade in all subjects.
'Ay! Ang gwapo! Sa kanila siya ata ang pinakasimple.'
Nilipat ko na ang picture niya at pinindot ang picture ni Jeremy.
Jeremy Ford
•A senior high school student.
•18 years old.
•His parents are Jeffrey Ford and Remy Swift.
•The playboy.
•Poor in all subjects.
'Jusko! Di na talaga nagseryoso sa pag aaral tong lalaking to.'
Napailing nalang ako sa naisip ko.
"Ella. Kung papapiliin ka sa kanila, sino pipiliin mo?"
Hindi naman ito sumagot sa tanong ko kaya naman ibinaba ko ang phone niya at tinawag siya.
"Ella. Sino ba—" naputol ang tatanungin ko ng mapansin na mahimbing na pala siyang natutulog dito.
Nakita kong may tumulo ng butil ng luha galing sa mata niya at bumulong pa siya
"Papa." Mahinang tawag niya at tumulo uli ang luha niya.
Hindi ko mapigilang maawa sa sitwasyon ng kaibigan ko ngayon. Kahit anong sakit yung naramdaman niya, nakangiti parin siya at tinatago ang lungkot.
Napailing naman ako.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mukha niya at kinumutan siya.
"Bes. Ano mang gawin mo, nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan gaya ng ginawa nila sayo."