webnovel

Chapter 16

ELLA

"What happened to you this past few days?" Tanong ni Mira sa akin na namumugto ang mata ngayon.

"I hunted down the group who beated up my sister." Kibit balikat na sabi ko sa kanya.

"Pano mo sila nakita?" Tanong pa ni Mira sa akin.

"I have a source."

"Sino?" Agad na tanong ni Melissa sa akin.

Nginitian ko naman siya at kinindatan.

"Secret."

Sumimangot naman ito sa akin at inirapan ako.

"Anong ginawa mo Ella?" Naghihinalang tanong ni Myra sa akin.

"Dinoble ang ginawa nila kay ate." Simpleng sagot ko lang sa kanya at sumandal sa bench dito sa park.

"Paanong dinoble Ella?" Tanong naman ni Melissa sa akin.

Itinaas ko ang tingin ko sa makulimlim na langit at ngumiti.

"Binalian ko lang naman ng buto sa paa tapos sa braso."

"ELLA! Anong doble doon?!"

Agad akong napatingin kay Mira na nanlalaki ang mata ngayon.

Ngumiti akong muli at kinindatan siya.

"Bakit? Doble kaya yon. Dahan dahan ko pa ngang binali buto nila eh."

"My ghad Ella! Higit pa sa triple ang ginawa mo!" Hysterical na sabi naman ni Melissa sa akin.

'Lah. OA neto. Higit pa daw sa triple? Eh ang simple nga lang nung ginawa ko eh.'

"Stop playing innocent Ella! Wag mong tinatabingi yang ulo mo na parang wala kang ginagawang masama!" Dagdag pa ni Mel sa akin.

"Tss! Wala akong ginagawa!" Depensa ko naman sa sarili ko.

"Ella." Huminto naman kaming tatlo at tumingin kay Myra.

"Anong sinabi mo sa kanila?"

"Hah! Ano pa ba? Syempre yon!"

Nagtinginan naman kaming apat at ngumiti.

Ngiting nakakatakot. Ngiting walang awa. Ngiti na maaaring magbigay bangungot sa iyo.

"Do it once, I'll let you live. But do it twice, I'll let you suffer until you die." Sabay sabay na sabi namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ELLA

"Seryoso na Ella. Paano mo sila nahanap?" Tanong ni Mira sa akin.

Kumuha ako ng biscuit sa table at humiga sa mahabang sofa nila.

Nandito ako ngayon kila Mira. Yung dalawa ay pinauwi ko na dahil may dapat pa kaming pag usapan ni Mira.

Nakigaya naman sa akin si Mira at kinain ang dalawang piraso ng Marie.

Kinain ko naman ang isang piraso ng Marie at sinagot ang tanong niya.

"Sa lolo ni Jeremy."

*Cough *Cough

"Ella! T-t-tubig!" Sigaw ni Mira sa akin at agad na tinakpan ang bibig.

Nagmamadali naman akong nagsalin ng tubig at ibinigay sa kanya.

Agad naman niya itong tinanggap at straight na ininom.

Ilang sandali pa ay nakarecover na siya sa pagkasamid pero ang mata ay nanlalaki pa din.

"Si Jeremy?!"

'Lah. Nabingi na to.'

"LOLO ni Jeremy! Ano ba? Binanggit ko lang si Jeremy nagkaganyan kana?" Asar kong tanong sa kanya.

Pikunin yan eh! Haha.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at inirapan ako.

"Paano mo siya nakilala?"

Napabuntong hininga naman ako.

'Time na din siguro para ikwento ang nangyari sa party pati sa Contract.'

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

FLASHBACK

"One week."

Agad akong bumitaw sa yakap ko kay Mira at nagmadali ng umalis.

'I have to find those bastards.'

Ang mga sugat ni ate Stella. Ang mga pasa niya. Ang namumutlang itsura ni ate.

Agad akong napakuyom dahil sa sitwasyon ni ate Stella ngayon.

'Dodoblehin ko ang mga mangyayari sa inyo.'

Napatigil ako sa paglalakad nang may nararamdaman akong sumusunod sa akin.

"Who are you?!" Malakas at madiin kong tanong sa paligid ko.

Agad naman itong nagpakita sa akin at kumaway.

"Miss Kelly? Or should I say Ella?" Tanong ng isang lalaki na naka itim na suit.

"Who are you?" Tanong ko ulit sa kanya.

"I'm butler Rico. Server of Mr. Ford." Pagpapakilala niya at yumuko bilang paggalang.

Nagrelax naman na ako ng malaman na tauhan pala siya ng mga Ford.

"What do you want?"

Umayos ito ng tayo at lumapit sa akin. Agad naman akong naging alerto dahil baka mamaya ay patibong lamang ito.

"Mr. Daniel Ford wants to see you." Mahinang sabi nito at lumayo muli.

Sandali naman akong natulala dahil sa sinabi niya.

"Para saan?" Tanong ko sa kanya dahil wala naman akong naaalalang may nagawa akong masama.

"Mas maganda po siguro kung sumama nalang kayo samin." Magalang na sabi niya at naglakad papunta sa isang itim na kotse.

Nalilito man ay napabuntong hininga nalang ako.

'Ano bang nangyayari sa buhay ko?'

Agad akong sumunod kay Butler Rico at pinagbuksan niya naman ako ng pintuan.

Umupo na ako sa likod at tinanong siya.

"Saan ba kami magkikita?"

"In their company, Ms. Ella."

Tumahimik naman na ako at hinayaan nalang siyang magdrive papunta sa kumpanya ng Ford.

Mabilis na nakarating kami sa kumpanya nila.

'Daniel Ford, the CEO and the grandfather of Jeremy and Nico.'

Iginaya ako ni Butler Rico sa isang room at pinaupo sa mahabang silya.

"Mr. Ford will be here in a minute."

Tumango nalang ako at nilinga ang mata sa kabuoan ng silid na ito.

Agad na tumigil ang mata ko sa salamin na kaharap ko.

'Tss.'

Namumula pa din ang pisngi ko, yung labi ko ay pulang pula dahil sa dugo kanina. Ang buhok ko ay parang isang linggo ko ng hindi sinuklay. Ang damit ko gusot gusot na.

Buti nalang nakasapatos ako at nakapants.

'Onti nalang mukha na akong pulubi.'

Idagdag mo pa na may dala akong maleta.

"Ehem."

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang pasimpleng ubo na iyon.

Agad akong tumayo at nagbow sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Good Evening Mr. Ford."

Ngumiti naman siya at umupo na sa upuang nasa tapat ko lang.

"Good Evening Ms. Ella. Please take your seat."

Umupo naman na ako at tumingin sa kanya.

"Bakit niyo po ako pinapunta dito?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Nakatitig siya sa akin at napakunot ang noo ng makita ang kabuoan ko.

"What happened to you?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin. Not minding my question.

Nagkibit balikat ako at ngumiti ng maliit.

"Got beaten up and my sister's not well."

Mas lalong kumunot ang noo niya at natahimik.

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para magtanong sa kanya.

"Bakit niyo po ako pinapunta dito?"

Natauhan naman siya at sumandal sa upuan niya.

"Well, I have a proposal for you."

Agad na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Can you be a tutor and a guard of my grandsons?"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"What makes you think I would accept your absurd proposal?"

Napabuntong hininga naman siya at sumagot sa tanong ko.

"Nalaman ko sa mga tauhan ko na hindi ka pinag aaral ng iyong mga magulang kaya naman nag trabaho ka as a server sa isang sikat na cafe para matustusan mo ang tuition mo. Kilala na kita Mikaella Faye Rodriguez. Isa kang In-"

"Enough." Pagputol ko sa mga sinasabi niya.

"What's the condition?"

Ngumiti naman ito sa akin at itinaas niya ang kamay niya.

Agad na lumapit si Butler Rico sa akin at may ibinigay na sobre.

Kinuha ko naman iyon at tinignan si Mr. Ford.

"Open it." Utos niya sakin.

Dahan dahan kong binuksan ang sobre at nakita ang letter.

Agad akong napangiti ng mabasa ang laman ng sulat.

"I will pay your tuition until you graduate college. You can choose any course and any school you want. Only if my grandsons would graduate seniorhigh with a high grades. Once they got grades 90 and below, our contract would be terminated." Sabi nito sa akin.

"You will also receive your allowance every month together with your salary."

Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya.

"Do you want to accept the deal?"

Napabuntong hininga na naman ako sa pagiisip.

Gustuhin ko mang tanggapin ang offer ay alam kong mahihirapan ako para sa magiging task ko.

"I'm sorry sir but guarding all of your grandsons is a bit impossible for me right now."

'Kailangan ko pa kasing hanapin ang mga nambugbog kay Ate.'

Hindi naman nawala ang ngiti ni Mr. Ford sa sinabi ko.

"I can help you find the group who beated up your sister."

Agad akong napatayo sa sinabi niya at inilahad ang kamay. Walang pag aalinlangan kong nginitian si Mr. Ford

Bahagya namang nagulat si Mr. Ford sa inasal ko.

"I accept your offer Mr. Ford."

Tumayo na din ang matanda at ngumiti sa akin.

Inabot niya din ang kamay niya sa akin at nakipag shake hands.

"No need for formalities Iha you can call me lolo if you like. And also, about guarding my grandsons, you can call your group for help. I can also give them a scholarship grant if they'll accept the deal."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thank you po sa offer ninyo. I'll try to ask my friends about that."

Tumango naman ito sa akin.

"Mauuna na po ako Sir. I have some unfinished business to take care of." Sabi ko sa matanda.

'Kailangan ko pang maghanap ng matitirahan.'

Ngumiti naman ito sa akin at iginaya na ako sa pintuan.

"The contract and the informations about the group will be sent to you immediately once we found them."

Tumango naman na ako at ngumiti sa kanya. Agad na akong nagmadali sa paglalakad nang tawagin ako ni Butler Rico.

"Miss Rodriguez! Your baggage is still in the office." Pahabol na sabi ni Butler Rico sa akin.

'Shems! Muntik ko na makalimutan gamit ko!'

Napansin ko namang napakunot ang noo ni Mr. Ford sa sinabi ni Butler Rico.

"Are you going somewhere Ms. Rodriguez?" Nagtatakang tanong nito sakin.

"I got kicked out of the house." Kibit balikat kong sagot sa tanong niya.

Bahagya itong nagulat sa sinabi ko pero mabilis din itong nakarecover. Agad na nagliwanag ang mukha niya at ngumiti sa akin ng pagkalaki laki.

"You can stay in my grandsons mansion if you like."

Agad akong umiling sa sinabi niya at tinanggihan siya.

"I'm sorry for declining your offer but it's inappropriate for a girl to live in a house of men. Plus, I wouldn't risk your name to be dragged out by me."

Nagbow na ako at tumalikod na.

"Miss Rodriguez!"

Napangiwi naman ako sa pagtawag ng matanda sa akin.

'Hays. Bakit parang gustong gusto niya akong patirahin don?!'

Lumingon naman ulit ako sa matanda at ngumiti.

"Yes sir?"

"How can you protect my grandsons if you're far from them? It's necessary for you to live in there since it is your job to be with them every time. And about that matter you are concerned about, I'll take care of it as soon as possible."

Napatigil naman ako ng dahil sa sinabi niya.

He has a point.

Maaaring mapahamak sila habang wala ako.

Napabuntong hininga naman ako sa sobrang frustration.

"Alright. I'll live with them."

*FLASHBACK ends*

Siguiente capítulo