webnovel

Chapter 2

Hindi ba kayo nagtataka kung paano naging kami? Kasi ako nagtataka kung bakit hindi nyo tinatanong.

Ganito kasi yan.

2012, Summer noon nang napagpasyahan namin nang Pamilya ko na magbakasyon sa Batangas kung saan nakatayo yung isang Foundation na kung saan ay isa ang Pamilya namin sa nag iisponsor. Para yun sa mga bata na walang pamilya at sa mga matatanda na iniwan nang mga kamag-anak nila. Every summer ay naglalaan kami nang isang linggo para lang makasama at makisaya sa Foundation.

Ayun nga, hindi sana ako sasama noon dahil na din sa hectic nang sched sa school kaso hindi naman ako active sa School kaya napagpasyahan ko nalang din na sumama. Ilang oras din ang byinahe namin para lang makapunta doon. As usual, pagdating doon ay dumiretso muna kami sa bahay bakasyunan namin para ayusin yung mga gamit na dala namin. Sila Mama at Papa naman ay dumiretso agad sa Foundation para nga kumustahin yung mga tao doon, ako naman ay natulog muna dahil sa jetlag at pagod dahil sa byahe.

Pagkagising ko ay gabi na saka maingay sa labas nang kwarto ko. Sa pagkakaalam ko ay kami lang naman tatlo nila Mama at Papa yung nandito pati si Mang Paul na tagapangalaga nang bahay namin yung nandito, pero bakit ang ingay sa labas.

Pagbukas ko nang pinto ay may nakita akong lalaking kasing edad ko na nakatalikod sakin at kausap sila mama.

"Oh gising ka na pala, halika na at nakahain na ko nang kakainin." Sabi ni Mama.

Lumingon sakin yung lalaking ngayon ko lang nakita.

"Hello." Bati nya sakin.

"Ah Anak, si Nico nga pala…." Sabi ni Papa. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Papa o yung iba pang ingay dahil nag-echo yung boses nya sa tenga ko.

Hello..

Hello…

Hello..

Hello..

Hello..

"Anak? May masakit ba sayo?" rinig ko.

"Anak?" sabi ni Mama na nakapagpabalik sakin sa katinuan.

"H-ha?" wala sa isip kong sagot.

"Natulala ka dyan." Sabi ni Mama.

Huminga ako nang malalim nang ilang beses dahil yung puso ko, ayaw tumigil sa pagtibok nang mabilis. Para akong tumakbo nang ilang milya sa sobrang bilis nang tibok nang puso ko.

Napatakbo ako sa kusina para kumuha nang baso at sinalinan ito nang tubig. Mabilis ko naman itong ininom.

"Ayos ka lang?" tanong nya sabay kapit sa balikat ko.

*poff!!!*

Naibuga ko lahat nang tubig sa bibig ko.

Noong kinapitan nya kasi ako sa balikat at parang may kuryenteng biglang dumaloy mula sakanya patungo sakin. Nanlaki yung mata ko at inalis ko nang mabilis yung kamay nya saka lumayo sa kanya.

Tinuro-turo ko sya.

"HUWAG KANG LALAPIT SAKIN!!!!!!" sigaw ko sabay takbo sa kwarto at ni-lock ito.

Dumiretso ako sa banyo at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.

Kitang-kita ko kung paano mamula ang tenga ko.

"Anong nangyayari sakin?!" sigaw ko sabay turo sa repleksyon ko.

"Baka masamang demonyo sya. Baka gusto nya kong kainin. Baka gusto nya kong dalhin sa kasamaan. Baka gusto nya kong sapian. Baka---"

"Baka gusto mo sya." May nagsalita sa may pinto.

"WAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko sabay napaupo sa sahig.

"Ma!! Demonyo—teka, anong sabi mo Ma?" sabi ko sabay tayo noong narealize ko yung sinabi ni Mama.

"Ang Anak ko, binata na." sabi ni Mama sakin sabay kapit sa magkabilang pisngi ko.

"Ma, hindi ko nga kilala yun. Saka, bakit naman ako magkakagusto dun eh lalaki yun." Sagot ko kay Mama.

Hinarap ako ni Mama sa salamin.

"Kita mo yang pagkapula nang buong mukha mo? namana mo yan sa Papa mo. Nagiging pula ang mukha nya sa tuwing napapalapit sa kanya yung gusto nya. Kaya kapag nagkakaganyan sya dati sa iba, hampas..palo..suntok..sampal..sipa at kung anu-ano pa yung binibigay ko sa kanya. Hay naku, naaalala ko na naman ang nakaraan." Sabi ni Mama habang natatawa.

Napatingin ako sa salamin.

Totoo kaya? Na may gusto ako sa lalaking nasa sala ngayon nang bahay namin?

"Ma, hindi ako bak—" di ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang sumabat si Mama.

"Anak ang Love, walang pinipiling kasarian yan. Kapag tinamaan ka, wala ka nang magagawa. Wala namang pake si Mama kung mapalalaki o mapababae ang magugustuhan mo, as long na masaya ang anak ko masaya na din ako." Sabi nya sabay ngiti.

Biglang may kumatok sa pinto nang kwarto ko.

"Mahal, Anak, kakain na." si Papa.

Lumabas kami ni Mama sa kwarto at nakita ko sya at si Papa na nakaupo na sa upuan sa harap nang mesa.

Habang kumakain ay tiningnan ko sya.

Gusto ko ba talaga itong lalaking ito?

Napabalik yung tingin ko sa pagkain nang tumingin sya sakin.

"Nga pala Anak, si Nico pala yung makakasama mo sa  performance mo bukas sa foundation." Sabi ni Papa.

Pagkatapos namin kumain ay naupo kami sa sala dalawa.

" Ito nga pala yung kantang kakantahin natin bukas. Yung mga nasa foundation na yung pumili nang kantang kakantahin natin sa kanila bukas. Hindi na daw kasi sila nakakarinig nang mga old songs sa radyo, puro bago na daw kasi." Sabi nya.

Habang nagsasalita sya ay nakatingin lang ako sa kanya.

"Okay ba sa iyo?" tanong nya.

"H-ha?" wala sa isip kong tanong.

Napakamot sya sa batok.

"Sorry, ano ulit yun?" tanong ko.

"Sabi ko, ito yung kakantahin natin para sa kanila." Sabi nya.

Tiningnan ko yung kanta.

'On The Wings Of Love.'

"Gawin nalang nating Acoustic version, ayos ba sayo?" tanong nya sakin.

"Sige." Sagot ko.

Habang patagal nang patagal ay nagiging komportable na akong kasama sya.

Nalaman ko ding isa pala sya sa mga pinaampon nang mga magulang nya sa foundation. Noong sanggol palang sya ay iniwan nasya doon dahil daw di pa kayang maging Ina at Ama nang mga tunay nyang magulang dahil nga sa sila ay teenagers pa noong mga panahong iyon.

"Pero kahit ganun yung nangyari, gusto ko parin makita sila." Nakangiti nyang sabi.

Bigla syang napatayo.

"Ay shoot!! 11pm na. kailangan ko nang bumalik sa foundation." Sabi nya.

Kinapitan ko yung kamay nya.

"Madilim na sa daan, dito ka na matulog." Sabi ko sa kanya.

"Huwag na. nakakahiya." Sabi nya.

"Wala naman akong kasama dito eh. Magpapalipas nang gabi sila Mama at Papa doon para ayos na yun bukas." Sabi ko.

"Sige. Sa sofa—"

Hindi nya na natapos yung sasabihin nya dahil hinila ko na sya sa kwarto ko.

"Dito ka na matulog. Doon nalang ako sa kwarto nila Mama matutulog." Sabi ko.

Kinabukasan ay sabay na kaming pumunta sa  foundation.

Pagkatapos nang ilang palabas ay tinawag na kaming dalawa sa maliit na stage.

Umupo kami dalawa sa upuan na inilagay sa stage.

"Palakpakan po natin sila." Sabi nang Mc na si Kuya Raphy.

"Ready ka na?" tanong ko sa kanya.

Tumango sya sabay strum nang gitara nya.

Habang kumakanta kami ay makikita sa mga mukha nilang lahat na masaya sila.

After naming kumanta ay oras nan para kumain.

Naging masaya naman ang buong araw na iyon.

Pagkatapos noon ay araw-araw na akong pumupunta doon para makausap sya.

Isang araw ay nakita ko sya sa labas nang main door nang foundation kasama si Ate Lordes, sya yung nagmamanage nang foundation.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Dadating na kasi yung aampon sa kanya Hijo. Hindi mo ba sinabi sa kanya Nico?" sabi ni Ate Lordes.

Parang yung feeling ko noon is parang gumuho lahat nang kung ano ako.

Tahimik lang kami don hanggang sa dumating yung putting kotse na pagmamay-ari nang aampon sa kanya.

"Pwede ko bang mahingi yung number mo." sabi nya.

Tinalikuran ko lang sya saka umuwi sa bahay namin.

"Oh, akala ko ba pupuntahan mo si Nico." Sabi ni Mama.

" Kailan po tayo uuwi satin?" tanong ko kay Mama.

"Sa susunod na araw anak, bakit mo natanong?" sabi nya.

"Gusto ko nang umuwi." Sabi ko sabay pasok sa kwarto ko.

Yung araw na pauwi na kami ay para akong nakainom nang maraming energy drink dahil sa sobra kong hyper.

Pagdating sa bahay ay nagpaalam agad ako kila Papa na pupunta ako kila Ninong.

Nagdoorbell ako nang ilang beses.

"Oh, Kael napadalaw ka." Bati sakin ni Ninong.

"Nabalitaan ko kasi Ninong na nandito na yung ano.." di ko alam yung tatawagin sa kanya.

"Ah oo. Noong isang araw namin sya inampon. Halika, ipapakilala kita." Sabi ni Ninong.

Pumasok kami sa bahay nila.

Nakita kong pababa sya nang hagdan dahil tinawag sya si Ninong.

"Kael sya nga pala si Nico, ang anak namin nang Ninang Adele mo." pakilala sa akin ni Ninong.

Halata sa mukha nya ang pagkabigla.

Hindi ko na napigilan at nayakap ko sya.

"Masaya akong makita kang muli." Buong ngiting bulong ko sa kanya habang yakap sya.

"Ako din." Bulong nya.

At dyan nag-umpisa ang lahat. Kung paano naging kami? Secret ko na yun, baka gawin nyo rin yung damoves ko eh.

Balik tayo sa ngayon.

Nandito ako sa labas nang bahay nila. Gusto ko kasing kasama sya pumasok ngayong umaga. Saka iba na ang panahon ngayon. Marami nang gag* at mga ul*l ngayon na kumakalat.

Lumabas na sya sa pinto nila.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.

"Sinusundo ka." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako.

"Dinala ko nga pala yung bike ko. Angkas na." sabi ko sa kanya.

May upuan naman sa likod ko kaya ayos lang.

"Sige." Sagot nya sabay upo sa likod ko.

" Humawak ka nang mabuti, baka malaglag ka." Sabi ko sa kanya.

"Di na ko mahuhulog, nahulog na ko sayo eh." Bulong nya na narinig ko.

"Ano?" maangmangan kong tanong.

Pero imbis na ulitin nya yung sinabi nya ay binatukan nya lang ako.

"Sabi ko, bilisan mo na. Malilate na tayo." Iritang sabi nya.

"Ito na nga po, aandar na." sabi ko.

Buong araw akong nakangiti. Ikaw ba naman sabihan nang ganun nang mahal mo, ewan ko lang talaga kung di ka maulol.

Lahat nang makasalubong ko sa school binabati ko nang magandang umaga. Nilibre ko lahat nang nasa cafeteria kanina.

Maraming nagtataka sa inaasal ko.

Pero wala akong pake sa kanilang lahat.

Basta masaya ako ngayon, at walang makakasira noon.

*****

XoXo

Siguiente capítulo