webnovel

Chapter 3

Paggising ko ay agad kong kinapa ang cellphone ko para itext si Mahal, kaso wala akong makapa kaya umupo ako sa kama at hinalughug ito.

Hinanap ko sa ilalim nang kama, wala din.

Biglang pumasok sa kwarto ko si Mama.

"Ma nakita mo ba yung cellphone k—nasa iyo lang pala Ma eh." Nakita kong kapit nya yung cellphone ko, wallet ko, atm ko, saka yung pocket wifi ko.

Kukunin ko na sana sa kanya kaso itinago nya ito sa likod nya.

"Grounded ka ngayong araw." Sabi nya.

Ako naman ay nagulat kaya napanganga ako.

"Eh Ma, ano bang nagawa kong mali?" tanong ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko is kapag bumagsak lang ako sa mga subject ko at kung nalilate ako nang uwi kaya nya ko binabawalang hawakan yung mga gadgets ko.

"Wala lang." sabi nya sabay lakad palabas nang pinto nang kwarto ko.

"Ma!!" habol ko sa kanya.

Kinapitan ako ni Papa sa balikat.

"Hayaan mo na muna ang Mama mo, nababaliw na naman." Sabi ni Papa.

"Anong kinuha nya sayo Pa?" tanong ko kay Papa.

"Wallet,susi nang kotse saka cellphone ko. Magkocommute nalang siguro ako. Buti nalang at may naitago akong pera pamasahe" Sagot nya sakin.

"Kung kailan Valentines Day saka sya nagkaganyan." Bulong ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap nang mga nagkalat na pera.

Nakakita naman ako nang 200 sa drawer. Naghanap din ako nang pera sa bag ko. Kinse pesos lang.

Hays, anong magagawa nang ganitong kaliit na pera ngayong araw na ito.

Napaupo ako sa kama at napayuko.

Umalis ako nang bahay nang may sama nang loob. Pwede naman kasi bukas eh, ba't ngayon pa?

Habang naglalakad ako ay marami akong nakikitang mga couples na may mga dalang lobo, bulaklak, tsokolate, at marami pang iba.

"AAAARRRRRRRGGGGHHHHH!!!" sigaw ko kaya napalayo silang lahat sakin.

Pagdating ko sa school ay kinuha ko yung cellphone nang classmate ko.

"K-K-ael.." nanginginig nyang sabi sakin.

Kinuwelyuhan ko sya.

"May angal ka?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman sya kaya binitawan ko na yung kwelyo nya.

Dinial ko yung number nang Mahal ko.

Kaso di nya sinasagot.

Nakailang beses kong dinial kaso hindi talaga nya sinasagot.

Doon na ako natakot. Mabilis kong tinungo ang bahay nila.

"Tito." Bati ko kay Tito na nagwawalis sa labas nang bahay nila.

"Oh Kael, kanina pa nakaalis si Nico. Hindi ba kayo magkasama?" tanong nya sa akin.

Di ko na nasagot si Tito dahil tumakbo na ako para hanapin sya.

Ba't kasi ngayon pa si Mama nagkaganun eh.

Napadaan ako sa eskinita.

Hindi sana ako titigil nang hindi ko narinig yung boses nya.

"Tigilan nyo na nga ako." Rinig kong sabi nya.

Bigla naman akong napatingin kung saan ko narinig yung boses nya.

Nakita kong nakorner sya nang limang tsonggo. Mukhang gusto pa ata syang holdapin.

"Kung ayaw mong masaktan bata, ibigay mo na yang bag mo." sabi nang isa na mukhang lider-lideran nang grupo nila.

"Kung kaya nyong kunin." Nakangising sabi ni Mahal.

Ako naman ay sumandal nalang sa poste habang pinapanood sila.

"Ayaw mo talaga ha." Sabi noong isa sabay amba nang suntok kay Mahal.

Matapos ang dalawang minuto ay lumapit na ako kay Mahal. Kinuha ko ang kamay nya at pinunasan nang panyo. Di ko pala nasabi sa inyo. Marunong magself defense ang Mahal ko, kaya takot ako sa kanya kapag nag-aaway kami.

"Sabi sayong mag-iingat ka eh. Ayan tuloy, nadumihan yung kamay mo." sabi ko sa kanya tapos ay tiningnan ko yung limang ulul na tulog sa eskinita.

"Gusto pa ata akong holdapin." Sabi nya.

"Late na tayo sa first class." Dugtong pa nya.

"lakwatsa nalang tayo." Sabi ko sa kanya sabay hila patungo sa parke.

Kaso mali ata yung dinala ko sya doon. Lahat kasi nang couple may mga dalang pulang lobo at rosas.

"Ang totoo kasi nyan Mahal, grounded ako ngayong araw. Wala akong cellphone at pera." Sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba. Ayos lang." pagchicheer-up nya sakin.

Naupo kami sa isang bakanteng bench sa parke.

"Wait lang ah." Sabi nya sabay takbo palayo.

Nakita kong pumasok sya sa isang store.

Paglabas nya ay may dala syang snacks at isang tela.

"Anong gagawin natin dyan?" tanong ko sa kanya.

Inilapag nya ang tela sa damuhan at inilagay yung mga pagkain sa itaas.

"Picnic tayo." Nakangiti nyang tugon.

Hinubad ko yung sapatos ko saka sumampa sa telang ibinili nya.

Buong araw kaming nandoon.

Habulan dito, habulan doon.

Kulitan dito, kulitan doon.

Kwentuhan.

Hanggang sa ginabi kami dalawa doon.

"Haayyyyyy…" ako sabay higa sa lapag.

"Haaayyyyyy…" sya sabay higasa tabi ko.

"Ang ganda nang mga stars ngayon." Sabi nya.

Napatingin ako sa kanya.

"Parang ikaw.." bulong ko na maririnig nya.

Tumingin sya sakin saka ngumiti.

"Bar tayo." Sabi nya.

Natakot ako sa sinabi nya.

"Uhm, nagtext na si Mama na kailangan ko na daw umuwi. Halika na, ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko habang aligagang sinusuot yung sapatos ko.

Umupo sya sabay tingin sakin.

"Wala kang cellphone diba? Ako ba pinagloloko mo?" seryosong sabi nya.

*gulp*

Halos mahimatay ako sa tingin nya.

"Ay, oo nga pala." Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Kung ayaw mo kong samahan, edi wag. Ako nalang ang pupunta doon." Sabi nya sabay tayo.

"Oo na. Sasama na" sabi ko.

Ayoko lang talaga syang uminom, hindi dahil sa pinagbabawalan ko dahil nga masama iyon sa kalusugan kundi dahil nag-iiba sya tuwing nakainom.

Pagpasok namin sa bar ay usok nang sigarilyo, malakas na tugtugan at mga patay-sinding ilaw ang bumungad samin.

Pumunta kami sa bar counter saka nag-order nang maiinom.

"Ubusin natin ito!!!" sigaw nya sakin.

Sa isang bote nang beer ay lasing na kaagad sya. Mahina kasi ang tolerance nya pagdating sa alak.

Tiningnan ko sya, sya naman ay kita mo na sa mata nya na lasing na talaga sya.

"Uwi na tayo Mahal." Sabi ko sa kanya.

"Isha pa puleashe." Sabi nya.

Sa pangalawang beer nya, doon na sya naging wild.

Kinapitan nya ako sa kwelyo saka nilapit sa kanya.

"Ikaw ha.." umpisa nya.

Napalunok ako nang laway dahil nag-uumpisa na sya.

"Kapag ikaw thalaga nakisha kong may kashamang babae, pushol yang junjun mo shakin. Naiintindihan mo?!" sigaw nya sakin.

"Opo!!" sigaw ko din sa kanya kasi baka di nya marinig.

Bigla nya akong sinampal.

"Ba't mo ko shinishigawan?!" sigaw nya din sakin pabalik.

"Sorry po." Sabi ko sa kanya.

Bigla nya ulit akong sinampal.

"Lakashan mo!! di kisha marinweg!!!" sigaw nya.

Pangatlong bote nya.

Suntok dito, sampal doon.

"I love you." Bulong nya sakin.

"I love you—" di ko natapos yung sasabihin ko dahil sinampal nya ako magkabilaan.

Ikaapat na bote.

"Halika na, lasing ka na." sigaw ko sa kanya upang marinig nya.

Hinawakan ko yung kamay nya ngunit inilayo nya sakin yung sarili nya sabay yakap sa sarili nya.

"Huwag mo kong hawakan. Loyal ako sa boyfriend ko!! Huhuhu" sigaw nya sakin sabay iyak sa dulo.

"Mahal!! Ako ito!! Si Kael!!! Boyfriend mo!!" sigaw ko sa kanya upang marinig nya.

"Huh?! May boyfriend ako?! Di nga?! Kailan naging tayo?!" sigaw nya pabalik.

Napakapit nalang ako sa ulo ko.

Nailabas ko sya sa bar nang nakainom sya nang ikalimang bote nya.

Buhat-buhat ko sya sa likod habang naglalakad pauwi. Kapag kasi sumakay kami, nahihilo sya lalo.

Sinabunutan nya ako.

"Kyahh!! Tigidig- tigidig!!!" sigaw nya sabay talon-talon sa likod ko.

"Mahal, matulog ka nalang sa likod ko." Sabi ko sa kanya.

Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Boyfried ko.." tawag nya sakin.

"Po?" sagot ko sa kanya habang buhat-buhat padin sya habang naglalakad.

Napasinghap sya saka napatakip nang bibig.

"May boyfriend nga talaga ako. Akala ko nananaginip lang ako." Bulong nya na rinig ko naman.

Napailing nalang ako saka napangiti.

Ilang segundo ay di ko na sya narinig pa. tiningnan ko sya saka ko napagtanto na tulog na pala sya sa likod ko.

Pagdating ko sa bahay nila ay pinagbuksan ako ni Tita at ni Tito nang gate saka pinto.

"Anong bang nangyari at nalasing itong Anak ko." Alalang tanong ni Tita.

Inihiga ko sa kama nya si Nico.

"Di ko na po napigilang uminom." Sabi ko.

"Malaki na sya Mahal, alam nya na yung tama at mali." Sabi ni Tito kay Tita.

"Uuwi na din po ako Tito, Tita." Paalam ko sa kanila.

"Sige, ingat sa pag-uwi." Sabi ni Tito.

Aalis na sana ako nang bigla syang umupo sa kama nya saka hinawakan nya yung braso ko.

"Ma,Pa may boyfriend na ko." Sabi nya sabay ngiti.

Natawa naman kami tatlo sa inasal nya.

"Dito ka na matulog Hijo, alam kong di ka bibitawan nyan." Sabi ni Tita.

"Mukhang ganun na nga po." Sabi ko sabay kamot sa batok.

"Don't worry, kami nang bahala magpaliwanag sa parents mo." sabi ni Tita saka lumabas na silang dalawa nang kwarto.

Hinila naman ako pahiga ni Nico sa higaan nya.

"Boyfriend ko.." tawag nya sakin.

"hmm?" sagot ko.

"Paano ba naging tayo?" tanong nya sakin.

"Ganito kasi yan Mahal." Sabi ko saka inumpisahan yung kwento namin dalawa.

Nahinto lang ako noong nakita kong nakatulog na sya sa bisig ko.

"At namuhay sila nang maligaya hanggang sa huli.." bulong ko sa tenga nya sabay halik sa noo nya.

"Tulog na Mahal ko.." nakangiti kong tugon.

*****

XoXo

Siguiente capítulo