webnovel

Chapter 249

"Gusto ko sanang magrequest ng transfer ng patient." Sabi ko sa Nurse sa admin department.

Pinaalis ko muna si Martin nung walang mappuntahan yung usapan naming dalawa. Pagbalik ko sa Hospital, inasikaso ko kagad yung paglipat ni Papa.

"Ma'am nasa ICU pa p yung patient medyo mahirap po yung gagawing paglipat need niyo po munang kausapin yung attending physician nung patient."

"Andito po ba siya ngayon?" Magalang kong tanong.

"Nasa office niya po siya ngayon sa may room 213, punta nalang po kayo."

"Okay salamat!"

"Walang ano man!" Sagot ng Nurse sakin habang naka ngiti.

Mabilis akong pumunta sa itinurong kwarto ng Nurse, need ko kasing maayos ito kagad kasi feeling ko di ako titigilan ng pamilya ni Martin kaya mabuti pang lumipat na kami. Isa pa di maganda para kay Papa yung ganitong mga pangyayari, saka para kay Mama narin.

Naging maayos naman yung paglipat ni Papa ng hospital sa tulong ni Anna. May Tita kasi siya sa isa sa mga hospital sa Bulacan kaya naging mabilis yung proseso namin. Pati ambulance ay naayos niya kaya kahit papano pasalamat talaga ako at may kaibigan akong kagaya niya.

"Michelle, Bakit tumatawag sakin yung hospital na lilipat mo daw si Papa?" Sabi ni Martin sakin nung sagutin ko yung tawag niya. Tinatanong kasi sakin kanina ng hospital kung gusto ko daw kunin yung advance payment na binayad ni Martin pero sinabi ko tawagan nalang nila ito regarding dun kasi nga di ko din alam kung ano naging usapan nila.

"Oo, lilipat na namin siya!" Mahina kong sagot. Yun na din kasi ang gusto ni Mama para matahimik na daw siya.

"Saan?"

"Sa may Bulacan para malapit na din sa bahay!"

"Wait niyo ko, sasama ako!"

"Wag na! Paalis na kami."

"Mahirap mag-commute!" Reklamo ni Martin.

"Michelle tara na!" Sabi ni Christopher sakin ng pumasok siya sa kwarto yung ginamit namin nila Mama. Ako nalang kasi yung natira nauna ng bumaba sila Mama, pasunod narin sana ako kaya lng sinagot ko muna yung tawag ni Martin.

"Sino yun?" Galit na tanong ni Martin at dahil ayaw kong magsinungaling sa kanya sinabi ko yung totoo.

"Si Christopher....," di ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang sumigaw si Martin.

"KAYA PALA AYAW MO KONG PUMUNTA DIYAN KASI ANDIYAN NA PALA YUNG EX MO!"

"Hon!" Tawag ko sa kanya para sana kumalma siya pero lalo pa siyang nagalit.

"SASABIHIN MO NANAMAN SAKIN NA SIYA YUNG MAGHAHATID SAINYO KASI DI MAGAGALIT YUNG PAMILYA NIYA! BAKIT DI NALANG KAYO MAGSAMA!" Sabay baba niya sa tawag.

Napatingin na lang ako sa phone ko kasi nga binabaan niya ko. Balak ko sana siya uling tawagan kaya lang ako nalang hinihintay sa baba at paalis na kami kaya naisip ko mamaya nalang pag-naayos ko na lahat.

"Mukang nagalit si Martin ah!" Sabi ni Christopher sakin habang naglalakad kami pababa.

"Na miss-interpret niya! Paliwanag na lang ako mamaya pagdi na mainit ulo!" Sagot ko kay Christopher sabay ngiti ko sa kanya. Marahil narinig niya yung sigaw ni Martin kaya nasabi niya yun. Actually, wala naman talaga akong balak na magpasundo pa sana kaya lang si Anna kasi nagpumilit at mahirap nga daw mag-commute at nasa area naman daw sila kasi nga nag-aayos na sila ng documents para sa pagbalik nila sa ibang bansa. Knowing Anna di ako mananalo sa katigasan ng ulo niya pag may gusto dapat sundin kaya ito sila ang kasama ko. Ang masklap nga lang kasama niya si Christopher. Para sakin wala namang problema yun kasi kahit papano naging civil yung pagsasama naming dalawa at wala naman siyang pinapahiwatig na gusto niyang makipag-balikan sakin di gaya ni Elena kay Martin.

Makalipas ng ilang oras na biyahe at pag-aasikaso, natapos din kami. Balak ko na sanang tawagan si Martin ng tawagin ako ni Anna.

"Hoy Michelle mag eight na kailangan mo ng mag-ayos para sa interview mo!"

"Ha?" Gulat kong tanong.

"Anong ha? Ngayon yung interview mo! Bilis!" Sabay hila sakin papuntang sofa.

"Christopher, buksan mo muna yung laptop ko at connect mo sa zoom meeting nasa email ko yung link." Utos ni Anna at habang sinasabi niya yun ay sinusuklay niya yung mahaba kong buhok.

"Dahan-dahan naman!" Reklamo ko kasi sa pagmamadali niya nadidiin niya ng husto yung suklay sa anit ko.

"Wag kang magulo!" Reklamo niya. Hinayaan ko nalang siya para matapos na.

Ang bilis ni Anna at sa isang iglap ay naayusan niya ko at nabihisan. Take note kunpleto yung make-up niyang dala at damit para sakin, halatang pinaghandaan.

"Baka balak mong ngumit?" Sabi ni Anna habang inalapit na sakin yung laptop. Naka-on na yun at andun na yung mga-iinterview.

"Good Morning!" Masaya kong bati sa kausap ko sa zoom.

Lumayos sakin sila Mama, Mike, Anna at Christopher, tahimik nilang akong pinapanuod sa sulok. Naasagot ko naman lahat ng tanong ng kausap ko at nadala ko naman ng maayos yung sarili ko kahit yung puso ko ay malakas yung kabog.

"We will send you an email regarding the result of your application! Thank you and have a nice day!" Masayang sabi sakin ng kausap ko. HR siya sa company na pinapasukan nila Anna.

"Thank you!" Yun lang sabi ko bago naputol yung video call.

"Nasagot mo naman lahat, ako ng bahala!" Sabi ni Anna sakin habang niyakap ako na para bang sure na siya na matatanggap ako.

Nginitian ko lang siya kasi di ko alam yung isasagot kasi ang nasa isip ko si Martin. Nung mag-paalam sila Anna at Christopher samin, agad kong tinawagan yung laman ng isip ko pero out of coverage siya.

Naka-ilang tawag ako pero the same, "Galit parin!" Nasabi ko nalang sabay buntong hininga kung malapit lang ako sa Pad niya ay balak ko na sanang pumunta kaya lang napaka-inconveniet nung sakin.

"Baka bukas okay na siya!" Sabi ko nalang habang pinag-mamasdan ko si Mama na naka higa na at natutulog sa may kama. Si Papa kasi chine-check pa ng mga doctor pero once okay naman na ilalagay na siya sa regular room. Hanggang ngayon wala paring malay si Papa pero sabi ng Doctor normal lang daw yung kasi nagcope-up pa daw yung katawan niya. Baka daw after three to five days ay gigising na rin siya.

Siguiente capítulo