webnovel

Break-up

"Ate!" Tawag sakin ni Mike sabay abot sakin ng kape.

"Thanks!" Sagot ko sa kanya sabay gulo sa buhok niya.

"Aalis ka? Paano si Kuya Martin?"

"Di ko p alam!" Diretso kong sagot kasi yun ang totoo di ko pa alam kung anong dapat kong gawin.

"Alam ko wala akong karapatang magsalita pero alam mo naman na ikaw lang inaasahan namin ngayon Ate!" Sabi ni Mike habang nanggigilid yung luha.

"Alam ko yun! Wag kang mag-alala di ko kayo papabayaan. Dito si Ate para sa inyo, basta mag-aral kang mabuti ha at si Ate na ang bahala." Sagot ko sa kanya habang lumuha narin kasi ngayon ko lang nakita yung kapatid ko na labis na natatakot.

"Ate!" Sabi ni Mike at tuluyan ng umiyak habang naka yakap sakin.

"Shhhh tahan na! Wag ka ng mag-alala!"

"Sorry kasi wala akong silbi."

"Baliw! Wag mong sabihin yan, basta mag-aral ka lang at alagaan mo si Papa at Mama. Wag mong isipin yung pera ako ng bahala!"

"Hihingi ka ba ng tulong kay Kuya Martin?" Tanong ni Mike sakin pero di ako naka sagot.

"Tulog ka na!" Nasabi ko nalang sakanya habang muling ginulo yung buhok niya.

"Michelle!" Sigaw ni Anna sakin sa phone nung sagutin ko yung tawag niya kinabukasan. Parang natanggal lahat ng tutuli ko dahil sa pagkakasigaw niya.

"Bakit?" Mahina kong tanong habang kinakapa yung gilid ng mata ko baka kasi mat muta pa ko, kagigisng ko lang kasi.

"Okay na yung application mo aalis ka na sa Friday para sa training mo sa Singapore kaya need mo ng mag-ayos ng documents mo." Tuloy-tuloy na sabi ni Anna sakin. Di ako naka sagot kasi di ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak.

"Michelle!" Muling sigaw ni Anna.

"Narinig ko!"

"Eh bakit di ka sumasagot?" Sabi ni Anna na halatang naiirita.

"Pina-process lang ng utak ko, kagigising ko lang kasi!" Palusot ko.

"Oh siya sige magmumog ka muna! Basta ha sinabihan na kita sa Friday na alis mo. Se-send na nila mamaya yung plane ticket at hotel booking mo kaya bilisan mo mag-ayos ng papeles mo."

"Hmmm!" Tanging nasabi ko.

"Hays!" Buntong hininga ko ng maibaba ko yung tawag.

"Buti naman gising ka na! Naka-usap ko yung Doctor lilipat na daw si Papa mo dito mamaya kaya bumangon ka na diyan at papalitan ko yung bed sheet!" Pagtataboy sakin ni Mama sa kama pero di ko mapigilang mapangiti kasi nakita ko masaya siya kasi nga maalaggan na niya si Papa.

"Tumawag na si Anna sakin Ma!" Sabi ko kay Mama gabang nagpupunas ako ng muka ko ng tuwalya.

"Anong sabi?"

"Tanggap na daw po ako at sa Friday na yung alis ko!" Mahina kong sagot sa kanya. Biglang natigilan si Mama.

"Paano si Martin?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Ako na po bahala!"

"Michelle!"

"Ako na pong bahala! Uwi muna ako at kailangan kong pumunta sa office." Sagot ko kay Mama at tuluyan na kong umalis. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation at ayusin yung mga kakailanganin kong requirements.

Patapos na ko mag turn-over ng mga work load ko sa isa sa mga kasama ko ng tumunog yung phone ko. Laking gulat ko ng si Martin yung tumatawag sakin kasi simula nung nagtalo kami regarding sa paglipat ni Papa ay di ko na siya makontak.

"Hon!" Mabilis kong sabi sa kanya.

"Asan ka?" Galit niya sabi.

"Asa office!"

"Bumaba ka na, andito ako sa parking area!" Sabi niya sakin sabay baba ng phone. Halata sa boses niya na galit parin siya sakin. Mabilis kong niligpit yung gamit ko at pumunta ako kung nasaan siya.

"Bakit ka nagresign?" Tanong niya kagad sakin nung makapasok ako sa kotse. Nasa driver seat si Mang Kanor, samantalang kami ni Martin ay kapwa sa likod nakaupo.

"Usapan nalang natin mamaya!" Sagot ko. Nakakahiya kasing magtalo kami ni Martin sa harap ng ibang tao. Mabuti naman at naiintindihan niya at naging tahimik lang yung naging biyahe namin.

Pagkatapos namin mag dinner agad kaming dumeretso sa Pad niya.

"Siguro naman pwedi mo ng sagutin yung tanong ko kanina!" Sabi ni Martin pagpasok pa lang namin. Di ko tuloy alam kung papasok ako o aatras kasi bigla akong natakot sa reaksiyon niya.

"Natanggap na ko sa ina-aplyan kong trabaho."

"Saan?" Muling tanong ni Martin pero di ako nakasagot.

"Wag mong sabihin sakin na ililihim mo rin sakin kung saan ka lilipat?" Iretable niyang sabi habang naka tingin sakin.

"Sa may L.A. Innovative."

"Saan yun?" Galit niyang tanong.

"Sa may Los Angeles, California."

"Anong ibig mong sabihin?" Muling tanong ni Martin na para bang gusto na niya kong sakalin. DI ko siya matingnan sa mata kaya bahagya akong yumuko.

"MICHELLE TINATANONG KITA!" Sigaw niya sakin na sa sobrang lakas halos lahat ng ugat niya sa leeg ay lumabas. Di ko mapigilang mapaiktad at bigla akong napapikit.

"Kailan ka aalis?"

"Sa Friday na!"

"Haha...haha...! Sa Friday ka na aalis tapos ako na fiance mo wala man lang kaalam-alam sa desisyon mo. Ano bang tingin mo sakin Michelle?" Natatawang tanong ni Martin pero alam ko sa kabila ng tawa niyang iyon ay yung galit na nakikita ko sa mga mata niya. Kaya nanatili lang ako tahimik kasi ayaw kong dagdagan pa yung galit na nararamdaman niya.

"Ilang taon?"

"Two years."

"Wow! So paano yung kasal natin?"

"Baka pweding post pone muna natin?" Mahina kong sagot.

"Bakit di pa kaya tayo mag-break?" Mahinang sagot din ni Martin sakin pero nasa boses niya yung pagiging firm nun.

"Hon naman!" Nag-papanic kong sabi sa kanya.

"Bakit di ako pweding makipag break sayo pero ako pwedi mong iwan?"

"Hon naman eh, di naman kita iiwan! Kailangan ko lang muna talagang mag work sa ibang bansa saka isa pa two years lang naman yun!"

"Two years lang yun? Alam mo na yung sinasabi mo Michelle? Sa two years na yun madaming pweding mangyari, pwedi kang makakilala ng iba at ganun din ako."

"Kung talagang mahal mo ko kaya mo kong hintayin!"

"Kung mahal mo ko di ka aalis!" Balik na sabi ni Martin sakin. Nanatili akong naka tingin sa kanya kasi di ko alam kung ano pang pwedi kong isagot sa kanya.

Siguiente capítulo