Patakbo akong pumasok sa hospital para sana makita ko kagad si Martin.
Kaya lang bigla akong napahinto sa hallway kasi di ko pala alam kung saang kwarto siya naroon.
"Sa second floor tayo Ma'am sa room 207," Naka ngiting sabi ni Mang Kanor na naka sunod pala sakin. Dahil nga sa second floor lang naman kami pupunta, pinili na lang naming maghagdan. kahit naglalakad ako sinugurado kong mabilis yung paghakbang ko para makarating ako kaagad.
Pag-dating namin dun, di ako kagad pumasok kasi rinig na rinig ko mula sa labas ang boses ng Lola ni Martin at iba pang nagtatawanan kaya bigla akong napahinto sa paghawak sa door knob.
"Buti naman at nagising ka na! Pinag-alala mo kami ng mga magulang mo at Mama mo wala ng ginawa kundi umiyak buti na lang andito si Elena at tumulong sa pag-aalalaga sayo. Kaya dapat kang magpasalamat sa kanya."
"Okey lang po yung Lola, Obligation ko yun bilang Doctor niya. Isa pa alam mo naman na di na iba si Martin sakin." Very affectionate na sagot ni Elena.
"Sa susunod mag doble ingat ka naman!Mag-ingat ka sa mga iniinom mo at kinakain." Paalala ng Mommy niya.
"Siguro gawa yan ng magaling na babae na yun! Desperado ng asawahin ka kaya kahit ganung procedure ginawa niya sayo."
"Di po si Michelle ang may gawa nun!" Depensa ni Martin habang naka tingin kay Elena na puno ng pagdududa.
"Hindi siya! Eh simula nga ng ma-ospital ka di man lang siya nagpakita dito para bisitahin ka at kamustahin man lang! Samantalang itong si Elena simula ng isugod ka dito di umalis sa tabi mo!"
Di ko mapigilang mapa kuyom ng kamao dahil sa galit na nararamdaman ko gusto kong pumasok at sigawan yung Lola niya para ipaalala sana sakanya na siya ang nagpa-alis sakin.
"Hays!" Buntong hininga ko para kumalma, Naisip ko sana na umalis na lang muna at bumalik nalang kapag wala na sila para maka iwas ako sa gulo ng akma na sana akong tatalikod ng may humawak sa balikat ko.
"Pumasok ka na, at kanina ka pa niya hinahanap!" Sabi ni Daddy ni Martin sa akin at siya yun ang humawak sa balikat ko.
"Ehem!' Sabi ng Daddy ni Martin para makuha yung atensyon ng mga tao sa loob na patuloy na nagsasalita laban sakin.
Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon namin at huminto sa pagsasalita. Lalo na yung muka ng Lola ni Martin na di maipinta na kanina ay masayang nasaya sa paninira sakin, samantalang yung Mommy niya ay nanatiling poker face at si Elena naman ay nawala yung ngiti sa muka. Tanging si Martin lang ang masaya ng makita ako.
"Hon!" Tawag niya sakin sabay kaway ng kamay niya na nagsasabing lumapit ako.
Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya sa kama. Maputla pa si Martin at mukang mahina pa, naka sandal siya sa headboard ng kama at naka suot ng patient gown samantalang yung half ng katawan niya is naka kukumutan.
Hindi pa ko tuluyang nakalapit kay Martin ng magsalita uli yung Daddy niya.
"Uwi na tayo, hayaan na natin si Michelle magbantay kay Martin!"
"Pero.....!" Magpoprotesta pa sana yung Lola ni Martin pero inalalayan na ito ng Daddy ni Martin palabas at sumunod na rin yung Mommy niya matapos halikan sa noo si Martin at damputin yung bag niya.
Si Elena di kumilos at nanatili lang naka tayo na parang may gustong sabihin pero di alam kung paano siya magsisimula.
"Wala na kong kailangan sayo Dok, kaya kung pwedi iwaw mo muna kami ng fiancee ko!" Matigas na sabi ni Martin.
Wala siyang nagawa kundi tumalikod pero bago siya tuluyang lumabas ay muli siyang lumingon samin, ibinuka yung bibig niya pero walang salitang lumabas. Sa huli ay sumuko na lang siya at lumabas na.
"Anong problema niya?" Natanong ko.
"Wag mo na siyang pansinin!" Sagot ni Martin sa akin ng tingnan ko siya.
"Kamusta ka?" Maluha-luha kong tanong.
"Di mabuti, wala ka ng pag-gising ko eh!" Nagtatampo niyang sagot sakin dahil sa sinabi niyang iyon di ko na napigilang mapaluha.
"Kung ako lang! Gusto ko sana dito lang sa tabi mo! Kaya lang hik...hik...!" Sagot ko sa kanya at tuluyan na kong lumapit sa kanya ay yumakap. Nasa leeg niya yung dalawa kong kamay habang naka subosob ako sa dibdib niya.
"I'm sorry!" Pag-aalo niya sakin habang tinatapik yung likod ko.
"Dapat lang mag-sorry ka, di mo lang alam kung paano ako sayo nag-alala, kung paano ako di ako makakain at makatulog sa kakaisip sayo."
"Kaya nga nag-sosorry ako kasi alam ko na nag-aalala ka sakin!"
"Kainis ka!" Maarte kong sabi sabay halik sa labi niya.
"Wag mo muna akong halikan di pa ko nag totooth brush!" Reklamo ni Martin sabay takip sa bibig niya.
Naningkit yung mata ko habang tinitingnan siya ng masama. Inilalayo ko rin yung katawan ko sa kanya pero mabilis niya kong hinawakan sa baywang bago ako tuluyang maka takas.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Nagduda na ko sayo, Nung nakaraan ayaw mong makipag sex sakin kahit kailangang kailangan mo, tapos ngayon ayaw mo ng halikan kita sa labi! Magsabi ka ng totoo Mr. Martin Ocampo!"
"Anong sasabihin ko?" Natatawa niyang sabi sakin.
"Change of desire?"
"Anong pinagsasabi mo? Ikaw lang ang babae para sakin!" Sabay pisil sa ilong ko.
"Di ko naman sinabi na nambabae ka, Ang akin kasi baka lalaki na yung gusto mo kaya di ka na naturn-on sakin!"
"Anong sabi mo!" Galit niyang sabi sabay hawak sa likod ng ulo ko at hinalikan niya ko ng very passionate na agad ko namang tinugon.
"Sabi ko sayo di pa ko nagtotooth brush eh!" Muli niyang reklamo kasi di nagtagal yung halikan namin at binitawan niya ko, may nalasahan yata siyang di maganda na alam niya nanggaling sa kanya.
Umiling na lang ako at muli siyang dinampian sa labi saka ako tumayo para pumunta sa banyo.
Kumuha ako dun ng toothbrush niya na nilagyan ko na rin ng toothpaste saka tubig at planggana na gagamitin niya sa pagtoothbrush.
"Talagang gusto mo na kong makahalikan ah!" Pang-aasar niya sakin.
"Syempre naman, para masigurado kong may dating parin ako sayo! Mahirap na baka mamaya!"
"Ow!" Sigaw ko kasi kinurot niya ko sa tagiliran habang nagsisipilyo siya ng ngipin niya.