webnovel

Fresh Breath

"Halika rito!" Tawag sakin ni Martin pagkalabas ko galing banyo kasi ibinalik ko yung mga ginamit niya kanina. Agad naman akong lumapit lalo pa nga at napakaganda na ng ngiti ng fiancé ko.

"Kumain ka na?" Muli niyang tanong sakin.

"Di pa nga eh!"

"Bakit?" Pag-aalala niya.

"Nung tumawag ka kasi sakin, masyado akong na exite kaya nakalimutan ko na yung pakain."

"Feeling ko nga Hon, pumayat ka?" Paglalambing niya habang niyayakap ako.

"Ikaw nga din!"

"Nasa labas pa ata si mang Kanor pabili ka muna pagkain." Utos niya sa akin.

Doon ko lang naalala na inihatid nga pala ako kanina ni Kuya, kaya agad akong lumabas at di nga nagkamali si Martin naghihintay nga doon yung matanda.

"Kuya, okey lang po bili mo ko ng pagkain?" Nahihiya kong sabi.

"Opo naman Ma'am!"

"Sa may malapit na fastfood chain ka nalang po bumili, two piece chicken meal lang yun akin. Tapos bili ka narin po ng makakain niyo, Kumain muna kayo dun bago kayo bumalik." Bilin ko, paano busog pa naman ako kaya okey lang kahit matagalan siya.

Inabutan ko siya ng one thousand na agad naman niyang tinanggap at umails. Pagbalik ko sa kwarto busying-busy si Martin sa paglipat ng channel sa TV na nasa kwarto.

"Kanino pala yung cellphone na gamit mo kanina?" Tanong ko sa kanya, kasi unknown number yung nag-appear sakin nung tumawag siya.

"Kay Daddy yun, Wala kasi dito yung cellphone ko." Muli akong tumabi sa kanya sa kama at mabilis naman niyang pinulupot yung kamay niya sa baywang ko. Doon ko lang naalala na di ko nadala yung cellphone niya nung isugod ko siya sa ospital kaya naiwan ito sa Pad niya.

"Buti pumayag siyang tawagan mo ko." Sabi ko sa kanya habang naka tingin ako sa TV. Huminto na kasi sa pagpili ng channel si Martin at kasalukuyang nanunuod kami ng News.

"Wala namang pake si Daddy kahit sinong babae ang pakakasalan ko as long as namamanage ko yung company ng maayos. Isa pa, alam naman niya na ikaw na ang mahal ko," Dahil sa sinabing iyon ni Martin kahit papano nabunutan ako ng tinik, atleast meron isa sa pamilya niya na di tutol sa relasyon naming dalawa.

"Si Mommy naman, okey lang din yun! Wala rin namang comment sayo yun ang pinaka problema lang natin si Lola na masyadong boto kay Elena." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita.

"Ano nga palang sabi ng Doctor sa kalusugan mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Okey naman na daw, Naalis na yung toxic sa katawan ko so need ko nalang is magpahinga baka in two days makalabas narin ako. Kaya wag ka ng mag-alala!" Sabay kiss niya sa pisngi ko.

"Sa palagay mo sino may gawa nun sayo?"

"Naiisip ko si Elena pero syempre di ko naman pwedi siyang pagbintangan kasi nga wala pa kong hawak na ebedensya pero kinausap ko na si Jerold at Lucas na tingnan yung CCTV sa club para malaman namin kung paano niya iyon nahalo sa inumin ko."

"Di ko alam bakit ganun siya ka desperada?" Comment ko.

"Wag na natin siyang pag-usapan! Masisira lang yung mood natin pareho."

"Sabagay!" Pag-sangayon ko.

"Fresh breath na ko Hon?" Bulong niya sa tenga ko. Dahil dun parang tumaas yung balahibo ko sa batok dahil sa hininga niya.

"So?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"So... We can KISS!" Sabay hawak sa likod ng ulo ko at walang kagatol-gatol akong hinalikan.

Halos ayaw niya kong bitawan pero buti nalang bago ako mawalan ng hininga itinigil na niya yung paghalik sa akin.

"Ikaw talaga!" Nanlalaking mata sabi ko kanya.

"Bakit?" Nakangiti niyang sagot sakin.

"Mukang mali yung findings ng Doctor kasi sa pinapakita mo parang may natitira pang drugs sa katawan mo parang in-heat ka parin kasi."

"Haha...haha... I just miss you!" Muli niya sana akong hahalikan ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Beh!" Sabi ko sakanya sabay labas ng dila ko at niya ko mahablot ay mabilis akong tumayo para buksan yung pinto na ini-lock ko kanina, mahirap din kasi ng may biglang pumasok lalo pa nga at medyo maloko si Martin.

"Ang bilis mo nama Kuya!" Tanong ko kay Mang Kanor habang inibot ko yung binili niya.

"Wala po kasing masyadong tao kaya napa bilis po yung pagbalik ko." Paliwanag ni Mang Kanor sa akin.

"Hon, may kailangan ka pa kay Kuya?" Baling ko kay Martin na muling nililipat yung palabas sa TV.

"Wala na! Pauwiin mo na si Kuya!"

"Magpahinga na po kayo Kuya!"

"Ah, sige po Ma'am salamat!" Tinanaw ko si Mang Kanor at sinigurado ko munang nakababa na siya bago ko sinarado yung pinto. Kahit paano kasi natutuwa ako sa kanya kasi napa loyal niya kay Martin.

"Bakit yan pinabili mo?" Tanong ni Martin sa akin habang naka tingin sa bitbit kong pagkain.

"Bakit ba? Na miss kong kumain ng ganito!

"Bad for the health yan!"

"Bad for the health ka diyan!" Irap ko sa kanya sabay diretso ko sa may maliit na lamasa kung saan ko inilatag yung binili ni Mang Kanor sakin. Buti nalang nagrequest siya ng extra gravy sabi ko sa isip ko at take note nag add pa siya nag sandae, french fries at iced tea which is naka large size pa.

Napailing na lang ako kasi tiyak na mabubusog ako. Simula ng naging kami kasi ni Martin di na ko nakakain ng fast food kahit kasi nung bumibiyahe pa ko lagi niya kong pinapaalalahanan na wag kumain sa mga ganun and bawal naring kumain ng cup noodles andun pa nga sa point na kailangan kong picturan yung meal ko para masigurado niyang di yun kinakain ko.

"Michelle naririnig mo ba sinabi ko?" Muling tawag niya sa akin.

"Sabihin mo nalang kung gusto mong humingi ng fried chicken ko, hindi kung ano-ano pa yung sinasabi mo!" Sabay kagad sa chicken at talagang ipinakita ko sa kanya na sarap na sarap ako sa pagkain. Akma ng tatayo si Martin pero dahil nga sa ilang araw din siyang walang malay natigilan siya kaya muli ko siyang dinilaan dahil di siya makalapit sakin.

"Gusto mo?" Pang-aasar ko.

"Hmp!" Tanging tugon niya.

Masarap din palang minsan na may sakit si Martin kasi nakakatakas ako sa pagiging tyrant niya. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain habang siya patuloy ang pagkunot ng noo habang kinakagad ko yung manok.

Siguiente capítulo