webnovel

Chapter 191

"Haha...Haha....! Di ko mapigilang matawa sa reaksyon ni Martin at sa itsura niya paano yung kulay puti niyang t-shirt ay puro na dumi at take note pati yung buhok niya may mga sapot narin. Di ko malaman kung saan siya naglulusot nung inilabas ko yung kinainan namin.

"Pinagtripan mo ko!" Galit niyang sabi habang lumalapit sa akin.

"Hindi noh!" Mabilis kong tangi habang umiiwas sa kanya.

"Michelle!" Sigaw niya habang hinahabol ako.

"Sorry!" Sambit ko kagad nung maabutan niya ko.

"Salbahe ka!" Gigil na gigil niyang sabi habang yakap-yakap ako. Dahil nga nahuli na niya ko di na ko nagpumiglas pa.

"Hon, sorry kaw naman kasi alam mo ba muntik na kong atakihin nung makita ko yung sing-sing na yun sa daliri ko kanina paggising ko." Exaggerated kong sabi.

"Nagustuhan mo?" Exited niyang sabi.

"Hon, ang mahal nun! Baka ma kidnap ako kapag nakita ng masasamang loob yung sing-sing na suot ko."

"Don't worry iisipin nila pwet lang ng baso yung sing-sing mo kasi nga rare lang yung kulay red na diamond di pa yan sikat sa mga pipitsuging criminal."

"Ano ka advance na magnanakaw ngayon marunong ng kumilatis ng peke at ng tunay."

"Ganun?" Takang tanong niya sa akin. Iniisip niya marahil yung katotohanan sa sinabi ko.

"Oo ganun, kaya palitan mo yung sing-sing na yun ayaw ko nun." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal yung sapot sa ulo niya.

"Ayaw mo ng sing-sing na binigay ko o ayaw mong ma-engage sa akin?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Mabilis kong sagot parang ako naman yung nainis sa narinig ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin na parang di niya alam kung paano ipagpapatuloy yung usapan naming dalawa. Kaya mabilis akong kumapit sa leeg niya at dinampian siya ng halik sa labi para muli siyang tumingin sa akin.

"Hon..." Tawag niya sa akin. Nasa mata niya yung guilt dahil sa sinabi niya.

"I love you!" Bulong ko sa kanya.

Dahil sa sinabi ko agad niya kong hinalikan sa labi at di lang yung basta dampi kung aggresive na halik kung saan sinuklian ko din yun ng the same aggresiveness and passion. Di ko alam kung ilang minuto nagtagal ang halikan namin pero parehas kaming hinihingal nung maghiwalay ang labi naming dalawa.

"I love you too!"

Muli ko siyang dinampian sa labi ng mabilis na halik bago ko inilayo yung muka ko sa kanya. Sabay remind sa kanya na kailangan na naming kumilos dahil ano mang oras ay darating na yung sundo namin.

"Palit ka ng damit mo!" Paalala ko sakanya habang ako naman ay umupo na sa tokador para blow dry yung hair ko.

Sumunod naman siya sa sinabi ko pero di niya kinalumutan maghilamos muna bago magpalit ng damit pagtapos niyang magbihis tinulungan niya kong mag dry ng buhok ko.

"Nasa vault yung sing-sing."

"Ayaw mong isuot?" Tanong niya sa akin. Habang pautoly na tinutuyo yung buhok ko. Halatang halata sa muka niya na kinakabahan siya sa magiging sagot ko. Dahil dun di ko alam paano ang magiging sagot ko. Sa totoo lang natatakot talaga akong mag suot ng ganun kamahal na alahas. Kaya sa halip na sagutin ko yung tanong niya tinanong ko rin siya.

"Paano kapag nawala ko or nakawin sa akin?"

"Eh di bibili kitang bago!" Mabilis niyang sagot. Di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak sa sinabi niya. Paano ba naman akala mo pinag-uusapan namin is mumurahing bagay lang kaya okey lang mawala.

Di na ko sumagot hangang tumawag na yung tour namin na malapit na daw sila at dun nalang daw kami maghintay sa entrance ng hotel.

"Tara na, baba na tayo!" Yaya ko kay Martin na tumango lang bilang pag acknoledge sa sinabi ko. Pero makikita mo parin sa muka niya na malungkot siya.

"Hays!" Buntong hininga ko.

Para matapos lang at mapawi na yung pagmamaktol ng boyfriend ko wala ako nagawa kundi kunin yung sing-sing at iabot sa kanya.

"Sinasauli mo?" Tanung niya sa akin.

"Oo!" Matipid kong sagot.

"Okey!" Malungkot niyang sagot at aakma na sana siyang tatalikod ng muli ako magsalita.

"Para makita kong isuot mo sakin." Naka pout kong sabi habang inilahad ko yung palad ko sa harap niya para maisuot niya yung sing-sing sa daliri ko.

Hinawakan niya yung kamay ko akala ko isusuot na niya yung sing-sing pero laking gulat ko ng bigla siyang lumuhod.

"Will you marry me Ms. Michelle De Vera?" Sabay tingala sa akin para magtama yung tingin namin.

"Thump...Thump...!" Kabog ng puso ko sa sobrang ligaya parang lahat ng takot at pag-aalinlangan ng isip ko ay nawala. Ang alam ko nalang is naka luhod sa harap ko ang isang lalaki at hinihiling na pakasalan ko na siya.

"Hon!" Mahinang tawag ni Martin sa akin ng di ako sumagot at nanatiling naka tingin lang sa kanya.

"Of course I'm willing to marry you Mr. Martin Ocampo!" Naluluha kong sagot.

Mabilis siyang tumayo at niyakap ako.

"Thank you Hon, I love you!" Bulong niya sa akin.

"I love too, basta walang sisihan kapag nawala ito ha!"

"Oo, kapag nawala bibili tayong bago basta wag lang ang daliri mo mawala." Naka ngiti niyang sabi habang hinalikan ako sa noo.

"Asa ka naman ipapaputol ko daliri ko para dito sa sing-sing mo." Pang-aasar ko.

"Haha...haha...! Tawa niya at sinuklian ko naman iyon ng ngiti.

Maya-maya tumunog na yung cellphone ko doon ko lang naalala yung tour at di nga ako nagkamali nasa entrance na daw sila at hinihintay na kami.

"Bilisan mo!" Pagmamadali ko kay Martin habang nasa pintuan na ko naghihintay sa kanya paano nagsusuot pa siya ng sandals niya.

"Exited!" Sabi niya sa akin nung makalapit sakin sabay pisil sa ilong ko.

Sinarado ko na yung hotel room namin samantalang si Martin isinukbit na yung dalawang back pack namin siya na daw magdadala ayaw niya sa akin ipabitbit.

Magka holding hands kaming dalawa hanggang sa makababa kami sa ground foor ng hotel.

Paglabas namin sa entrance agad namin nakita yung puting Van kung saan magdadala samin papunta sa under ground river. Buti nalang di crowder yung Van nasa sampu kaming lahat kasama yung driver ng sasakyan at yung tour guide. Kada isang row may dalawang naka upo puro pares kagaya namin ni Martin.

Nasa bandang dulo na kami Martin kasi kami yung last pick-up pero mukang walang epekto sa boyfriend ko kasi kahit aalog-alog kami masaya parin siyang nakayapos sa akin at abot hanggang tenga ang ngiti.

Siguiente capítulo