"Tahimik ka ata, may problema ba?" Tanong ko kay Martin. Paano wala siyang kibo at kanina pa malalim ang iniisip.
Kasalukuyan na kaming bumibiyahe papuntang Sabang Port from there sasakay kami ng bangka papuntang Sabang breach kung saan yung entry point papuntang underground river.
"Wala naman akong problem may iniisip lang." Sagot niya naman sa akin habang isinandal yung ulo niya sa balikat ko.
"Kung wala kang problema, ano iniisip mo?" Takang tanong ko.
"Iniisip ko lang kung anong uunahin kong prepare para sa nalalapit nating kasal." Dahil sa sinabi niya agad ko siyang itunulak sa pamamagitan ng balikat ko.
"Anong kasal pinagsasabi mo?" Naka kunot kong sabi.
"Bakit diba engage na tayo sympre kasal na susunod dun!" Depensa naman niya.
"Matin!" Sigaw ko. Pero agad akong nagbaba ng tingin nung makita kong lumingon lahat ng pasahero sa gawi namin.
"Sorry!" Mahina kong sabi. Paano ba naman karamihan kasi sa kanila ay natutulog. Sabagay mula sa location namin papuntang Sabang port aabutin din ng kulang-kulang two hours.
"Matulog ka nga muna para di kung ano-ano pumapasok sa utak mo!" Angil ko kay Martin sabay pikit sa mata ko. Feeling ko kumirot yung ugat ko sa batok dahil sa sinabi niya.
Muli niyang isiandal yung ulo niya sa balikat ko at ipinulupot yung kaliwang kamay niya sa baywang ko habang pinag interwined yung kanang kamay ko at kanang kamay niya. Yung position namin na wala akong kawala sa pagkakayapos niya.
"Hon, diba usapan natin papakasal tayo after one year"
"Oo diba yun usapan natin." Pagsang ayon ko sa sinabi niya.
"Kaya nga sumusunod lang naman ako sa usapan natin"
"Paano ka sumusunod eh nagpapalano ka na nga."Pinikit ko nalang yung mata ko para kahit papano ay mawasan ang iretable ko.
"Hon, diba December na next week?" Tanong niya sa akin. Napa kunot ako sa tanong niya pero sumagot parin ako.
"Oo!'
"Kailan aneversarry natin?" Muli niyang tanong.
"Diba July 20, bakit naka limutan mo? Tanong ko naman sa kanya habang tiningnan yung muka niya.
"Hindi, paano ko yung makakalimutan eh yung pinaka masayang araw sa buhay ko." Pagdadrama niya.
"Eh bakit mo tinatanong?"
"From today to July ilang buwan nalang?"
"From today to July eight months pa." Sagot ko naman.
"Eight month, if sa preparation ng wedding ilang buwan ba dapat magplano?"
"Hmmm di ko sure!" Sagot ko naman.
"I thing dapat atleast one year dapat pagplanuhan na yun para mayroon tayong perfect wedding."
"Wait nga! Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang itinulak yung ulo para bumangon siya at magtama yung mga mata namin.
"Ibig kong sabihin dapat ngayon palang pinagpapalanuhan na natin. Iniisp ko nga pag balik natin sa Manila dapat kumuha na tayo ng wedding planner para alam na natin yung dapat ihanda. Tapos dapat mag-isip ka na ng motif na gusto at design ng gown na susuot mo. Sama mo narin yung list ng mga bridesmaid, ninong at ninang, the visitors and the food and....!"
"WAIT!" Pigil ko sa kanya habang tinakapan yung bunganga niya para di niya na matapos yung mga sasabihin niya. Tiningnan ko siya ng masama habang siya naman ay naka ngiti.
Napatingin ako sa sing-sing na nasa kaliwa kong kamay kung saan ay nakatakip sa bibig niya parang gusto ko na yung hubarin at ipalunok sa kanya parang naisahan naman ako ni Martin.
"Hon?" Tawag niya sa akin habang inalis yung kamay ko sa bibig niya.
"Let's just enjoy the vacation saka na natin yan pag-usapan." Sabi ko sa kanya at muling pumukit habang isinandal yung ulo ko sa sandalan pero kinabig yun ni Martin para ilagay sa balikat niya.
"Sige pagbalik na nalang natin sa Manila saka natin pag-usapan." Mahina niyang sabi sa akin.
Nanatili lang akong tahimik ayaw ko na siyang kausapin. Alam ko naman kasi na once may ginusto si Martin talagang ipipilit niya iyon Ang panalangin ko nalang makalimutan niya yun once asa Manila na kami.
Around nine ng umaga ng dumating kami sa Sabang wharf. Nasag register muna kami for insurance purposes and visitor logs. Nagpalit na kami ni Martin ng rush guard for incase mabasa kami eh pwedi ng dumiretsong mag swimming. Nilagyan din namin ng plastic yung phone namin para di mabasa during the trip.
Sumakay kami ng maliit na bangka papuntang Sabang Port. Pinasuot kaming life jacket habang nasa biyahe. Napaka ganda na ng view at dahil dun di ko nakalimutang mag selfie syempre kasama yung boyfriend ko.
Exact ten ng umaga ng mag start yung tour sa underground river. Yung mga kasama namin sa Van yun din yung kasama namin sa boat bale explain yung mga safety guidelines, the don't and do's during the trip.
Namimilog yung mata ko sa kagandahan ng paligid. Lalo na yung tubig grabe sobrang linis parang ang sarap magtampisaw doon pero sabi ng tour guide namin later daw pwedi after the tour so kailangan ko ng patience at dapat mag focus muna sa loob ng kweba.
"Sarado mo yang bibig mo baka mamaya taehan ka ng bats!" Payo sa akin ni Martin nung pumasok na kami sa kweba.
"Ang ganda kasi Hon!" Sagot ko sa kanya.
"I know!" Mahinang sagot niya sa akin habang pinagmamasdan namin yung buong paligid.
Todo explain yung tour guide namin habang iniilapan sa pamamagitan ng seach light yung paligid ng kweba. Pinakita niya yung mga stunning stalagmites and stalactites, rock formations, and its inhabitants like bats, birds at pati ahas na talagang kinalabutan ako paano ang laki nung ahas na nakita namin at para nanlilisik ang mga mata niya habang naka tingin sa amin kaya di ko mapigilan mapayakap kay Martin.
"Natatakot ka?" Tanong niya.
"Oo, bakit ikaw?"
"Hindi!" Matapang niyang sagot pero syempre di ako naniniwala dun.
"Muka mo!" Pambabara ko sa kanya.
"Haha..haha... tingnan mo iyon oh!" Tinuro niya sa akin yung kumpol ng mga paniki na nakasabit sa itaas ng kweba.
"Ang lalaki nila!" Gulat na gulat kong sabi.
"Hmmm!" Pagsang ayon ni Martin.
Natapos yung tour namin sa loob ng kweba ng halos fourty five minutes at busog na busog ang mata namin ni Martin. Nakaka tuwang isipin na may mga lugar pa na ganun sa Pinas na pwedi mo pang ma-appreciate ang nature.