webnovel

What Is So Funny?

"Baka nakakalimutan mo na may kailangan ka sakin?" Remind niya sa akin.

Mukang nakakalimot nga ako kaya agad akong umayos ng tayo.

"I think meron lang tayong misunderstanding regarding sa issue ng pag-seduce pero let me clear here, Sir wala po akong balak na akitin ka or kahit sinong empleyado mo. I'm just working as in honest labor walang under the table transaction." Paglilinaw ko.

Muli niya kong tinitigan na parang sinusukat niya yung katotohanan sa sinasabi ko.

"Siguro nga!" Pagsang-ayon niya.

"So mabalik tayo sa business, so anong plano mo Sir?"

"I think may point ka naman medyo mahirap nga magsimula uli so I think I will consider na ituloy uli yung project."

Dahil sa sinabi niya agad akong napangiti at namilog ang mata ko dahil sa kaligayahan.

"Di ka magsisi Sir sa decision mo!" Masaya kong sabi.

"Pero may condition ako!"

"Condition?" Ulit ko sa sinabi niya.

Sinagot niya ko ng tango para sabihin na tama yung narinig ko.

"Sige Sir basta abot ng makakaya ko at di naman yan legal go on!" Pagsang-ayon ko

"Wag kang magkakagusto sa akin at kahit kaylan wag mo kong i-seduce!" Lahad niya.

Ang tagal kong di nagreact paano iniisip ko yung sinabi niya akala ko pa naman hihingi siya ng discount na malaki or papalitan ako pero di ko akalain yun ang sasabihin niya kaya d ko mapigilang matawa.

"Haha....haha...!"

"What is so funny?" Tanong niya habang naka taas ang kilay.

"Sorry Sir di ko lang mapigilan akala ko kasi hihingi ka ng malaking discount or request mo na palitan ako or something mga ganung deal di ko akalain na yun lang pala gusto mo. Walang problema sa akin. DEAL!" Masaya kong sagot sakanya.

Iniabot ko pa yung kanang kamay ko para makipagkamay sa kanya para isara yung deal namin pero di niya yun iniabot kagaya nung una sa halip ay tumayo siya at tinalikuran ako pero bago pa siya tuluyang lumabas ay narinig ko nalang nagsalita pa siya.

" Ayaw ko lalapit ka sakin o dumikit ang kahit anong balat mo sakin"!

"Sure Sir!" Sigaw ko.

Wala naman talaga akong balak idikit sa kanya yung balat ko. Yung nangyari sa Van sadyang aksidente lang iyon pati yung nangyari kanina at kahit kaylan ayaw ko na yun maulit.

Akala ko okey na kami dahil nga pumayag na ko sa deal niya pero parang galit siyang lumabas.

"Malamang bakla talaga kaya ayaw madikit sa babae." Isip ko.

"Sumunod ka sakin!" Sigaw niya.

Kaya agad akong tumakbo palabas para maka habol sakanya pero pinanatili ko yung isang dipang agwat naming dalawa para di ako madikit sa kanya.

"Lumipat ka dito sa hotel namin, dito ka na magcheck-in. Simula bukas gagawin natin yung testing para sa mga devices magsisimula tayo ng eight ng umaga. Gumawa ka narin ng check list at ng mga dapat i-prepare. Sabihin mo na lahat ng kailangan kay Mr. Ronald." Utos niya sa akin.

Tumango lang ako bilang pagsang ayon nung makita niya iyon agad niyang kinuha yung phone niya at narinig ko nalang na inutusan niya si Sir Ronald na magprepare ng room para sa akin.

Matapos namin mag-usap ni Sir Martin agad akong bumalik sa Hotel ni pinag stayan ko para magcheck out para maka lipat sa Casa Milan.

"Bakit kasi kailangan andun mag-stay!" Reklamo ko habang inaayos ko yung mga gamit ko.

"Ay shit!" Exclaim ko kasi naka limutan kong magreport kay Boss Helen buti nalang di pa ko tinatawagan kundi mapapagalitan naman ako kasi di ako nag-uupdate kaya agad ko siyang tinawagan.

Sa unang ring palang ay sinagot niya na ito.

"Michelle!"

"Boss good afternoon!" Maligaya kong bati.

"Siguraduhin mo lang na good news yang sasabihin mo Michelle!" Mataray na sagot nni Boss Helen malamang di pa sa kanya nakakarating yung balita. Di pa natawag yung tao ni Casa Milan.

"Naman Boss! parang wala ka namang tiwala sakin niyan di ka parin ba bilib sakin." Pagyayabang ko.

"Sa attitude mo mukang good news! Tell me the story!"

"Okey na Boss, mag proceed na tayo sa testing!"

"Very good! That's my girl! Tapusin mo kagad!"

"Bukas magstart yung testing pag naging okey po lahat baka two to three days matapos na po ito Boss."

"Okey sige... basta siguraduhin mo lang na matatapos kagad yan ng walang aberya."

"Opo Boss... by the way boss pinapalipat po ako dun sa Casa Milan dun na daw po ako magcheck-in. Kaya lang yung binayad ko dito sa hotel di na daw po marerefund. Pano yun Boss?"

"Walang problem! Magfund transfer ako sa account mo ng allowance para may dagdag panggastos ka pa then extra for your job well done kumain ka ng masarap. Basta tapusin mo yung project diyan."

"Sige po salamat Boss!" Yan lang ang maganda sa Boss namin galante pagdating sa mga allowance di ka magugutom. Yun nga lang grabe yung bunganga.

Makalipas ng ilang minuto nasa Casa Milan Hotel na ko. Inihatid na ko ng isang boy sa isang kwarto kung saan daw ako magstay. Iniaayos na ni Sir Ronald ang lahat bago siya umalis may lakad daw sila ni Sir Martin.

Iba talaga yung kwarto ng isang five star hotel para kang prinsesa. Ang lambot lambot ng kama, may sariling sala tapos ang laki ng pa ng tv. at hello ang bathroom merong bath tub sarap.

"Lagot ka sakin mamaya!" Nakangiti kong sabi habang iniimagine ko yung katawan ko nakalublob dun. Pero syempre mamaya ko na yun gagawin dahil kailangan ko ng kumain. Kumakalam na yung sikmura ko. Naalala ko di pa pala ako naglunch.

Agad akong nagpapahatid sa tricyle doon sa pinaka malapit na fast food chain sa area. Di rin kasi ako sanay kumain kung saan saan mahirap na ma-food poison lalo pat ikaw lang magisa sa area. Kaya sa mga kilalang fast food chain ko lang iniraraos ang gutom ko.

Matapos kong kumain agad akong nagpunta sa isang sikat na simbahan sa Laoag ang Sinking Bell Tower. Kailangang sulitin habang di pa busy. Ito lang talaga maganda sa trabaho ko nakakapunta ako sa mga lugar na magaganda at kahit papano kailangan kong punuin ng magagandang tanawin yung mata ko dahil simula pa kahapon puro na lang ako buntong hininga.

Siguiente capítulo