webnovel

Assuming

"Amazing!" Yun lang nabangit ko habang pinipicturan yung Sinking Bell Tower. May bago nanaman akong koleksiyon ng picture. Makalipas ng ilang shot ng picture lumipat nanaman ako sa Museo de ilocano. Nagpalipas ako dun ng ilang minuto at kumuha rin ako ng mga picture.

Muli ako nakaramdam ng gutom, nung check ko ung relo ko six na pala ng gabi kaya naman pala. Pano chicken at one rice lang naman kinain ko kanina sa fast food. Bigla kong naisip yung sinabi ko kahapon na dapat sa masarap naman ako kumain kasi puro nalang ako cup noodles.

"Kuya ano pong masarap na kainan dito?" Tanung ko sa isang Security Guard sa museo.

"Punta po kayo sa my Saramsam Ylocano masarap po dun." Tugon sakin ng guard.

"Ah talaga po Kuya, Sige po try ko dun, Salamat! Sabi ko.

Agad akong sumakay ng tricycle at nagpahatid sa sinsabi ni Manong Guard na restaurant.

Pag dating sa restaurant, agad akong namangha sa ambiance napa relaxing saka mukang sosyal. Agad akong napangiti kasi mukang di ako nagkamali at naniwala ako sakanya.

Pero masyado pang maaga para malaman yun kailangan ko munang matikman yung pagkain.

"Ma'am table for one po?" Magalang na tanong nung waiter na naka assign sa may pintuan para magistima ng papasok na customer.

"Yes please!" Sagot ko sa waiter na agad naman akong dinala sa loob kung saan mayroong mga bakanteng lamesa.

"Here Ma'am!" Gesture niya sa isang lamesa.

Hinila pa nito yung isang upuan para maka upo ako na agad ko naman inupuan sabay abot sa menu na inabot niya.

"Ms. Michelle!"

Agad kong hinanap yung source ng boses na tumawag sa akin. Nakita ko si Sir Ronald na nasa kabilang table kasama si Sir Martin.

"Hello Sir Ronald!" Bati ko.

Agad ko siyang nginitian at ganun din si Martin na nakatingin din sa akin pero agad akong inirapan nung makita niyang nginitian ko siya.

"Assuming!" Nasabi ko sa isip.

"Sama ka na dito sa table namin!" Pagyaya ni Sir Ronald kasi nga may bakante pang dalawang upuan dun sa table nila. Mukang kararating lang din nila kasi wala pa yung order nila.

"Lipat po kayo dun Ma'am?" Tanong nung waiter sa akin na nakatayo parin sa gilid ko na naghihintay ng order ko.

"Ay, di po okey na ko dito!" Paliwanag ko.

Pagkatapos kong sabihin yun sa waiter binalingan ko si Sir Ronald.

"Dito na po ako Sir, Okey na po ako dito! Salamat sa offer." Naka ngiti kong paliwanag.

Nanatili yung tingin ko kay Sir Ronald at di ko na sinulyapan si Martin.

"Anong best offer niyo dito?" Tanong ko habang inii-scan yung menu.

"Yung buffalo wings po Ma'am yung spicy!" Proud na offer nung waiter.

"Mukang masarap nga!" Pag-sang ayon ko sa Waiter kasi nakita ko sa menu yung image niya at mukang nakakatakam siya.

"Opo Ma'am di po kayo magsisi!"

"Dagdagan mo ng chapsuey, saka iced tea then two rice ako!"

"Huh!" Narinig kong reaksyon ni Martin pero di ko siya tiningnan.

Ewan ko ba kung bakit na engrave na sa memory ko yung boses niya. Sinadya ko pang medyo tumalikod sa gawi niya para di ko makita yung muka niya kasi alam ko naka ismid nanaman siya.

"Mukang gutom ka Michelle ah!" Biro sa akin ni Sir Ronald.

"Opo eh... napurga ako sa cupnoodles kaya kailangan bumawi ngayon!" Naka ngiti kong sabi.

"Di kaba natatakot tumaba niyan." Paalala niya sa akin.

"Okey lang Sir wala naman akong pinapa sexihan."

"Ma'am ulitin ko lang po yung order niyo ha! One buffalo wings spicy, chapsuey and two rice and iced tea. Tama po ba Ma'am?"

"Tama!" Mabilis kong sagot at nginitian siya.

Nginitian din niya ako bago tuluyang umalis at iniwan akong mag-isa.

Dinala ako ng waiter sa may bandang beranda. Tanaw mula sa table ko yung dagat at kalangitan dahil sa purong salamin ang ding-ding ng restaurant. Sayang nga lang di ko nararamdaman yung lamig ng hangin na nagmumula sa dagat.

"Kain Michelle!" Yaya sa akin ni SIr Ronald nung dumating na yung order nila.

"Okey lang Sir, Una na po kayo."

"Bahala ka!"

Nginitian ko lang siya at di na ko sumagot di ko maiwasang mapasadahan ng tingin si Martin kung saan nakayuko at nagsisimula ng kumain.

Binalik ko uli ung tingin ko sa dagat. Walang taong naglalakad dun malamang kasi sa panahon ngayon malamig na wala ng taong gustong maligo ng gabi at kahit maglakad sa pangpang pero kung ako lang sana gusto kong maglakad dun ng naka paa. Sayang nga lang at wala akong pagkakataon.

Pangarap ko talagang bumili ng bahay na malapit sa dagat at doon na gugulin yung pagtanda ko pero kailan pa kayo kasi hanggang ngayon zero savings parin ako. Aabutin pa siguro ako ng twenty years o baka nga thirty years para matupad ko yun.

Natapos yung pagmumuni muni ko ng dumating yung order ko na agad inilatag nung waiter sa harap ko. Di ko maiwasang mapalunok nung makita ko yung chicken wings. Pagka alis pa lang ng waiter agad ko ng inumpisahan ang pagkain.

Di ko mapigilang damputin sa pamamagitan ng daliri ko yung buffalo wings.

"Best seller nga talaga!" Nasambit ko habang sinisipsip ko yung daliri ko na nalagyan ng sauce dahil sa pagkakahawa ko rito.

Dahil sa anghang ng kinain ko di ko maiwasang pagpawisan pero okey lang sulit naman sagot ko sa sarili ko habang kinuha ko yung panyo sa sling bag ko at nagpunas ng pawis.

"Michelle!" Tawag ni Sir Ronald na agad ko namang nilingon.

"Sabay ka na samin pabalik sa hotel." Muling offer niya sa akin.

Dahil nga sa anghang ng kinain ko di maiwasang namumula yung pisngi ko.

"Okey lang Sir mag-commute na lang po ako!" Mabilis kong tanggi

Bukod kasi sa nahihiya ako iniiwasan ko rin na magkalapit kami ni Martin kasi nga diba nangako ako na di kailan man ako didikit sa kanya.

"Okey lang di naman magagalit si Sir Martin saka mabait naman yun. Ano kaba?"

"Di naman sa ganun Sir kaya lang baka may lakad pa kayo nakakahiya naman." Muli kong tangi.

"Sumabay ka na samin kasi baka abutin ka hanggang umaga bago ka maka kuha ng sasakyan na maghahatid sayo sa hotel."

"Bakit po?" Inosenteng tanong ko.

"Wala naman kasing pumipilang tricycle dito. Karamihan kasi ng kumakain dito naka kotse. Makaka-uwi ka kung makikisakay ka sa ibang customer dito papuntang labasan. Mas mabuti pang sumabay ka na samin kaysa sa iba ka pa sumabay." Pagkukumbinse ni Sir Ronald.

"Ganun po ba, wala pala akong magagawa kundi kapalan ang muka ko!" Nakangiti kong tugon.

"Wait lang Sir settle ko lang bill ko." Mabilis kong sabi at agad kong tinawag yung waiter para magbayad nakakahiya naman kasi na maghintay pa sila sakin.

Siguiente capítulo