webnovel

Ang Pagsasakripisyo ni Su Li sa Kanyang Sarili

Editor: LiberReverieGroup

Sa kasalukuyan, isang nakamamatay na pagnanasa ang siyang namuo sa mga mata ni Su Li habang nakatitig kay Little Gold, Litlle White, at Little Black.

May Saint Origin na may kasamang Devil Qi ang siyang dumaluyong sa langit, at siyang naging dahilan para maging kagaya ng higanteng ispada ang aura niya – nakapangwawasak at malamig, at nababalot nito ang kanyang katawan.

Bumalik na sina Little Gold, Little White, at Little Black sa kanilang kamalayan at ang kanilang mga ekspresyon ay agad na nagbago. Sa pagkakataong ito, alam nilang malapit na sila sa kamatayan!

Nang mapansin ni Little Gold ang pagnanasang makapatay ni Su Li, alam niyang isang buhok na lamang ang layo at mapapatay na sila nito. Kaya, agad niyang sinabi, "Hoy! Su Li! Hindi ba kaibigan ka ni Kuya Ling Tian? Hindi mo kami pwedeng patayin!" Tila ba natatakot siya na patayin talaga sila ni Su Li kapag hindi nito nalaman ang kanilang kaugnayan kay Duan Ling Tian!

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com

Siguiente capítulo