Patuloy na sinundan ni Little Gold, Little White, at Little Black si Su Li mula sa isang distansya.
..
Samantala, bumalik na si Duan Ling Tian sa panuluyan na pagmamay-ari ng Crimson Blaze Palace ng Three Palaces at Six Halls sa Human-Devil Saint City. Nang dumating siya sa may entrada ng bakuran, nakakita siya ng isang magandang babaeng nakatayo roon.
Mag-isa lamang ito, at nakatingin siya sa paligid habang puno ng pag-aalala na tila ba may hinihintay siya. Nang makita niya si Duan Ling Tian, halata ang saya sa kanya. Agad siyang sumigaw, "Duan Ling Tian!"
Nang makapasok na si Duan Ling Tian sa may bakuran, agad na nilapitan siya ng babae at niyakap siya na para bang natatakot itong mawala siya.
"Ke'er, nakabalik na ako." Malambing siyang niyakap ni Duan Ling Tian habang tinatapik nang marahan ang likod nito. Damang-dama niya talaga ang pagmamahal at pananabik ni Ke'er sa pagkakataong ito.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com