webnovel

Pagpapatumba sa mga Outer Disciples (3)

Editor: LiberReverieGroup

Gold Bronze Casting Body.

Ito ang nakamamatay na atake ni Hou Yuan at kapag ginamit, ang kanyang kapangyarihan at depensa ay tataas ng ibang lebel. Naitulak na si Zhao Feng nito at halos masugatan.

Sa pagkakataong iyon, binuksan na ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata para suriin ang kahinaan ng atakeng ito.

Sa kanyang enhanced vision mode, mga kulo ng pulang ginto na ilaw ang dumadaloy sa katawan ni Hou Yuan.

"Perpektong pagsasama ng body strengthening technique at inner strength. Kalahati pang yapak at maaabot niya na rin ang Ascended Realm gamit ang kanyang katawan."

Sumilakbo ang puso ni Zhao Feng.

Hindi na nakapagtataka ang mga tsismis na ang top substitute inner disciples ay may kakayahang hamunin ang mga nasa Ascended Realm. Ang body strengthening technique ang pinakasimpleng paraan ng cultivation at patungkol ito sa pagdaig sa iba gamit ang lakas. Kung kaya, ang depekto nito ay napakaliit lamang.

Binuksang mabuti ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at wala siyang mahanap na kahit anong kahinaan.

Nakikita niya ang prinsipyong nasa pagitan ng Gold Bronze Casting Body, pero ang pamamaraan ng dalawang body strengthening techniques nila ay higit na magkaiba, hindi niya ito magagamit sa kanyang sarili sa loob ng maiksing oras.

"Sutil! Tignan natin kung hanggang kailan ka magtatagal."

Umalingawngaw ang boses ni Hou Yuan habang bumababa ang bahagdan ng kanyang opensa, sinubukan niya munang hanapin ang tunay na anyo ni Zhao Feng at hindi nagpadalos-dalos.

Pagkatapos mapagsama ang movement skill ni Zhao Feng sa Illusion Fish Picture, mayroong ilusyon sa lahat ng dako na siyang nararapat para sa mga mapanganib na sitwasyon. Kung mas maraming beses umaatake ang kalaban, mas madali silang malinlang.

Ang isang kalmado at lohikal na tao ay lilimitahan ang kanilang kilos, na siyang magpapababa sa epekto ng Illusion Fish Picture. Sa sandaling oras lamang, hindi na gumalaw si Hou Yuan, kasalukuyan niyang hinahanap ang tunay na katawan ni Zhao Feng at ayaw niya ring mag-aksaya ng enerhiya.

Kung hindi gumagalaw ang kalaban, ako ang kikilos.

Star Finger!

Malamig na tumawa si Zhao Feng at saka itinapon ang kanyang max level na Star Finger patungo kay Hou Yuan.

Ding Ding Ding… !

Mga kislap lamang ang nakita nang tanggapin ni Hou Yuan ang mag atake, ang matalim na mga atakeng ito ay hindi man lang nasira ang kanyang depensa.

"Hahaha… Ito na ba ang iyong atake?"

Isa nga namang nakasisindak na depensa!

Bumilis muli ang tibok ng puso ni Zhao Feng, ang depensa ng Gold Bronze Casting Body ay higit na mas malakas kaysa sa Silver Air Barrier niya.

Small Gold Metal Fist!

Bumulalas si Hou Yuan habang nakasarado ang tingin kay Zhao Feng at saka ito pinatamaan ng isang suntok.

Ang hangin palang na nagmumula sa kanyang kamao ay kayang makawasak ng mga cultivators na nasa ikawalo at ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.

Silver Air Barrier!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang inner strength sa max level at ginamit ang kanyang defensive skill ng Silver Wall Technique. Isang manipis na suson ng pilak ang bumalot sa kanyang balat.

Boooom.....

Natamaan ng kamao ang dapat niyang tamaan at ang pilak na transparent barrier ay nanginig at dumilim ang kulay. Naramdaman ni Zhao Feng na tila may bundok na dumagan sa kanya at sa panggigipit na ito, ang kanyang Returning Breath Technique ay umabot ng max level.

Craaaack!

Mula sa isang atake na kayang magpaatras ng mga nasa Ascended Realm na, nasira na rin ang Silver Air Barrier. Pero nagamit naman agad ni Zhao Feng ang kanyang enerhiya para tumalon ng ilang yarda at makatakas sa pamamagitann ng Smoking Transparent Step.

Teng! Teng!

Napaatras rin nang kaunti si Hou Yuan mula sa pagkakasira ng Silver Air Barrier at naging taimtim ang kanyang ekspresyon sa unang pagkakataon.

Mula sa simula hanggang ngayon, ang pinapakita ni Zhao Feng pagdating sa bilis, galaw at kapangyarihan ay higit pa sa kanyang inaakala at napantayan pa siya nito sa pakikipaglaban sa loob lamang ng maiksing oras.

Kung kilos lamang ang pag-uusapan, aaminin niyang hindi siya kasing galing ni Zhao Feng. Naunawaan na ni Zhao Feng ang Illusion Fish Picture at mahusay ito lalo na kapag isinasama sa mga speed skills, kung kaya ang Smoking Transparent Step ay lumagpas na sa max level.

Dagdag pa roon, ang Returning Breath Technique ay nagbigay kay Zhao Feng nang mas natipon at mas makapal na inner strength.

Kung gugustuhin lamang ni Zhao Feng, maaaring lumaban siya hanggang sa manalo.

Ito ang bagay na ayaw makita ni Hou Yuan, pero ang layunin ni Zhao Feng ay hindi ang lumaban para magpatalo.

Star Finger! Tornado Stance!

Small Gold Metal Fist!

Silver Wall Mountain Opener!

…..

Ang dalawang anyo ay nagkabuhol paminsan-minsan at saka maghihiwalay.

Si Zhao Feng ang siyang umaatake, samantalang si Hou Yuan naman ang sumasalag.

Lahat ng mga outer disciples ay gulat.

"Ang Zhao Feng na ito ay may lakas na katulad ni Hou Yuan!"

"Hmph! Nakaasa lamang siya sa kanyang speed skill para masabayan si Hou Yuan. Kung maglalaban sila nang harapan, hindi si Zhao Feng ang nararapat na maging kalaban niya."

"Ang speed skill ay part pa rin naman ng lakas ng isang tao. Kung pag-uusapan ang bilis, kaya niyang talunin ang kahit sinong outer disciple."

Kahit ano pa man ang sabihin nila, gulat pa rin ang mga manonood sa tunay na lakas ni Zhao Feng. Ang kanilang mga mata ay tila nakapokus lamang sa dalawang anyo na nasa entablado.

Ang movement skill ni Zhao Feng ay napakahirap intindihin bawat oras, kahit ang mga manonood ay nalilinlang.

Mula sa sampung atake, tanging dalawa hanggang tatlo lamang ang kaya niyang gawin sa tunay na katawan ni Zhao Feng at umaasa pa siya sa swerte.

Hanggan gsa umabot na ng apatnapu hanggang limampung atake, wala pa ring resulta.

Tornado Stance! Mysterious Wind Palm!

Biglang tumalon si Zhao Feng sa hangin at nag-iba ang istilo ng kanyang pakikipaglaban. Isang asul na liwanag ang nagmula sa kanyang palad at saka niya ito pinaikot-ikot na siyang humigop sa mga kalapit na hangin nito.

Tila mabagal ang kilos ng lahat, pero sa katotohanan lamang, napakabilis nito at may kapangyarihan itong hatiin ang kahit anong nasa daan nito.

"Iyan ang atakeng iyan!"

Si Ji Fengyuan, na nanonood mula sa baba, ay pinigil ang kanyang hininga.

Ang atake na ginawa ni Zhao Feng ay ang Mysterious Wind Palm na siyang nakatalo kay Ji Fengyun pero ngayong araw na ito, higit na mas malakas ang kanyang atake ng isa hanggang dalawang beses pa.

Gold Metal Sky Pole!

Taimtim na gumamit si Hou Yuan ng isang offensive at defensive skill. Ang kanyang dalawang kamay ay nakataas na tila gustong niyang buhatin ang langit pataas.

Dalawang nakamamatay na atake ang nagtama sa hangin at nagbigay ng walang hanggang 'Ding Ding' na tunog.

Ang isang anyo ay nasa kalagitnaan ng hangin, samantalang ang isa naman ay nasa lapag. Nang magtama na ang mga atake, isang mapanganib na enerhiya ang dumaloy sa nalalapit nitong paligid at nagpasabog ng suson ng alikabok na siyang nagtakip sa buong entablado.

Nagpatuloy ang ganitong senaryo ng ilang hininga bago nagkalayo ang dalawang anyo sa isang tunog na 'peng'.

Teng! Teng! Teng…

Isang ginintuang anyo ang nagsabi ng 'hmph' bago umalis, at ang isang anyo naman ay lumutang sa hangin bago dahan-dahang bumaba sa lupa.

Nang matanggal na ang suson ng alikabok, makikita na ang dalawang anyo.

Katulad pa rin si Zhao Feng ng karaniwan, ang pinagkaiba lamang ay sira-sira ang kanyang pananamit.

Para naman kay Hou Yuan, napakarami niyang maliliit na sugat sa katawan. Pero mula sa itsura nito, mukhang hindi naman talaga siya nasaktan.

Kahit ang mga manonood ay malamig ang hininga.

Sino ba namang makakaisip na mapapagod at masasaktan ng ganyan si Hou Yuan?

"Baka siya na ang maging bagong top outer disciple." Isang malinaw na boses ang nagsabi mula sa malapit.

Nang marinig ang kanyang boses, nanigas ang mga katawan nila, lalo na ang mga substitute inner disciples na gaya ni Ji Fengyun at magkapatid na Hong, na siyang nakatingin sa lalaking nagsalita.

Mula sa karamihan, isang daan ang nabuo at may lumabas na kabataan.

Ang mukha ng lalaking ito ay normal lamang at kalmado ang ekspresyon. Pero ito ang mukhang kayang magdulot ng paggalang mula sa ibang mga disipulo/

"Lin Ran, ang nasa unang puwesto!"

"Pati ba naman siya andito rin? Narinig ko minsan na tinalo na ni Lin Fan ang mga inner disciples ng Ascended Realm isang beses."

Ang presensya ni Lin Fan ay nagbunga ng shockwave.

Una mula sa mga disipulo?

Tinitigan ni Xiao Sun, Yun Mengxiang, Yang Qingshan at ng kanilang mga kasama ang pinag-uusapang anyo.

Simula nang maging mga disipulo sila, ilang beses na nilang narinig ang pangalan ni Lin Fan mula sa mga iba.

Gayon pa man, ang talento ni Lin Fan ay napakakatamtaman, tanging half spiritual body lamang ang mayroon siya at halos hindi pa siya makapasok sa Clan. Pero ang mga katulad niya na naabot ang pinakamataas na trono ng outer disciples ay gumagamit ng pagtitiyaga at pagsisikap.

"Lin Fan, si Zhao Feng ba ang tinutukoy mo? Magiging top outer disciple siya?"

"Kahit ikaw iniisip na hindi mo siya kaya?"

Iilan sa mga substitute inner disciples ay hindi makapagpigil na magtanong.

"Una sa lahat, ang kanyang movement skill ang pinakahusay sa lahat ng outer disciples. Kahit ako ay hindi ko kaya ang ginagawa niya." Sa pagkakasabi nito, tumigil muna si Lin Fan.

Iilan sa mga substitute inner disciples ay tumango bilang senyas ng pagsang-ayon.

"Ikalawa, ang depensa ni Hou Yuan ang pinakamagaling sa lahat ng outer disciples at hanggang sa ngayon, hindi pa rin nagagalusan si Zhao Feng samantalang si Hou Yuan ay mayroon na, kahit pa ito ay maliit lamang."

Sinuri ni Yun Mengxiang ang top outer disciple na ito. Pero kahit saan man niya tignan ang lalaki, napakanormal niya sa kahit anong paraan.

Inanalisa ni Lin Fan: "Nangangahulugan lamang ito na ang opensa, depensa at bilis niya ay nasa tuktok na, kung pagsasamahin, mas malakas talaga siya kay Hou Yuan. Tanging ang depensa lamang ni Hou Yuan ang pinakamagaling sa lahat ng outer disciples, at kapag natalo siya ni Zhao Feng, siya na ang magiging bagong top outer disciple."

Naramdaman ng mga manonood na may rason para dito. Pagkatapos ng lahat, ang substitute inner disciple na nasa ikalawang puwesto ay nilabanan si Hou Yuan pero naging pantay lamang ang kanilang resulta.

Sa pagkakataong iyon, ang sitwasyon sa entablado ay muling nagbago.

One Line Star Finger! Partial Wind Stance!

Biglaang pinag-isa ni Zhao Feng ang ikatlo sa kanyang Four Wind Stances sa mga atake niya.

Ang enlightenment mula sa Partial Wind Stance ay higit na mas malakas kaysa sa Tornado Wind Stance at ngayon, ang cultivation at pisikal na kaanyuan niya ay higit na mabuti ang kondisyon kaysa dati.

Qiuuuu… !

Isang matalim na liwanag ng inner strength ang gumuhit sa hangin. Ang daliri ni Zhao Feng ay tila isang matulis na sandata na siyang humiwa sa baywang ni Hou Yuan!

"Paano!?"

Nanigas ang katawan ni Hou Yuan habang tinitignan ang marka sa kanyang baywang. Hindi siya makapaniwalang ang kanyang depensa ay agad na nasira ng kalaban.

Qiuuuuu… !

Isa na namang manipis na linya ng liwanag ang gumuhit sa harap niya.

Noon ring iyon, nabigla talaga si Hou Yuan ng isang sugat ang makikita sa kanyang leeg.

Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan at malamig na pawis ang namuo sa kanyang noo. Halos lumakad na siya papunta sa pinto ng kamatayan.

Ang lakas ng ikalawang atake ay halatang nilimitahan, kung hindi, ang kanyang lalamunan ay matagal nang nagilitan.

"Tulad nga ng iniisip ko."

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng nang tumayo siya sa harap ni Hou Yuan.

Walang duda, ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng sa ngayon ay ang kanyang One Line Star Finger na sinamahan ng Partial Wind Stance. Ang kanyang Burning Wind Stance naman ay nauunawaan niya pa lamang ng dalawampu hanggang tatlumpung porsyento.

Nang magsama ang Tornado Stance at Mysterious Wind Palm, ang atake ay higit na matagal pero hindi kasing epektibo ng sa Partial Wind Stance laban kay Hou Yuan.

Ang Partial Wind ay may layuning kataliman at ito ang perpektong panangga laban sa mga body strengthening techniques sapagkat ang forte nito ay paghiwa o pagtusok, na siyang nababagay lamang sa mga kalaban na mataas ang depensa.

"Natalo ako!"

Matagal pa nang tuluyang mapagtanto ni Hou Yuan na natalo siya, pero kailangan niyang harapin ang katotohanan. Kahit ano pang laban ang gawin niya, wala itong saysay, dahil ang One Line Star Finger na sinamahan ng Partial Wind Stance ni Zhao Feng ay kayang kaya sirain ang depensang ipinagmamalaki niya.

Siguiente capítulo