"Ang challenger na si Zhao Feng ang nanalo!"
Umalingawngaw ang boses ni Deacon Qiu at tila nagising ang mga outer disciples mula sa kanilang mga panaginip.
Natalo si Hou Yuan!
Gulat ang nasilayan sa mukha ng mga outer disciples, naramdaman nila na tila napakabilis ng lahat.
Ang huling atake ni Zhao Feng ay agad na nawasak ang depensa ni Hou Yuan.
Ang bilis at depensa ni Hou Yuan ay parehong mahina kumpara kay Zhao Feng, ano pang kumpiyansa ang kakailanganin ni Hou Yuan para patuloy na makipaglaban?
Ang huling palitan ng atake ay higit na nakapagpagbago ng ekpresyon ni Lin Fan na siyang nasa unang puwesto sa mga outer disciples.
"Anong sindak ng atakeng iyon! Kaya nitong pagbantaan ang mga cultivators nasa 1st Sky ng Ascended Realm." Ito ang nasa puso ni Lin Fang habang sinusuri si Zhao Feng sa entablado.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com