(Sena POV)
Kalakip ng kontrata naroroon ang patunay na binayaran nga niya ang tiyuhin nito na siyang nagbenta sa akin. Bakit nadadamay ako sa mundo nilang, mapangahas at tinalo pa ang pagiging mapatmatyag ng matang lawin.
Charr… Kuya Kim, is that you?
"Gusto mo bang bayaran ko to Sean?" Sa sinabi ko hindi siya makapaniwala, kaya sagad na naman itong tumawa.
Sa tugon niya, hinampas ko yung papel sa kanya. Kaya natigilan ito.
"Tinatanong kita ng maayos. Wag mo akong pinagtitripan."
"Sa natatawa ako Sena." may ngiti pa nga sa labi niya. "Ang tanong, may kakayanan ka bang pagbayaran yan sa akin?"
Kaya ako na din ang napangiti sa kanya at muli itong hinampas ng papel.
"Gago ka! Baka nakakalimutan mo, maayos kong Pinalaki ang mag anak mo sa loob ng limang taon. Plus, yung hirap na dinanas ko ng dinala ko sila, at kung paano ko sila iniluwal sa mundong to!"
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com