58 Chapter 57 Accidentally kiss

<< Claire>>>>>>

Napamulat ako...

Nang biglang mahilo ako...

Ang sakit ng ulo ko... Parang sisipunin ako ...

Malabo pa ang paningin ko...

Kaya nagpagulong-gulong ako...

Ang lambot...

Ang lambot ng higaan na 'to...

Teka?

Higaan?... Higaan?...

Natulog ba ako?...

Napamulat ako.

Maliit na bintana...

Napabalikwas ako ng bangon ng...

Maalala ko ang lahat...

Ngunit nagulat ako... Kung sino yung nasa gilid ng kama... Nakaupo...

At ibinaba niya ang librong kanyang binabasa...

" Salamat naman gising ka na."

Tumayo siya...

" Zhio...?"

Saka bumalik ang mga alaala ko.

" Ako nga."

Nakaramdam ako ng kaba.

Anong ginagawa ko rito kasama ang lalaking 'to. Saka nasaan kami...

Teka?... Kami lang ang nasa loob ?..

Huwag niyong sabihin na....

" Ahhhhhhhhhhhhhhhhh....!"

Natigilan ako ng bigla niya ako batuhin ng unan sa mukha.

" May ginawa ka sa akin!"...

Saka ko binato ng mga unan si Zhio.

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin.

Hinawakan ang mga kamay ko at hinarap niya ako sa kanya.

Tinitigan niya ako ng nakakamatay.

Huhuhu... Ang lakas niya... Di ako makapalag.

Bigla siyang ngumisi.

Niluwagan niya ang pagkahawak sa mga kamay ko...

" Asa ka din No."

Ha?.

Binitiwan niya yung isa kong kamay...

Bigla niyang piningot ang ilong ko.

" Aray..."

Ngumiti siya...

As in ngumiti siya?...

Anong sumanib sa lalaking 'to...

At ano yung sinabi niyang... Asa ako...

Nagkatinginan lang kami...

Nang biglang parang lumindol...

Kaya di ko nabalanse yung katawan ko...

Mahuhulog sana ako..

Nang biglang hinila ako ni Zhio...

Upang mapasubra yung pwersa sa paghila niya sa akin ...kaya napasubsub ako... Sa mukha niya...

Kaya naman biglang....

Naglapat yung labi namin...

Nagulat ako...

Gulat rin siya...

Dahil pareho kaming gulat...

Nanatili ang posisyon naming gano'n.

Nang biglang may kumatok...

Upang bumalik kami sa pagkatao namin...

Lumayo kami sa isa't -isa.

" Bukas Yan."

Si Deo.

" Sir..."

Saka ko lang napansin nasa loob kami ng eroplano...

Anong ginagawa ko rito...

At ang masama pa parang lumilipad!

" Zhio!"

Biglang tawag ko sa kanya...

Parehong napalingon si Deo at Zhio..

" Anong ginagawa ko rito!"

Tumayo na ako...

At naglakad palabas ng silid na yun.

At nadismaya ako na...

Nasa loob nga ako ng eroplano...at lumilipad ito...

Parang mahihimatay ako ng dis-oras.

Natigilan ako...

Napaupo sa sahig...

At sumigaw ng...

" Ahhhh.... Anong ginagawa ko rito!"

May kumuha ng kamay ko ...

Saka pwersahan niya ako pinatayo.

Si Zhio.

" Anong ginagawa ko rito! Saan mo ako dadalhin!"

Saka namuo na ang luha sa mga mata ko.

Tinignan niya ako.

Wala naman akong kasalanan sa kanya.

Nang hilain niya ang kamay ko ng maglakad siya.

" Bitiwan mo ako!"

Walang narinig.

Habang si Deo nakasunod lang sa amin...

Nakita ko yung pang-passenger seat area ng eroplano...kinakabahan ako...lumilipad eh...

" Ano ba Zhio."

Pumasok kami sa isang maliit na parang dining area...

Coach ang upuan.

Pwersahan niya ako pinaupo.

Naupo na rin siya.

Nagsidating yung mga attendant na puro lalaki... Pero...mga magagandang klaseng uri ni Adan. Wow...ang landi ko.May mga inilapag silang pagkain sa mesa...

Nanlaki lang yung mata ko ng makita ko yung niluto ko...

Di ko pa yun natikman. Patay... Baka palpak na naman ako.

Pinaalis ni Zhio ang mga yun.

Infairness nakaramdam ako ng gutom...

Gutom na gutom na talaga.

Wala pa ako kumakain ng maayos simula kahapon.

" Zhio..."

" Just keep your mouth shut-up..."

Okey.

Mauna na akong kumain ha.

Kinuha ko yung serving spoon. Tinignan lang niya ako. Haist makakain nga...

Bago ako tumalon sa eroplanong 'to.

Ang sasarap ng hinain nila... Pwera yung nasa gitna... Niluto ko yun ...pero di ko talaga siguradong masarap yun. Tsk... Bakit nga ba eh... Nagmadali ako dahil sa drama ng lalaking 'to.

May magse-serve sana sa kanya...ng..

" I can do it by my own."

Kaya yun siya mismo ang nagserve sa sarili.

" Amen." No'ng matapos ako.

Kumain na ako...

Haist bahala ang asungot na 'to mamaya.

Magkakaroon ng gyera dito mamaya sa loob ng eroplanong 'to.

Pero napatitig ako sa kanya.

Napatitig siya sa akin.

"What..."

"... Kakainin mo ba talaga yan."

avataravatar
Nächstes Kapitel