Mangako ka
"Mommy, Three days po ako sa Apayao. Baka po kasi walang signal doon eh kaya uunahan ko na po." Paalam ko kay Mommy.
"Basta Anak, Mag-iingat ka. Kapag may signal ay tawagan mo kami ng Daddy mo. I love you."
Hapon pa lang ay naka-impake na ako at sinigurong dala ko ang lahat ng mga kailangan ko dahil nasa dulo ng Luzon ang pupuntahan namin. Excited na akong makita ang mga bata sa Apayao. Simple lang ang suot ko, Naka black shorts, white t-shirt na pinatungan ko ng flannel. Naka Vans ako dahil bundok ang pupuntahan namin.
Isang backpack ang dala ko at nagdala pa ako ng isang maliit na backpack para ilalagay ko lang doon ang mga kailangan kong dalhin pag nasa Apayao na ako.
"Serena? Punta ka na lang dito sa office pag ready ka na. Yung bus na sasakyan natin ay darating in 30 minutes. Ingat ka! See you!" Paalala ni Ate Vera sa tawag.
Magpapahatid na lang ako kay Mang Pio dahil may sasakyan kami papunta sa Apayao. Nang nag text na si Mang Pio sa akin ay kinuha ko na ang gamit ko at bumaba.
Sinigurado ko na naka-lock ang mga pintuan sa condo ko bago unalis.
Pagkalabas ko ng elevator ay nakita ko ang sasakyan na dala ni Mang Pio na Audi S8. Aalis na sana kami pero
"Pwede pa ba akong sumama?" Tanong ni Adam nang binuksan ko ang bintana ko. Tinitigan ko muna siya bago sumagot.
"Sus! Ang arte mo, Sige sakay na."
Umupo siya sa kanan ko at inayos ang bag niyang dala.
"Mang Pio, Okay lang po ba dumaan muna tayo sa isang cafe?"
Tanong ni Adam.
"Yes Sir, Sige po."
Tulog lang ako habang nasa biyahe dahil anong oras na nga ba? It's 2:00 in the morning. Ni wala pang bakas na mag-uumaga na, Nakikita ko parin ang mga kumikinang na bituin. Nagising ako na nakabalik na pala si Adam mula sa cafe sa isang gas station.
"Your favorite." He handed me the cup of Caramel Macchiato and Cheese Sandwich.
"Thank You." I replied.
Kinain ko ito habang papunta sa opisina ng foundation na kasama namin. Nakita ko ang mga kasamahan namin na naglalagay na ng gamit sa bus na sasakyan namin.
"Mang Pio, Salamat po ah. Pasensya na po, magpahinga na po kayo agad pag-uwi ninyo." Paalam ko kay Mang Pio.
"Wala iyon, Nak, Mag-iingat kayo. Paki tignan mo nalang itong si Serena, Adam ha."
Nang makalabas na kami sa sasakyan ay nilapitan ko na si Ate Vera.
"Uy! Kamusta ka na? Ito ba ang kasama mo?" Turo niya kay Adam na nasa tabi ko.
"Ah, Opo. Ako nga po pala si Adam Richardson." Pakilala ni Adam at bineso-beso pa si Ate Vera.
"Ahh, Nice to finally meet you. I am Verna Castro, Ate Vera na lang."
Akala ko ay late na kami pero buti na lang ay nag headcount pa sila bago pumasok sa bus. Kumpleto na kami at matapos ang labing-limang minuto ay naka-alis na rin ang bus. 3:30 na ng umaga nung maka-alis na kami. Kami ang pumili ng katabi namin at si Adam ang seatmate for 11 hours. Yes, 11 hours kaming bibiyahe papuntang Apayao. Nagdala talaga ako ng neck pillow at jacket in case na lamigin ako.
"Look at your eyes, It does look tired and sleepy. Go sleep, I'll wake you up once we get to a stop over."
"Thank You, You too, Get some z's habang nasa biyahe." I told Adam.
Grabe! Antok na antok talaga ako, Pakiramdam ko bibigay na ang talukap ko sa puyat. Malamig sa loob ng bus kaya sinuot ko na ang dala kong jacket. Si Adam mukhang hindi naman nilalamig dahil naka white t-shirt, denim shorts, at bomber jacket. Ang gwapo niya kahit inaantok, nakakatunaw ang lalaking ito. Shhhh!!! Tama na ang pagpapantasya, matulog ka na at mahaba pa ang biyahe, Boogsh! Logtu na ang lola niyo.
"Serena? Adam?"
Narinig ko ang pangalan ko na tinatawag pupungay-pungay pa ang mata ko dahil sa biglaang gising ko.
"Uy! Sorry nagising ko kayong dalawa ah, Nasa Ilocos na tayo. Bili muna kayo ng pagkain. Mahaba-haba uli ang biyahe natin."
Nang umalis na si Ate Vera ay tinapik ko na ang katabi ko. Aba! Napasarap ang tulog ng kolokoy!
"Huy! Gising na! Ilocos na 'to." Gising ko sa kanya.
Nagising naman siya agad at tumayo na. 9 hours pala kami nakatulog. Pumunta kami sa isang fast-food chain. Siomai at Fried rice ang kinuha ko tapos yung Milk Tea naman para sa inumin ko. Parehas lang kami ni Adam ng binili at mabilis na kumain dahil may 15 minutes lang kami.
"Bili tayo ng pwedeng kainin sa bus? Libre ko basta samahan mo ko." Sabi ko kay Adam nang natapos kami kumain ng tanghalian.
"Sige, Tara?"
Pumunta kami sa isang convenience store para bumili ng chips, candies, and drinks.
Si Adam kumuha ng 2 Chips at 2 bottles of drinks. Habang ako dalawang malaking pack ng chips, mint candies, at bottled fruit juices.
"Yan lang talaga kukunin mo?" Tanong ko kay Adam nung nasa counter na kami.
"Yep." Sagot niya.
Habang nagbabayad kami ay napansin ko ang mga babaeng kahera na halos matunaw na ang lalaking kasama ko sa sobrang titig nila. Mahaharot! Pati yung beki na staff nanlalambot pa.
"Ma'am, Pwede po ba magpapicture sa kanya? Pakuha naman po ng litrato." Sabi ng isang babaeng kahera.
Wow! Hindi pa sila nakuntento sa pagtitig kay Adam at gusto pa magpapicture at ako ginawa pa akong photographer!! Aba! Feel na feel ng kolokoy ang pagpapa-picture ng mga babaeng ito, Artista ka ba ha?? Psh! Lumabas na ako nung tapos na magpapicture ang mga babae.
"Ma'am! Hindi pa po kayo bayad!" Sigaw ng babae nung nasa pinto na ako. Gago! Sa sobrang busy nila sa pagpapa-cute kay Adam, naalala pa nila na hindi pa ako nakakabayad?! Wow Magic!
"Singilin niyo yung crush niyo." Sagot ko dun sa babae na mukhang espasol sa sobrang kapal at tingkad ng mukha niya sa makeup.
"Oh ano? Tapos ka na magpaka artista sa loob?" Inis na tanong ko sa kanya nang lumabas na si Adam sa convenience store.
Naglakad na kami papunta sa bus dahil ayaw kong maiwan. Umupo ako sa pwesto ko kanina sa may tabi ng bintana, isinara ko ang kurtina dahil naka tapat sa akin ang araw.
"Hmm, Jellyace." Narinig ko bulong ni Adam habang naka-ngisi. Juskoday! Nagseselos na ba ako sa lagay na yun? Uy! Sagutin niyo nga ako.
Habang nasa biyahe ay nag-play sila ng movie sa bus, 6 hours pa daw uli ang biyahe papuntang Apayao. Yung ibang volunteers ay nanood ng movie, yung iba naman nasa phone nila, at yung iba naman natutulog. Syempre si Adam tulog ay hindi nanonood din pala. Tumatawa ang kolokoy! HAHAHAHA. Nanonood ako nang nag ring ang phone ko.
"Hello?"
"Uy! Saan ka?" Tanong ni Sam.
"On the way sa Apayao, Bakit?" Sagot ko.
"Sa Saturday ah, Birthday ko don't forget! Dinner tayo i'll text you when and where. Ingat kayo ni Adam and Use protection!" Paalala niya.
"Sira! Sige na. Byeee!"
Habang kumakain ako ng chips, nakita ko ang kamah ni Adam na aaktong kukuha ng chips.
"Sinong nagsabing pwede kang kumuha?" Sita ko sa kanya.
"Please?" He pleaded with his shining eyes.
Hindi na ako nakapalag at binigyan ko na siya ng chips. Mga ilang oras pa ang biyahe papuntang Apayao. Pero tumigil muli kami sa isang road view deck.
Nang pababa kami ay tinanggal ko ang jacket ko na suot ko. Magkasama kami ni Adam bumaba. Nang makita namin ang road view deck, sobrang ganda ng tanawin mula sa amin, Overlooking ang view kaya nakikita namin ang ganda ng buong siyudad.
Breathtaking ika nga, Nagulat ako nang may narinig akong click ng camera mula sa likod ko.
"Halika dito." Tawag ko kay Adam.
Bago kami nag picture ay naglagay muna ako ng lip and cheek tint sa mukha ko, para naman hindi mukhang pagod at puyat hindi ba?
"Smileeee!" I said while holding my phone above us. Nakita ang view na nasa likod namin.
"Okay, Team, Let's go back to the bus!" Ate Vera shouted.
Nilapitan ko si Ate Vera at tinanong kung gaano pa katagal ang biyahe, sabi niya 6 hours na lang daw. Keri yon! Matutulog muna ako para may energy ako mamaya.
"Here." Inabot ko kay Adam ang neck pillow ko nang nakita ko na hinahawakan niya ang leeg niya.
"Thanks, Pano ka?" Tanong niya sa akin.
"I'm okay, Nakatulog na naman ako kanina with the neck pillow."
"Sandal ka nalang sa akin, Wag ka na mahiya. Sleep, Love."
Nagising na lang ako na nakita ko na papasok na kami sa isang torre na may nakalagay na welcome.
FINALLY AFTER 11 HOURS NA BIYAHE NAKARATING NA RIN KAMI!! Bago kami bumaba lahat ay nauna si Ate Vera at kanyang asawa, Sila kasi ang in charge dito sa mga volunteer works.
Matapos ang 10 minuto ay pinababa na kaming lahat. Kinuha ko ang backpack ko at nagsimula na kaming maglakad. Mainit kaming sinalubong ng mga tao sa siyudad. Napaka-kulay ng mga suot nila, kayumanggi ang kulay, at kay gaganda ng mga tanawin.
Pinakilala kami nila Ate Vera sa mga tutulungan namin for 3 days. May mga umalalay sa amin papunta sa mga tutuluyan namin.
Kasama ko naman si Adam sa bahay kubo na nabigay sa amin.
"Salamat po! Ano po uli ang pangalan niyo?" Tanong ko sa kasama namin.
"Ako nga po pala si Nena at ito ang anak ko si Flora." Pakilala nila sa amin.
"Hello po! Magandang Hapon! Ako naman po si Serena, Ito po si Adam."
"Mag nobyo po ba kayo ate?" Tanong sa amin ni Flora.
"Malapit na, Flora." Si Adam ang sumagot. Presko talaga neto.
"Ang ganda ganda mo naman, Bagay sayo ang pangalan mo, Flora ,dahil tulad ng mga bulaklak ay kasing ganda mo sila." Puri ko kay Flora.
"Magpahinga muna kayo dito, Nasa labas lang kami." Paalam nina Aling Nena.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at inilagay sa isang cabinet na gawa sa kahoy ang mga dala ko.
May sariling banyo sa aming bahay kubo pero sa labas iyon. Malamig ang simoy ng hangin dahil bundok itong pinuntahan namin. Naisip ko na maligo ako dahil nanlalagkit na ako dahil sa haba ng biyahe namin.
Hindi na ako nagpaalam kay Adam dahil busy siya sa pag-aayos ng gamit niya. Isa, Dalawa, Tatlo!! Shet! Ang lamig ng tubig!! Mabilis lang ako naligo dahil malamig ang tubig. Naka leggings at t shirt ako.
"San ka galing?" Tanong ni Adam pagkabalik ko sa kubo.
"Dun oh, Sa may banyo. Naligo ako eh, Bakit?" Turo ko sa labas ng kubo.
"Ahh, Kala ko san ka pumunta. Sige, dito ka muna, Maliligo lang ako." Paalam niya.
Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko dahil may assembly daw ng 6:00 pm. Isang oras na lang bago ang assembly, tapos na rin naman ako mag-ayos ng gamit kaya sarili ko naman ang inatupag ko.
Nagsimula na akong magsuklay at mag-pulbo, naglagay na din ako ng lip and cheek tint. Uso daw yun kaya bumili ako eh maganda naman. Bumalik si Adam na naka shorts pa rin at muscle tee na lang ngayon. The biceps is killing me!!
Nakita ko na pumupunta na ang mga tao sa assembly area kaya minabuti ko na kunin ang maliit kong backpack at pumunta na. Inantay ko pa kasi si Adam maglipat ng gamit, ang bagal bes!
"Oh, Tara na!" Pag-aaya ko sa kanya.
"Good Evening! I am Verna Castro, pero Ate Vera na lang. Ito naman si Kuya Junie, Asawa ko siya. Ito naman si Tatay Greg, siya ang kasama ng mga Isneg dito. Next, Ito si Kuya Dindo ninyo, Siya ang katulong natin dito." Pakilala niya sa mga kasamahan namin.
Mga 10 volunteers lang kami at yung iba ay yung mga leaders kumbaga. In-explain nila Ate Vera ang gagawin namin for three days. Bukas ay health-related programs ang gagawin namin then the next day is feeding program and activities for the people, and for the last day para sa amin ng mga volunteers iyon kung anong gusto namin gawin.
So for today all we have to do is get some rest dahil mamayang gabi ay may traditional dance daw na gagawin and I'm really excited to meet all these people.
"Magandang Gabi po!" Bati ko sa mga taong nakakasalubong ko at may kasamang matamis na ngiti.
Humiga muna ako sa banig na inihanda para sa amin, gusto ko muna magpahinga dahil sobrang haba ng biyahe kanina. Nang makita ko na may signal ay tinawagan ko na sila Mommy.
"Mom? Yes, Nandito na po kami. Mga 4:30 pm po kami nakarating dito."
"Okay anak, Mag-iingat kayo dyan and have fun! We love you!"
I'm happy if I make sure that my parents know where I am going, ayaw ko kasi na nag-aalala sila sa akin. At ayaw ko rin ng tawag ng tawag kaya mabutihin na lang na sabihin ko na lang.
"Oh, Serena, Kamusta ka na, Hija?" Tanong ni Kuya Junie nung pinapasok ko si
"Okay lang po, Kuya Jun. Thank you po dahil nakasama ako."
"Ay, Hija, Dapat kami ang magpasalamat sa inyo dahil sa tulong niyong volunteers. Mamaya pumunta kayo ah, May salu-salo tayo."
"Opo, Sige po."
Nang mag-gabi na ay mas lalong lumamig ang simoy ng hangin kaya kinuha ko na ang cardigan ko habang si Adam nagsuot na ng jacket niya.
Medyo mahina ang signal dito pero okay lang at least may chance kami mag-enjoy without any gadgets. Wow! Field trip lang nohh.
Na-idlip ako pero ginising na ako ni Adam at naalala ko na may salu-salo ng gabi. Nag suklay ako at naglagay muli ng lip tint. Sabay kami lumabas ni Adam at pumunta sa assembly area namin.
Pagdating namin doon ay may bonfire na naka-ready, nang kumpleto na kaming lahat ay sinindihan na ang bonfire. May marshmallow na inihanda sina Ate Vera, feel ko Girl Scout na ako.
May mga kumanta, sumayaw, nag-tula, nagbigay ng mensahe, at pinakita ng mga Isneg ang kanilang kakaibang mga sayaw at talento.
"Sino pa ba ang gustong mag volunteer? Serena? Come, join us."
Huh? B-Bakit ako? May talent ba ako? Shet! Hala! Yung video ko ata yun nung high school. Yung nag-perform ako sa stage. Loka! Wala na akong magagawa kundi ang tumayo at pumunta sa gitna.
Pumalakpak ang mga tao habang nag ch-cheer sila sa akin. Naiwan ako na nag-iisang nakatayo, habang sila'y naghihintay kung ano ang gagawin ko. Binulong ko sa nag-gigitara ang kantang aking kakantahin, Hawak Kamay ni Yeng Constantino.
I chose a very inspiring song and sang in this tranquil place with all sincerity and feelings. I sang with my eyes closed and felt every single world I said in the lyrics. I opened my eyes when I finished singing and heard the applause from the people around me. I went back on the wood I sat on a while ago.
"Hmm, You really are good." Puri ni Adam pagkabalik ko. Kumuha uli ako ng marshmallow at kinain ito. Natapos kami matapos ang dalawang oras kaya bumalik na kami sa mga kubo namin.
Hindi pa ako gaanong inaantok kaya nag-phone muna ako.
"Coffee?" Tanong ni Adam habang inaabot ang kape sa tasa.
"Thanks."
"Hindi ka pa inaantok?"
"Hindi pa eh." Sagot ko.
"You wanna walk?" Tanong niya sa akin.
Pumayag ako at nagsuot muli ako ng tsinelas ko, dala dala ko ang tasa ng kape na binigay ni Adam.
Nagkwentuhan kami habang naglalakad. Natigil kami sa isang upuang kahoy at umupo. Napaka-lalim na ng gabi at kami'y nasa ilalim ng nga nagniningning na bituin.
"Alam mo nung kumakanta ka kanina, napaka lamig ng boses mo. Sobrang sarap sa tainga."
"Matagal na akong hindi kumakanta, high school pa ako nung nasa video ako. Pero, Salamat."
Nagsimula muli kaming maglakad sa lalim ng gabi. Naubos na ang kapeng iniinom ko. Naririnig ko ang tinig ng mga kulisap. Niyakap ako ng isang malakas na malamig na hangin. Naramdaman ko din ang isang mabigat na braso na nakapatong sa aking kanang balikat.
"Baka hanginin ka eh."
"Gago ka talaga, Mr. Richardson"
"Joke lang, Ayaw mo ba ng ganto? May kasama kang gwapong lalaki sa ilalim ng bituin."
"Basta hindi ka aalis kahit wala ng mga bituin ah. Kahit hindi na gabi, Kahit hindi na mahangin, Hindi mo ko iiwan kahit anong mangyari." I replied to him.
"Mangako ka, Siraulo ka." Dagdag ko pa.
"I won't promise because I will do it, because I want you and I love you. I will wait until you're ready."
Hindi na ako sumagot dahil alam ko na basang-basa na ni Adam ang emosyon sa pagmumukha ko. Kahit siya rin ay napangiti at nangangamatis ang... HOY HINDI YON! Yung pisngi kasiiii HAHA.
"Huy! Alas-dose na, Balik na tayo."
Pag-aaya ko nang makita ko ang oras.
Naglakad na kami pabalik at nakita namin sa isang bahagi ng kubo ang mag-inang kasama namin. Mahimbing silang natutulog kaya minabuti namin na tahimik na pumasok sa kubo.
Inayos ko ang higain namin, magkahiwalay kami ni Adam pero parehas lang na banig ang higaan namin.
"Goodnight, Adam. Thank you for walking with me."
"Thank You for letting me walk with you. Sleep well, Love."