If I were a boy I think I could understand.
How it feels to love a girl, I swear I'll be a better man.
I'll listen to her, 'cause I know how it hurts.
When you lose the one you wanted 'cause he's taking you for granted.
And everything you had got destroyed.
- If I were a boy, Beyonce
***
AGAD naman na tahimik si April bago sumakay sa sasakyan. Katahimikan ang namayani sa buong byahe nila. Nakayuko lamang si April.
Hindi alam ni Cyrill kung paano kakausapin ang dalaga. Partly alam niyang may kasalanan siya. Pero hindi din naman niya matanggi sa sarili na kahit papaano ay gusto niya ang nangyari.
Pero hindi pasensosyong tao si Cyrill. Hindi niya alam kung saan iuuwi ang dalaga.
"Saan ka nakatira?" He made his voice as cold as possible. Dahil baka hindi niya mapigil ang sarili at iuwi niya ulit ito and he won't stop until she beg to stop.
"S-Sa sakayan mo nalang ako ihatid." Sabi nito habang naka yuko pa rin.
Nauubos na talaga ang baon niyang pasensya.
"Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita. Saan ka nakatira?" May diin na sa boses nito.
Kahit galit si April sa binata ay may takot rin siya dito.
Kilala sa buong university ang pagiging babaero at pagka mainitin ng ulo nito. Baka kung anong gawin sa kanya ng binata.
Agad niyang tinuro ang kanilang lugar.
"Dito?" Baka sang pagkamangha sa binata.
"Oo… ihinto mo nalang sa kanto. Hindi kasya ang sasakyan mo sa eskinita." Sabi ng dalaga.
Sa isang squatters area ang bahay nila April. Hindi ito ine-expect ng binata dahil na rin sa angking ganda nito. Pero hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagiging scholar nito sa kanilang university.
"Teka." Pigil nito sa dalaga ng akmang lalabas na ito nang kanyang sasakyan.
Hindi nilingon ni April si Cyril nang pigilan siya nitong bumaba.
"About what happened last night…"
"Kalimutan nalang natin 'yon." Hindi pa rin niya nililingon ang binata. "It's just a one night stand, right?" Marahan niya itong nilingon para makita kung anong reaksyon nito sa sinabi.
Matagal niyang inisip ang mga nangyari, she keep thinking rationally kahit gusto nang magwala ang inner self niya. Ano pa bang magagawa niya kung magwawala? Can it repair her hymen? Can it go back the time para hindi na siya sumama kay Kim at hindi na mangyari ang nag yari? The reality is wala na siyang magagawa. The better thing to do is to move on.
He saw different emotions in his eyes. Pagkabigla, inis… at pagkalito.
"Y-Yeah. Let's forget what happen last night." Malamig nitong sagot sa kanya.
Nagulat siya sa sarili nang makaramdam ng sakit sa sinagot nito. She expected it anyway. Pero bakit siya nasaktan nang marinig ito mismo sa kanya?
"And… can I have a favor? S-Sana… wala kang pagsabihan ng nangyari sa'tin. Ayokong masangkot sa isang eskandalo. It's my final year, pu-pwedeng makaapekto sa scholarship ko ang kahit anong eskandalo." Sabi pa niya dito.
Isang catholic organization kasi ang nagpapaaral sa kanya. Malaking eskandalo lalo na sa mga madre kung malaman ang nangyari sa kanila.
"I don't kiss and tell." Tila nayayamot pa nitong sabi sa kanya.
Nakakaintindi na tumango si April.
"At sana… sana kapag nagkasalubong tayo sa daan. Sana umakto kang hindi mo ako kilala. Like last night never h-happen." Mabigat sa dibdib niyang sabi.
Napalingon sa kanya ang binata. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito.
"If that is what you want." Nagtatangis ang ngipin ni Cyril sa pagpipigil ng inis.
How can I forget those lips and those eyes?
"S-Salamat sa paghatid." Agad naman itong bumaba sa sasakyan ng binata at naglakad papasok sa eskinita patungo sa bahay nila.
Ang mga kapitbahay naman niyang ay naghahabaan ng leeg sa kakasilip sa dalaga. Nagtataka kung bakit sa isang mamahaling sasakyan ito bumaba. Nagsimula nang gumawa ng istorya, ng kuro-kuro.
Naririnig ni April ang bulungan ng mga kapitbahay. Hindi nalang niya iyon pinansin, sanay naman na siya sa mga ito. Ang mga kwento at pangingialam sa buhay ng buhay ang past time ng mga tao sa lugar nila.
Habang sa di kalayuan ay nandoon pa rin si Cyrill. Nakatanaw sa papalayong pigura ng dalaga.
What can I do to forget a living angel like you? Bulong ulit niya sa sarili.
He shook his head and started the engine of his car. He is already late for his afternoon class. Better to go somewhere and have some drinks.
Please play the song included on each chapter for "more" feels! ❤️
Please wash your hands regularly, humans!
Thank you so much for giving time on my story! Really appreciated! Will work hard more for your reads :)
Comments? Reactions? Feel free to comment them down below :) You can use the #YoungHearts
Follow me on my social media platforms!
Twitter: @RomanceNovelist
Instagram: @romancenovelist_wp
e-mail: romancenovelist@yahoo.com