webnovel

You Can Count On Me

You can always count on me. Always. My bestfriend.

Esrixx · realistisch
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Six

I saw her, sitting alone in a two people table near the window. Mabagal ang lakad kong nilapitan siya. Mukhang hindi niya pa ako napansin dahil nakatitig siya sa phone niya.

Kanina pa ba siya dito?

I stand in front of her. Napaangat siya ng tingin. Ang maganda niyang ngiti ay dahan dahang nawala ng makilala kung sino ang nasa harapan niya.

"K-Kyle?"

Hinila ko ang upuan na kaharap niya then I sit there. "Hi, dude." I smile.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Pinuntahan kita. Wag mo na hintayin yung boss mo, mukhang hindi na siya pupunta eh." I said then I chuckled.

Kumunot ang noo niya. "Paano mo naman nasabi? Baka late lang yun tsaka kung hindi siya pupunta, magtetext naman siguro siya."

And just on the cue, her phone beep.

Agad siyang napatingin doon. Mukhang nagtext na ang mokong!

Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa cellphone at kung paano siya dahan dahang napayuko.

I smirked. "Siya ba yung nagtext sayo?"

Tumango siya pero nakayuko parin siya sa akin. Nasa phone niya parin yung tingin niya. "Anong sabi?"

She shook her head. "H-Hindi daw siya ma-makakapunta." mahina ang boses niya habang nagsasalita.

Dahan dahang nawala ang ngisi sa aking mga labi at mahigpit na kumuyom ang aking kamay. A while ago, I've been restraining myself to punch him hard. Hindi ako iskandalosong tao. I have a very very long patience but I felt like my blood just boiled to the highest level when I saw that man.

Tumayo ako at nilapitan siya. I held her hand. Napaangat ang tingin niya sa akin. Her eyes are watery. "D-Dude?"

Mahirap man sa akin, ngumiti parin ako. "Tara, dude, may ipapakita ako sayo. Wag kang nagmumukmok dito sa mamahaling restaurant na to! Hindi ito ang type natin. Tara!"

Hinila ko siya patayo at palabas ng restaurant. Nagpahila rin naman siya sa akin pero tumigil siya ng makalabas na kami.

"Teka! Saan mo ba ko dadalhin?" kunot noong tanong niya. Ngumisi ako. "Secret. Halika na, promise magugustuhan mo kung saan tayo pupunta!"

Pumara ako ng jeep at sumakay kami doon. Nakaupo na kami at umaandar na itong jeep pero hindi ko binatawan ang kamay niya. Mas humigpit pa ang kapit ko doon at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa kamay namin.

Ayaw niya bang hawak ko ang kamay niya?

Dahil sa naisip kung yun, plano ko na sanang bitawan ang kamay niya ng maramdaman kong siya naman ang humigpit ang kapit sa akin.

This time, ako ang napatingin sa kaniya. Her bright smile greets me. "Sige, dude! Dalhin mo ako sa lugar na sinasabi mo. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko talaga diyan dahil kung hindi..." she showed me her closed fist. "Ito aabutin mo sa akin."

Nagulat man ay napangiti parin ako. Maybe because she smiled? Siguro. Or maybe because she didn't let go of my hand?

Tsk! Parehas, Kyle! Aminin mo na kasing marupok ka pagdating sa kaniya!

I chuckled and flick her forehead. Hinaplos naman yun ng kamay niyang libre sa pagkakahawak ko. "Siga ka na pala ngayon?"

She rolled her eyes and frown. "Asar ka naman eh! Kahit kailan talaga hindi kita makakausap ng matino!"

"Coming from you?! Eh mas weird ka pa nga sa mga reyna ng weirdo!"

Tinignan niya ko ng masama kaya mas lalo ko lang siya gustong asarin dahil sa expression niya. "Anong weird?! Hindi naman ako weird ah!" napalakas na sabi niya kaya napalingon sa amin yung mga tao.

Ito na nga bang sinasabi ko eh.

Napapabuntong hininga akong umiling. Hindi ko na lang siya sinagot dahil kung sasagot pa ako siguradong mas hahaba pa ang usapan namin. At siguradong sisigaw na naman tong babaeng to.

Pumara agad ako ng medyo malapit lapit na kami. Nagtataka pa nga siya kasi sa madilim at walang katao tao kami bumaba. Nagtatanong siya kung saan ba talaga kami pupunta pero nginingitian ko lang siya.

Nakangisi kung binitawan ang kamay niya. She looked at me pero hinawakan ko ang dalawang braso niya at tinalikod siya sa akin.

Then I covered her eyes. "What the hell?!" sigaw niya. "Shhh! Walk straight, dude." I whispered in her ear.

Ramdam ko ang pag aalinlangan niya pero naglakad parin siya. I guided her so she won't fall. Nakakapit siya sa kamay kung nakatakip sa mata niya.

Unti unti kung naaninag ang maliwanag, maingay at puro usok na lugar. Our destination.

"Just three more steps." I said then takes three more steps too and then I stopped.

Tumigil din siya pagtapos niyang maglakad ng tatlong hakbang.

"Ano na, dude? Andito na ba tayo? Dali na, ang sakit na ng mata ko."

I smile. "In a count of three, okay?" she nod.

"One..."

"Two..."

"Three..."

I slowly removed my hands in her eyes. Pumunta ako sa gilid niya para makita ang reaksiyon niya. Ilang beses pa siyang kumurap bago marealize kung nasaan kami.

Nasa tindahan kami ng street foods. May ihaw, prito at palamigan. Hindi nga uso ang softdrinks dito. Mas marami ang nagtitinda ng buko juice or pineapple juice.

Gulat siyang nakatingin sa harapan hanggang sa dahan dahan siyang napangiti. "Oh my gosh!!!" she shouted and clap her hands.

Nagustuhan niya ba?

Humarap siya sa akin. Ngumiti ako ng may pag aalinlangan. "Ano, dude? Nagustuhan mo ba?"

Sunod-sunod siyang tumango. "Oo naman, dude! Jusko, kilalang kilala mo talaga ako!"

She held my hand. "Tara na! Gusto ko ng bumili ng isaw, kwek-kwek, betamax, hotdog, barbeque at marami pang iba!" tinuturo turo niya pang sabi. "Tara na! Tara na! Tara na!"

Napatawa akong nagpahila sa kaniya. Sabi na eh! Sabi na magugustuhan niya dito! Dito kasi ang kadalasang pinupuntahan namin noong may pasok pa. Tuwing uwian, dito kami dumidiretso. Pero simula nung nagkatrabaho kami, napakadalang na naming pumunta dito.

So, finally...

Sanay na sanay siyang sumabak sa usukan. Parang wala lang sa kaniya kahit amoy usok na siya. Ito siguro ang nagustuhan ko sa kaniya. Ang pagiging simple at hindi maarte.

Tumigil kami sa harapan ng isang ihawan. Kumpleto na. May isaw, betamax, barbeque, hotdog at iba iba pang iniihaw. Mayroon din silang palamig.

"Ate, isa dito, dito tsaka dito...tapos dito din at yun din. Tapos dalawa pong palamig. Iyong tag ten, ate ha!" nakatingin ako sa kaniya habang nagtuturo ng kung ano ano. Halatang sanay na sanay na siya sa pinag gagawa niya at rinig na rinig ko ring natutuwa siya.

Masaya siyang lumingon sa akin. "May gusto ka pa bang idagdag, dude?" ngumiti rin ako sa kaniya tsaka umiling. "Ikaw ng bahala, dude."

Ngumiti ulit siya sa akin tsaka binalik ang tingin sa ihawan. Pinatong ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya at iniyakap yun sa leeg niya.

Nagdadalawang isip ka ko kung gagawin ko ba o hindi pero hindi ko naman siya narinig na nagcomplain kaya hindi ko na lang tinanggal.

Nakangiti akong tumingin sa nagtitinda. "Magkano po yung sa amin?" nangingiti naman yung nagtitindang tumingin sa amin ni Chloe at sinabi ang presyo.

Tinanggal ko sa balikat niya ang kanang kamay ko at kinuha ang wallet ko saka ko binalik iyon sa pagkakapatong sa balikat niya.

Kumuha ako ng pera at ibibigay na sana yun ng hawakan ni Chloe ang kamay ko. Lumingon ako sa kaniya at nakatingin siya sa akin. Nakasimangot siyang umiling. "Sinong nagsabing ikaw lang ang magbabayad?!"

Natatawa akong pinisil ang pisngi niya. "Wag kang mag alala dude, ikaw naman ang magbabayad mamaya."

Umirap siya tsaka binitawan ang kamay ko. Binigay ko ang bayad sa nagtitinda at nakangiti niya naman tong tinanggap.

Tumingin ako kay Chloe. "Hanap ka muna yata ng uupuan natin. Sunod na lang ako sayo." Inangat niya ang tingin sa akin. "Sige."

Bumitaw ako sa kaniya at sumiksik siya sa nagkukumpulang mga tao. Natatawa pa akong nakatingin sa kaniya kasi ang dali niyang nakasingit. Sa liit at payat niya ba naman.

Napatingin lang ulit ako sa harapan ng may marinig akong nagsalita. "Kuya, girlfriend mo ba yung magandang babae kanina?"

Napatulala ako sa tanong nung nagtitinda. Si Chloe? Girlfriend ko ba si Chloe?

Sana nga.

Ayaw kung humindi pero hindi ko rin alam kung o-oo ba ako kaya nginitian ko na lang yung nagtitinda.

Nakita ko naman kung paano lumawak ang ngiti nung babae. "Ang sweet niyo naman po. Sana all."

Natawa ako sa sinabi niya. Sweet ba kami kanina? Eh parang ginagawa naman namin yun palagi pag magkasama kami. Sanay na kami pero kanina parang naninibago ako. Siguro dahil alam ko na talaga kung ano yung nararamdaman ko para sa kaniya.

"Sige na kuya, sundan niyo na po yung girlfriend niyo. Kami na lang po ang maghahatid doon sa table niyo. Baka po kasi may lumapit sa kaniya. Marami pa naman pong tao at maganda pa yung girlfriend niyo."

Dahil sa sinabi niya, lumingon ako sa likuran. Marami ngang tao tsaka hindi ganon kaliwanag dito. Baka may mangyari kay Chloe pag mag isa lang siya. Maganda pa naman yung dude ko.

Binalik ko ang tingin sa nagtitinda. "Sige, salamat. Pakihatid na lang sa amin. Pupuntahan ko na yung girlfriend ko, baka mapano pa yun eh."

Natawa ako ng tumili siya na para bang kinikilig. May nasabi ba akong nakakakili-

'Pupuntahan ko na yung girlfriend ko, baka mapano pa yun eh.'

'girlfriend ko'

'girlfriend ko'

Shit!

S-Sinabi ko ba talaga yun? S-Sinabi ko ba?!

Napapikit akong bumuntong hininga. Sinabi ko nga yun. Shit! Sana nga. Sana nga girlfriend ko na lang siya. Sana nga akin na lang siya.

Nakisiksikan ako para makalabas, "Excuse me... excuse me." bulong ko habang sumisingit.

Nanlaki ang mata ko ng biglang lumuwag ang daanan. What the...

"Hi po. Sige na, kuya, daan ka na."

"Shet! Ang pogi niya!"

"Kuya, taken ka ba?"

"Jane Anne, single, 22 years old!"

Natatawa at napapailing akong dumaan. Iba talaga pag may itsura ka. Perks of having a handsome face. Hahaha!

Ng tuluyan akong makalabas ay nilingon ko sila tsaka ako ngumiti ng matamis. "Sorry girls, I'm taken already."

Saka ko sila tinalikuran. Narinig ko ang mga boses nila na mukhang disappointed at nalungkot.

Nakangisi akong pumunta sa table kung nasaan si Chloe. She's looking at me while frowning.

Nagsalubong ang kilay ko. "Oh, bat nakasimangot ka?"

She rolled her eyes. "Nakita ko yun! Ang piling mo ah! Ano ka, artista, para bigyang daan ng ganon tapos ngingiti ngiti ka pa?! Ayos ah!"

I smirk. "Hindi ako artista, dude! Gwapo ako! Gwapo." I emphasized the last word and it makes her chuckled in disbelief.

"Gwapo?! Putek, saan ba nakalagay ang electric fan diyan sa katawan mo, dude? Ang sabihin mo, mahangin ka! Mahangin!" sabi niya tsaka umirap ulit.

Tumatawa akong humila ng upuan at umupo. Nakatingin ako sa kaniya pero siya nakasimangot at sa iba nakatingin. Ang cute niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya ng may maalala ako. "Nga pala, dude, kailan tayo uuwi ng probinsiya? Birthday na ni Nanay next week ah."

Doon siya tumingin sa akin. "Buti natanong mo. Akala ko hindi mo naalala ang birthday ni Nanay eh."

"Syempre naman maalala ko. Si Nanay pa ba! Eh malakas yata sa akin yun!"

Ngumiti naman siya. "May regalo ka na ba kay Nanay? Sabado tayo uuwi, next next day na yun. Dapat may regalo ka! Kilala mo naman si Nanay, siguradong magtatampo yun pag wala kang dala para sa kaniya."

I chuckled. "Mayroon na! Noong last week pa ako nakabili ng regalo para kay Nanay..." mas napangisi ako ng maalala kung ano ang binili ko. "Siguradong sigurado na magugustuhan ni Nanay yung binili ko."

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko ng batukan ako ng Chloe. Itong sadistang to talaga!

"Ano na naman yang kalokohan mong yan ha!? Umayos ayos ka, Kyle! Pag talagang hindi ko nagustuhan yang regalo mo kay Nanay, masasapak kita!"

Napanguso ako sa sinabi niya. "Chloe naman eh! Hindi naman ikaw yung bibigyan ko ng regalo. Si Nanay! Bat kailangang magustuh-"

"Ano!!?" napatahimik ako sa sigaw niya. Sabi na Kyle eh! Dapat hindi ka na lang sumagot.

Umiling ako sa kaniya. And Chloe being Chloe, she rolled her eyes.

Minute later, a woman served our orders. Pagkalapag niya ng mga binili namin, tumingin siya sa akin tsaka kay Chloe then she giggles.

Nagtataka namang nagsalita si Chloe ng umalis ang babae. "Wag mong sabihin na pati yung nagtitinda eh nagwapuhan sayo?! Para siyang tangang kinikilig eh!"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Anong kinikilig sa akin?! Hindi naman ah! Saaming dalawa kaya siya kinikilig kasi akala niya ay magjowa kaming dalawa.

"Kung ano anong sinasabi mo diyan. Kumain ka na nga lang. Oh!" saad ko tsaka kinuha ang isang barbeque at itinapat sa bibig niya. Tinignan niya ako ng masama bago kumagat sa barbeque at kinuha ito sa pagkakahawak ko.

Kukuha na sana ako ng makakain ng tumunog ang phone kong nasa bulsa. Agad akong tumayo at kinuha yun.

"Sagutin ko lang saglit." ani ko kay Chloe at tumango lang siya dahil busy siya sa pagkain.

Lumayo ako sa kaniya at tinignan ang phone ko. Sino naman kanyang tatawag ng ganitong oras?!

Napadilat ako ng mabasa ang name ng tumatawag. Shit! Oo nga pala! Bat ko ba kasi nakalimutan yun!?

'Chairman calling...'