webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 42

Habang nasa byahe, ngumingiti si Scarlet. Tila ba excited ito sa kanyang pupuntahan. Samantala kabaliktaran naman ang kutob ni Ana. Batid nito na may hindi kaaya-aya sa ngiti ng kanyang kaibigan.

"Ano kaya ang pinaplano mo? Bakit hindi mo sabihin sa akin.." sambit ni Ana sa kanyang sarili

Maya maya ay huminto na sila sa isang building. Tumawag muli si Scarlet at ilang saglit ay may sumundo sa kanilang lalaki. Hindi ito kilala ni Ana kung kaya hinayaan niyang mauna si Scarlet.

"Hola señorita!" Ani ng lalaki

"Hola!" Tugon ni Scarlet

Patuloy lamang ang kanilang paglalakad hanggang sa makasakay sila sa elevator, ilang saglit naman ay nakarating na sila sa 12th floor. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Ana habang sumasabay naman ang taguktok ng mga takong ni Scarlet.

"SS... kinakabahan ako.." ani ni Ana

"Relax Ana... ako ang bahala sa'yo!" Tugon ni Scarlet

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pintuan. Kumatok ang kasama nilang nilang lalaki at bumukas ang pintuan. Pumasok sila sa loob at laking gulat ni Ana ng makita si Jasmine.

"SS! Ano ibig sabihin nito?" Ani ni Ana

"Sabi ko relax! Wala akong ginagawang masama" tugon ni Scarlet

"Pe...pero Ss..." ani ni Ana

"Ana???" Tugon ni Ss

Hindi naituloy ni Ana ang kanyang sasabihin ng makitang tumaas na ang kaliwang kilay ni Scarlet. Bumaling si Scarlet patungo kay River.

"Good Job! River! Ang galing galing mo" ani ni Scarlet

"Salamat Scarlet... kasama ko na ang anak ko" tugon ni River

"Magaling ba ang Private Investigator ko?" Ani ni Scarlet

Habang nagpupulong sina Scarlet at River, hindi napigilan ni Ana ang sumingit sa kanilang usapan.

"SS?? Paano??" Ani ni Ana

"Gusto mong malaman? Simple lang.." tugon ni Scarlet

Itinaas ni Scarlet ang kanyang kaliwang kilay sabay ngiti kay Ana at saka niya sinimulan ang kanyang storya.

🖤🖤🖤 FLASH BACK 🖤🖤🖤

🖤 SCARLET & RIVER 🖤

🖤[ PLAN CONVERSATION ]🖤

Bago kumuha ng private investigator si River, nagkita muna sila ni Scarlet. Upang alukin ito ng isang proposal. Nagkita sila sa isang private restaurant na tanging sila lamang ang tao. Ang restaurant na ito ay pag-aari ni Scarlet.

"So River.. may proposal ako sayo.." ani ni Scarlet

"Ano yun?" Tugon ni River

"First, Name your price!" Ani ni Scarlet

"Teka ano ba ang gagawin ko?" Tugon ni River

"Paimbestigahan mo si Nathalie. Alam kong madami siyang itinatago lalo na sa katauhan ng anak mo." Ani ni Scarlet

"Ha? Anak ko??  Paano??" Tugon ni River

"Just continue what I'm doing. Call this at kayo na ang mag-usap." Ani ni Scarlet

"Pina paimbestigahan mo na noon pa si Nathalie? Ganun ka ba talaga kainteresado sa kanya? Pero Bakit???" Tugon ni River

"Basta! So take it or leave it? Ako na ang bahala sa gastos!" Ani ni Scarlet

Pumayag si River sa planong ito. Kaagad niyang tinawagan ang private investigator na ibinigay sa kanya ni Scarlet. Inilahad nito ang magiging plano at nagkasundo naman sila.

🖤 END OF FLASH BACK🖤

"Magkasabwat kayo sa planong ito?" Ani ni Ana

"Nope plano ko ang lahat ng ito!" Tugon ni Scarlet

"SS... tama na... nadadamay na pati ang bata.. itigil mo na kung ano pa ang isusunod mong mga plano." Ani ni Ana

"Ana! Pwede ba... please!!!  Wag mo akong pigilan! At higit sa lahat wala sa plano ko ang tumigil!" Tugon ni Scarlet

Nalungkot si Ana sa reaksyon ni Scarlet. Hindi niya makumbinsi ito na itigil na ang plano. Malaki na nga ang pinagbago ng kanyang kaibigan. Kung minsan hindi na niya ito makilala. Natahimik na lamang siya habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Scarlet kay Jasmine.

Nagplano naman sina Nathalie at Lorena na magshopping upang maaliw para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ng kaibigan.

"Gusto mo magshopping tayo?" Ani ni Lorena

"Wala naman akong bibilhin..." tugon ni Nathalie

"Kahit na.. mag aaliw lang tayo.. sige na.." ani ni Lorena

"Sige na nga.." tugon ni Nathalie

Nagbihis ang dalawa at makailang minuto ay umalis na sila. Nang makarating sila sa Mall, tahimik lamang si Nathalie habang naghahanap naman ng damit si Lorena.

"Oh ok ka lang ba??" Ani ni Lorena

"Oo ok lang ako.. sige na mamili ka ng damit mo ako na ang magbabayad." Tugon ni Nathalie

"Talaga?? Ano ba ako ba ang dapat pasayahin o ikaw??" Ani ni Lorena

"Baliw ka talaga.. sige na nga tara na bibili na din ako... salamat Lorena.." tugon ni Nathalie

"Sus.. diba sabi ko bumangon ka! Ayaw ko makita na nadudurog ka! Hello ikaw kaya si Nathalie Salvacion! Kaya simula bukas, gusto ko na makita yung Nathalie na mabagsik.. ok ba??" Ani ni Lorena

Tila lumakas ang loob ni Nathalie sa pagpupursigi sa kanya ng kanyang kaibigang si Lorena. Napangiti ito sa mga sinabi ni Lorena at tila umaayon ito sa ganitong klaseng pagbangon.

"Sure! Ako pa ba..." tugon ni Nathalie

Habang namimili sila ng damit, Napansin ni Lorena si James, subalit hindi na lamang niya ito sinabi kay Nathalie.

"Bestie may nakita akong maganda sa kabilang section.. halika samahan mo ako.." ani ni Lorena

Gumawa ng dahilan si Lorena upang ilayo ang kaibigan sa papalapit na si James. Natungo si James sa Mall upang ibili ng regalo si Scarlet, bilang pasasalamat sa kanya. Subalit tila mapaglaro si tadhana, nailayo na ni Lorena si Nathalie subalit lumingon pa ito at nakita niya si James.

"Jaaamesssss!" Ani ni Nathalie

"'Nathalie.. wag na.." pagpigil ni Lorena

Hindi pinansin ni Nathalie ang pagpigil ni Lorena. Bagkos ay lumapit ito kay James at kinausap.

"Hi.." ani ni Nathalie

"Hello.." tugon ni James

Nakapili ng damit si James. Kinuha niya ito at kaagad tumalikod para bayaran na ito. Pansin ni Nathalie na iniiwasan siya ni James kung kaya kinausap niya itong muli.

"Maganda yung damit.. para kanino?" Ani ni Nathalie

"Ah salamat.. para kay Scarlet to.." ani ni James

Hindi na nakaimik pang muli si Nathalie. Naiwan siyang tulala sa isang tabi, at kaagad siyang nilapitan ni Lorena. Nanginig ang kalamnan ni Nathalie kung kaya't kumuha din siya ng damit na katulad ng kinuha ni James.

"Scarlet! Scarlet! Puro na lang Scarlet!" Sambit niya sa kanyang sarili

Poot at galit ang umiiril sa isip ni Nathalie para kay Scarlet. Kung kaya nag-isip ito ng paraan kung paano niya mahahanapan ng baho si Scarlet.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts