webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 38

Nakarating na si Scarlet sa tagpuan nila ni Monica. Nakita niya na nandoon na si Monica habang hinihintay siya. Lumapit siya sa table ni Monica at umupo. Mataray na binati ni Scarlet si Monica. Batid naman ni Monica ang dahilan kung bakit.

"So what it's all about?" Ani ni Scarlet

"Scarlet hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.. pero Tom needs you." Tugon ni Monica

"Teka bakit ako? Hindi naman ako yung Scarlet na binalik diba?" Ani ni Scarlet

"Oo alam ko. Pero sana makita mo man lang ang nangyayari kay Tom. Bagsak na siya.. halos lahat napapabayaan na niya.." tugon ni Monica

Nagagalit si Scarlet dahil pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat ng kung ano mang nangyayari kay Tom

"Bakit ba ako? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.?" Ani ni Scarlet

"Hindi ko naman sinabing kasalanan mo. Pero simula ng nawala ka sa buhay niya, sinisi niya ng husto ang sarili niya." Tugon ni Monica

Hindi naging maganda ang tiempo ni Monica upang kausapin si Scarlet. Sa halip na makinig ito, mas lalo pa siyang nagmatigas.

"Gagawa siya ng sarili niyang multo tapos kapag siya ang minulto siya pa ang may lakas ng loob na magmukmok!" Ani ni Scarlet

"Scarlet please... wag ka ng maging matigas kay Tom patawarin mo na siya.." tugon ni Monica

"Monica? Naririnig mo ba ang sarili mo? Wag maging matigas? Eh siya ang rason kung bakit ako ganito! Pinaniwala niyang mahal niya ako subalit ibang katauhan pala ang minamahal niya araw-araw! Sige nga ipaliwanag mo sa akin kung bakit huwag ako maging ganito!" ani ni Scarlet

"Alam kong nasaktan ka niya .. nasaktan ka namin.. pero kahit papaano natulungan ka rin niya.. na bumangon kang muli.." tugon ni Monica

Tumawa ng malakas si Scarlet. Patuloy pa din siya sa pagiging matigas.

"Hahaha! Nakakatawa ka Monica! so dapat pala magpasalamat pa ako kasi ginawa niyo akong ganito? Ganito ba ang gusto mong mangyari? Ani ni Scarlet

"Hindi mo ako maintindihan Scarlet... hinding hindi mo ako maiintindihan hanggat pilit mong isisinasara ang puso mo" tugon ni Monica

"Ikaw siguro yung hindi nakakaintindi sa sitwasyon ko Monica. Ako ang biktima! Ako ang nasaktan! Kaya alam kong tama ang ginagawa ko! Kaya wala kang pakialam sa kung anong nararamdaman ko!" Ani ni Scarlet

"Scarlet...."ani ni Monica

"Tama na Monica! Kulang pa yang pinag dadaanan ni Tom sa mga pinagdaanan ko na! Kulang pa!" Tapos na tayo.. good bye..." ani ni Scarlet

Umalis kaagad si Scarlet, dismayado naman si Monica sa nakuhang sagot niya mula kay Scarlet. Hindi naman niya masisi si Scarlet subalit may punto rin ito upang magmatigas. Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na lalambot muli ang pusong  naging bato ni Scarlet.

Gustuhin man niyang pumunta sa bagong branch ng kanyang kompanya, nagpasya na lamang siya na sa bahay na muna siya dumeretso. Pagkarating niya sa bahay niya, napakaraming mga bulaklak sa labas ng kanyang pintuan.

Isang tao lamang ang nasa isip niya na gagawa nito, walang iba kung hindi si Tom. Pagtingin niya sa card, hindi nga siya nagkamali. Pinunit niya ang card at itinapon sa basurahan. Nakita ito ni Tom at labis siyang nasaktan.

Lasing na lasing si Tom ng tinungo niya ang pintuan ni Scarlet. Kumatok ito doon at ilang saglit ay pinagbuksan siya ni Scarlet, laking gulat naman niya ng makitang kaharap niya si Tom. Isasara sana ni Scarlet ang pintuan subalit napigil ito ni Tom, kaya nakapasok siya sa loob at isinara ang pinto.

"Scarlet... let's talk please..." ani ni Tom

"You are drunk Tom.! Umalis ka na!" Tugon ni Scarlet

Lumuhod sa harapan niya si Tom, at hinawakan ang kanyang kamay habang umiiyak at nagmamakaawa na patawarin na siya ni Scarlet.

"Scarlet please im sorry.. patawarin mo na ako.." ani ni Tom

Nahabag si Scarlet ng mga oras na iyon. Tila may kumirot sa kanyang puso na naging sanhi ng kanyang pagluha.

"Tom.. hindi ko alam kung paano.. hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula.." ani ni Scarlet

"I know i hurt you so much.. hindi ko ito sinasadya but please im sorry.." tugon ni Scarlet

Inalis niya ang pagkakahawak ni Tom at umupo siya pasandal sa pader. Magkaharapan naman sila ni Tom habang nag-uusap.

"You are my bestfriend... i trusted you... you are the reason why i chose to love again... pero you are the reason again why I've felt the pain.." ani ni Scarlet

Sa puntong iyon, umiiyak si Scarlet habang marahang nagpapaliwanag kay Tom, natahimik naman si Tom habang nakikinig sa kanya.

"Sobrang sakit Tom... sobrang sakit kasi naging dahilan ka din para masaktan ako, ipinagkatiwala ko yung sarili ko...pero anong ginawa mo sa akin..." dagdag pa ni Scarlet

"Alam ko sobrang sakit at walang kapatawaran ang ginawa ko sayo. Kung hihilingin mong tapusin ko na ang buhay ko.. i will do it just for your forgiveness..." tugon ni Tom

Napatingin siya kay Tom, at nakita niyang seryoso ito sa kanyang sinasabi. Natakot siya sa bantang ito kung kaya't kahit labag sa kanyang kalooban nabigyan niya ito ng chance upang mapatawad.

"No Tom! Listen! Don't do that... ok!" Ani ni Scarlet

"Im doing this because i love you... at handa akong isacrifice ang life ko just to gain your forgiveness." Tugon ni Tom

"No need to that.. just give me time, to heal all the pain.. and i promise if im ready papatawarin na kita" ani ni Scarlet

"Talaga Scarlet? Promise?" Tugon ni Tom

Pinunas ni Tom ang mga luha sa mga mata ni Scarlet. Niyakap niya ito ng napakahigpit tanda ng isang malaking pasasalamat.

"Promise me Tom.. babangon ka.. and if you need my help just let me know..." ani ni Scarlet

"I promised! I will do my best again for you.." tugon ni Tom

"No Tom! Do it for yourself not for me... ok..." ani ni Scarlet

Naging emosyon ang tagpo ng dalawa. Hinamon ni Scarlet si Tom na muling bumangon para sa sarili at hindi para sa ibang tao. Hindi naman maikakaila na minahal din ng sobra ni Scarlet si Tom habang hindi pa siya si Scarlet. Napagisip-isip din niya na may punto nga din si Monica para mapatawad niya si Tom sa takdang panahon.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts