webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 32

Dumating si Ace kung nasaan sina James at Scarlet. Pagdating niya doon nakita niyang magkayakap ang dalawa.

"Scarlet..." ani ni Ace

"Ace!" Tugon ni Scarlet

Nagulat si Scarlet ng bigla siyang tawagin ni Ace. Kaya naudlot ang pag aakapan nilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Ani ni Scarlet

"Susunduin kita.. may surprise dinner date sana ako sayo kaso mukhang busy ka." Tugon ni Ace

"Pero.. paano mo nalamang nandito ako?" Ani ni Scarlet

"I tracked my call.. then ayun nakita ko location mo.. so ano let's go?" Tugon ni Ace

Nakatingin lamang si James ng mga oras na iyon. Nagtataka siya kung bakit hindi siya binati ni Ace. Kaya siya na mismo ang nanguna.

"Ace pare kumusta?" Ani ni James

"Ok lang ako. Susunduin ko na si Scarlet. Excuse us pare" tugon ni Ace

"Ah.. sige sige! Hindi na din naman kami tuloy sa dinner" ani ni James

Bakas sa aura ni James na medyo may kaunting selos siyang nararamdaman, pansin ito ni Scarlet kung kaya't mas gumawa pa siya ng paraan upang magselos si James.

Lumapit siya kay Ace at humalik sa pisnge.

"Thank you Ace.. ok na let's go." Ani ni Scarlet

Nagpaalam na ang dalawa kay James, pagtalikod ng dalawa napaupo siya na tila nanghihinayang. Sa halip na umalis sa restaurant ay umorder siya ng beer upang kahit papano ay maibsan niya ang nararamdaman.

Habang umiinom ng alak, nasa isipan pa rin niya si Scarlet, tinamaan na talaga siya para sa dalaga. Kaya nag isip siya ng paraan kung papaano niya mapopormahan si Scarlet.

Pagkauwi na Nathalie sa bahay nila, nagtaka ito kung bakit wala ang kanyang taga pag-alaga ng bata. Nakasanayan na niya na sa tuwing uuwi siya ay sinasalubong siya ng magyaya.

Kaagad niyang tinungo ang kwarto ni Jasmine, upang mapanatag ang kanyang kalooban, subalit kabaliktaran ang kanyang nakita.

"Nathalie..." ani ni River

"A——-anong ginagawa mo dito?" Tugon ni Nathalie

"Relax.. binibisita ko lang ang anak natin" ani ni River

Nagulat si Nathalie, sa sinabing ito ni River. Hindi siya makapaniwala kung alam na ba talaga nito ang katotohanan.

"Hindi mo anak si Jasmine!" Tugon ni Nathalie

Pilit pa ding itinatanggi ni Nathalie ang katotohanan para kay River. Subalit dahil may alas na si River hindi na ito maniwala.

"Nathalie.. hindi ako si James para paikot-ikutin mo" ani ni River

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Tugon ni Nathalie

"Alam ko na na ako ang ama ni Jasmine. Gusto mo ba ipakita ko pa sayo ang DNA sample naming dalawa?" Ani ni River

"Ha???" Pagkagulat ni Nathalie

"Salamat nga pala kay Lorena.. dahil sa kanya nalaman ko ang lahat." Ani ni River

Ipit na ipit na si Nathalie kung kaya't wala na siyang magawa para ipagtabuyan pa si River.

"Oo anak mo nga si Jasmine. Please River iwan mo na kami.." ani ni Nathalie

"Iwan?? Haha nagpapatawa ka ba Nathalie?" Tugon ni River

"Ano pa ba ang gusto mo River?? Tahimik na kami.. masaya na kami tatlo.." ani ni Nathalie

"Simple lang ang maging buo tayong tatlo." Tugon ni River

Muling natigilan si Nathalie sa sinabing ito ni River, napaupo siya sa kama ni Jasmine at natatakot sa gustong mangyari ni River.

"Hindi na pwede.. please River hayaan mo na kami" ani ni Nathalie

"Sige.. hahayaan ko kayo.. pero ngayong gabi sasabihin ko ang totoo kay James. Kaya mamili ka.." tugon ni River

Bumuhos ang emosyon ni Nathalie, natatakot siyang malaman ni James ang buong katotohanan, sobrang mahal niya si James kaya mahirap sa kanya ang magdesisyon para piliin si River.

"Mahal ko si James.. ginawa ko ang lahat ng ito kasi mahal ko siya.. please wag mo ako pahirapan ng ganito River..." ani ni Nathalie

"Mahal din kita Nathalie. At gagawin ko ang lahat mabuo lang tayong tatlo! Tandaan mo yan!" Tugon ni   River

Wala ng maisip na dahilan si Nathalie, kaya nagbigay na ito ng sagot niya.

"Sige papayag na ako.. pero bigyan mo muna ako ng time.." ani ni Nathalie

"Sige madali ka naman palang kausap. Pero kapag ako tinakasan mo.. lalabas lahat ng baho mo." Tugon ni River

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Nathalie. Natakot siya na baka alam din niya ang isa pa niyang lihim.

"Wala na akong ibang baho! Wala na! Wala!" Ani ni Nathalie

"Sigurado ka?... o baka gusto mong ikwento ko sayo ang lahat ng nalaman ko simula ng araw ng kasal nina Jake at James" tugon ni River

Gulat na gulat si Nathalie sa nalamang ito ni River. Takot na takot siya sa bakas ng kahapon. Kung kayat nag makaawa siya kay River na huwag isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman.

"River please... gagawin ko lahat ng gusto mo.. wag mo lang ilabas lahat.. please.." ani ni Nathalie

"Sigurado ka? O baka pinapaikot mo lang ako.." tugon ni River

"Seryoso ako.. sasama na kami sayo  hihintayin lang namin bumalik si James" tugon ni Nathalie

"Good.. ok sige aalis na ako.. pero tandaan mo huwag na huwag mo akong tatakasan dahil alam mong hawak ko ang buong pagkatao mo" ani ni River

Umalis na si River sa bahay nina Nathalie. Pagkalabas niya napahagulhol si Nathalie ng malakas. Hindi niya akalain na may makakaalam ng lahat ng kanyang mga lihim.  Tinawagan niya si James subalit hindi ito sumasagot. Kaya sinubukan niyang tawagan si Lorena at pinapunta niya ito sa kanilang bahay.

Makailang minuto matapos makaalis si River ay dumating na si Lorena. Binuksan siya ng pinto ni Nathalie at kaagad na niyakap.

"Bestie.. anong problema at takot na takot ka" ani ni Lorena

"Alam na ni River ang lahat.. lahat ng mga tinatago ko.." tugon ni Nathalie

"Sorry bestie.. pero ako ang dahilan kung bakit nalaman niya ang tungkol kay Jasmine" ani ni Lorena

"Bestie tulungan mo ako... hindi lang ito tungkol kay Jasmine.." ani ni Nathalie

Ipinaliwanag ni Nathalie ang lahat kay Lorena. Nagulat ito sa kanyang nalaman subalit dahil magkaibigan silang lubos tutulungan niya si Nathalie.

"Itakas mo si Jasmine" ani ni Nathalie

"Paano? Saan ko dadalhin? Pano pag hinanap ni James!" Tugon ni Lorena

"Ako na ang bahala.. basta this week itatakas mo ang bata!" Mangako ka kahit anong mangyari mamahalin mo ang anak ko at iingatan mo" ani ni Nathalie

"Pangako ako na ang bahala kay Jasmine" tugon ni Lorena

Yumakap muli si Nathalie kay Lorena bilang isang pasasalamat. Plinano ng magkaibigan ang pagtakas ni Lorena at Jasmine. Nagkasundo sila na sa Pilipinas iuuwi ni Lorena ang bata habang magulo pa ang sitwasyon sa Spain.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts