webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 27

Pagkauwi ni Lorena at River sa bahay kaagad itong kinompronta ni River.

"Ano bang nakain mo at kailangan mo pang patulan si Scarlet" ani ni River

"Seryoso? Ako pa ang mali?" Tugon ni Lorena

"Ano ba kasi ang nangyari at galit na galit kayo sa kanya? Napakabait nung tao." Ani ni River

"'Bulag ka ba River? Demonyo ang babaeng yun! Teka nga ano ba ang meron ang babaeng yon at lahat kayo ay kampi sa kanya!" Ani ni Lorena

"Basta ang alam ko mabait siya.. ayaw ko makipagtalo sige na maligo ka na." Tugon ni River

Habang naliligo si Lorena, sinubakan ni River na maghanap ng ibang papeles ni Jasmine. Subalit bigo ito sa kanyang plano. Biglang lumabas si Lorena mula sa banyo dahil naiwan niya ang kanyang towel.

"River? Anong ginagawa mo?"tanong ni Lorena

"Ah wala may inayos lang ako natabig ko kasi ang patas ng mga papeles." Tugon ni River

Humarap siya kay Lorena at nagulat ito na nakatayo ito sa kanyang harapan na walang saplot. Laking gulat niya ng papalapit sa kanya si Lorena. Hahalikan sana siya ni Lorena subalit umiwas siya.

"Sorry Lorena.." ani ni River

Nalungkot si Lorena sa inasal na ito ni Lorena, kaya nakaisip siya ng rason kung paano niya makukuha si River.

"May pinaplano ka ba?" Ani ni Lorena

"Wa...waa..wala naman bakit?" Tugon ni River

"Sigurado ka? Baka makatulong ako.. pero mukhang ayaw mo... sige na maliligo na ako" ani ni Lorena

Sinusubukang akitin ni Lorena si River, noong una ay nahirapan si Loren na akitin ito subalit dahil sa dala ng pangangailangan unti-unti na siyang bumigay.

"Lorena... sandali..." tugon ni River

Huminto si Lorena at lumingon kay River.

"So? You need help?" Ani ni Lorena

"Yes!" Tugon ni River

"So ano pa hinihintay mo. Halika na join me.." ani ni Lorena

Sumabay sa paliligo si River kay Lorena sa kagustuhan nitong makakuha ng sagot tungkol kay Jasmine. Hindi lamang pagligo ang naganap sa dalawa, nagtalik sila dahil sa mapusok na damdamin ni Lorena.

Matapos sila, kaagad na humingi ng kasagutan si River at kagaya ng kanyang inaasam-asam sa pangako ni Lorena na tutulungan siya, nakamit nga niya ang tunay na kasagutan.

"Lorena.. may tanong ako..." ani ni River

"Ano yun?" Tugon ni Lorena

"Anak ko ba si Jasmine!" Ani ni River

Hindi kaagad nakasagot si Lorena sa tanong na ito sa kanya ni River, kaya inulit muli ni River ang tanong.

"Anak ko ba si Jasmine???" Tanong muli ni River

"River nakikiusap ako... wag mo sasabhin na ako ang nagsabi sayo ng katotohanan lalo na kay Nathalie" ani ni Lorena

"So totoo na anak ko nga si Jasmine?" Ani ni River

"Oo River! Anak mo si Jasmine. Itinago sayo ni Nathalie ang lahat dahil gusto niyang si James ang maging ama nito para panindigan siya." Tugon ni Lorena

Bumangon sa kama si River at nag bihis. Humabol naman kaagad si Lorena at nagtanong tungkol sa kanilang dalawa.

"River.. ako naman ang magtatanong" ani ni Lorena

"Ano yun?" Tugon ni River

"Uhmm... ano kasi..." ani ni Lorena

"Ano? Bilisan mo nagmamadali ako. Gusto kong makita ang anak ko!" Ani ni River

"Ano ba tayo?" Tugon ni Lorena

Ngumiti si River kay Lorena at inamin ang totoo.

"Walang kahit ano sa ating dalawa Lorena!" Ani ni River

"What? Anong wala!" Tugon ni Lorena

"Hindi kita mahal, at lahat ng mga nangyari sa atin ay wala lang.." tugon ni River

Nasaktan si Lorena sa sinabing katotohanang ito ni River. Naiyak siya sa sobrang sakit ng umasa siya sa wala.

"Ginamit mo lang ako? Lahat pala ng pinakita mo sa akin walang totoo! Hayop ka! Hayop ka!!!!" Ani ni Lorena habang umiiyak

"Wala Kong kasalanan! Kasalanan lahat ito ng kaibigan mo! Sige na aalis na ako!" Tugon ni River

Pinagbantaan ni Lorena si River na kahit kailan ay hindi na niya makikita ang kanyang anak. Kaya nagpantig ang sintido ni River at ibinalik sa kanya ang banta.

"Subukan mong gumawa ng paraan para hindi ko makasama ang anak ko. Malalaman ng lahat ang baho ninyong magkaibigan at unang - unang makakaalam ay si James! Tandaan mo yan Lorena! Banta ni River

Lumabas na ng bahay si River at kaagad dumeretso sa hospital, nagbabakasakaling naandoon ang anak niya. Naiwan namang luhaan si Lorena, hindi niya alam kung kanino siya magagalit. Sa kaibigan ba niya o kay River.

Dumating si River sa hospital, sa room ni Nathalie, at nakita niya sina James at Nathalie habang masayang nilalaro si Jasmine

"Jasmine where is daddy?" Ani ni Nathalie

Kaagad na itinuro ni Jasmine si James. Sa tagpong ito tila parang kinirot ang puso ni River, inisip na sana siya ang nasa tabi ngaun ng kanyang anak at hindi ang ibang tao.

Maya maya ay napalingon si James sa may pintuan at nakita niya si River..

"River.. pare!! Kanina ka pa ba jan?" Ani ni James

"Ah... hindi kakarating ko lang din.." tugon naman niya.

Titig na titig si River sa kanyang anak. Halos hindi ito makapaniwala n totoo ngang anak niya si Jasmine. Ilang sandali pa ay napansin siyang muli ni James.

"Ok ka lang? Gusto mo hawakan si Jasmine?" Ani ni James

Kahit sinong magulang ay matutuwa sa tanong na ito ni James, lalo na kung malaman mo na ang karapatan mo sa anak mo ay matagal ng itinago sa iyo.

"Pwede ba Pare?"tugon ni River

"Oo naman ikaw pa ba eh future ninong ka ata ni Jasmine.. diba babe?" Ani ni James

Hindi kaagad nakasagot si Nathalie, tingin-tingin ito kay River habang akap ng mahigpit ang kanyang anak.

"Ah..Oo ikaw nga ang kukuhanin naming isang ninong ni Jasmine" tugon ni Nathalie

"Sige ba.. walang problema. Wag kayong mag-alala ituturing kong parang isang tunay na anak si Jasmine" ani ni River

Kinabahan si Nathalie sa sinabing ito ni River. Malakas ang kutob niya na tila may nalalaman na si River, kung kaya't ganito na ang kanyang mga sinasabi. Hindi nagtagal at iniba na ni Nathalie ang usapan. Itinuon niya ng pansin ang pagusapan ang kanyang nalalapit na paglabas ng ospital.

Gumaganda na din ang kundisyon ni Jasper, kung kaya't tila unti-unti ng nabubunutan ng tinik si Nathalie. Maya-maya pa ay nagpaalam na si River sa kanila. Kaya sinamahan siya palabas ni James dahil may kailangan din siyang bilhing gamot para kay Nathalie.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts