webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 22

"Sige Monica enjoy the Party!" Ani ni Scarlet

Walang kibo si Monica na iniwan ni Scarlet sa isang tabi. Kumuha ng maiinom si Scarlet, subalit hindi maitatago ang kanyang lungkot. Iniwan niya ang kanyang mga empleyado na nagsasaya at magsasayawan at nagpasya siyang umakyat sa rooftop.

Nagsisimula na ang Birthday Party sa taas, abala si James at Nathalie sa pag aasikaso ng kanilang mga bisita. Nakaramdam ng pagod si James, nagpaalam ito kay Nathalie na magsisigarilyo muna sa isang tabi.

"Babe yosi lang ako sa isang tabi mabilis lang" ani ni James

"Sige babe balik ka agad." Tugon ni Nathalie

Nagtungo na nga si James sa isang sulok, habang nasa kabilang bahagi ng rooftop, huminga siya ng malalim at pumikit. Makailang segundo ay muli siyang nagmulat, kumuha ng sigarilyo at ng magaakmang magsindi ay napatingin ito sa kanyang kaliwa.

Nakita niya ang isang babae na nkaitim, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin at sinimulan na ang paninigarilyo. Matapos ang ilang segundo ay natapos na siya at kaagad ng bumalik.

Napansin ni Scarlet na may event pala sa rooftop ng kanyang hotel, kaya nagpasya siyang sumilip para maiwelcome man lang sila sa kanyang hotel. Subalit kabaligtaran ang nangyari.  Pag dating niya sa venue, natutukan siya ng spot light, nagtinginan ang mga tao sa kanya.

Kahali-halina ang kanyang ganda,  kung kaya't hindi siya mapigilang mapag usapan. Napatingin din si James at napabigkas..

"Scarlet" salitang lumabas sa kanyang bibig

Nagpantig naman ang punong tenga ni Nathalie at napatingin kay James. Nakita niya itong tulala habang nakangiti kaya sinugod niya si Scarlet. Nang makarating sa entrance si Nathalie, hinawakan niya ang braso ni Scarlet.

"Anong ginagawa mo dito" ani ni Nathalie

Ngumiti si Scarlet kay Nathalie at kumindat...

"Nagpapahangin..." ani ni Scarlet

"Ang kapal ng mukha mo na magpunta dito sa event ng anak ko!" Tugon ni Nathalie

"Excuse me??" Ani ni Scarlet

Nakita kaagad ni Lucia ang ginagawang ito ni Nathalie. Kaya kaagad siyang lumapit kay James.

"James necesitas detener a Nathalie"

(James you need to stop Nathalie) ani ni Lucia

"Ella es la dueña de este hotel"

(She's the owner of this Hotel) dagdag pa ni Lucia

Matapos marinig ang sinabing ito ni Lucia, kaagad na tumakbo si James patungo sa dalawa. Patuloy pa din silang pinagtitinginan at pinaguusapan.

"Magandang tagpo ito ... mag eenjoy ako.." ani ni Lorena

"Mag sasalpukan na nga yung dalawa tuwang tuwa ka pa." Tugon ni River

"Yan ang pinakahihintay kong tagpo." Ani ni Lorena

Iniwan ni River si Lorena mag isa sa table nila. Kaagad naman siyang nagtungo kina Scarlet, James at Nathalie.

"Babe! Tama na yan..nakakahiya!" Ani ni James

"Wow! James so ako pa ba ang nakakahiya?" Tugon ni Nathalie

"Ok fine! Ininvite ko siya dito! " ani ni James

"Bravo! Ang galing! Napaka galing so ako lang ang walang kaalam alam?" Tugon ni Nathalie

Kaagad naman na sumingit si Scarlet sa mga pinagsasasabi ni Nathalie. Sa sobrang inis niya nakapag salita siya ng hindi maganda.

"Nathalie! Pwede ba tumigil ka na! Mahiya ka nga sa mga bisita mo! Isa pa first birthday ng anak mo ganyan ka! Nakakhiya ka.." ani ni Scarlet

"Bakit ako mahihiya? Sige nga Scarlet ipaliwanag mo nga! Ako pa ba ang dapat mahiya? Oh baka naman ikaw! Tingnan mo nga itsura mo! Yang suot mo!" Tugon ni Nathalie

Napuno na ng husto si Scarlet at nasabi na niya ang totoo kay Nathalie.

"Itong suot ko?? Ang problema mo? Kasalanan ko ba na mag paparty ako para sa mga empleyado ko sa baba?" Ani ni Scarlet

Natigilan si Nathalie gayun din si River.. Titig na titig si Nathalie habang nanginginig sa galit.

"Isa pa Nathalie. hotel ko ito! Kaya ako sumilip dito para i welcome kayo personally. At hindi ko naman alam na kayo pala ang may event dito" ani pa ni Scarlet

"Scarlet pasensiya na..." ani ni James

"Hihingi ka ng pasensiya? Bakit James siya ba ang napahiya? Ginulo niya ang party ng anak ko! Ginugulo din niya ang buhay natin!" Giit ni Nathalie

"Sige aaalis na ako.. at don't worry ibabalik ko ang ibinayad niyo para dito." Ani ni Scarlet

Tumalikod si Scarlet at hinabol siya ni Nathalie, ng akmang sasampalin si Scarlet nakaiwas ito, kaya aksidenteng nahulog sa pool si Nathalie. Nagular ang lahat ng makitang nahulog si Nathalie.

"Babe!" Sigaw ni James

Kaagad tumalon si James para tulungan si Nathalie, sinubukan ni Scarlet na kunin ang kamay ni Nathalie, subalit nagbabadya itong higitin siya kaya pinigilan na niya ang sarili niya na tulungan ito...

"Ooopsss.... kaya ka ng tulungan ng babe mo!" Ani ni Scarlet

Tumalikod at tuluyan ng umalis si Scarlet. Sumigaw si Nathalie ng napakalakas, at pag katapos ng sigaw na iyon, nagkaroon ng dugo ang swimming pool.

"Babe. Ang baby natin." Ani ni Nathalie

Kaagad nag patawag ng ambulansya si James. Iniaahon naman agad nila si Nathalie. Makalipas ang 20 minuto dumating na ang ambulansya at dalidali itong isinugod sa hospital.

Nakarating na sila sa hospital, isinugod kaagad sa emergency room si Nathalie. Naiwan sa labas sina James at River, samantala ay iniuwi naman ni Lorena si Jasmine sa bahay.

"Hindi ko mapapatwad ang sarili ko pag may nangyari sa bata at kay Nathalie." Ani ni James

"Magiging ok ang lahat pare.. wag ka mag-alala" tugon ni River

Maya maya ay lumabas na ang doctor ni Nathalie. At ibinalita ang nangyari sa dalawa. Ipinaliwanag ng doctor na lumabas ang bata as a premature baby. 7 months lang ang bata subalit malaki naman ang chance para ito ay makasurvive.

Tila napagsakluban si James ng lahat ng problema. Kahit na hindi niya anak ang bata ay labis labis naman ang kanyang pag-aalala. Wala siyang masisi sa nangyari kung hindi ang kanyang sarili.

Natapos na ang party ni Scarlet at nagtungo na din siya sa bahay nila. Pag dating niya nandoon na si Tom. Nagulat na lamang siya ng dumating ito ng walang pasabi. Isang malaking katanungan sa kanya kung ano ang ginagawa niya dito gayong hindi pa tapos ang kontrata nito sa Paris.

Bigla niyang naisip na baka nasabi ni Monica ang lahat kay Tol kung kaya't napadating ito ng wala sa oras. Pumasok siya sa loob ng bahay at hindi umiimik.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts