webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 15

Naging regular na nga si Monica sa kompanya ni Scarlet. Mas lalo pang tumibay ang pagiging magkaibigan nila. Habang nasa opisina ni Scarlet...

"Grabe ka SS.. hindi ko inaasahan na ngayon na agad" ani ni Monica

"Diba sinabi ko na sayo na kapag gusto walang imposible." Ani ni Scarlet

"Oo na so anong plano mo ngayon? Lalo na at medyo close na kayo ni James." Ani ni Monica

"Hindi ko pa alam basta plan must go on..." tugon ni scarlet

Habang nag kukwentuhan ang dalawa, kumatok naman si Sandra upang ibigay ang isang boquet ng bulaklak

"SS excuse me.. for you.." ani ni Sandra

"From who??" Ani ni Scarlet

Sabay iniabot ni Sandra ang card....

"Thank you Sandra" dagdag pa ni Scarlet

Noong una naiisip nila na galing ito kay Tom, subalit ng tingnan ang card....

"Babe, im sorry for what i did... please let's talk..."

-Ace

"Sissy.. si Ace Ulit... ano gagawin ko" tanong ni Scarlet

"Hindi ko rin alam sissy.... siguro Magpanggap ka na lang na kilala mo. Na galit ka sa kanya oh di kaya wag mo ng pansinin" tugon ni Monica

"Pero sissy.. ang hirap.." ani ni Scarlet

"Sissy just ignore him... mananawa din yan..." tugon ni Monica

"I hope so Sissy.." tugon ni Scarlet

Galit na galit pa din ng umuwi si Nathalie sa bahay. Makailang minuto ay kasunod niya si James.

"Babe!" Ani ni James

"Oh bakit ka nandito! Dun ka na sa Scarlet mo!" Tugon ni Nathalie

"Walang kami ni Scarlet.." ani ni Tom

"Hindi kayo ni Scarlet?? Eh nag susubuan pa nga kayo kulang na lang sa inyo guyam!!! Sa sobrang tamis!!!" Ani ni Nathalie

"Babe.. mali yang iniisip mo... pinatikman niya lang yung niluto ko kasi masarap daw..." tugon ni James

"Aba at ikaw pa ang nagluto! Ay magaling! Napakagaling!!! Diba may chef kayo! Tang ina!!" Ani ni Nathalie

Hindi pa din maawat si Nathalie sa kanyang galit.. kulang na lamang ay sugurin niya si Scarlet... subalit dahil buntis siya, hindi niya ito magawa..

"Babe.. naman wala naman masama doon sa ginawa ko.. customer is always right diba"

Tugon ni James

"Lintik na customer is always right na yan! Nilalandi ka na always right ka pa din! Ano ba ang meron yung Scarlet na yun!" Ani ni Natahlie

Hindi na sumagot si James sa mga patutsada ni Nathalie, bagkus ay nanahimik na lamang siya sa isang tabi at nilaro ang kanilang baby.

Ilang buwan na rin pala at mag iisang taon na si Jasmine.. wala pa silang plano para dito.

Hindi nakapag pigil si River na alamin ang katotohanan tungkol sa bata.. kaya palihim siyang kumuha ng private investigator, para mag karoon siya ng kasagutan. Malakas ang kanyang paniniwala na siya ang ama ng bata at hindi ang kaibigan niyang si James.

Nasa labas naman ng kompanya si Ace, nag iintay siya habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Lumabas si Scarlet at Monica ng building. Sumakay sa sasakyan at kaagad itong sinudan ni Ace.

Huminto ang sasakyan nina Scarlet at Monica. Sa pagtingin ni Ace sa arko, nabasa niyang simenteryo ito. Napaisip siya kaagad kung sino ang dadalawin nito gayong wala naman siyang ibang kamag anak dito.

Nagtungo si Scarlet sa compartment ng sasakyan at kinuha ang bulaklak na binigay ni Ace..

"Yun yung bigay kong bulaklak kay Scarlet..." ani ni Ace sa kanyang sarili

Nang makapasok sina Scarlet at Monica sa loob, kaagad namang bumaba ng sasakyan si Ace upang sundan ang dalawa.. Marahan siyang sumunod upang hindi siya makita at mahalata...

Nakarating na ang dalawa sa puntod, nakita niyang inilagay ni Scarlet ang mga bulaklak dito, nang susubukan naman niyang lumapit,, tumawag naman ang kanilang opisina. Kaya, hindi niya nalaman kung sino ang pinuntahang ito ng dalawa.

Kaagad na umalis si Ace upang bumalik sa opisina. Subalit naging isang malaking katanungan muli sa kanya kung sino ang dinalaw nina Scarlet at Monica. Napakagagat ito sa kanyang hintuturo habang nagmamaneho. Sinubkan niyang alalahanin ang pinasukan nila subalit nabura lahat ng pumasok sa isip niya kung sino ang dinalaw ni Scarlet.

Kinagabihan, nagkita sina Ace at River sa isang bar.

"Ace..!" Ani River

"Oy! River.." tugon ni Ace

"Ano't nagsosolo ka! Sino kasama mo?" Ani ni River

"Wala ako lang may iniisip lang ako... ikaw anong meron at nandito ka?" Tugon ni Ace

Umupo si River sa tabi ni Ace at omorder ng alak.

"Ah may iniisip din lang ako.. hindi kasi ako makampante sa anak ni Nathalie.." ani ni River

"Bakit? Ano ba yun?" Ani ni Ace

"Malakas kasi ang kutob ko na anak ko yung bata. Itinatago lang ni Nathalie ang katotohanan para makasama si James.." tugon ni River

"Seryoso ka ba talaga jan? Paano naman kung hindi? Paano kung si James talaga?" Ani ni Ace

Natigilan si River sa puntong iyon.. napaisip din bigla sa sinabing ito ni Ace..

"Basta Pare bahala na.. gusto ko lang ng kasagutan.." tugon ni River

"Eh ano ang plano mo? Kunin ang bata at ipa DNA? Mukhang napaka imposible naman" ani ni Ace

Hindi sinabi ni River kay Ace na kumuha siya ng private investigator para paimbestigahan ang anak ni Nathalie.

"Basta ako na ang bahala... ikaw ano naman ang dala dala mo?" Tugon ni Ace

"Ganun pa din... Si Scarlet pa din..." ani ni Ace

"Ooh ano naman problema mo doon?" Tanong ni River

"Pakiramdam ko kasi may itinatago sa akin si Scarlet.. at alam ko din na parang hindi siya ang tunay na Scarlet.." ani ni Ace

"Puta! Pare ang bigat niyan... paano mo naman nasabi na hindi yun si Scarlet" tugon ni River

"Basta Pare.. mahirap ipaliwanag kung bakit..." ani ni Ace

"Sige ikaw ang bahala... basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako.. para naman hindi ka nag eemote mag isa" ani ni River sabay biro sa kaibigan.

Nagpatuloy bang dalawa sa paginum.. hindi pa din maiaalis sa mga mukha nila ang pagkAkaroon ng duda sa mga problemang kinakaharap nila. Makikita din ang determinasyon na gagawin nila ang lahat para malaman at mabigyan sila ng kasagutan sa tanong na namumuo sa kanilang isipan

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts