webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
55 Chs

Chapter 11

Maagang nagising si Nathalie, sinilip niya si James sa kabilang kwarto subalit tulog pa ito, marahil ay pagod ito sa trabaho. Nagtungo siya sa kusina at nagluto. Hindi nagtagal, nagising na din si James

"Kain na... nagluto ako..." ani ni Nathalie

"Good morning...." tugon ni James

"Good morning din" ani ni Nathalie

Pagtingin ni James sa mesa nakita niya ang niluto ni Nathalie, sinangag na kanin at tocino. Uminat siya at napakindat saka dali daling kumuha ng plato at kumain.

Sa unang subo...napatingin ito sa harap niya, napangiti, napansin ito ni Nathalie..

"Mukhang maganda ang umaga mo ah" ani ni Nathalie

"Ah wala may naalala lang ako." Tugon ni James

Ng mga oras na iyon, naalala niya si Jake, paborito nito ang sinangag at tocino.. nakikita-kita pa niya kung paano kumain si Jake ng tocino.. tutusukin at itataas at saka kakagatin. Napapangiti si James at napawikang

"Parang bata..." sambit na may ngiti sa mga labi

Narinig ito ni Nathalie at nagtanong...

"Ano iyon? May sinasabi ka???" Tanong ni Nathalie

"Wala...sabi ko nakakamiss maging bata" tugon ni James

"Aah.. ok tara na kain na tayo heto ang kape mo" ani ni Nathalie

"Salamat" tugon ni James

Samantala, nagpasya ang dalawa nina Tom at Scarlet na doon na muna tumira sa bahay ni Tom habang hindi pa tapos ang mga business plans nila sa Spain.

"Hon.. maybe, it is better if we stay at your place.." ani ni Scarlet

"Do you want there?" Tugon ni Tom

"Of course! I missed your bed there" sambit na may ngiting may pinaplano.

"Hhhmmm.. ok hon pack the things we go now..." ani ni Tom na may galak

Inayos muli ni Scarlet ang maleta, ng mailagay na ang lahat ng gamit nila, kaagad na silang bumaba sa lobby at nagpaalam kay River..

"River, we will go back at my place.." ani ni Tom

"But why?? It's more convenient here going to your work" ani ni River

"It's not my decision" sabay turo ng nguso kay Scarlet

Napatawa si River sa aksyong ito ni Tom.

"Hahaha.. I see.." ani ni River

"Like what i've told you.. i am the boss but she is the law"  pabiro ni Tom

Mayamaya pa ay umalis na ang dalawa at kaagad ng tinungo ang bahay ni Tom. Ilang saglit pa ay nakarating n sila..

"Welcome back" ani ni Tom

"Im here again..." tugon ni Scarlet

Inakap ni Tom si Scarlet maya maya ay nagtanong siya.

"Hon when you will speak Tagalog?" Ani ni Scarlet

"Kapag marunong na ako" ani ni Tom na sawit magsalita

Nagulat si Scarlet ng marinig niyang marunong na magsalita si Tom. Hindi siya makapaniwala na natuto ito sa kanya.

"Hon.. kailan pa???" Tanong ni Scarlet

"Matagal na Hon. Hinihintay ko lamang pa na tanungin mo ko" ani Tom

Masayang masaya si Scarlet, dahil kahit sawit si Tom ay pupwede na niya itong makausap ng tagalog at hindi na kailangan pa ni Tom mag english kapag kaharap niya ay ang mga Pilipino.

"Mahal kita Hon" ani ni Tom

"Mahal din kita Hon.. salamat sa lahat lahat" tugon ni Scarlet

Habang masaya ang dalawa na nasa salas at nagkukwentuhan sa pamamagitan ng salitang tagalog, tumawag naman si Monica kay Scarlet...

Rriiiinnnggg.....

"Yes Monica..."

-Scarlet

"Where are you? Can we meet?"

-Monica

"We're at Tom's appartment, can you come over here? We also have a surprise for you"

-Scarlet

"Really?? Ok im just near maybe I'll be ther e in 30 minutes"

-Monica

END CALL.....

Makalipas ang 30 minutos. Dumating na si Monica at kaagad siyang nagring...

Dzzz...dzzzz

"Monica.. kumusta ka" ani ni Tom

Pagkabukas ng Pinto, natulala si Monica sa pagkakasalitang ito ni Tom

"Hey Monica..." aning muli ni Tom

"Nagtatagalog ka na?" Tanong ni Monica

"Oo nakakasalita na ako ng tagalog but just a little" ani ni Tom

Natawa si Monica sa kung paano mag salita si Tom, gayon din naman si Scarlet habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Kumusta Scarlet.." ani ni Monica

"Ok lang.. ok ang lahat.. wala naman akong nararamdaman kakaiba matapos ang operasyon." Ani ni Scarlet

"Good.. malakas talagaang resistensya mo.. napakabili din maghilum ng mga sugat mo..." tugon ni Monica

"Bakit pala nasa area ka lang? Saan ka galing?" Ani ni Scarlet

" ah kinuha ko kasi mga gamit ko sa hospital. Nakapag file na ako ng resignation letter." Tugon ni Monica

"Ooh cool.. so mas magiging mag kakabonding tayo ngayon." Ani ni Scarlet

"Oo ba,, yun ay kung papayag si Tom" tugon ni Monica

Napangiti si Tom. Dahil hindi niya masyadong naunawaan ang pinag uusapan ng dalawa dahil sa bilis ng kanilang pagsasalita.

" I didn't understand.... you're so fast in talking haha" pabiro ni Tom

"Ang sabi ko is Monica and l plans to have a girl bonding" ani ni Scarlet

" so babae lang? How about me?" Ani ni Tom

Nagtawanan muli ang dalawang magkaibigan sa reaksyon ni Tom habang nagsasalita. Napaka bibo ni Tom simula ng matuto itong magsalita ng tagalog. Habang sumasarap ang usapan, nag aya si Tom na kumain sila sa labas ng lunch..

Nag tungo sila sa isang fast food restaurant, sapagkat noong isang araw pa  gustong gusto ni Tom na kumain ng Burger.

"Masarap!!" Ani ni Tom

"Si Tom talaga hindi pa rin nagbabago napakapalabiro pa din.." ani ni Monica

"Higit sa lahat malambing.." tugon ni Scarlet

"Yan ang hindi ko masasagot kung tunay" ani ni Monica

Nagtawanang muli, sina Scarlet at Monica. Tuwang tuwa silang pagmasdan si Tom. Samantala sa kabilang table nandoon si Ace, hinintay ang kanyang cliente. Nasa telepono ito kaya hindi pa niya napapansin ang katapat niya sa may dakong kanan niya. Matapos ang tawag ay lumingon si Ace para tumawag ng crew, subalit napukaw ang kanyang atensyon ng muli niyang makita si Scarlet...

"Scarlet??" Tugon niya sa sarili

Tumayo siya upang puntahan ito, subalit tumawag naman muli ang kanyang cliente at nag cancell ng lugar kung kaya't kailangan niyang lumipat. Paglingon niyang muli, nakaalis na ang grupo nina Scarlet.

Isang panghihinayang muli ang naramdaman ni Ace ng araw na iyon. Akala niya ay masasagot na ang kanyang katanungan sa kanyang isipan...

Bakit nagbalik si Scarlet?

Sino siya?

Paano?

Mga Tanong sa isipan ni Ace... na sinusubukang hanapan ng saktong sagot at mga paliwanag....kahit saan kahit kailan... talagang mapaglaro si Tadhana

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts