webnovel

You are invited (The Matchmaker's Series #1) COMPLETED

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz-- a well-known lawyer and ruthless especially when it comes on handling special cases and lawsuits of his clients. Business is Business. Kaya isa sya sa mga kilalang lawyer ng kanyang henerasyon. Kung gaano siya ka-successful sa kanyang career ay ang ikina-malas niya naman sa pag-ibig. He's very shy whent it comes to women but definitely a monster when it comes to bed. He had flings to satisfy his sexual needs. Kaya kailanman ay hindi pumasok sa isip nya na maghangad pa ng iba maliban sa sex mula sa isang babae. Until one day, Nica literally barged into his life. She barged into his room unannounced, drunk, and look stunningly sultry in her sexy black gown. He was burned by desire and unexpectedly, they had a one night of enchantment. Nagising na lang sya kinabukasan at wala na sa tabi ang dalaga. After a few weeks ay nagkita ulit sila. She pretends that nothing happened between them. Umaakto ito na para bang ni minsan ay hindi sila naging maligaya sa kama. That made him feel irritated. Handa syang gawin ang lahat para lang maalala ng dalaga ang ginawa nila nang gabing dinala nya ito sa paraiso na hindi nito malilimutan. Author's Note: Contains mature scenes and graphic terms. Please read at your own risk. You've been warned. You may see a lot of typo and grammatical errors because this story is raw and unedited. Thisnis the first series of the author's career so expect flaws along the way.

missbellavanilla · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Chapter 9

Author's Note: Sorry sa late update ng story na ito, guys. Babawi po ako this weekend. Pangako.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nag-stay sya sa mansyon ng binata hanggang gabi. Maliban sa pagpunta sa rurok ng tagumpay ay naging busy din sila sa panonood ng Netflix at paglalaro ng chess. Hindi sya makapaniwalang sa loob lang ng 5 o 6 moves ay natatalo na sya ni Leo. At dahil lagi syang talo ay napipilitan syang gawin ang mga gusto nito. Gusto daw nitong kumanta sya o sumayaw sa harap nito. Nakakahiya man ay nagawa nya pa rin ang dare nito sa kanya. Halos malunod na sya sa hiya habang ito naman ay tawang-tawa lang na nanonood sa kanya at animo'y parang bata na unang beses na nakakita ng isang unicorn na sumasayaw-sayaw. Pero kahit nahihiya sya ay nakangiti pa rin sya dahil sa lakas ng tawa nito. Until she came to the realization that it's okay if she looked so stupid as long as she can see or hear his laughter. Na realize din nya na kaya pala talagang gawin ng isang tao ang lahat for the sake of love.

"Ano ba yan! Lagi akong talo! Iba naman yung laruin natin oh! Arm wrestling naman! Lagi mong naco-corner yung King ko eh! Andaya mo!" Reklamo nya nang mapagod na sa kakasayaw ng ini-request nitong sayawin nya ang "Tatlong Bibe"

"Okay, anong laro ang gusto mong laruin?" Tanong nito sa kanya at niyakap sya mula sa likuran. Naipilig nya ang leeg nang maramdamang dahan-dahan sya nitong hinahalikan ang balikat nya papunta sa batok nya. He really knows her pleasure spots.

"P-pwede arm wrestling naman?" Nanghihina nyang tanong. Naglakbay na naman kasi ang isang kamay nito papunta sa dibdib nya.

"Okay. Kapag ikaw ang nanalo, magde-date tayo bukas."

Napangiwi sya at saglit na lumayo mula rito. "Ayaw ko! Baka hindi ka na naman makapunta. Ayaw kong ma-disappoint ulit." Bakas pa rin ang tampo mula sa boses nya.

"Nagtatampo ka pa rin ba?" Muli sya nitong niyakap mula sa likuran. Napangiti sya. Mas lalo syang nagdrama.

"Hindi! Hindi ako nagtatampo." Mas lalo pa nyang pinalungkot ang boses na animo'y nagmamaktol na bata. Gusto nya ang feeling na may taong handang suyuin sya sa mga oras na galit sya.

"Tssss... Para kang bata." Inumpisahan na naman nitong halikan ang batok at balikat nya. Ibinaba nito ang kaliwang strap ng dress nya at saka dinampian iyon ng halik. Napa-ungol sya ng mahina dahil sa init na dulot niyon sa katawan nya.

"I really love your scent, Nica. You smell and taste like honey." Bulong nito sa tainga nya at kinagat iyon ng marahan. His calloused hands gently went to her legs and began to caress her thighs. Mukhang nagbabalak na naman itong angkinin sya.

"Hindi ka pa ba pagod? Halos buong maghapon tayong naging busy a?"

"I just wanted to cuddle you." Bulong nito sa kanya. Napaigtad sya dahil muli na naman nitong pinukaw ang apoy na kaninang natutulog sa buong sistema nya. Naramdaman din nyang may tumutusok sa bandang pang-upo nya.

"Gising na naman si Junior." She chuckled. Narinig nyang marahan itong napamura at niyakap sya ng mahigpit.

"Nica?" Pagtawag nito sa atensyon nya.

"Hmmm?"

"I'm sorry. Masakit pa ba ang katawan mo? Pinagod yata kita kanina." Tanong nito ng puno ng lambing.

Napangiti sya. "Medyo. Pero mas masakit nung unang beses na may nangyari satin sa party. Halos hindi na ako nakagalaw nun."

His hands went gently to her hand. Inangat nito ang kanang kamay nya at hinalikan iyon. She fidgeted her head to meet his gaze.

"I know you're sore all over noong gabi ng party ni mama. Bakit ka pa kasi umalis nang hindi pa ako nagigising? Hindi man lang kita naihatid. Tumakas ka pa."

"Kasi naman noon ko lang din nalaman na boss ka pala ng boss ko. Ikaw pala yung may-ari ng Law Firm na pinapasukan ko kaya natakot ako. Baka mamaya ipakulong mo ako dahil sa trespassing sa kuwarto mong inakala kong CR." Napahagikgik sya sa tawa.

"Well, i could sue you for trespassing and for stealing my sanity. Nabaliw ako sayo to the point na pinaimbestigahan kita at pinapasundan kita palagi kay Harvey."

Pakiramdam ni Nica ay mas lalong natunaw ang puso nya sa sinabi nito. She never thought that loving a man like Leonardo Villaruiz could be so heart-fluttering.

"Kaya pala palagi akong kinakamusta ni Harvey eh. Ikaw pala nag-uutos sa kanya."

"Well, i told you before that you're mine, right? Maingat ako at strikto specially sa mga pag-aari ko. That's what makes me a good business man, Nica."

Kumunot noo si Nica. "Businessman ka ba? Akala ko ba Lawyer ka by heart? Eh bakit ka pa naging businessman?"

He chuckled. "Akala mo Lawyer lang ako? Do you think i will be this rich kung Law Firm lang ang negosyo at trabaho ko? Marami akong investments sa iba't-ibang company tulad ng Montecillo Distillery at Waverly Malls. Isa ako sa mga major stockholders ng mga kumpanyang iyon. Maliban doon ay may Real Estate Business ako na mina-manage ni Mommy. Hindi ako magkakaroon ng mansyon at magagarang kotse kung Law Firm lang ang negosyo ko, Nica. I'm a Lawyer by proffesion and a businessman by choice."

Literal syang napanganga. "Kaya pala may Rancho ka sa gitna ng ka-maynilaan. Ang yaman mo pala eh." Saad niya. "Samantalang ako wala man lang maipagmamayabang. Simple lang naman kasi ang buhay namin. Kaya mukhang mahihirapan akong abutin ka. Wala akong pang-Dowry eh." Biro nya. Her head tilted when she felt his lips gently brushing her neck.

"Just say that you love me, Nica. Just love me... and i'll make sure that i will burn every f*ckin dollars i have if that's what it takes to have you."

Hindi nya napigilan ang sarili na mapaluha. Hindi nya akalaing maririnig nya iyon sa binata. She came to a realization that she's willing to risk her heart, body, and soul just to own his heart. Lalo na't nararamdaman nya na posibleng mahulog ang loob nito sa kanya.

"Leo. I love you." She confessed without hesitation. She stared at his ash-grey eyes with full of love. Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay nito. He smiled and gently cupped her face with his right hand.

"Well, that's good to hear."

Tuluyan na syang nagpaubaya muli at nagpakalunod nang sakupin muli nito ang labi nya. Unlike before, the kiss was so passionate, just enough to make her system go wild and her knees weak. Naramdaman iyon ni Leo kaya mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at mas lalong pinalalim ang halik.

She's willing to sacrifice her everything just to be in his arms. Kahit pa maging parang tanga sya na umasa na balang araw ay mamahalin din sya nito. Kahit pa sabihin na pinagtagpo lang sila ng isang bayaran na matchmaker. Naniniwala syang naging instrumento lang ng tadhana ang Matchmaker para pagtagpuin sila.

***

Napangiti si Nica nang mabasa ang text message sa kanya ni Leo. Simula ng ihatid sya nito sa bahay nila ng dis oras ng gabi ay hindi na sya nito tinantanan sa text messages. Palagi itong nagte-text ng "i miss you." O simpleng "i want to cuddle you.". Mukha na syang tanga dahil mag-isa syang ngumingiti sa loob ng kwarto nya at maging sa loob ng opisina ng pinsan nya. Tuluyan na nyang binalewala ang trabaho nya at nagpakalunod sa pakikipag-text kay Leo.

[I wish i could smell you, honey. Wala pa akong time ngayon. I'm too busy. Masyado tayong naging busy kahapon kaya tambak ang meetings at papel na pipirmahan ko. I'm sorry, honey. I'll make it up to you tomorrow.]

Halos umabot na hanggang mata ang ngiti sa mga labi nya dahil sa huling message ng binata sa kanya. "Nami-miss nya ako!" impit na tili ng isip.

[Kung gusto mo magkita tayo sa conference room? You could ravish me there. Miss you too.]

Napa-iling iling sya sa reply nya dito habang may ngiti sa mga labi. Mukha yatang natututo na syang lumandi.

Napatingin sya sa phone nya nang maring nya ang message tone nya. She bit her lower lip as she read his reply.

[You crazy little brat. You just woke him up! Humanda ka bukas. I'm going to make sure that you'll scream my name over and over until we're both breathless. D*mn it Nica. Stop it before i lose control. You know i'm not good at stopping my urges in bed.]

Napangiti sya. Malaki nga talaga ang epekto nya sa binata.

"Ma'am Nica, may naghahanap po sa inyo."

Nilingon ni Nica ang pamilyar na boses ni Dennis. Nagsalubong ang mga kilay nya nang makitang may kasama itong babae.

Maganda at sopistikadang babae.

Tumayo sya at nilapitan ito. "Good Morning. Sino po sila? May appointment ba kayo with Attorney Manalo?" She smiled at the gorgeous woman in front of her. Mestisa ito at mukhang nasa mid-30's na. She glanced at her from head to toe then flashed a sweet smile pagkatapos syang suriin. Nailang man ay hinarap nya ito ng maayos.

"Hi Miss Manalo. Ikaw ang sadya ko. Can i talk to you for a second?" Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya. "I'm Claire LeBlanc." The woman offered her hand for a handshake.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Nica. Pakiramdam nya ay bigla syang binuhusan ng isang baldeng tubig. Napakurap-kurap sya para masigurong totoo ang babaeng nasa harap nya ngayon.

"S'ya si Claire! She's Leo's Ex! Bakit nya ako nakilala? " sigaw ng isip.

She felt her heart tightened. Pakiramdam nya ay talo na sya sa babaeng kaharap. Kung iku-kumapara kasi sya dito ay di-hamak na mas lamang ito sa kanya kung katawan at kagandahan ang pagbabasehan. Mukha rin itong mayaman sa ayos at pananamit nito at mukhang matalino. Walang-wala sya sa kalingkingan nito.

Binalingan nya si Dennis. "Dennis, iwanan mo muna kaming dalawa dito sa opisina. Thank you."

Nang umalis na si Dennis ay inalok nya itong maupo sa swivel chair na nasa harap ng desk nya. Tinanggap naman nito ang alok nya. Kapagkuwa'y umupo na rin sya sa upuan nya at hinarap ito ng maayos.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Tinitigan sya ni Claire na animo'y isa syang suspect sa isang krimen. "Alam kong kilala mo na ako dahil imposibleng hindi ako nakuwento sayo ni Leo. Leo an I shared an intimate relationship for three years kaya sa tingin ko ay maging si Mrs. Teresa Villaruiz ay nai-kuwento ako sa'yo."

Mas lalong nanikip ang dibdib nya sa mga sinabi nito. Intimate relationship?

"Don't worry, Ms. Manalo. Wala akong balak na magsimula ng gulo. As long as you know your place, wala tayong magiging problema." Claire gave her a meaningful look. Yung tipong anong oras ay handa itong lapain sya kapag nagkamali sya ng galaw.

Naikuyom nya ang kamao dahil sa sinabi nito. Mukha yatang desidido itong agawin sa kanya si Leo!

"Yeah. I know my place. And my place is in Leo's arms." She tried to sound peaceful kahit ang nadarama ay parang gusto nyang manghamon ng away. She just hopes that Claire can't read the anger in her eyes.

Claire smirked and gave her the same glare she's giving her. "I admire your courage to talk back, Ms. Manalo. Dederetsuhin na kita. I want you out of Leo's life."

She faked a laugh. "Sino ka para diktahan ako? Mahal ko si Leo at nararamdaman ko na posibleng mahal nya rin ako. Kasalanan mo kung bakit nawala sya sayo." Hindi na nya napigilang magtaas ng boses dahil sa galit. Hindi sya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ng kaharap. Galit at takot ang bumalot sa buong pagkatao nya. Galit sya dahil bumalik pa ito sa buhay ni Leo at balak na guluhin ang pagsasamahan nilang dalawa ng binata. Takot sya dahil baka mas piliin ito ng binata kesa sa kanya.

"Oh come on, Veronica. Porke pinagtagpo kayo ng isang bayarang Matchmaker ay ganyan ka na magsalita. Akala mo ba itinadhana kayo para sa isa't-isa? This is not a fairytale, sweetie. Kaya huwag mong isiping totoo ang destiny at itinadhana kayo sa isa't-isa because i'll make sure that Leo's going to be mine again. Whatever it takes." Ma-awtoridad na wika nito at ngumisi.

Nanlaki ang mga mata nya. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Matchmaker-----"

"Oh well. I did a little research. Nalaman ko kay Tita Teresa na may binayaran syang matchmaker para makilala ka ni Leo. Narinig ko ang usapan nila ng isang babae sa library nung gabing nakitulog ako sa bahay nila Leo. I overheard them talking about you and Leo. Narinig ko rin na inutusan mo si Tita na iutos sa Matchmaker na ilayo ako sa landas nyo ni Leo. How dare you?" Bakas ang pait sa boses nito.

"Pasensya. Dahil sakin kaya ka nasasaktan ng ganyan. Pero hindi mo ba naisip na dahil sayo kaya nawala sya sayo? Dahil ikaw mismo yung sumuko? Tama ka. Inutusan ko nga si Mommy na ilayo ka kay Leo. Dahil simula ng iniwan mo sya ay hindi mo na sya pag-aari. Wala ka ng karapatan sa kanya dahil akin sya. Akin lang si Leo." Saad nya. Hindi na nya napigilang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa mga mata nya.

"Talaga?" A smirk formed on Claire's lips. "Sa tingin mo ba hindi ka nya kamumuhian kapag nalaman nyang sinet-up lang kayo ng isang bayaran na Matchmaker?"

Natigilan sya. Biglang nanghina ang mga tuhod nya dahil sa sinabi nito. Nakaramdam sya ng takot at kaba dahil sa banta nito sa kanya.

Natatakot sya. Natatakot syang malaman ng binata ang katotohanan na sinet-up lang sila ng isang Matchmaker para magkakilala. Baka magalit ito dahil inilihim nya ang tungkol sa Matchmaker.

"Anong Matchmaker?"

Nanlaki ang mga mata nya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Sabay sila ni Claire na napalingon sa pinanggalingan niyon at nagulat sila nang makitang nakatayo sa doorway si Leo habang nakahalukipkip at nakikinig sa usapan nila. Napatayo sya sa gulat. Ang kaninang takot at kabang nadarama ay mas lalo pang nadagdagan.

"You're just in time, Leo." Mas lalong ngumisi si Claire. Nilapitan nito si Leo at inilingkis ang kamay sa braso ng binata. "Why don't you ask your lovely Veronica kung sino nga ba talaga ang Matchmaker? I'm sure mabibigla ka sa mga sasabihin nya."

She felt a lump formed in her throat. Napalunok sya yumuko para iiwas ang tingin. Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag na set-up lang ang lahat kaya sila nagkakilala. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Natatakot sya ngunit sinubukan nyang kalmahin ang damdamin. Hindi mabilang ni Nica kung ilang minuto na nyang nilalaro ang mga daliri dahil sa takot at kaba'ng nadarama.

"Leave us alone, Claire." Narinig nyang utso nito sa babaeng nakalingkis sa braso nito.

"Okay. I'll wait for you in your office." Nag-angat si Nica ng tingin para lang makitang dinampian ni Claire ng halik ang labi ni Leo. Naramdaman nyang nanikip muli ang dibdib dahil sa nakita. Gusto nyang hilahin ito palayo kay Leo at kaladkarin palabas ng building.

"Narinig mo ba ang sabi ni Leo? Umalis ka na." Inis na utos nya dito. Mas lalo syang nairita nang makitang ngumiti lang ito na animo'y nagtagumpay bago umalis. Nang sila na lang dalawa ni Leo ay ni-lock nito ang pinto sa opisina ng pinsan nya at dahan-dahang lumapit sa kanya. She met his gaze. Mas lalo syang nanghina at nabalutan ng kaba nang makita ang confusion sa mga mata nito.

"Tell me, honey. Sino ba yung Matchmaker na tinutukoy ni Claire?" Nang makalapit si Leo sa kanya ay kinuha nito ang kamay nya at inangat iyon para dampian ng halik. Kapagkuwa'y inilapat nito ang kamay nya sa pisngi nito at dinama ang init na dulot niyon.

"Tell me, Nica. Sayo lang ako maniniwala. Sabihin mo. Sino ba yun at sinadya ka pa talagang puntahan dito ni Claire para lang pagbantaan?"

Napapikit sya. "L-Leo... H-hindi ko alam kung paano ie-explain pero... kasi..." Napakagat-labi sya. "gusto kong malaman mo na kung ano man ang malalaman mo ay hindi nun mababago na mahal kita, okay?" She opened her eyes to meet his gaze. Anticipation is very evident in his ash-grey eyes.

Napabuntong-hininga sya. Siguro panahon na para malaman iyon ni Leo.

"S-si Matchmaker. Isa syang taong binayaran ng mommy mo para iset-up tayong dalawa. Kaya ako nakapasok sa kuwarto mo nung gabi ng party ay dahil kay Matchmaker. Si Matchmaker ang nagturo sa akin papasok sa kwarto mo. Sya yung waitress na sinasabi ko sayo dati na nagturo sakin papunta sa kwarto mo. Sya rin ang dahilan kung bakit lagi tayong nagkikita. Kaya tayo magkakilala ngayon ay dahil sa kanya. Binayaran sya ng mommy mo para hanapan ka ng babaeng mapapangasawa. Huwag mo sanang masamain ang gusto ng mommy mo. Gusto nya lang na magkaroon ka ng sarili mong pamilya dahil natatakot sya na balang araw ay mag-isa ka kapag wala na sya sa tabi mo. I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo. Matagal ko ng alam ang tungkol sa bagay na to." She finally said. Naramdaman nyang binitawan ni Leo ang kamay nya na kaninang hawak nito at medyo lumayo sa kanya. He gave her a confused look.

"So lahat ng ito ay pinlano ng taong yon? Kaya tayo nagkita dahil sa kanya, ganoon ba?" She sensed anger and sadness in his voice. Mas lalo syang nasaktan nang makitang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

"Pero Leo kahit ganoon ay minahal kita---"

"Nonsense!" Galit na putol nito sa mga sasabihin pa nya. "Paano ko masisigurado na totoo yang mga sinasabi mo kung sa simula pa lang ay pinapaikot nyo na ako? Alam mo na palang sinet-up tayo ni mommy pero nagpatuloy ka parin! Sana ay sinabi mo na sakin ng maaga para hindi na ako umasa! I'm hurt Nica! Dahil akala ko mahal mo ako!" He faked a laugh. "Magkano ang binayad sayo ni Mommy? Tell me! Magkano ang binayad nila sayo para mapapayag ka nila sa mga gusto nila. Sabihin mo Nica!" Napalunadag sya sa gulat dahil sa biglang pagtaas ng boses nito.

She began to cry. "L-Leo. Nagkakamali ka. Hindi nila ako binayaran. Wala akong kinalaman sa mga plano nila. Leo. Mahal kita. Diba sabi mo maniniwala ka sakin? Mahal kita Leo. Mahal na mahal kita. Please maniwala ka naman sakin. Please!" She reached for his hand pero inilayo iyon sa kanya ng binata.

"Talaga Nica? Mahal mo ako?" He asked with full of sarcasm. "Magkano ang binayad sayo ng matchmaker na yon para sabihin sakin yan?"

She shook her head. "Mali ka, Leo. Maniwala ka sakin. Wala akong alam sa mga sinasabi mo." She pleaded. Tinakbo nya ang distansya sa pagitan nilang dalawa ni Leo at niyakap ito. "Please naman oh. Maniwala ka naman sakin."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang mga hikbi nya lang ang naririnig sa buong opisina. Mas lalo nya pang hinigpitan ang yakap kay Leo, sa ganung paraan ay nakasisiguro syang hindi ito lalayo sa kanya.

Nagpumiglas sya nang dahan-dahan nitong tinanggal ang mga braso nyang nakapulupot sa bewang nito.

"Please Leo. Hayaan mo naman ako mag-explain ng maayos. Paniwalaan mo ako please." Nagmukha syang martir dahil sa mga pinaggagagawa. She doesn't care if she looks stupid in front of him. Gagawin nya ang lahat para hindi ito mawala sa kanya.

"Mahal mo ba talaga ako, Nica?" Puno ng hinanakit na tanong nito sa kanya.

She nodded. "Oo naman. Mahal na mahal. Maniwala ka sakin, Leo. Mahal na mahal kita. Nararamdaman mo naman diba?"

"If you do, bakit ka naglihim? Bakit mo tinago ang bagay na yun? Nagmukha akong tanga, Nica. Akala ko totoo. Ginago mo lang pala ako." He pushed her gently away from him. Tuluyan na syang nanghina at napaupo sa sahig dahil sa sakit na nadarama.

"Leo..." Nanghihinang sambit nya habang humihikbi. Nakatitig parin sya sa pintuan kung saan ito lumabas.

"Leo! Bakit ayaw mong maniwala sakin?" Tanong ng isip nya.

Hindi nya inakalang ganoon kasakit ang hindi paniwalaan, lalo na ng taong mahal mo. Wala naman syang balak i-sikreto ang tungkol sa Matchmaker at higit sa lahat ay hindi sya binayaran para lang mahalin ito. At higit sa lahat, nasasaktan sya dahil ni katiting ay hindi sya pinaniwalaan ng binata.