webnovel

Wrong Bride

[R-18+] Mature Content Kiona Ty Story.

ydren_ylgu · Urban
Zu wenig Bewertungen
21 Chs

Special Chapter

"AS WE know, ladies and gentlemen, kapag tinawag ko ang first runner-up, alam na natin kung sino ang nineteen-ninety seven Super Model.... so, I will announce first the name of the first runner-up."

Si Kiona at si Melissa lamang ang nasa unahan ng stage.

"The first runner-up is num-ber 12! Melissa Magno!"

Napuno ng palakpakan ang paligid. Alam ni Melissa na hindi iyon para sa kanya, kung hindi para kay Kiona.

Isang malaking bouquet ng rosas ang iniabot kay Kiona, matapos sabitan ng sash. Lulang-lula si Cassius sa nangyayari, he's proud of Kiona.

At the same time, natatakot siya. Ito ang mundong aagaw sa kanya sa babaing minamahal.

Nang magkaroon ng pagkakataong bumaba ng stage si Kiona ay si Cassius agad ang pinuntahan nito at niyakap. Kasunod niya ang baklang si Dolly at mga photographers. Hindi magkamayaw ang mga iyon.

"Manay, I'll go ahead. Hindi na ako magtatagal. I want to go home. I'm not feeling well." Ani Kiona kay Dolly.

"Ha? Ikaw ang bahala, mabuti na nga iyon kesa makita ka pa ng mga DOP's dito, at ligawan ka pa."

"Anong DOP?"

"Dirty old politicians. Naku, kanina pa ako kinukulit ng isang kalbo doon. Mabuti pa nga ay umuwi ka na. Get all the rest you need. Oy, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Ang gwapo mo talaga! Kailan mo ako pagbibigyan ng isang pictorial lang." Biro pa nito kay Cassius.

"Kapatid pala, ha. Manay, ang tanda-tanda mo na dito sa mundo, nagpapaloko ka pa rin." Lahat ng atensiyon ay napabaling kay Melissa.

"I have proofs. Gusto ninyong makita?" Isang brown envelope ang iwinagayway ni Melissa sa lahat, lalo na sa mga reporters na naroon.

"This is a copy of their marriage certificate. Sige, tingnan n'yo. This sweet girl here is a fake. Niloloko niya kayong lahat. Lalo ka na, Manay. Naaawa ako sa iyo, after all you've done."

"Totoo ba ito. Kiona?" Tanong ni Dolly sa paboritong alaga.

Tumango si Kiona. Sunud-sunod ang click ng camera. Alam ni Cassius na kailangan na nilang umalis sa lugar na iyon. Kung kailangang ihagis niya ang mga reporters na humaharang sa kanila ay gagawin niya.

HEADLINE SA lahat ng pahayagan ang pagkakaalis ng titulo kay Kiona. At ang paghahain ng demanda laban dito ng designer and talent manager na si Dolly Espiritu.

Isang linggo ring nagtago sa loob ng bahay si Kiona. Wala siyang gustong kausaping reporters.

"I'm sorry, Ma. Pati kayo ay na-eskandalo dahil sa kalokohan ko."

"Naiintindihan ko, iha, ang gusto ko lang malaman, babalik ka pa ba sa trabaho mo? Iiwan mo pa ba si Cassius? Itutuloy mo pa rin ba ang balak ninyong paghihiwalay?"

"I don't know. Ayokong isipin iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Pag-usapan ninyong mabuti ni Cassius ang lahat. Basta't makabubuti para sa apo ko, tatanggapin ko iha." Malungkot na lumabas ng silid si Mrs. Gregorio.

"I'VE TALKED to Atty. Reyes. There is a better way kung paano tayo maghihiwalay. You just have to swear before the court na niloko kita. Magbibigay ka ng statement. You married me sa paniniwalang matino akong lalaki but I'm not. I'm still in love with a long time girlfriend at may anak kami." Paliwanag ni Cassius na gagamitin nilang ground para mabigyan sila ng annulment.

"Pwede ba.. I don't want to talk about that!"

Lumabas ng silid si Kiona. Maya-maya ay bumalik ito. "Uuwi ako sa Tacloban. Naguguluhan ako dito, gusto kong matahimik."

"Ikaw ang bahala."

Kinaumagahan, lumipad patungo ng probinsiya niya si Kiona. Diretso sa tindahan niya si Cassius. Tatanggapin niya kung ano man ang magiging desisyon ni Kiona. Wala siyang magagawa.

KAHIT NASA Tacloban ay nahanap pa rin si Kiona ng isang reporter. Pinakiusapan siyang magbigay ng pahayag tungkol sa panig niya.

"I'm sorry. Inaamin ko na kasalanan ko. Haharapin ko ang demanda sa akin ni Manay Dolly. Niloko ko siya. Ano pa ba ang gusto ninyong marinig?" Aniya.

"Ang panig mo. Bakit mo ginawa iyon? Gusto mo bang habang-buhay na lamang na may batik ang pangalan mo? You have to tell them what you feel." Pang-e-engganyo ng reporter.

Bumuntong-hininga si Kiona. Hindi nga niya maaaring takasan ang lahat.

"Okay, I'll appear on your show, but that is going to be my last appearance. Pagkatapos noon, wala na."

"Agreed."

Noon ding araw na iyon, bumalik ng Maynila si Kiona. Diretso sa set ng isang pang-linggong programa sa TV.

NAGULAT si Mrs. Gregorio nang marinig na nagsisigawan ang dalawang maids niya.

"Bakit ang ingay ninyo diyan?" Silip nito sa silid ng mga iyon.

"Ma'am, si Ms. Kiona! Si Ma'am Kiona nasa TV!"

"Ha?" Iyon lang at diretso si Mrs. Gregorio sa silid ni Cassius.

"Cassius, anak buksan mo ang pinto, dali!"

"Bakit, Ma?"

"Ang TV! Buksan mo ang TV!" Utos nito.

Excited si Mrs. Gregorio. Sumunod naman si Cassius. Sa screen ay naroon ang mukha ni Kiona.

"I dreamt of being famous, I guess, my dream did come true. I admit my fault. . and I'm sorry. I can't justify what I did, especially to Manay Dolly, I won't try to. I just want to say... sorry."

Titig na titig si Cassius sa screen. Kahit walang make-up at mapula ang mga mata sa pag-iyak ay maganda pa rin si Kiona.

"Miss Ty, katatanggap lang namin ngayon ng message buhat kay Dolly Espiritu. Tinatanggap niya ang paghingi mo ng tawad, ang kababaan ng loob mo. Sa pag-amin ng pagkakamali mo. Gusto niyang bumalik ka sa kanya. It does not matter daw kung may-asawa ka. Babalik ka pa ba, Ms. Ty?"

"Thank you, Manay Dolly. Thank you. I'm sorry... I'm not coming back. I do not belong there. At first, I thought that it is where I belong. I was wrong. I've found the place where I truly belonged... in the arms of my husband. He is my home and I love him so much that I am giving up all the glamour, the wealth and the dream that I have cherished for so long. I guess, I'm crazy... but I want to remain the that way forever."

Umiiyak si Kiona habang nagsasalita. Matagal na nakaclose-up ito sa screen. Hindi maipaliwanag ni Cassius ang kaligayahang nadarama ng mga oras na iyon.

"I love you too, Ms. Ty." Paulit-ulit niyang sinasabi habang nakamasid lang si Mrs. Gregorio.

Maligayang-maligaya para sa anak.

"Very well said, Miss. Ty—"

"Mrs. Gregorio. Mrs. Kiona Gregorio." Putol nito sa sinasabi ng host.

"Well, anyway, Mrs. Gregorio, is that decision final?"

Sunod-sunod ang tango ni Kiona.

"Not even after the baby is born?" Pahabol na tanong ng host.

"May be I'll make a comeback— through my baby. Just pray that it turns out a girl."

"WELL, you made a grant exit Ms. Ty. I'm proud of you, you're famous, you know." Biro ni Cassius sa kabiyak habang yakap-yakap ito at walang planong bitawan, well, at least, not in this lifetime for he intended to hold her for such a long, long time.

"Ang totoo, I wanted to tell the world how much I love you, Cassius."

And they sealed it with a passionate, gentle kisses.

WAKAS