webnovel

Wrong Bride

[R-18+] Mature Content Kiona Ty Story.

ydren_ylgu · Urban
Zu wenig Bewertungen
21 Chs

Kabanata 16

"HI! You look even prettier today. Ano ba ang sikreto mo, Kiona?" Bati sa kanya ni Dolly. Ngiti lang ang itinugon niya. Paano ba niya ipaliliwanag na masayang-masaya siya. Dalawang araw rin silang magkasama ni Cassius.

Halos hindi sila naghihiwalay. At talagang pakiramdam niya ay magandang-maganda siya. Parang sa lahat ng bulaklak siya lamang ang biniyayaan ng hamog.

"Okay, let's start." Tawag ni Dolly sa iba pang models. Hindi napansin ang pagtaas ng kilay ni Melissa, isa ring modelo na sana ay siya ang isasali sa model search. Ngunit naungusan na siya ni Kiona. Lumapit ito sa bakla.

"Manay, this is going to be my last show under your agency." Anito.

"Bakit? Are you getting married?"

"No. I realized na mas malaki ang pag-asa kong umangat kong lilipat ako ng agency. I want to join the super model search, but with your favorite around, malabo na iyon. I want to start training as soon as possible. Total, by next month, tapos na ang kontrata ko sa iyo. Maybe, you can let me go."

"Ikaw ang bahala."

Ipinagpatuloy ng bakla ang pagre-rehearse ng mga models. Hindi alintana ang gagawing pag-alis ng isa sa pinakamagaling niyang modelo. Hindi niya gusto ang ugali ni Melissa.

Maraming photographers ang nagrereklamo. Naging maayos naman ang rehearsal nila. Excited ang lahat, maliban kay Melissa. Nahihiwagaan ito kay Kiona. Tiyak niyang mayroon itong itinatago at malalaman niya kung ano iyon.

--

"ANO ito?" Tanong ni Cassius nang may iabot sa kanyang ticket si Kiona nang sunduin niya ito kagabihan.

"Ticket. I want you to be there on Saturday. My very first show." Punompuno ng excitement si Kiona. Hindi nito napansin ang pagseryoso ng mukha ni Cassius.

"May launching ng bagong model ang Toyota, I'm invited." Anito.

"You can't come?"

"I'm not sure. I will try. Besides, hindi naman ako ang importante sa show, e. Ikaw."

"Kahit na. Gusto kong manood ka."

Lingid sa kanila ay may sumusunod na kotse sa kanila. Si Melissa. Hindi ito naniniwalang magkapatid sila, gaya ng pakilala ni Kiona. Oo nga't pareho silang good-looking, pero masama talaga ang kutob nito. Napapansin niya ang mga sulyap ni Kiona kay Cassius. Only a woman in love could look at a man like that.

Pero ano ba naman ang masama kung may relasyon ang dalawa? Nakangiti si Melissa. Kung walang tinatago si Kiona, madaling sabihin sa lahat na boyfriend niya si Cassius. Cassius is the type na hindi ikahihiya ng kahit na sinong babae. Pero itinatago ni Kiona ang obvious nilang relasyon.

"I'll find out, Miss. Ty. After that, goodbye. Kapag napatunayan ko ang hinala ko, ewan kung kausapin ka pa ni Manay Dolly." Ani Melissa.

Sinundan niya ang sasakyan ni Cassius hanggang sa pumasok iyon ng malaking bahay. Tinandaan niyang mabuti ang lugar, bago umalis.

---

"BAKIT tahimik ka, Cassisus? Is there something wrong? May nangyari ba sa tindahan?" Tanong ni Kiona habang nagbibihis. Kakaiba ang kilos ni Cassius, masyado itong seryoso.

"I'm thinking about us. Have you talked to your lawyer?"

Natigilan si Kiona. Simula noong makasal sila, isang beses pa lang niyang pinuntahan ang abogado niya. That was about five months ago. Isa pa ay hindi na siya interesado sa plano niya. Ang totoo'y nakalimutan na niya iyon.

"Naiinip ka na ba?" Aniya.

"Ikaw ang iniisip ko. Hanggang kailan ka magtatago. Sooner or later, may makakaalam ng lahat, malaking kasiraan sa iyo yun."

Bumuntong-hininga si Kiona. Tama si Cassius ngunit bakit pakiramdam niya ay ipinagtatabuyan na siya ni Cassius? Baka gusto na nitong pakasalan ang gynecologist?

"I'll talk to him tomorrow." At nahiga siya na masama ang loob. Tahimik ding nahiga si Cassius. Nasaktan siya ng malamang hindi pa rin nagbabago ang isip ni Kiona tungkol sa kasunduan nila. Maya-maya ay bumangon ito at lumabas ng silid.

Nakiramdam lang si Kiona. Nang hindi pa bumabalik si Cassius ay sinundan niya ito. Nasa terrace ang lalaki, nakatanaw sa malayo, umiinom ng beer. Hinayaan na lamang ito ni Kiona. Bumalik siya sa kanilang silid.

---

KINABUKASAN, kaswal lang ang pakikipag-usap nila sa isa't isa hanggang maihatid siya ni Cassius sa agency. Ganoon din ang nangyari ng mga sumunod pang araw. Pakiramdam ni Kiona ay lumalayo at umiiwas sa kanya ang lalaki. Hindi naman niya itong magawang komprontahin.

Minsan ay pinakialaman niya ang cellphone ni Cassius. Tinitingnan kung may mga messages galing kay Katerin. Wala. Ngunit hindi pa rin napanatag ang kalooban niya doon. Baka nagiging maingat na si Cassius upang huwag niyang malaman.

Nagtatagpo pa rin sila ng palihim. Nang hindi na siya makatiis tinawagan niya ito sa opisina. At kapag sinabi ng sekretarya ni Cassius na wala ito ng opisina, gusto na niyang umiyak. Umiyak ng umiyak.

Paano ba niya matitiyak na hindi na nga nakikipagkita si Cassius sa doktora. May naisip siyang paraan.

"Hello, may I speak to Mr. Greorio?" Aniya. "Katerin. Katerin." Natigilan si Kiona. Hindi niya maalala kung ano ang apelyido ng doktora.

Lalo pa siyang natigilan ng maalala na hindi na nga pala siya nakabalik dito. Tatlong buwan lang ang epekto ng injection. Mag-aapt na buwan na ngayon. Pinagpawisan siya ng malamig sa narealize. Hindi kaagad niya narinig ang boses ni Cassius sa kabilang linya.

"Hello? Hello?" Anito.

"Cassius?"

"Oo nga, ako nga. Bakit tumawag ka?"

"Can I see you?" Aniya, pinipilit ibahin ang tinig.

"Kiona!" Bulalas ni Cassius.

Iyon lang at muntik ng maihagis ni Kiona ang teleponong hawak. Paanong nalaman ni Cassius na siya ang tumatawag? Paano niya ngayon ipapaliwanag ang lahat. Malinaw na malinaw na nag-eespiya siya.

Iiling-iling si Cassius nang hindi sumagot si Kiona sa kabilang linya. Tiyak niyang napahiya ito. Parang gustong matawa ni Cassius. Ano ba ang nangyayari kay Kiona? Bakit obsessed ito kay Katerin?

Kung alam lang ni Kiona na ikakasal na ang gynecologist sa isang doktor din. Katunayan ay nasa ibabaw ng mesa niya ang invitation. Nang matigilan si Cassius? Nagseselos ba si Kiona? Bakit?

---

SABADO. Hindi pa rin nakapagdesisyon si Cassius kung manonood ng show ni Kiona. Natatakot siyang magmukhang tanga doon. Wala namang nakaka-alam na mag-asawa sila. Aasikasuhin ba siya ni Kiona pagkatapos? Tiyak na pagkakaguluhan pa ito ng mga photo-graphers.

Malungkot si Kiona bago pa man nagsimula ang show. Ni anino ni Cassius ay hindi niya natatanaw. Siguro nga ay hindi siya mahalaga sa asawa. At naiinip na itong makipaghiwalay sa kanya.

Dumating ang finale show. Oras na kay Kiona lamang. Noon dumating si Cassius. Natigilan ito sa kinaroroonan. Hindi makapaniwala sa nakikita niya. Maganda si Kiona, ngunit higit na mas maganda pa ngayon.

Pag-ikot ni Kiona sa rampa, noon niya nasulyapan si Cassius. Nanonood sa kanya. Naging inspirado si Kiona. Marami ang nasorpresa sa mga poses na ginawa niya, ganoon din ang mga movements. Hindi pa man tapos ang show ay pumalakpak na ang mga tao.

Nabibingi si Cassius sa mga palakpakan na iyon. Parang pinipiga ang kanyang dibdib. Siguro nga ay dapat na niyang pakawalan si Kiona.

"You belong here, Miss Ty. I can't hold you forever." At tumalikod na ito.

Bukas na bukas din ay kakausapin niya ang abogado niya at pati na rin ang mama niya. Gaano man kasakit, hindi niya pwedeng hadlangan ang kaligayahan ng kabiyak. Naalala niya ang sinabi ni Lyndon. "You're wrong insan. I'll let her go."

Kitang-kita ni Kiona ang pagtalikod ni Cassius. Kung hindi dahil sa coaching ni Manay Dolly, malamang na hinabol na niya ito. Ngunit kailangan niyang tapusin ang show. Muli, ginulat ang mga tao sa pagbabago ng mood ni Kiona.

Na bumagay nama sa susunod niyang isinuot. Wedding gown. Habang naglalakad sa rampa ay tila hinihiwa ang dibdib ni Kiona. Alam niyang walang bride na malungkot, ngunit nasaktan siya sa ginawa ni Cassius. Bakit ito umalis?

Pinilit niyang ibigay sa madla ang ngiting inaasahan ng mga ito. Iyon ang matagal nilang ni-rehearse. Madi-disappoint si Manay Dolly kapag hindi niya ginawa iyon. Nginitian niya ang audience, pagkatapos mag-pose sa unahan ng rampa.

Ngunit kasabay ng ngiting iyon ang pagpatak ng luha. Saglit na natigilan ang audience. Maya-maya ay sabay-sabay na nagpalakpakan. Standing ovation ang ibinigay kay Kiona.