"WHY are you so late, Kiona?" May pagdaramdam ang tono ng bakla.
"I'm sorry. I-I got lost. Alam mo naman na hindi pa ako masyadong sanay dito sa Maynila. Hindi ko naman naisip na maliligaw rin ang taxi driver."
"Hindi ka ba nagpahatid sa brother mo?"
"Nakakahiya kasi, eh. Out of the way kasi ito."
"Okay. Pagbibigyan kita ngayon, but next time, ayoko ng male-late ka. Hindi lang ganda at galing ang kailangan ng isang modelo, higit sa lahat ay disiplina. Naiintindihan mo?"
"Yes, Manay. I'm sorry again. Hindi na mauulit."
Sa loob ng maghapon ay kabisado na ni Kiona ang mga steps na gagawin niya. Ipinakilala siya in between sets. At siya rin ang magsasara ng show. Isang wedding gown ang isusuot niya.
"You are a bride. A picture of innocence and beauty and of course, love. Kailangang mai-project mo ang mga iyon sa stage. This show will make or break you. Kailangang ma-feel mo ang sinasabi ko, to be effective."
Naiintindihan ni Kiona ang lahat nang sinasabi ng bakla. Madali lang naman iyon, eh. Iisipin lang niya ang kanyang kasal. Noong naglalakad siya sa hardin patungo sa mga kamay ni Cassius, iyon ang innocence. Ang beauty, well... wala siyang gagawin kung hindi isipin na maganda siya. Love? Tanging ang naganap sa kanila ni Cassius ang nasa isip ni Kiona. Ilang oras buhat ngayon ay mauulit iyon!
--
WALA pa si Cassius sa bahay ng dumating siya. Sa halip magkulong sa silid, pinakialaman niya ang maids sa kusina. Nagpaluto ng masarap na ulam, at siya mismo ang gumawa ng dessert. Mashed potato. Iyon lang ang alam niyang gawin.
"Ma'am, telepono po, galing sa Tacloban."
Iniabot sa kanya ng maid ang wireless extension.
"Ma? Kumusta diyan? How's the weather?"
"Fine. Kami mabuti dito. Ikaw, iha? Para masaya ka masyado. Si Cassius?"
"Nasa tindahan pa po. Darating na iyon." Sabay sulyap niya sa wristwatch. Past eight na, wala pa rin si Cassius. Kinakabahan siya. Baka nagkita na naman sila ni Katerin.Ngunit hindi pa niya naibaba ang telepono ay dumating na si Cassius. Nagulat pa ito nang madatnan siya sa kusina.
"Si Mama?" Tanong nito, upang huwag ipahalata ang pagkagulat at ang nararamdamang tuwa. Si Kiona, naghahalo ng mashed potato!
"Upstairs!" Tugon ni Kiona. Ibig ding itago ang kasiyahan na dumating na ang hinihintay niya.
"Tawagin mo na kaya tutal ay nakahanda na ang pagkain."
Sumunod naman si Cassius at pumanhik sa itaas sa silid ng ina. Banayad na kumatok bago binuksan ang pinto at sumilip.
"Ma, dinner will be ready."
"Susunod na." Sumenyas lang si Mrs. Gregorio sa kanya. Lumapit si Cassius sa ina, at nagmano. Pagkatapos ay hinagkan ito sa noo.
"We'll wait for you. Kiona prepared our dinner."
Ngumiti si Mrs. Gregorio. Ang puso ng isang ina ang unang nakadarama ng kaligayahan o kalungkutan ng anak. At sa oras ng iyon, damang-dama ni Mrs. Gregorio ang kaligayahan ng nag-iisang hijo niya.
--
NAG-SHOWER at nagpabango ng husto si Kiona pagkatapos nilang kumain. Nasa labas si Cassius, nagpapahangin at nakikipagkwentuhan sa tsuper nila. Routine na rin iyon ni Cassius.
"Ba-bakit?" Tanong nito pagpasok ng silid. Nasa harap ng tokador si Kiona, nagpapahid ng lotion sa binti.
"Ano'ng bakit?" Nanunukso ang ngiti nito.
"Bakit ganyan ang hitsura mo? Kung ayaw mong magbuntis, huwag kang magsusuot ng ganyan dito sa
kuwarto." Sita ni Cassius.
Naka-itim na nightie si Kiona. Aninag ang itim na pang-ilalim nito at walang suot na bra. Lalong pinakinis ng liwanag ng lampshade ang balat nito.
Lumapit si Kiona sa kabiyak. Isinampay ang mga braso sa balikat nito.
"Alam kong mahihirapan tayo kung hindi ako gagawa ng paraan. Now we can make love anytime we want. You don't have to see her." Si Katerin ang tinutukoy ni Kiona.
"That's very nice of you."
Naroroon pa rin ang pananabik ni Cassius sa asawa nang hagkan siya nito at dalhin sa kama. Ngunit kulang ang nadarama niya. Gusto niyang angkinin si Kiona nang paulit-ulit, ngunit alam niyang hindi iyon ang makakapuno sa kahungkagang naramdaman niya. Mayroong kulang. Agad siyang nakatulog pagkatapos.
Nakatitig si Kiona sa kisame. Nangyari muli ang gusto niyang mangyari. At hindi siya nangangamba na baka magbuntis siya, dahil sa injection. Tatlong buwan din ang epekto noon.
Naramdaman pa rin niya ang pananabik na ipinadama sa kanya ni Cassius noong una, ngunit kulang, parang may nawala, na hindi naman niya matukoy kung ano.
Naramdaman na lang niya ang maiinit na luha sa kanyang pisngi. Hindi ang katawan niya ang nakakadama ng kahungkagan. Naibigay ni Cassius sa katawan niya lahat ng pleasure na inaasahan niya.
Ang mga luhang iyon ay mula sa kanyang dibdib, kung saan nagmumula ang emptiness at hindi maipaliwanag na kalungkutan.
---
"ANONG ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ni Cassius kay Kiona. They have just made love at nagulat siya nang biglang bumangon ang kabiyak, kinuha ang maleta at nakapameywang na hinarap ang kabinet. Tila nag-iimbentaryo ng mga damit niya.
"Aalis ako bukas." Anito.
Wala maskin anong saplot sa katawan. Kinuha ang isang pares ng slacks at inihagis sa maleta. Sinundan iyon ng beige na silk blouse.
"S-saan ka pupunta?" Naguguluhan pa rin si Cassius. Kung titignan lamang ito ni Kiona, mababakas ang hindi maipaliwanag na takot sa mukha nito.
Takot na kahit siya ay hindi kayang ipaliwanag. Natatakot ba siya na iiwan na siya ni Kiona?
"May pictorial kami sa Pampanga. Mga two days lang." Patuloy sa paghagis ng damit sa maleta ni Kiona.
"Two days?!" Tuluyan nang napabalikwas si Cassius. Ikinatuwa niya na hindi naman pala siya iiwan ni Kiona. Ngunit two days na pictorial?
Tumindig ito at tinapis sa sarili ang kumot. Ganoon na lamang ang tawa ni Kiona nang makita ang ayos ni Cassius.
"Mukha kang manok sa Thailand." Anito. "Sana kalbo ka rin." Patuloy ito sa pagtawa. Sa inis ay inalis ni Cassius ang tapis. Lalong tumawa si Kiona.
"Kamukha mo na iyong istatwa ng mga Romans, iyong kulot ang pubic hair."
"Tumigil ka!" Singhal ni Cassius. "Sa palagay mo, paano natin ipapaliwanag kay Mama na mawawala ka ng dalawang araw?"
Natigilan si Kiona.
"Alam naman niyang trabaho ko iyon, eh." Aniya.
"Oo nga, but she's not expecting this.
Nahihirapan ako na mag-explain kung bakit madalas na hindi tayo magkasabay na umuwi. I hate telling lies to my own mother."
"Tell her the truth." Ani Kiona. Mababa ang tinig at nakayuko. Tila pinagsisihan ang sinabi.