webnovel

Will you be able to say?Say it. FINALE(Volume 2)

"I lied, i love you so much" Finale.

IKIJIBIKI · Teenager
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

CAN YOU SAY IT? 04 :  Beating stopped

CAN YOU SAY IT? 04 :

Beating stopped

RAY

"Good morning," Loraine greeted me as she entered the room. Kanina pa kasi ako nauna dito kasama na ng iba. I greeted her back saka matamis na ngumiti.

She sat two chairs behind me at nilingon ko ito. "Bakit parang napakasaya mo naman ngayong araw? may nangyari ba?" she asked busy rummaging her bag.

I giggled at the thought at makabuluhan siyang tumango, "So may nangyari nga." ani to.

She know me that well.

"Nga pala," pag-puputol niya saka sinalubong ang mga mata ko. "Malapit na rin umuwi si Wendy. Tinawagan niya ako kahapon." aniya, mas lumawag pa ang ngiti ko.

Maliban sa kambal, sa wakas makikita ko na rin si Wendy. I can't wait. Gustong-gusto ko na makita ang pagmumukha niya. Baka mabilhan ko pa siya ng lightstick ng wala sa oras dahil sa sobrang saya ko.

"Matagal na rin simula noong huli kong narinig ang nakakairitang boses ni Lili." Justin sat on the other row beside me. We greeted him good morning at masigla naman niya itong binalik with a smile, showing his deep cute dimples.

"Then? kailan daw siya babalik?" excited niyang tanong kay Loraine. She just shrugged at his question.

"Ang sabi niya malapit na, pero hindi alam kung kailan, basta malapit lang." she quoted.

Kahit na sabihin niya pang ganon, masaya pa rin ako marinig na babalik na siya. Hindi niya alam kung gaano ako nag-alala sa kaniya ng bigla na lang siya nawala. Makakatikim talaga sa'kin ang kpoper na 'yon.

Five minutes bago mag-ring ang bell, biglang tumawag ang kalikasan. I stood up, quickly making my way to the restroom. Habang lakad-takbo ang ginagawa ko sa may hallway, agad kong napansin ang pamilyar na pigura ni Klein. Agad akong nagmadali para hindi ako nito mahuli, turning to the corner.

I finally made it at tagumpay na nailabas ang sama ng loob. Nang biglang..

Drip.. drip.. drip..

Dahan-dahan akong napatingin sa toilet bowl nang marinig ang pamilyar na pagtulo na 'yon.

Halos maubos ang kulay ng mukha ko ng makita ang mga kulay pulang tila ay pinturang natapon.

My soul completely escapes my body at the sight. This is the day of the month. Where bloody marry decided to pay me a visit.

I panicked inside. Ako lang ang nandito ngayon mag-isa. Walang mahihingian ng tulong. I left my phone under my desk sa sobrang pagmamadali. Ang chance na makahingi ng tulong.. 0.01% kung sakaling may pumasok man dito.

Hangga't hindi pa tumutunog ang bell may pag-asa pa ako.

*Bell rings*

Nawala ang lahat ng pag-asa na mayroon ako matapos marinig ang pagtunog ng bell. Hindi na pwedeng magpaalam ang mga students ngayong nag-uumpisa na ang klase. Hindi ako mamarkahan ng absent pero late ako kahit na napaka-aga ko dumating.

Mabuti na lang talaga at wala akong sakit na nararamdaman sa tuwing code red hindi kagaya ng ibang babae tsaka.. tatlong araw lang ang tinatagal ng code red ko.

How lucky, but not in this situation. I need a pad or baka mabalot ng dugo ang buong paligid at mapagkamalan pa na may nangyaring massacre dito sa loob.

My head falls, ayaw ko manatili dito ng isang oras. Hindi blood loss ang cause of death ko kundi pad loss.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa lahat ng mga bagay na naiisip ko. I could feel the blood gushing out below me. I really hate this feeling. Parang feeling ko ay may malaking sugat ako na nakabukas ngayon.

Kaasar..

Bakit sa lahat pa ng pagkakataon, dito pa talaga. Ngayong oras pa talaga ng klase TvT.

Baka may galit talaga sa akin ang nasa taas kaya nangyayari sa'kin 'to. Ang mas malala baka ma-traumatize na ako dito sa loob at matakot na ulit akong pumasok sa mga toilet rooms.

*Clicks*

My head suddenly rose ng marinig ang pagbukas ng pinto kasabay ng mahinang yapak. Someone entered! may pag-asa na ako!

Pero parang nakakapagtaka naman. Oras na ng klase pero may isang malakas ang loob na nakapagpaalam? isa kayang mandirigma ang taong 'to?

Now that I remember, there's that controversy about sa multo na nagpapakita daw sa banyo ng mga 2nd years dito sa may floor namin. And they said na nagpapakita daw ito sa pinaka-huling cubicle..

Wait.. I'm currently at the last cubicle..

Agad na nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang ma-realize ang lahat ng pinag-iisip ko.

No no no no no. Tinatakot ko lang ang sarili ko kung iisipin ko lang iyon ulit. Hindi totoo ang mga multo. They're not real. Imagination lang sila ng mga tao. They don't exist.

P-Pero kahit na pigilan ko ang pag-iisip sa kanila.. hindi ko pa rin mapigilan ang takot ko.. mag-isa lang ako ngayon dito at kahit magsisisigaw-sigaw ako ay walang makakarinig sa'kin.

"Hello?" I nearly jumped after hearing that faint voice calling out. Of course boses 'yon ng babae pero ang creepy lang dahil napaka-hina ng boses niya.

Normally kasi kahit na napakahina na ng boses mo basta't magsalita ka sa loob ng cr, immediately malakas pa rin 'yon. But her voice remained still.

Natatakot akong sumagot kahit na hinging-hingi na ako ng tulong. Hindi pa rin kasi matanggal sa isip ko ang idea ng multo sa cr. >w<!

"May tao ba dyan?" the voice asked again.

"M-Meron.." I almost whispered answering her question. Nagsimulang manlamig ang manginig ang kamay ko.

She let out a faint sigh. "May problema ba? class hours na ngayon pero nandito ka pa rin."

Naging normal na ang lakas ng boses niya habang sinasabi iyon. Welp, you can't blame me.

"A-Ano kasi.. alam mo ba yung code red?" nahihiyang tanong ko. I hope she understand what I just said.

"Code red..?"

"Y-yeah."

Ilang segundo pa ang lumipas bago pa siya ulit makasagot. "Oh. Wait here, promise babalik ako."

Hindi na ako nakasagot pa matapos marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Siguro ay naintindihan niya na ang ibig sabihin ng code red. Ginagamit ko kasi ang term na iyon dahil naiilang ako na straightforward sabihin na may dalaw ako ngayon. It's just really embarrassing.

Ilang saglit pa akong naghintay bago muling marinig ang pagbukas ng pinto kasabay ng mabilis niyang paglalakad.

"Here."

A small hand slid from the space of the cubicle's door to the ground. Agad na nanliwanag ang mga mata ko ng makita ang ginagamit kong pad sa maliit niyang kamay. Mabilis ko iyon kinuha saka sinimulan na ang trabaho ko.

Maluwag na akong nakahinga nang makalabas sa cubicle na 'yon. A girl wearing a sailor uniform greeted me, mas maliit ang height nito kaysa sa'kin at nakasuot din siya ng lab coat kagaya ni Lloyd. She has a short-wavy dark blue colored hair.

Her uniform reminded me of St.Celestine's middle school uniform. But.. bakit nandito ang isang middle schooler na kagaya niya?

"Hello." she waved a hand, lightly smiling at me.

"H-Hello." I stuttered. Hindi pa rin talaga nawawala sa isip ko ang multo na iyon.

"You might be wondering kung anong ginagawa ng isang middle schooler na kagaya ko dito 'no?" mahina itong natawa saka sumandal sa may pader na nasa likod niya.

Kita na naman siguro sa mukha ko ang sinasabi ko sa isip ko.

"I'm lost. Hinahanap ko kung nasaan ang biology club." aniya. Biology club? as of now may dalawa akong alam na biology club na nage-exist dito sa St.Celestine.

"Puwede kita samahan kung gusto mo." I offered, may utang na loob ako sa kaniya kaya kailangan lang na ibalik ko 'yon.

"Really?" her eyes sparkled after hearing my offer.

I awkwardly smiled, "Yeah."

Now, I found myself walking side by side to the girl who helped me. Kung hindi dahil sa kaniya siguro ay namuti na ako sa loob ng cubicle na iyon.

I glanced at her, she's humming habang behave na lumalakad sa tabi ko. Ano naman kaya ang kailangan niya sa biology club? I decided na ihatid na muna siya sa official na biology club na mayroon ang school.

"Oh, I nearly forgot." she suddenly said. I remained silent at naghintay na lang sa sasabihin niya.

"We haven't introduce ourselves yet,"

That reminds me, hindi ko pa siya napapasalamatan sa ginawa niya.. It'll be super awkward for the both of us.

"I'm Raychel, Raychel Olenyeva. You can call me Ray for short." I first introduced myself.

She nodded bago ako tignan, dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa.

"I'm Nikola Cecil Aique, but Cecil is good." she said. What a nice name for a girl like her, being named after Sir.Tesla.

"Oh, my last name is spelled like this but the correct pronounciation of it is Aiki not IQ." naglabas ito ng isang notepad at ballpen saka in-spell ang last name niya.

"Noted, sa unang tingin aakalain ko na IQ talaga ang basa dyan kung hindi mo pa sinabi sa'kin." she giggled as I smiled at her, tinabi nito ang notepad sa bulsa ng lab coat niya.

As we got infront of the biology club, I watched as her expression suddenly changed. It looks like bad news.

"Is there.. something wrong?" I worriedly asked.

"This is.. the biology club?" she asked. Looking up at the label just above the clubs sliding door saying 'Biology Club'.

I simply nodded. Her face fell at natakpan ng bangs nito ang mga mata niya making me quickly panic inside.

"Cecil..?"

"W-What happened? I thought he will take care of the club for me..?"

"Actually, St.Celestine has two biology clubs."

Her head shot high after hearing those words. Her light colored eyes stares deeply into mine as if looking for something.

"Two..?" I nod.

"Yeah, it sounds very weird but it's true. This biology club is the current official club of the school. While there's an another biology club hidden inside the 2nd years building. Kakilala ko ang lalaking tanging member 'non at parehas lang kami ng year. He's very annoying yet caring at the same time." isang ngiti ang gumuhit sa labi niya matapos ko banggitin ang dalawang characteristics ni Lloyd.

She told me to lead the way papunta 'don at hindi ko naman ito tinanggihan. Kilala niya kaya si Lloyd? wala naman akong naririnig na may kaibigan ang mad scientist slash information broker na 'yon.. welp, maliban na lang sa amin.

"He helped me a couple of times already, kahit na minsan nakakairita ang ugali niya, hindi ko kayang magalit sa taong 'yon kahit na minsan gusto ko na lang siya bigla sampalin."

"Is he really that annoying?" she asked.

"Yeah! pasalamat na lang talaga siya at kaboses niya ang isa sa mga favorite anime characters ko, kapangalan at kamukha niya pa.

Hilig niya ako laging pagtripan everytime na nagkikita kami."

♡ ♡ ♡

"This is it," we stood outside Lloyd's abode. Sa 4th floor ito makikita sa may dulo ng hallway.

Cecil stood still, simply staring at the simple door. May malalim na kahulugan ang pagtingin niya dito na parang sa wakas ay nakita niya na ang bagay na matagal niya ng hinahanap.

"He's probably inside doing his business." I commented also looking to the door. Ni hindi ko naman nakita ang lalaking 'yon sa loob ng classroom niya. Cecil remained silent.

"Do you want me to call him?" I asked,I thought baka nahihiya ito na tawagin si Lloyd.

Tumingin muna ito sa direksyon ko bago mabagal na tumungo. I stood infront of the door tsaka tatlong beses na kumatok doon.

Anytime from now ay dapat pinagbuksan niya na ako ng pinto but none, it didn't open. I look behind me to see Cecil patiently waiting, hindi nito matanggal ang mga mata sa pinto.

"Is he asleep..?"

I knock once again, "Lloyd?" pero wala pa rin. I decided to turn the door knob at laking gulat ko ng mapihit ko ito, a silent click could be heard. I know Lloyd will normally locks this door para walang makasagabal sa kaniya sa loob. But it was unlocked.. for some reason.

Hindi ko na muna ito tuluyang binuksan. I looked once again behind me to see Cecil's wide eyes looking directly at my hand na nanatili lang sa may door knob.

"It's.. unlocked?" She mumbled.

I quickly retreated my hand from the door knob saka protektadong tumayo sa harapan niya. Something is wrong. I could feel it. Hindi basta-basta iniiwan ni Lloyd na hindi naka-lock ang lungga niya.

I slowly approached the door again, being carefull now. Unti-unting binabalot ng takot ang buong katawan ko sa idea ng posibleng may nangyari ng masama sa lalaking 'yon. It can't be. Not him, not Lloyd.

Cecil covered her mouth with both hands. Halatang kabado din ito. Kita ang mga namumuong pawis sa noo niya. As my hand touched the cold door knob, mas lalong nadagdagan ang takot at kaba sa katawan ko.

In one swift move, I quickly pushed the door open.

Only to see the place, completely empty, without Lloyd's presence. He's nowhere to be seen. Binabalot malamig na hangin ang paligid. Where is he..? kanina pa kaya siya wala?

I entered the empty place, looking around. Ni kahit alikabok hindi present dito. Ngayon lang ako kumpletong nakapasok dito at malayang nakatingin sa bawat sulok ng lugar. Hindi man halata 'kay Lloyd pero napaka linis ng lugar.

Maayos na naka-align ang mga furnitures at nasa loob ng malaking shelve ang mga dating gamit. May billboard din sa pader kung saan pa naka pin ang mga paperworks, schedule at kung ano-ano pa na ginagawa ng dating biology club.

Nakasarado ang maliit na bintana na may itim na kurtina. Present pa dito ang long table pero nakaligpit na sa tabi ang mga upuan na dapat ay naka-align sa paligid ito.

Parang ang PC, swivel chair at isang sofa bed lang ang naidagdag na gamit ni Lloyd.

"He's used to sleep in here..?"

Nakadikit sa may billboard ang dating label ng club. Luma na ito at kinakalawang pa.

I noticed a piece of paper na nasa ibabaw ng long table. I got curious kaya naman nilapitan ko 'yon at agad na dinampot. It is a letter.

Nilingon ko na muna si Cecil, pumasok na rin ito at gaya ko, iniikot niya 'rin sa lugar ang mga mata niya. I told her to close the door at sumunod naman ito kaagad.

Nang tignan ko ang papel, ang pangalan agad ni Glenn ang unang bagay na nakita ko.

���NILE GLENN.

To whoever saw this paper. Thank you for invading Lloyd's place. We're currently at the hospital right now if you're wondering where he is, I found him unconcious kaya agad ko siyang sinugod sa ospital dahil wala ngayon ang nurse na nagbabantay sa infirmary. I don't know kung kailan pa siya magigising but I will keep an eye for him as of now.

Also I noticed that his heart.. stops beating. Nang makita ko siyang walang malay.

Do not tell this to anyone. Hihintayin ko na maging mabuti na ang lagay niya. If ever, please inform my brother NASH KLEIN what happened. —

My eyes immediately widened matapos basahin ang sulat. Lloyd's heart has stopped beating..?

"Cecil—" as I look behind me to look for the girl. She was nowhere to be seen. Dali akong lumabas pero wala na ito sa hallway.

"Where did she go?"

Siniguro ko muna na naka-lock na ang pinto bago ako umalis. Habang pababa, ni anino ni Cecil ay hindi ko na nakita. Hindi ko naman narinig na binuksan niya ang pinto dahil hindi naman ito gumawa ng ingay.

"It's like.. she suddenly vanished.."

I shake off the thought, baka wala na siya dito sa building. Maybe she ran off somewhere.

"She didn't even say goodbye and I haven't thanked her yet.."

I walked at the empty hallways habang patuloy pa rin sa paglingon-lingon, hoping to see her again. Gusto ko man lang magpaalam bago siya umalis.

I peek inside the room para i-check kung may teacher ba kami o wala. Luckily, tahimik lang ang mga classmate ko habang may kino-kopya sa board. I stealthily walked to my seat, earning side glances from my classmates.

I walked passed Loraine na palihim na nagbabasa ng yaoi books niya. I sat beside Klein na palihim pa may suot na earphones. He jumped a bit ng maramdaman ang presensiya ko sa tabi niya. He took of his earphones saka humarap sa'kin.

"First of all, Hi. Second, where have you been?" He almost whispered.

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo, but read this first." I hand him the Glenns' letter, "I went inside Lloyd's club room and I found that."

His brows arched habang binabasa ang maigsing sulat na iniwan ni Glenn. After reading it, he meaningfully looked at me and quickly took out his phone, messaging his brother.

"I messaged him already. Puntahan natin siya mamayang lunch." I nodded as he said that.

As the clock hits 11:30, agad kaming dalawa tumayo at mabilis na nilisan ang classroom. Only to be stopped nang makasalubong si Ishtar na mukhang hinihintay kami sa exit ng building.

"I'm also coming, Sir Lloyd is my classmate and he haven't entered the classroom simula pa kanina. He's not also inside his non-existent clubroom. Something is fishy. At alam ko na alam niyo ang nangyari sa kaniya. So I'm tagging myself along kahit na labag sa kalooban ko. I must assure his safety."

Klein only nodded at him saka kami palihim na lumabas sa grounds ng school. To our luck, no one pays attention to us, making it easy for us to leave without a trace and no one noticing.

We arrived at the hospital at dali kaming sinalubong ni Glenn sa may lobby. He's sweating a lot kahit na malamig at nanginginig din ang kamay nito. I held both of his hand bago siya mahigpit na yakapin.

It must be very hard for him to witness Lloyd like that.

"Where is Sir Lloyd?" Ishtar asked.

"Nasa ER pa siya." he answered, pati ang boses niya ay nanginginig.

I patted his back and at sinabing magiging maayos lang ang lahat. He just nodded his head and burried his face on my shoulder. Just like a child only seeking for his mother's warmth.

"Let's wait." wika ni Klein saka napaupo sa mga upuang naroon. Halata din sa mukha niya ang pag-aalala para sa kaibigan.

All of us sat and waited. I held Glenn's hand lightly at sa tuwing mahuhuli ko itong nakatingin sa akin ay nginingitian ko ito. He borrowed my shoulder to lean on dahil inaantok daw ito so I let him take a rest on my shoulder.

Talagang hindi kapani-paniwala ang nangyayari ngayon, no one expected this to happen. Mayroon kayang sakit sa puso si Lloyd? if he ever has, what kind of heart disease is it? I hope na sana hindi iyon malala na ikakapahamak ng buhay niya.

I need him, we all need him, everyone does.

Hindi ko na lang alam ang gagawin kung pati si Lloyd ay mawawala na lang bigla. Just by thinking of it, hindi ko na agad alam ang gagawin. What will be everyones reaction? Ano na lang ang magiging epekto 'non sa lahat ng taong nasa paligid niya?

What about Cecil?

"Please be safe, Lloyd." I prayed.

Not yet, hindi pa ngayon.

"I'm not allowing you to go, not now."

A hand landed on my cheek, caressing it softly. I looked up to see Klein looking at me with those soft-eyes. Those eyes that clearly tells me that: "Everything will be alright. Trust him."

I simply nodded at Klein, he excused his self na gagamit ng banyo. Leaving us three here. I glanced at Ishtar na hindi mapakali ang mga mata, his shoe keep tapping on the tiled floor, making a sound.

My last memory with Ishtar is still clear, parang kahapon lang nangyari ang una naming pagkikita. I'll admit that our first meeting is far from good but still.. I understand him. I felt really sorry for him when Arthur slapped him because of me.

After that incident, I tried talking to him but he keeps ignoring me kaya naman hanggang ngayon hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kaniya kahit pa na sabihin ni Hyacinth na hindi ko na kailangan. I still feel like I need to apologize to him, but when?

I didn't expect him to wait for us earlier. He tagged his self along and still came with us kahit na labag sa loob niya. I know deep inside he cares for Lloyd kahit na hindi niya man sabihin just like how he cared for B-2.

Ngayong tignan ko lang siya mula dito. Kita sa mukha niya ang pag-alala just like Klein, kahit na hindi nila sabihin, makikita naman 'yon sa mga kilos at expression nila. And I like it, when people secretly cares for you, kahit na hindi nila sabihin, mararamdaman mo iyon kapag ipinaramdam nila sa'yo na may pakielam sila.

Just like Lloyd, that's why.. he needs to be alive to matter what.