webnovel

Chapter 3

Babaeng naka-itim, nasaan ka na ba?

Umaga. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa tapat ng mga narra tree at umaasang makikita ko ang babaeng naka-itim.

Syempre wala akong balak umatras sa usapan namin. Ngayon pa ba na nasa akin na ang susi para wakasan ang limang taong unrequited love ko?

Gusto ko lang siyang hingan nang advice kung paano ko gagamitin ang pana na ito.

Una sa lahat, hindi ako marunong pumana. Pangalawa, hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga ka-trabaho ko kung bakit ako may dala-dalang pana. Baka may magical kagamitan siya o device na pwede kong gamitin para itago ang pana ko.

Kaso halos fifteen minutes na akong naka-tambay sa tapat ng mga narra tree, hindi pa rin nagpapakita sa'kin yung babaeng naka-itim.

Hay bahala na nga. Ma-l-late na ako sa trabaho. Mamaya mabulyawan pa ako ni Sir West.

Nag-lakad na ako palabas ng baranggay namin at sumakay ng jeep patungong office. Buti na lang at nakarating ako on time.

"Uy Jillian! Buti naka-pasok ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?" salubong sa'kin ni Elise.

"Oo okay na. Lagnat lang naman!"

"Buti naman kung ganoon. Bilin kasi ni Sir West na pagkarating na pagkarating mo ipaalala namin sa'yo na tambak ka na ng deadlines." Napabuntong hininga ako.

Ang ganda-ganda talagang mag welcome ni Sir West ng kababalik pa lang na employee mula sa pagkakasakit 'no?

"Sige uumpisahan ko na nang wala na siyang masabi."

"Oo nga. Wag kang mag-alala. Matatapos mo 'yan," pang e-encourage naman sa'kin ni Elise.

"Thanks!"

Nag tungo na ako sa pwesto ko. Isinandal ko naman 'yung pana doon desk ko.

Buti na lang at hindi ma-intriga itong si Elise. Hindi niya ako tinanong kung bakit may dala-dala akong pana sa likuran ko.

"Good morning Jill! Glad you're back!"

Napalingon ako bigla sa tumawag sa'kin at napangiti ng malawak nang makita ko ang gwapong pag mumukha ni Luke.

Andoon lang siya sa kabilang desk, masayang naka-dungaw sa akin. Naka suot siya ng eyeglass ngayon. Medyo messy ang hair at ang boyish ng ngiti niya. My god!

"L-Luke!"

Pinaandar ni Luke ang gulong ng swivel chair niya papalapit sa akin. Bigla naman niyang tinamaan ang pana kaya natumba ito sa sahig.

"Hala!" dali-dali akong yumuko para pulutin ito.

"Oh ba't ka nakayuko Jillian? May hinahanap ka ba? Teka, nahulog ba yung contact lense mo?"

Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya at hindi ko maitago ang pagkagulat sa mukha ko.

"Why are you looking at me like that? Did I say something wrong?"

"H-ha? Ah, w-wala naman!" ngitian ko siya at inangat ko ang ballpen na hawak ko.

"Nahulog 'yung ballpen ko. Pinulot ko lang."

"Oh I see."

I'm positive! Hindi nila nakikita ang pana! Pero paano nangyari yun? Paanong ako lang ang natatanging nakakakita nito?

Napahawak ako sa compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi kaya dahil din ito sa compass na 'to?

"Anyway, buti naman at magaling ka na. Nag-alala kaming lahat sa'yo nung nagka-sakit ka," binigyan ako ng isang nakakatunaw na ngiti ni Luke. Para tuloy nag-lumundag ang puso ko.

"T-thanks!"

Nginitian lang ulit niya ako atsaka siya bumalik sa pwesto niya.

Habang ako naman, ngiting-aso na naman ako habang ino-open ko ang computer ko.

Sabi nila sa highschool mo lang daw mararanasan ang kiligin ng husto dahil sa crush mo. Working peeps are too old for this kind of things. Pero wala eh. Para akong higschool na inlove na inlove dito at kinikilig. Ang sarap sa feeling. Lalo na alam ko mamaya magiging akin na ulit siya.

Naging maayos ang first three hours ng trabaho ko kahit na medyo distracted ako sa panang nasa tabi ko. But all in all, hindi pa naman ako pinapatawag ni Sir West. Hindi ko pa nakikita ang pag mumukha niya kaya hindi pa nasisira ang araw ko.

Dumating na ang lunch break. Pinauna ko na muna ang mga kasamahan ko na bumaba sa canteen.

Nang ako na lang ang natitira sa office, inilabas ko sa pouch ko ang potion na ibinigay sa akin nung babaeng naka-itim atsaka ko ito ibinuhos sa pinaka arrow nung pana.

Hindi ko naitanong doon sa babae kung para saan ang potion. Siguro para gumana ang pana or hindi ako sumablay ng tira? But all in all, sinunod ko na lang din 'yung instruction sa akin nung babae.

Isinabit ko ang pana sa likuran ko atsaka ako bumaba sa canteen.

Sana makakuha ako ng tsempo mamaya. Hindi na kasi ako makapag-hintay na matapos ito.

Sakto namang pag-baba ko, natanaw ko si Luke na nakaupo sa bench doon sa mini garden sa labas ng building namin. Napa-ngiti ako bigla.

Ito na! Ang pagkakataong hinihiling ko!

Kesa pumasok sa canteen ay lumabas ako ng building at nagtago sa likod ng isang estatwa doon.

Inayos ko ang pana sa kamay ko. Inimagine ko ang porma ni Katniss ng Hunger Games. Huminga ako ng malalim atsaka ko itinutok sa gawi ni Luke ang pana ni Cupid.

You'll be mine Luke.

Pinakawalan ko ang pana sa kamay ko. Not knowing na may isang taong papalapit kay Luke.

"Hey, Luke."

"Oh Sir West! Mag l-lunch ka na?"

Hindi ko na narinig ang sagot ni Sir West kay Luke.

Napako na lang ang tingin ko doon sa pana na tumama sa kanya.

Kay Sir West.

At saktong-sakto itong nakasaksak sa kanang bahagi ng dibdib niya.

Sa puso.

"Sir West? Okay lang po kayo? Ba't parang natulala kayo?" tanong ni Luke sa kanya.

"H-ha? Ah wala. Sige balik na ako."

Dali-daling pumasok si Sir West sa building namin habang ako naman ay nangangatog-ngatog ang tuhod na napa-upo sa likuran ng estatwang pinagtataguan ko.

Pak---shet. Sumablay ang tira ko. Iba ang tinamaan. Ano nang mangyayari sa'kin? Paano na 'to?! Paano ko maayos 'to?!

Tinagaktakan ako ng pawis at napa-tulala na lang ako. Sa lahat ng nangyari sa akin, ito ang pinaka ayaw tanggapin ng utak ko.

Si Sir West! Of all people!

Siya ang tinamaan ng pana! Ibig sabihin ay.... siya.... sa'kin.... No! No, no, no, noooo!

Tumakbo ako papasok sa loob ng building at papuntang ladies room.

Agad-agad akong nag hilamos para mahimasmasan ako sa mga nagyayari at mga nagawa ko.

Imposible! Hindi pwede 'yung iniisip ko!

Si Sir West?!

That guy is heartless! Hindi siya marunong mag mahal. Siguro naman hindi gagana ang pana ni Cupid sa kanya 'di ba?

Pero kung sakali... kung sakali lang naman na may natitirang love sa puso niya... Arrggh!

Kailangan ko yung babaeng naka-itim! Kailangan naming solusyonan ito!

Kahit nanlalambot pa ang mga tuhod ko ay pinilit kong umakyat ulit sa floor ng opisina namin.

Wala na akong ganang kumain. At alam ko ring hindi ako makakapag concentrate sa trabaho.

Ang dami ko pang manuscript na dapat i-proofread.

Sinubukan kong mag focus pero ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ko na rin namalayan na nagsi-akyatan na ang mga katrabaho ko.

Hindi ko na rin napansin na nag-lapag ng juice at sandwich si Luke sa table ko. Siguro kung hindi lang ako distracted, kinilig na ako sa ginawa ni Luke.

Pero parang biglang nawalan ng pwesto ang kilig sa nararamdaman ko eh.

"Jillian," naramdaman kong may nagpatong ng kamay sa balikat ko kaya naman napatalon ako sa gulat.

"Uy okay ka lang ba?" It's Elise. At alalang-alala ang expression niya.

"O-oo. I'm okay."

"Pinagpapawisan ka."

"H-ha? T-talaga?"

"Sure ka bang okay ka lang?"

"Yes! I'm okay!"

I try my best to smile genuinely.

"Okay. Pinapatawag ka ni Sir West."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

Ang pinaka-ayaw kong mangyari ngayon ay makita ang nakakabwisit na pagmumukha ng boss ko.

Everything's perfect! Bakit kailangan wrong timing siya sumulpot?! He ruined everything! I hate him!

Naka-simangot akong tumayo at naglakad papasok sa office ng boss kong walang puso. Nadatnan ko pa siya doon na naka-pako ang tingin sa monitor ng computer niya.

"Pinapatawag niyo raw po ako?"

"Hindi ka pa rin ba tapos sa mga manuscripts?" masungit niyang tanong sa'kin habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya doon sa monitor niya.

"Hindi pa po eh," matipid at naiinis kong sagot.

"Jillian, 'di ba sinabi ko na sa'yo--!" Bigla siyang natigilan.

Inangat niya kasi ang tingin niya sa akin at nag tama ang mga mata namin. Parang gulat na gulat siyang makita ako. Bigla-bigla ay umamo ang mukha niya.

"I-I mean, m-malapit na kasi 'yung ano eh.. yung deadline nung mga ano, mga manuscript," bigla siyang napakamot sa gilid ng tenga niya at iniwas niya ang tingin sa akin. Bigla ring namula ang magkabilang tenga niya.

"Ah a-ano...uhm.. okay ka na ba? W-wala ka na bang sakit?"

"Sir, nahihilo po ako. Parang lalagnatin ulit ako."

Napa-angat ulit ang tingin niya sa'kin at nakita ko ang mukha niya na punong-puno ng pagaalala.

"Ganun ba? May sakit ka pa ba? Gusto mong mag half day muna? Wait, may maghahatid ba sa'yo? Kaya mo bang umuwi?"

"K-kaya ko na p-pong umuwi."

Napatayo siya bigla at tinignan ako maigi atsaka siya napa-buntong hininga.

"Okay, just be careful please."

"Y-yes sir!"

Lumabas ako ng office ni Sir West nang tulala at wala sa sarili.

"Jillian, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Elise sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tulala pa rin akong naupo sa silya ko.

"Pinagalitan ka na naman ba ni Sir West?!" tanong naman ni Luke.

"Yung taong yun talaga lagi ka na lang pinagiinitan! Tell me, ano na naman ang sinabi nun sa'yo ha?"

"Pero hindi ko naman narinig na sumigaw si Sir West," sabi naman ni Elise.

Umiling ako at ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang kamay ko. Bigla-bigla ay humikbi ako. "J-Jillian..?"

"H-hindi... Hindi niya ako pinagalitaaaaaan!" at dito na ako humagulgol nang iyak.

Hindi ako pinagalitan ni Sir West! Ang hinahon ng pagkakasabi niya kanina sa'kin. Concerned na concerned pa siya!

At pinayagan niya ako mag undertime kahit na tambak na ako nang deadlines.

Oh no. What have I done?

For the first time in my life, hiniling ko na sana binulyawan at pinagalitan na lang ako ni Sir West.