webnovel

Chapter 1

"Pumalpak ka na naman."

Nakakunot ang noo ng editor-in-chief namin na si Sir West habang nakatingin sa'kin. Sa table niya may nakalatag na tatlong libro Mga book sample ng librong ire-release namin two weeks from now.

"Ano po ba ang problema?" tanong ko sa kanya while avoiding his gaze.

Wala naman talagang nabubuhay na nilalang ang nakaka-tingin ng diretso sa mata ni Sir West eh. Pakiramdam ko katapusan ko na pag inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Anong problema? Yung trabaho mo ang problema! May mga naka-lusot na naman na typographical and grammatical errors! Ano ba Jillian, kailangan mo na ba ng salamin ha?"

"S-sorry po. Aayusin ko na lang po."

"Sige na! Kunin mo na 'to at lumabas ka na sa opisina ko!"

Dali-dali kong kinuha yung mga book sample at naka-simangot akong bumalik sa table ko. Ang sungit-sungit talaga ng boss namin! Kung matandang binata siya maiintindihan ko eh kaso hindi. Halos magka-edad lang kami pero yung kasungitan niya dinaig pa ang babaeng nag me-menopause. Laging lukot ang noo at salubong ang kilay. Hindi kaya na-sobrahan siya sa kape?

Isa akong proofreader sa isang publishing house. Kung hindi nga lang maganda ang pa-sweldo rito, matagal na akong nag quit dahil laging akong pinag-iinitan ni Sir West. Feeling ko kada nakikita niya ang pagmumukha ko eh bigla na lang nasisira ang araw niya. Wag siyang mag-alala. The feeling is mutual. Sadyang malas lang ako dahil mas mataas ang posisyon niya sa'kin.

Napa-buntong hininga na lang ako at binuklat yung book sample. Hinanap ko yung mga ini-highlight ni Sir West na dapat kong ayusin. Tatlo! Tatlo lang! Yung isa sumobra lang ng spacing. Tas kung pagalitan niya ako eh akala mo pumatay ako ng tao!

"Jillian, napag-initan ka na naman ba ni Sir West?"

Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita kong nakatayo doon ang layout artist naming si Luke. Naka-ngiti siya sa'kin habang may hawak-hawak na mug.

"Uminom ka muna ng kape para mawala ang init ng ulo mo," inilapag niya 'yung mug ng kape sa table ko.

"T-thanks Luke!"

"Wag mo na pansinin 'yun. Wala kasi siyang lovelife kaya siguro masungit," pabulong at natatawa-tawa niyang sabi sa'kin bago siya bumalik sa desk niya.

Ininom ko yung kapeng tinimpla ni Luke at parang biglang nawala ang init ng ulo ko. Napalitan agad 'to ng kilig at para na akong shunga na nakangiti mag-isa sa tapat ng desktop ko. Jusko. Sa ginawa niyang ito, hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi.

Si Luke ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapag-resign sa publishing house na 'to. At in the first place, siya rin ang dahilan kung bakit dito ako nag apply ng trabaho.

First year college pa lang kasi, type ko na siya. Hanggang sa lumalim na ng lumalim at siya na ang laman ng utak ko. Kahit anong gawin niya, kahit saan siya magpunta, lagi akong nandoon. Sabi nung mga kabarkada ko, ang creepy ko kasi mukha na akong stalker ni Luke. Pero dinedma ko lang sila. Hindi kasi sila nila alam ang nararamdaman ko eh. Hindi sila ang na-inlove at lalong hindi sila ang nabiktima ng pana ni kupido. Pero lecheng kupido 'yan, ako lang ang pinana.

Ni-hindi man lang naisipang panain na rin si Luke para maging masaya na kami. Limang taon na ang unrequited love na ito. Hanggang kelan pa kaya ako mag-aantay?

Buong magdamag, si Luke ang laman ng isip ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pino-proofread kong manuscript. Kaya naman ng ipasa ko ulit ito kay Sir West, nabulyawan na naman ako.

"Yung 'like' naging 'luke!' Ano ba naman 'yan Jillian!"

Napayuko na lang ako at paulit-ulit nag sorry. Napilitan pa akong mag overtime. At dahil doon, ginabi ako ng uwi.

Pagdating ko sa may kanto ng baranggay namin, wala ng pila ng tricycle kaya no choice ako kundi ang maglakad.

Hay buhay 'to. Ang dilim-dilim ng daanan. Wag sana akong maka-salubong ng mga lasenggo, masasamang tao, engkanto o aso. Pag tumili ako, walang makakarinig sa'kin. Hindi pa ako pwedeng mamaalam sa mundong 'to. Hindi ko pa nakukuha ang puso ni Luke. Kailangan pang maging kami, magpakasal, magka-anak at tumanda ng magkasama bago ako mawala sa mundong 'to.

Nasaan na ba si Cupid? Ba't hindi na niya kasi panain si Luke para ma-inlove na sa'kin. May kotse pa naman siya. Hindi na ko kinakailangan mag commute pauwi pag naging kami.

"Wag ka nang umasa. Hinding-hindi ibibigay ni Cupid sa'yo ang lalaking gusto mo."

Bigla akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang nag-salita sa likuran ko.

Isang babae na halos ka-edaran ko ang naka-ngiti sa'kin. Naka-suot siya ng itim na mahabang bestida na longsleeves at may nakabalabal na belong itim sa ulo niya.

Napalunok ako bigla. Hindi kaya multo ang babaeng 'to o engkanto? Nandito pa naman kami ngayon sa tapat ng narra tree. Hindi ba bali-balitang sa narra tree naninirahan ang mga engkanto?

"Mali. Balete tree 'yun. At hindi ako engkanto."

Mas lalo ako pinanindigan ng balahibo,

"n-nababasa mo ang nasa isip ko?!"

"Manghuhula ako eh. At kung makatingin ka sa puno ng narra at sa'kin, kahit sino mababasa ang nasa isip mo." Naka-hinga ulit ako ng maluwag,

"akala ko naman. Pero ano ang ibig mong sabihin kanina na hinding-hindi ibibigay ni Cupid ang lalaking gusto ko? At ba't ganyan pala ang attire mo? Hindi ka ba naiinitan?"

Binigyan niya ako ng isang ngiti at para na namang nagsi-taasan ang mga balahibo sa katawan ko. Kakaiba kasi ang ngiti niya. Para bang pinapahiwatig niya na marami siyang alam at marami siyang kayang gawin.

"Hindi mapupunta sa'yo ang lalaking gusto mo sa kadahilanang sa iba iginuhit ni Kupido ang tadhana niya."

"Huh? At paano mo naman nasabi at nalaman 'yan aber?"

"Lahat ng bagay alam ko, Jillian."

Natigilan ulit ako at napa-titig sa mukha nung babaeng naka-belo at may nakakalokong ngiti. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!

"Sabi ko sa'yo, lahat ng bagay alam ko."

Now I'm positive! Nababasa niya ang nasa isip ko! Engkanto nga siya!

"U-uhm. S-sige a-alis na ako."

Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay sinubukan kong maglakad palayo sa kanya. Kaya lang, nakaka-ilang hakbang pa lang ako, bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

"Hindi man ikaw ang itinadhana ni Cupid para kay Luke, may paraan pa rin naman para maging kayo. 'Yun ay kung magagawa mong nakawin ang pana niya." Nilingon ko yung babae,

"hehehe, nang gu-good time ka na lang miss eh! Kailangan ko nang umuwi kaya alis na ako ha?"

"Hindi ka naniniwala sa'kin?" Bigla akong napa-tingin ng diretso sa mga mata niya.

Masyadong malalim ito. Masyadong nakaka-lula. Parang bigla akong nawala sa sarili. Ilang segundo akong natigilan na para bang hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.

"Naniniwala ako sa'yo. Ano ba ang dapat kong gawin para manakaw ko ang pana ni Cupid?"

Bigla ulit akong natigilan. Ano ba ang sinasabi ko? Ba't sinabi kong naniniwala ako sa kanya? Eh hindi naman kapani-paniwala mga pinagsasasabi niya eh!

At sinong tanga ang maniniwala sa pinagsasasabi ng babaeng 'to? Pero bakit may nakikipagtalo sa isipan ko at pilit itinatatak sa utak ko na totoo ang sinasabi niya? Bakit parang may nakikipagtalo sa kaloob-looban ko? Hini-hypnotize niya ba 'ko?!

May inabot siya sa aking isang kwintas na may malaking bilog na pendant at isang maliit na bote na may liquid na kulay pula sa loob. Tinignan ko maigi 'yung pendant ng kwintas at doon ko lang napagtanto na isa itong gold compass.

"Ang compass na 'yan ang magtuturo sa'yo kung saan mo matatagpuan ang kinalulugaran ng pana ni Cupid. Siguraduhin mong palagi mong suot 'yan dahil mag-sisilbi rin 'yang proteksyon sa'yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid. Pag nakuha mo na ang pana, ibuhos mo dito ang potion na nasa bote atsaka mo gamitin para panain si Luke."

Tinignan ko ang mga kagamitan na ibinigay niya sa akin atsaka ko siya tinignan ng diretso sa mata,

"mamahalin na ba ako ni Luke pag nagawa ko 'to?"

"Oo. Magiging sa'yo na ang lalaking 'yon. Pero may kapalit ang pag tulong ko sa'yo Jillian."

"A-ano?"

"Simple lang naman. Pagkatapos mong gamitin ang pana ni Cupid, kailangan mong ibigay ito sa akin."

"Yun lang naman pala! Simpleng-simple."

"Good. Tuparin mo ang pangako mo. Goodluck."

Bago pa ako makasagot, bigla-bigla na lang nawala ang babaeng naka-itim na belo sa harapan ko.

Habang ako, napanganga na lang at hindi makapaniwala sa mga nangyari at nasabi ko.

Shet. Ano ba 'tong napasok ko?