[Jillian's POV]
Hingal na hingal akong sumalampak sa sofa ko. Nanlalambot ang tuhod ko at nanginginig pa rin ako. Hindi ko na napansin kung saan nag tungo si Cupid. I didn't even notice that my clothes are soaking wet. Basta para lang akong naka-hinga ng maluwag nang makaalis kami sa lugar na yun.
Nang medyo nahimasmasan na ako, doon ko lang naisipang i-check si Cupid. Nakita ko siyang nakaupo doon sa silya ng dining table ko. Nakapatong ang mukha niya sa kayang dalawang kamay. His clothes are also soaking wet.
Kanina, hindi ko na naramdaman na tinamaan pala kami ng malaking alon na iyon. Pero siguro kung nahuli ng onti si Cupid sa pag-alis, baka may iba pang masamang nangyari sa aming dalawa.
Nilapitan ko si Cupid at naupo sa tabi niya.
"Natatakot ako," sabi niya sa akin. "Natatakot ako na baka tuluyan nang mawala sa akin si Psyche. Hindi ko kakayanin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Tinignan ko si Cupid. Kabadong-kabado at ang miserable ng itsura niya. Malayong-malayo sa Cupid na una kong nakilala. And for a moment, I felt my heart sink.
"Cupid, gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa ito kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ang lahat. Naguguluhan talaga ako. Sino si Ayesha at bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'to? Bakit parang ang laki ng galit niya? At, ano ang ibig niyang sabihin na babawiin niya ako?"
Napa-buntong hininga si Cupid at inangat niya ang tingin sa akin.
"I've been a fool. Dapat umpisa pa lang ipinaliwanag ko na sa'yo ang lahat. Pero sasabihin ko na ngayon."
Umusog ako ng kaunti kay Cupid at pinakinggan maigi ang sinasabi niya.
"Si Ayesha, dati siyang isang mortal. Maganda at napakaraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Pero katulad ng ibang mortal, meron ding nagiisang lalaking nakalaan sa kanya. Nung una iniisip ko, hindi na ako masyadong mahihirapan sa kanila. Bago ko pa kasi sila mapana ay may nabuo na agad na connection sa kanilang dalawa. Ang gagawin ko na lang ay ang pagtibayin at patatagin ang connection na 'yun gamit ang pana ko. Kaya lang nagulo ang lahat ng makielam si Aphrodite."
"Si Aphrodite? Yung mother mo? Yung Goddess of Beauty?"
Tumango si Cupid, "oo. Kinuha ni Aphrodite si Ayesha sa mundong ito at dinala sa mundo namin upang gawing apprentice niya. Kahit ayaw ni Ayesha, wala siyang nagawa. Afterall, wala namang kakayanan ang isang mortal na kalabanin ang kagustuhan ng isang Goddess."
Napa-tango ako. Tama siya diyan. Tamang-tama. Kaya nga mina-matchmake ko ngayon si Luke at Elise eh.
"Nang makasanayan na ni Ayesha ang mundo namin, naging maayos naman ang lahat," pagpapatuloy niya. "Kaya lang nang aksidente niyang mabasa ang book of soulmates, doon na ulit nagkaroon ng bagong kaguluhan. Nakita niya kasi na nakaguhit ang tadhana niya sa lalaking mahal niya. Pero dahil malapit na siyang maging isang ganap na Goddess, unti-unti nang nabubura ang pangalan niya sa librong iyon dahil nag-iiba na ang kapalaran niya. Nag-rebelde si Ayesha at tumakas kay Aphrodite. Hindi ko alam kung sino ang tumulong kay Ayesha para makatakas, pero nagawa niyang makabalik sa mundo ng mga tao. Yun nga lang, huli na ang lahat nang makabalik siya. Dahil patay na ang lalaking nakatadhana sa kanya."
Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam ang ire-react ko sa kinuwento ni Cupid. Oo at nakakainis si Ayesha.
Pero at the same time, nakakaawa ang nangyari sa kanya.
"Teka, kanina sabi mo apprentice ni Hecate si Ayesha?"
"Totoo rin 'yun. Dahil hindi makabalik sa amin si Ayesha, naawa sa kanya si Hecate at dinala siya sa Underworld. Doon ay ginawa siyang apprentice ni Hecate."
"At itong Hecate na ito, ano ang bagay na kaya niyang gawin?"
Napahinga ng malalim si Cupid at tinignan ako ng seryoso, "Hecate is a very strong Goddess. She's a Goddess of magic, witchcraft, sorcery, moon, night, ghost and necromancy. Maliban pa doon, naka-tanggap din siya ng kapangyarihan mula sa langit, lupa at dagat kaya nagagawa rin niya itong kontrolin."
Napalunok ako sa sinabi ni Cupid. Kung napakaraming bagay ang kayang gawin ni Hecate, ibig sabihin ay malakas na kalaban si Ayesha.
She's a scary, formidable foe. At naguumpisa na talaga akong kabahan dito.
"Wait, k-kung patay na ang lalaking naka-tadhana para sa kanya, bakit kailangan pa niya ang pana mo? Ano ang pinaplano niya?"
"Dahil kay Zyron."
"Sino yun?"
"Nakakatandang kapatid ni West at ang susunod mong ima-matchmake kapag natapos ka na kay Luke, Elise at kay West."
"Teka nga, ano ang kinalaman ni Zyron kay Ayesha?"
"Dahil kamukhang-kamukha niya ang lalaking nakatadhana kay Ayesha na nabuhay mahigit isang-daang taon na."
This time napatayo ako sa kinauupuan ko at ramdam ko ang galit na namumuo sa dibdib ko.
"What the hell! Ginagawa niya lahat ng bagay na ito para sa isang taong kahawig lang ng nakatadhana sa kanya?! Okay lang ba siya?"
"Hindi niya naiintindihan ang bagay nay un, Jillian. Dahil ang nasa isip niya ay si Zyron at ang lalaking nakatadhana sa kanya ay iisa. Kaso hindi. Magkaiba sila at sa ibang tao rin nakaguhit ang tadhana ni Zyron. Kaya niya kinuha ang pana ko ay para hindi ko magawan ng connection ang dalawa."
Napa-upo ulit ako at tinignan ko si Cupid, "bakit sinabi niya na babawiin niya ako sa'yo?"
Iniwas ni Cupid ang tingin niya at napayuko siya, "dahil pinili ka rin ng compass niya Jillian. She wants to use you against me. Alam niya kasing pag nagsama kayong dalawa, wala na akong magagawa. Afterall, ikaw lang ang may kakayanan ngayon na makagawa ng strong connection."
"Then you don't have to worry about me. I cannot be bribe from some strong magic. Hindi ko naman gusto 'yun eh. I'm on your side Cupid."
May gumuhit na malungkot na ngiti sa labi ni Cupid "salamat Jillian ah? Hindi ko lang talaga matanggap na magagawa niyang gawin ang bagay na yun kay Psyche. Natatakot ako para sa kanya. Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanya. Kanina nung tinignan niya ako at hindi niya ako nakilala, parang dinudurog ang puso ko sa sakit."
"Pero may paraan pa Cupid! Naalala mo, bago tayo makaalis sa kweba, may sinasabi si Ayesha sa atin. Isang riddle! Marahil ayun yung sagot kung paano maibabalik ang alaala ni Psyche!"
Biglang tumayo si Cupid at kinuha ang ballpen at notebook na nasa tabi ng telepono ko. Bumalik siya sa kinalulugaran namin at nagsimulang magsulat. Mayamaya lang ay ipinakita niya sa akin ang isinulat niya.
Yung riddle ni Ayesha.
Ang isipan ay madaling palitan.
Ang alaala ay madaling burahin.
Ngunit pagdating sa puso,
Mahabang panahon ang kailangang gugulin.
Ang bagay na nagbuklod sa inyo noong umpisa
Ay siyang magiging susi upang maibalik ang nawala
Gawin ito agad.
Dahil kapag natakpan na ng dilim ang liwanag
Tuluyan nang mabubura ang lahat.
Pinaulit-ulit kong basahin ang riddle hanggang sa mapa-ngiti ako. Napaka-simple lang ng isang 'to.
"Kapag natakpan ng dilim ang liwanag. In five months, magkakaroon ng isang eclipse! Ayun ang deadline natin, Cupid. At ang sagot kung paano babalik ang alaala ni Psyche ay yung bagay kung paano kayo naging magkasama!"
Pero kesa matuwa ay mas lalong naging down ang itsura ni Cupid.
"Ang pana ko ang dahilan kung bakit kami nagkasama ni Psyche. Aksidenteng tumama sa puso ko ang pana ko kaya ako nagkagusto kay Psyche. At ngayon, wala ang pana ko. Paano ko gagawin 'yun?"
"Cupid, listen to me," mas lumapit ako kay Cupid at hinawakan ko ang balikat niya atsaka ko siya tinignan ng seryoso. "Hindi man ako magaling sa mythology, pero alam mo ba na ang story niyo ni Psyche ang hinding-hindi ko makakalimutan. Yung mga pinagdaanan ni Psyche para lang makita ka ulit niya, at kung paano mo siya ipinagtanggol at pinrotektahan kay Aphrodite, hinding hindi ko makakalimutan yun. At alam mo ba, yung mga Gods ang dami nilang nagugustuhan na iba't-ibang babae. Pero ikaw, nag-iisa lang si Psyche sa paningin mo. Siya lang ang mahal mo at alam ko, kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok pa ang ibato sa inyo ni Ayesha, malalagpasan niyo ito. Cupid, hindi lang ang pana ang tanging bagay na nag buklod sa inyo ni Psyche," mula sa balikat ni Cupid ay inilipat ko ang kamay ko sa dibdib niya. "Ang puso niyo rin ang dahilan kung bakit kayo nagmamahalan."
"Jillian..."
"Tsaka may nakakalimutan ka ata. Wala man ang pana mo, nandito naman ako. I'll be your arrow, Cupid. So ano, paiibigin na ba natin si Psyche in a traditional way?"
Biglang lumawak ang ngiti ni Cupid at sa wakas, nakita ko na ulit ang buhay sa mga mata niya.
"Let's do this!" masiglang-masigla niyang sabi.
Nabuhayan din ako ng loob.
Eh ano naman kung apprentice si Ayesha ni Hecate? Kaya namin siyang labanan 'no!
Kakayanin...