webnovel

Chapter 11

[Jillian's POV]

What the eff?! Bakit magkasama si Enid at si lady in black? Bakit sila magkakilala?

Pinagmasdan ko sila habang naglalakad palayo. Kung titignan, para lang silang magkaibigan na sabay uuwi. Ang inosente ng mga mukha nila lalo na ni Enid! Pero baka may pinaplano sila?!

O baka naman ginagamit nung lady in black si Enid? Dahil nasa proteksyon na ako ni Cupid, ibang babae naman ang gagamitin niya! Pero ano? Ano na naman ang ipapagawa niya?

Nang makaalis na sila, dali-dali akong naglakad papunta sa taxi bay. Kaso nakakainis naman, ang haba ng pila ng tao sa taxi bay pero wala namang nakapila na taxi.

Ay naku naman! Kung kelan namang kailangan kong umuwi agad!

Umalis ako sa pila ng taxi at pumunta sa may sakayan ng jeep. At dahil rush hour na, karamihan ng dumadaang jeep ay puno na ng pasahero. Yung iba nga eh sumasabit na sa jeep.

Siguro kailangan ko na talagang magpaturo kay Cupid kung paano mag appear at disappear sa mga lugar katulad nang ginagawa niya. Seriously, ang laking bagay nun. Tipid na sa pamasahe, hindi ko pa kailangang gumising ng maaga para hindi ma-late!

May tatlong jeep na padaan at nabuhayan ako ng pag-asa. Yung dalawa, puno. Yung isa hindi. At talagang nakipag-gyera ako pasakay. Yun lang, sadyang mas matatangkad at matataba yung ibang nakipag-unahan kaya hindi rin ako nakasakay.

Nakakainis naaaaa!!

"Uy."

Biglang may humatak sa braso ko palayo sa kalsada.

"Jillian."

Nakita ko si Sir West na nakatingin sa akin na para bang nag mamakaawa siya.

"Sir!"

Napabuntong-hininga siya.

"Wala na tayo sa loob ng opisina kaya hindi mo ako dapat tawaging sir."

"Pero boss pa rin kita."

"Hindi ba kita pwedeng maging kaibigan man lang?" tanong niya sa akin at ang lungkot-lungkot ng boses niya. Yung mga mata niya parang nangungusap, nag mamakaawa. Yung itsura niya-well gwapo-pero para siyang gwapong pinag sakluban ng langit at lupa.

Ano baaaaaaa. Bakit niya ba ginagawa ito? Madali akong mahabag! Madali akong bumigay! At pag ako bumigay sa taong 'to, mas lalong magiging mali ang bagay na itinatama ko.

Pwedeng bang umiyak sa harapan niya ngayon?

"Sir kasi eh..."

"Masama ba talaga akong tao?" tanong niya ulit na parang guilty na guilty siya. "Alam ko naman na hindi ako nagging mabuting boss sa'yo, but I'm changing. Tsaka alam ko naman na ang stiff kong tao, mahirap pakisamahan, masyado akong awkward sa lahat ng bagay."

Oh no. Ito na ba 'yung sinasabi ni Cupid na ang hilig mag self-pity ng mga tao?

"At alam ko naman na hindi ako masyang kasama kaya siguro ayaw mo akong maging kaibigan," pagpapatuloy niya. At bumuntong hininga pa ulit siya. "Siguro nga, dahil doon. Naiintindihan ko naman, Jillian. S-sorry. S-sige una na ako."

Tumalikod na siya at naka-yukong nag lakad palayo.

Ow may gawd! Why are you doing this to me? This is torture!

"S-West! W-wait lang!" hinawakan ko siya sa braso at lumingon siya sa akin.

"Mabuti kang tao at napatunayan ko na 'yun matagal na. It's just that-" it's just that tinamaan ka ng pana ni Cupid kaya ka ganyan sa akin. At lumalayo ako kasi hindi mo ako dapat mahalin. May ibang tao kasing nakatadhana para sa'yo. If only I could say those things!

"It's just that?"

Umiling ako, "wala. Marami lang akong pinagdaraanan lately and I'm sorry kasi mukhang sa'yo ko naibuntong lahat ng pinagdaraanan ko. Of course I want to be your friend and I'm so sorry kung itinaboy kita," I smiled at him.

Wala na. Gumulo na lalo. Kill me now, Cupid.

Nakita ko ang pag liwanag ng mukha ni Sir West at paglawak ng ngiti sa labi niya. Para bang ang saya-saya niya dahil kaibigan na niya ako.

Mag darasal na lang ako ng masinsinan na sana wag niyang isiping magiging more than friends kami. At sana bago siya masaktan ng bongga sa akin, na-ibalik na kay Cupid ang pana at napana na niya si West sa babaeng nakatadhana talaga sa kanya.

Sana.

"Hatid na kita?" alok niya sa akin.

At since desperada na akong maka-uwi, pumayag na ako. Sinundan ko siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Kaya lang kung mamalasin, ayaw mag start nung kotse.

"What's wrong with this thing?" tanong niya at muling sinubukang paandarin ang kotse niya.

"Bakit ganun? Okay naman siya kanina ah?" bumaba si Sir West at pumunta sa harapan para i-check ang makina ng kotse niya.

Seriously, mukhang may divine intervention na nangyayari kaya hindi ako makauwi ah? Hindi na maganda ang kutob ko rito.

Napa-hawak ako sa compass na suot ko. Inikot ikot ko ang ring na nakapalibot dito.

Gusto ko na talagang umuwi. Sana makauwi na ako. Gusto ko nang makausap si Cupid. Kinakabahan na talaga ako. Sana maayos na ang kotseng 'to.

Bigla-bigla ay umilaw na naman ang compass na suot ko. This time, kulay asul na liwanag naman ang lumalabas dito at nag mumula siya doon sa letter W ng compass. Sa west part.

What the hell is happening? Bakit na naman umilaw ito?

Sinubukan kong gayahin yung ginawa ni Cupid kanina. I cupped the compass using my hands at nawala na lang ang ilaw nito. Kasabay nang pagkawala ng ilaw ay biglang nabuhay ang makina ng kotse.

"Okay na 'yung kotse," Sir West told me habang pasakay siya. "Wala namang problema. Baka nag-loko lang."

"Buti na lang."

Pinaandar niya ulit ang kotse at maayos namang umandar ito. At sa totoo lang, maayos na maayos ang lahat ng bagay nung pauwi kami. Walang traffic, tuloy-tuloy ang pag mamaneho niya at mabilis kaming nakarating sa apartment ko.

"Thank you talaga, West," sabi ko sa kanya bago ako bumaba.

"No problem. So see you tomorrow?"

"Yep. See you tomorrow, sa office ha?"

Medyo napatawa siya dahil sa sinabi ko at mukhang na-gets naman niya,

"Oo, sa office na tayo magkikita, I promise."

Bumaba na ako sa kotse niya and gave him wave bago ako tuluyang pumasok sa apartment ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko, agad kong tinawag si Cupid.

"Cupiiiiddd!!"

"Jillian," nakita ko siyang nakatayo sa maliit ko sala at seryoso siyang nakatingin sa akin.

Agad ko siyang nilapitan.

"Cupid! Nakita ko 'yung babaeng naka-itim kanina! Y-yung babaeng nag-utos sa akin na nakawin ang pana mo!"

"Si Ayesha?! Nakita ka ba niya? Hinubad mo ba ang compass?"

Umiling ako, "no. Hindi niya ako nakita at mas lalong hindi ko hinubad ang compass. Pero may bago kaming empleyado at nakita ko silang magkasama kanina! My gosh! Baka kasabwat ni Ayesha yun o ginagamit siya ni Ayesha. Kailangan natin malaman ang plano nila! Paano kung plano nilang saktan si Luke at Elise o kaya naman si Sir West? O baka may plano rin silang masama sa akin? Cupid, I'm scared! Kailangan natin sila agad mapigilan!"

Hinawakan ni Cupid ang magkabilang braso ko, "Jillian, huminahon ka. Okay, sabihin mo sa akin, may kakaiba ba doon sa bago niyong empleyado? Ibig sabihin, meron ba siyang magical object o kahit anong bagay na parang kakaiba.... Parang katulad ng compass mo?"

"Hindi ko alam! Wala akong napansin! Well, kung kakaibang bagay yung bracelet niyang may butterfly na charms o yung kwintas niyang may butterfly o yung obvious obsession niya sa paru-paro eh ewa---"

"Wait! Paru-paro?!"

"Oo, bakit? Wait. Magical object ba talaga 'yun?"

Napahigpit ang kapit niya sa braso ko at tinignan niya ako maigi, "Jillian, ano ang pangalan niya?!"

"Enid. Enid Dimasalang. Teka, kilala mo ba siya?"

Napa-bitiw si Cupid sa akin at bigla siyang napa-upo sa sofa. Hindi ko maipinta ang expression sa mukha niya.

"Enid... Enid... Soul? No. Hindi pwede..."

Ipinatong niya ang ulo niya sa kanyang dalawang palad and he look so scared.

"Cupid, ano bang nangyayari? I-explain mo sa akin, please! Gulong-gulo na kasi ako! Wala akong maintindihan. Please naman Cupid!"

Huminga ng malalim si Cupid, "kailangan kong makita si Enid."

"Bakit? Mag-explain ka naman oh!" halos pasigaw kong sabi. Napupuno na ako ng frustrations. Ginagawa ko kasi ang trabaho na alam kong tama pero hindi ko alam kung bakit. Ni-wala akong alam tungkol sa compass na ibinigay niya o kung ano ang meron sa Ayeshang yun. At parte na ako nito kaya parang hindi makatarungan na wala akong ka-alam alam sa mga bagay.

Cupid looked at me with his sincere eyes, "pangako, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Pero Jillian, please, kailangan ko munang makita si Enid. May kailangan lang akong alamin tungkol sa kanya."

"Sige, sumama ka sa akin bukas. Pero pagkatapos nun, ipaliwanag mo sa akin lahat ah? As in lahat!"

Tumango si Cupid, "you have my word."

Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Cupid papunta sa opisina ko. Palalabasin ko na pinsan ko siya at magpapasa siya ng resume. Buti na lang din at naisipang pumora ng God of Love na ito ng something formal at hindi yung parang pupunta siya sa ABS-CBN para mag audition bilang ka-love team ni Maja Salvador.

Marami-rami nang nasa opisina pagkarating namin, pero wala pa si Enid. Ito namang si Cupid eh pinagkaguluhan ng mga ka-opisina kong babae.

"Ang gwapo mo naman, iho!" sabi ni Lalaine, yung isa naming editor na matandang dalaga.

"Oo nga, single ka pa ba Eros?" tanong naman ni Agnes, columnist ng fashion magazine namin.

"Sana i-hire ka rito para lagi akong ganado pumasok," sabi naman ni Cynthia, isa ring columnist.

Pinagmasdan ko si Cupid at ngi-ngiti-ngiti lang doon at parang nahihiya na natutuwa sa atensyong nakukuha niya.

"Mabenta ang pinsan mo sa mga girls ah," bulong sa akin ni Elise.

Napatawa na lang ako. Kung alam lang kasi nila na ang real-life Eros talaga ang kaharap nila.

"At eto na ang pinagkakaguluhan ng mga boys," sabi naman ni Luke habang nakatingin sa pintuan ng office.

Nakita kong papasok na si Enid kaya agad akong napatingin kay Cupid. Nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin din siya kay Enid.

"Hi guys, good morning!" bati ni Enid sa amin at napa-tingin siya kay Cupid. "Hello!" naka-ngiting bati niya rito.

Hindi kumibo si Cupid. Nakatitig lang siya kay Enid na para bang nakakita siya ng multo. At parang bigla rin akong kinabaha.

"Ah, b-bakit ka po nakatingin sa'kin ng ganyan?" tanong ni Enid sa kanya.

Hindi siya sinagot ni Cupid instead, nilapitan niya si Enid at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha nito.

"E-Eros!"

Pipigilan ko na sana siya nang mapahinto ako dahil sa sinabi ni Cupid kay Enid.

"Anong ginawa niya sa'yo... Psyche?"