webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

Chapter 11: Good Luck, New Guy

Chapter 11

Peter

Umalis siya sa tabi ko at sinundan ko lang siya ng tingin. Nilibot niya ang tingin sa loob ng club at napangiti na lang ako ng pumasok ito sa loob ng storage room. Kahit kailan talaga hindi siya mapakali kapag may nakikita siyang dumi sa paligid niya.

Binalik ko na lang ang tingin sa laptop at binilisan na kang ang pagta-transfer ng reports sa laptop ko. Natigil na naman ako sa pagta-type ng masulyapan ko si Belle na nagwawalis sa ilalim ng upuan at sa bawat work stations. Napailing na lang ako at nagpatuloy na lang sa pagta-type. Pero maya-maya ay napapatingin na naman ako sa kanya.

Nakita ko ang simpleng pagpunas niya ng pawis sa noo niya kaya naman lihim akong napangiti. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya habang patuloy pa din ang pagwawalis niya. Bigla na lang nawala ang mga gamit sa paligid pati na din ang lamesang nasa harapan ko at tanging siya lang ang nakikita ng mata ko. Naramdaman ko na para bang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot habang nakatitig ako sa kanya.

Namalayan ko na lang na nakalimutan ko ang huminga kaya agad akong napabuntong hininga at iniwas ang tingin sa kanya. Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa laptop pero bigla akong natigilan ng hindi ko na alam ang sunod kong ita-type. Napabuntong hininga ako at sinara na lang ang nakabukas na text file bago ko makita ang wallpaper ng laptop ko.

It's me and Wendee. Naka-wacky si Dee samantalang ako ay nakangiti lang. Ito ang unang picture na meron kami. Naalala ko pa na grabe ang pagkabog ng puso ko sa dibdib ko noong mga panahon na nakipagpicture ako sa kanya. Hindi ko makakalimutan iyon.

I like Dee, so much. Tuwing meeting ng club ay lagi akong nauuna dito to know if she's here. I want to see her always. Noong nalaman ko na kaibigan siya ni Belle nagpatulong agad ako sa kanya na magpaligaw. That time I'm sure na gusto ko talaga si Dee. Lagi kami magkasama at sa tuwing sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya ligawan ay umaatras ang dila ko at walang masabi. Oo, ako na ang torpe. Sa kanya lang naman ako nato-torpe e. Dahil sino ba ang hindi mato-torpe kaharap si Dee? E halos lahat ata ng tao gusto siya. She's so adorable, matalino, sweet at mabait. Kaya pati ako nagustuhan siya.

Napatingin ako kay Belle ng lumabas ito sa storage room at tumingin sa bintana ng club, pati ako napatingin na din doon. It's dark outside, 7pm na din pala.

Lumapit sa gawi ko si Belle kaya ibinalik ko ang tingin sa laptop at nagkunwari na nagt-type. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang cellphone sa bag niya. Nakita ko pa ang pagsimangot ng mukha niya. Iniangat ko ang tingin sa kanya.

"I'm done." I said. Inirapan lang naman niya ako kaya napangisi ako. Tumayo na ako at inilagay sa loob ng bag ang laptop ko. Tumayo na din si Belle at inayos ang upuan niya.

"Mauna ka na sa labas, Belle. I'm going to comfort room first." Sabi ko dito na tinanguan lang naman niya. Nagtungo na ako sa CR at agad na pumasok doon.

Napatingin ako sa salamin ng banyo at napansin ang magulong buhok ko na dati pa naman magulo. Napailing ako at agad na inayos iyon gamit ang tubig. Ang bangs na nakalaglag sa noo ko ay bahagya kong inurong sa kanan. Maya-maya ay napailing na lang ako at ginulo ulit ang buhok ko. Bakit ko ba ginagawa 'to? Si Belle naman ang kasama ko at hindi si Dee.

Pagkalabas ko ng CR qy nagtama ang mga mata namin ni Belle. Nasa pintaun siya at nakahawak sa door knob nito. Napansin ko naman ang nakakunot niyang noo.

"Sabi ko sayo mauna ka na sa labas--"

"Nakalock ang pinto, Peter. " putol nito sa sinasabi ko.

Napansin ko ang panginginig ng boses niya kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya kaya mas hinigpitan ko ang kapit dito.

Inaatake siya ng phobia niya at alam ko ang pwedeng susunod na mangyari kapag nagpatuloy ito.

"We're not lock okay? Mabubuksan ko 'to." pagkumbinsi ko dito.

Agad na hinawakan ng kaliwa kong kamay ang ulo niya at hinimas-himas iyon para pakalmahin siya. Alam ko na wala na si Manong Pilar sa labas dahil hanggang 6pm lang ang trabaho niya dito at walang mangyayari kung manghingi ako ng tulong sa labas dahil nasa dulo kami ng building. Sinubukan ko naman na buksan ang doorknob pero ayaw talaga.

Habang sinusubukan ko itong buksan ng pwersahan, bigla na lang lumalim ang paghinga ni Belle dahilan para magpanic ako. Agad ko siyang binuhat papunta sa mahabang lamesa at inihiga doon. Kinuha ko ang bag niya para gawing unan sa ulo niya. Agad kong hinalungkat ang bag ko at nahanap ko ang isang paper bag na laging nandito para kay Belle. Inilagay ko ito sa bibig niya at hinayaan ko na doon siya kumuha ng hangin.

Merong claustrophobia si Belle at sa tuwing aatakihin siya noon ay sumusunod ang asthma niya. Ako ang may kasalanan kaya nagkaroon siya ng ganto. Kaya simula noon ay nangako ako sa Mommy ni Belle na aalagaan ko siya at babantayan. Pero sa tingin ko ngayon, hindi ko magawa-gawa iyon ng maayos.

Mga bata pa lang kami ni Belle ay hilig ko siyang loko-lokohin. Minsan ay iniiyakan niya ako kaya tinitigilan ko siya. Pero isang araw, ikinulong ko siya sa lumang closet ni Mommy na nasa storage room. Akala ko maririnig ko na iiyak siya at magsisisigaw pero hindi iyon nangyari. Ilang minuto na ang lumipas kaya nagtaka na ako. Pinuntahan ko siya kung saan ko siya iniwan noon at natakot ako ng makita na naghahabol siya ng malalim na hininga. Mga bata pa kami noon kaya wala akong nagawa para tulungan siya. Ang tanging nagawa ko lang noon ay sumigaw at humingi ng tulong. Sobra-sobra ang takot ko noon. Isang linggo kami hindi nagkita ni Belle at labis-labis na palo ang inabot ko kay Daddy noon nang malaman nila na kagagawan ko ang nangyari kay Belle. Mula noon nangako na ako sa Mommy ni Belle na aalagaan ko siya. Lagi ako may dalang paperbag kapag inatake na naman siya. Hanggang highschool ay nakabantay ako sa kanya. Takot na mangyari ulit ang nangyari noon.

Napatingin ako sa nanghihinang mukha ni Belle. Mariin na nakapikit ang mga mata niya at patuloy pa din ang paghabol ng hininga. Ilang minuto ang lumipas na nasa ganoong sitwasyon kami ay umayos na din ang paghinga niya. Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa paperbag at huminga na ng maayos.

Malalim naman akong napabuntong hininga dahil sa nangyari. Napatingin ako kay Belle at nakikita ko ang pagod sa mukha niya. Nakapikit pa din ang mga mata niya at malalim na humihinga.

Wala akong sinayang na oras at agad na kinuha sa bulsa ko ang cellphone. Tinawagan ko agad ang isang taong alam kong makakapagpalabas sa amin ngayon dito. Ilang ring lang ay agad niya iyong sinagot.

"What do you want?" naramdaman ko ang lamig ng boses niya mula sa kabilang linya.

"I need your help, Sil. Nasa club kami ni Belle at nalock kami dito--" Agad akong napatingin sa screen ng cellphone dahil bigla na lang naputol ang linya. Napailing na lang ako.

Napadako ulit ang tingin ko kay Belle at hinawakan ang kamay niya. Nanghihina naman niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sa akin. She smiled sadly. Kasalanan ko talaga 'to.

"I got you. It's gonna be okay, you're gonna be okay." hinigpitan ko ang kapit ko sa mga kamay niya para iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya at hindi ko siya iiwan.

Ilang minuto ang lumipas at nakarinig na ako ng kaluskos sa pintuan kaya nagtangka akong lumapit doon. Pero hindi binitawan ni Belle ang kamay ko kaya nagpasya ako na manatili na lang sa kinauupuan ko.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Silvia at Rose. Agad na hinanap ng paningin ko si Dawn pero wala ito.

"What happened?" Narinig kong tanong ni Rose. Napatingin ako dito na hinaplos ang ulo ni Belle.

"Sira ang doorknob ng club at nalock kami dito. Alam niyo naman na may phobia siya kaya nagpanic siya at sumunod na ang asthma niya." Napahigpit ang kapit ko kay Belle.

"Belle, ilalabas ka na namin dito ha? Just hold tight." Silvia said. Nakita kong inilagay ni Silvia ang hairpin niya sa buhok niya bago tumingin sa akin.

"You need to carry her papunta sa dorm. Kailangan niya ng magpahinga." Rose said while eyeing me. Napatango ako at agad na binuhat si Belle. Nakasunod lang naman si Rose at Silvia na dala-dala ang mga bag namin.

Nakalabas na kami ng building ng sumabay sa paglalakad sa akin si Silvia. Napatingin ako dito. Pero hindi ito nakatingin sa akin at nakatingin lang sa daan.

"Don't mention this to her parents, Pete." she said looking at Belle.

Agad naman na napakunot noo ako sa sinabi niya. "Why not? They deserve to know what happened."

"You know Uncle Arthur, kapag nalaman niya na kasama ka na naman ni Belle habang inaatake siya ay pauuwiin niya si Belle. Worst, ilalayo siya sa atin. Ayaw ko mangyari yun." Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya.

"Please, Peter? Cooperate with me. Ayaw mo naman siguro na malayo si Belle sayo." Nagbabantang sabi nito bago lumayo sa akin at sumabay kay Rose na naglalakad kasunod namin.

Napabuntong hininga ako bago napatingin kay Belle. Hindi man ako payag na hindi sabihin ito sa parents mo, mas lalo akong hindi makakapayag kapag nilayo ka nila sa akin.

---

"She will be better. She just need to rest." Rose said habang pinupunasan si Belle na nakahiga kama niya. Lumapit ako kay Silvia na nakatingin lang sa amin.

"Thank you for saving us there." sabi ko habang nakangiti. She look at me with blank expression.

"I saved Belle, not you." sabi nito bago ako talikuran at dumiretso sa kusina. Napabuntong hininga na lang ako.

"Pagpasensyahan mo na yan si Silvia. Alam mo naman na galit pa rin yan sayo." Napatingin ako kay Rose dahil sa sinabi nito. Nginitian ako nito bago ibinalik kay Belle ang atensyon.

"She will be okay, you can go now. Baka maabutan ka ng curfew niyo." Sabi nito na hindi nakatingin sa akin.

Napatango ako at nagpaalam ako dito. Kinuha ko na ang bag ko para makalabas na ng kwarto nila. Isinara ko ang pintuan at malalim na napabuntong hininga. Ayaw ko pa sana umalis para bantayan si Belle pero hindi pwede. Anyway, the girls can take care of her than me.

Sa fire exit na ako dadaan para hindi ako makita ng nagroronda na guards. Nang makapasok sa fire exit ay wala sa sariling napangiti ako. Nakita ko ang nakasandal na si Belle at ang sarili ko. Napailing na lang ako sa naalala at dumiretso sa paglabas ng dorm. Ilang lakad lang ang ginawa ko ng makapunta ako sa arch at may napansin na nakatayo doon na isang lalake. Pamilyar ang mukha niya. Napatingin ito sa akin kaya napatingin din ako dito pero saglit lang bago ko iniwas ang tingin dito.

Hindi ko na sana siya papansinin at nilagpasan siya pero ako naman ang pinansin niya.

"Where's Belle?" Napatingin ako dito. Sa pagkakaalala ko ay siya iyong bagong recruit ng Basketball club nila Fio. Matangkad siya at hindi kagwapuhan. Kapag pinagtabi kami mas gwapo pa din ako.

"I don't know. Why are you asking me?" Napangisi ako ng makita ang pag-igting nga bagang nito. Sige, mainis ka lang. 'Yan ang goal ko.

"Galing ka sa dorm nila at alam ko na hinatid mo siya. Yet you said you didn't know. What a liar." Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niyang sinungaling ako dahil alam ko na inaasar niya lang ako.

"Alam mo naman pala, e bakit nagtatanong ka pa?" pambabara ko dito. Napangisi ako lalo ng hindi ito sumagot. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at tinalikuran ko na siya ng marinig ang sinabi niya.

"I like Belle." Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatalikod sa kanya. Nanahimik ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"I like Belle at liligawan ko siya." sabi nito. Napatawa naman ako ng mahina at nagpasyang humarap dito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Pinanatili ko ang ngisi sa labi ko.

"Bakit sinasabi mo sa akin yan? Nagpapaalam ka ba? Kasi kung nagpapaalam ka, hindi kita papayagan. " Ngumisi ito sa akin na siyang nagpaigting sa panga ko.

"Hindi ako nagpapaalam o nanghihingi ng permiso mo. I'm just imforming you na soon I assure you, that she will be mine at wala kang magagawa doon." Bakas sa boses nito ang kumpyansa na mangyayari iyong sinasabi niya. Mas lalo akong napangisi sa sinabi niya.

"Good luck, new guy." sabi ko dito at tinalikuran na siya. Hindi ko alam na sobra na ang pagkakakapit ko sa bag ko kaya binitawan ko iyon.

Naalala ko iyong sinabi niya. Liligawan niya si Belle? Talagang good luck na lang sa kanya. Tsk.

Sisiguraduhin ko na walang mangyayaring ligawan sa pagitan niyo ng bestfriend ko.

---