webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

Chapter 10: I miss my BESTFRIEND

♡♡♡

Chapter 10

Belle

Pagkalabas ko ng shop ay dumiretso ako kay Rhonin na may kausap sa cellphone at para bang balisang-balisa. Napakunot ang noo ko at mabilis na naglakad palapit sa kanya.

"---na ako dyan, Rhonan. Bantayan mo si Papa." Malalim itong napabuntong hininga habang nagtitipa sa cellphone na hawak. Mukhang hindi niya ako napansin na nakalapit na sa kanya. Panay naman ang paghinga niya ng malalim.

Hinawakan ko ang balikat niya at doon pa lang siya napatingin sa akin. "What's wrong, Rhonin?" malumanay kong sabi.

"S-si Papa kasi-- inatake siya ng asthma niya habang nagtatrabaho at nasa hospital siya ngayon. Kailangan ako ng mga kapatid ko, wala silang pambayad ng hospital doon." Napayuko siya at naramdaman ko ang panginginig niya. Agad ko naman na hinawakan ang kamay niya na nakabagsak sa magkabilang gilid niya.

"Tell this to your auntie, baka matulungan ka niya." Umiling lang siya sa akin.

"Nahihiya na ako sa auntie ko. Sobra na ang tulong niya sa aming magkakapatid--" hindi ko siya pinatapos at sumingit sa sasabihin niya pa.

"Hindi ito ang tamang oras para mahiya ka sa auntie mo, Rhonin. Maiintindihan ka niya, kayo. After all, pamilya naman kayo. Kaya kitang pahiramin ng pamasahe, pero hindi ko alam kung tatanggapin mo 'yon." Umangat ang tingin niya sa akin, nakita ko naman ang nangingilid na luha sa gilid ng mga mata niya.

"Tama ka, hindi ko iyan matatanggap. I just need your support, Belle. We're friends, right?" Suminghot ito at pinunasan ang nangingilid na luha niya bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Ano ba yan, kahit na mukha siyang miserable ang gwapo pa din.

"Thank you, Belle." Nakangiti na siya ngayon kaya nagawa ko na din siyang ngitian.

"Go, pumunta ka na sa auntie mo. Next time na lang tayo kumain. Pagkabalik mo, at okay na ang Papa mo saka kita ililibre hindi lang ng Iced coffee. Name it at ako ang bahala." Kinindatan ko pa siya kaya naman natawa siya. Hays, mabuti na lang bumalik na yung saya sa mukha niya.

"Parang baliktad, ikaw pa manlilibre sa akin."

"Kapag nagkasahod ka, ako naman ililibre mo ano? take turns tayo 'aba."

"Thank you, Belle. Take care of yourself habang wala ako. ----- pa kita." Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya na hindi ko narinig. Halos bulong na iyon.

"Ano? Ano yung huling sinabi mo?" Nagtataka kong tanong. Umiling lang siya sa akin at tumakbo na papalapit sa loob ng shop. Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na nagdasal.

Lord, bantayan mo po ang Papa ni Rhonin. He's a good guy, he don't deserve this. Nawala na ang Mama niya wag naman po ang Papa niya.

Malalim na naman akong napabuntong hininga bago naglakad palayo sa shop.

---

"Belle, let's go." Napatingin ako kay Rosè ng tawagin niya ang pangalan ko. Ibinulsa ko ang cellphone ko na kanina ko pa tinitignan at napasunod na lang ako sa kanila papuntang cafeteria.

Pagkapasok sa cafeteria ay naamoy ko na agad ang mabangong amoy ng mga pagkain. Natatakam tuloy akong bumili ng pagkain dito kahit na may baon na ako.

No, Belle. Hindi ka bibili. Reign yourself.

"Dawn, go buy your foods. Maghahanap lang kami ng table." Silvia said. Narinig ko naman ang pagreklamo ni Dawn. Iniwan namin siya sa counter at naghanap ng table.

Naiwan niya kasi iyong lunch box niya sa dorm at tinatamad daw siyang balikan kaya naman bibili na lang siya. Noong bibili naman na, ayaw niya pa din. Tamad.

Nagkanya-kanya kaming upo sa pang-apatang tao na lamesa hindi kalayuan sa counter. Magkatabi si Silvia at Rosè, samantalang bakante naman ang katabi kong upuan para kay Dawn. Inilabas ko ulit ang cellphone sa bulsa ko at nagtipa na naman ng panibagong mensahe.

'Kumakain kami ng lunch, eat your lunch too.'

Eto na ang pangatlong text ko kay Rhonin para sa araw na ito pero wala na naman akong nakuhang reply mula sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Kailan daw babalik si Rhonin? It's been a week since he's gone to his home." Napatingin ako kay Rosè ng magsalita ito. May hawak itong salamin at inaayos ang buhok niyang maayos naman na.

"Wala pa siyang reply sa akin simula ng umalis siya. Tinatawagan ko ang number niya pero out of coverage naman." Nangalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa at malalim na napabuntong hininga.

"Hindi ka naman ba nakibalita kay Crimson? Their cousins, right?" Nakataas na kilay nitong tanong sa akin. Ibinaba na niya ang hawak na salamin.

"Nakibalita ako sa kanya pero ang sabi niya ay ang kapatid lang daw ni Rhonin ang nakakausap niya at hindi mismo si Rhonin."

"You know it's province, mahirap ang signal doon. Saka baka busy din siya sa pagbantay sa Papa niya. Malay mo, magreply na iyon maya-maya. Just wait." Nakangiting sabi sa akin ni Silvia kaya kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. Tama, baka mamaya magreply na lang sa akin iyon at baka tumawag pa.

Magsasalita pa sana ako ng makarinig ako ng ingay sa counter ng cafeteria. At dahil malapit lang sa counter ang lamesa namin ay rinig na rinig namin ang sigaw ng isang babae.

"Argh! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Are you blind?!" nakita ko naman na napahinto sa kani-kanilang ginagawa ang lahat ng tao sa cafeteria. Namayani din ang katahimikan at nakatuon ang atensyon nilang lahat sa counter.

"What?! kasalanan ko bang tanga ka at hindi mo ko iniwasan ng makita mo akong papalapit sayo? Yung juice ko, shiz!" Napangisi ako ng makitang si Dawn ang babaeng nagsalita habang may hawak na tray at may tatlong plato ng pagkain doon.

Nang mapatingin ako sa dalawang babae na kaharap ko ay nagce-cellphone lang ang mga ito at maya-maya ay napapahikab pa. Napailing na lang ako, mga walang suporta sa kaibigan.

Napabalik naman ang tingin ko sa counter, tinignan ko ang babaeng nakabangga ni Dawn at palihim akong napatawa. Nabasa ng juice ang puti nitong blouse pababa sa palda nito. At nang iniangat ko ang tingin sa mukha nito ay kitang-kita ang pagsalubong ng mga kilay at ang pagtagis ng mga panga nito.

It's Vanya Foster. Ang mortal na kaaway ni Dawn. Masasabi kong maganda ito mapamake up o wala, napakasungit nga lang ng mukha. She has this fiesty attitude, matangkad ito at sexy ang pangangatawan. Isa ang pamilya niya sa shareholders ng school na ito kaya malakas ang loob nito na mangbully ng kahit na sino. Pero si Dawn lang talaga ang hindi niya ma-bully dahil isa din sa shareholders ang magulang ni Dawn sa Asterin.

Kahit naman na hindi shareholders ang magulang ni Dawn dito ay alam kong hindi niya aatrasan si Vanya. Mas matapang pa 'ata sa leon itong kaibigan ko. Hindi siya nagpapatinag sa pambu-bully sa kanya ni Vanya at madalas ay si Vanya ang nabu-bully sa tuwing susubukan niyang i-bully si Dawn, katulad na lang ngayon.

"Wow! ako pa ang tanga--"

"Oo, tanga ka naman talaga. Itong daanan kasi na ito ay for exit, tapos dito ka papasok? Kung hindi ka naman bobo hindi ka papasok dito." Narinig ko naman ang tawanan ng ilang tao sa paligid ng marinig ang sinabi ni Dawn kay Vanya. Napatawa ako ng makita ang pamumula ng mukha ni Vanya at ang pagtagis ng panga nito. Galit na galit siya.

Tama naman kasi ang sinabi nito. May specific na daan kung saan ka papasok at lalabas kapag papunta ka sa cashier o kapag tapos ka na umorder. Para na rin maiwasan ang banggaan ng mga tao.

"Argh! May araw ka din sakin, Sanchez!" Sigaw nito bago nagmartsa palabas ng cafeteria. Nagkanya-kanyang balik naman ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa at para bang walang sagutan na nangyari sa counter.

Nakita ko naman na papalapit si Dawn sa lamesa namin at ibinaba niya ang tray na dala sa lamesa. Akala ko ay uupo na siya sa tabi ko pero bigla na lang siyang umalis at bumalik sa counter. Kinausap niya ang janitor na may hawak ng mop, papalapit ito sa pwesto nila kanina ni Vanya.

Maya-maya ay kinuha niya ang mop dito at nakita ko naman na pilit na kinukuha iyon sa kanya ng janitor pero natural na makulit si Dawn, siya ang nagpunas ng basang sahig gamit ang mop. Napangiti naman ako, kahit na maldita iyang kaibigan ko ay masasabi ko naman na masipag yan at responsable.

Pagkatapos nito sa ginagawa ay ibinalik niya ang mop sa janitor at nagthumbs-up pa dito bago ito tinalikuran at nagpunta na sa lamesa namin.

"Nakipagsagutan ka na naman kay Vanya. Baka magsumbong na naman 'yon sa Daddy mo." Pangaral sa kanya ni Silvia.

"Siya naman nauna, Sil. Magsumbong siya kay Dad, I don't care." Dawn just shrugged at nagsimula ng kumain kaya ganoon din kami.

Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at agad ko iyong kinuha sa bulsa ko.

May isang message don na galing kay Peter kaya agad ko iyong binuksan.

Nagpapansinan na ulit kami ni Peter at bumalik na sa dati. Nagsorry siya sa akin tungkol sa ginawa niyang pagsisinungaling noong araw din na nakita ko siyang kasama si Dee.

Lagi silang magkasama ni Dee pero hindi alam ni Dee na nililigawan siya ni Peter. Paminsan-minsan ay tinutulungan ko siya para magkasama silang dalawa. Kahit na masakit sa part ko ay nagpaubaya ako. Malay natin, mawala itong feelings ko sa kanya kapag tumagal-tagal na nakikita kong masaya siya sa iba. Sanayan lang.

Binasa ko ang text message na galing dito.

'Can we have a date? I miss my bestfriend.'

Muntik na akong kiligin ng mabasa iyong date, pero naisingit niya talaga iyong bestftiend.

"Busy na naman ba si Dee kaya ako ang binubulabog mo?' reply ko dito. Agad naman na nakatanggap ako ng tawag mula dito kaya agad ko iyong sinagot.

"Of course not!" bungad nito.

"I just want to watch a movie with you, it's our favorite. The Avengers and it's my treat." Napangiti na lang ako kahit na alam ko na hindi niya iyon makikita.

"Sige, basta pati popcprn libre mo. Payag ako."

"Abusado ka, Belle. Pero sige, it's on me." Napailing na lang ako bago nagpaalam dahil kumakain ako. Ibinalik ko naman sa bulsa ng suot na palda ang cellphone ko.

"Peter?" tanong ni Dawn sa tabi ko. Imbis na sagutin siya agad ay napatingin ako sa natapos na nitong kainin na dalawang plato ng spaghetti at kinakain na nito ang isa pang order. Ang takaw.

"Yep, manood daw kami ng sine." simpleng sabi ko bago bumalik sa pagkain.

"Alam mo yang si Pete? pa-fall yan." Napatingin ako kay Dawn ng magsalita na naman ito. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Nililigawan niya ni Dee tapos gusto ka din niyang kasama? duh! Dapat isa lang. Hindi kailanman dapat pinagsasabay ang girlfriend sa bestfriend. Hay nako."

"Hayaan mo na si Peter, Dawn." sabi ni Silvia na akala ko ay makikinig lang sa sinasabi ni Dawn. She winked at me kaya nginitian ko siya.

"Sana lang alam ni Peter ang pinapasok niya." Huling sabi ni Dawn bago ito tumayo at dala-dala ang tray. Napabuntong hininga na lang ako bago tinapos yung kinakain ko.

---

"Magandang Hapon po, Manong Pilar." Bati ko sa janitor na nagwawalis sa tapat ng Gazette club namin. Nakaclose ko ito dahil madalas nitong linilinis ang club namin, mapaloob o labas. Madalas pa tinutulungan niya kami sa pagbubuhat ng mga itatapong papel.

"Magandang hapon rin, Belle. Lalo ka 'atang gumaganda ngayon, ija." Natawa ako sa sinabi nito.

"Nako, Manong. Matagal na po." Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Nga pala, ija. Nawawala raw iyong susi ng club niyo sabi ni Peter, hanggang ngayon ay hinahanap pa din. Meron ka bang extra dyan?" Napakamot naman ito sa batok niya. Agad akong nag-isip kung meron ba akong extra noon.

"Naku, wala po. Dalawang duplicate lang po ang meron kami, isa kay Peter at isa po ay na kay Dee. Pero wala po ngayon si Dee dito."

"Ganoon ba? Sira na kasi iyong doorknob ng club niyo, nagbubukas minsan at minsan naman ay hindi. Next week pa iyan mapapalitan."

"Sige po, kakausapin ko na lang po si Peter para mapakuha kay Dee yung isa pang susi. Nasa loob po ba siya?"

"Oo, ilang oras na din siya nandyan. Dinalhan ko na nga din siya ng meryenda kasi baka nagugutom na."

"Salamat po, Manong."

Nagpaalam ako dito at pumasok sa loob ng club. Nakapwesto ito sa table meeting namin. Busy ito sa pagtipa sa harap ng laptop niya at may mga gabundok na papel sa tabi nito. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Lumapit ako dito at naupo sa usual seat ko, sa tabi niya. Kumbaga sa dining area ay siya ang nasa dulo at nasa gilid naman niya ako.

"Akala ko ba manunuod tayo? Mukhang busy ka naman." Ibinaba ko ang bag ko sa katabing upuan at sumandal ng pagkakaupo.

"Matatapos na ako, sandali na lang ito."

Napairap na lang ako at tumayo para maglibot sa loob. Malaki-laki din ang loob ng Gazette club dahil may sampung printer at May tatlo ding xerox machine dito. May lima naman na working station dito para sa editors at layout designers.

Napansin ko na medyo madumi ang sahig kaya kumuha ako ng walis at dustpan sa storage room ng club. Winalisan ko ang sahig bawat sulok bago makuntento at itinapon ang nakuhang dumi. Ibinalik ko naman sa loob ng storage room ang mga ginamit ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana na nakapwesto sa kanang bahagi ng silid at nakita kong medyo padilim na ang kalangitan. Paniguradong magga-gabi na. Bumalik ako sa katabing pwesto ni Peter at kinuha ang cellphone sa bag ko para i-check kung may reply na ba mula kay Rhonin. Nadismaya ako ng malaman na dead batt ito, ibinalik ko na lang ito sa bag ko.

"I'm done." masayang sabi niya bago tumingin sa akin. Inirapan ko lang naman siya bago ako tumayo at inayos ang upuan na ginamit ko. Iniligpit naman niya ang laptop na gamit at isinukbit ang bag.

"Mauna ka na sa labas, Belle. I'm going to comfort room first." Tumango lang naman ako dito at nagtungo na sa pintuan ng club. Siya naman ay nagpunta ng CR at pumasok doon.

Pagkalapit ko sa pinto ay hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan na pinihit pero nagtaka ako ng nakalock iyon. Sinubukan ko pang pihitin ulit pero ayaw talaga magbukas.

"Ganoon ba? Sira na kasi iyong doorknob ng club niyo, nagbubukas minsan at minsan naman ay hindi. Next week pa iyan mapapalitan."

Shit! Kakasabi lang ni Manong Pilar kanina na sira ang doorknob ng pintuan. Bakit ko ba nakalimutan iyon?

Pwesahan kong pinihit ang doorknob pero ayaw talaga. Narinig ko naman na nagbukas ang pintuan ng CR at napatingin ako doon. Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Peter.

Napakunot noo siya habang nakatingin sa akin bago nagsalita. "Sabi ko sayo mauna ka na sa labas--"

Hindi ko na siya pinatapos at inunahan na magsalita. Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko sa kaba. Nararamdaman ko na din ang malamig na pawis na namumuo sa gilid ng noo ko.

Ayaw ko ng nalo-lock sa loob ng isang kwarto.

"Naka-lock ang pinto, Peter."