webnovel

WEIRD

Nagpasya akong tupiin muna ung mga sinampay na kinuha ni mama. Pinili ko lang din kc ung iba medjo nabasa ng ulan.

pagkatapos kong iligpit lahat yon. tiningnan ko ung oras at alas nuwebe na pala , oras na ng pag inom ng gamot ni papa.

Pansin ko malakas parin ang ulan siguro nasa baba pa ung isang yon. aiist! bahala na . diko nlng sya papansinin o titingnan man lang . tama ganun na nga lang .

marahan akong bumaba ng hagdan pero diko nmn sukat akalain na nasa sofa pala sila ni Mama , at masayang nag uusap...

So close na agad sila?

"Oh nak buti nmn bumaba kana, iniwan mo tong bisita mo oh " anas ni mama nung magawi sakin ung tingin nya. napatingin lng din sakin si Lucas na maaliwalas ang mukha . Actually pareho sila ni Mama .naeenjoy sirguro nila ung isat' isa .

naku mama, kung alam mo lng totoong kulay ng damuhong yan",-_- sabad ng isip ko

"Nakatulala kana jan nak?" pukaw sakin ni mama..

" Ah ano Ma me naalala lang . tapos ko na po pala iligpit ung mga damit . Si papa Mah napainom naba ng gamot?" pagpapaalala ko

"Ay ou nga pala, anong oras naba? naku ,sigeh nak pupuntahan ko muna ang papa mo don sa kwarto , ikaw na muna bahala dito sa bisita mo ah ?. oh iho maiwan na kita" Paalam ni Mama. ngiti lang ang naging tugon ni Lucas . tss -_- Para akong masusuka sa mga reaksyon nitong damuhong toh kala mo kung sinong santo .

babalik na sana ako sa taas

" Nak sabi ko asikasuhin mo muna tong si Lucas" Me diin na sa tunong yun ni Mama. natakot nmn ako kaya hnd ko na tinuloy ung balak ko . Nkakatakot pag nagagalit si mama kung alam nyo lang.

" O-Opo mah." yon lang siguro ang inaantay na sagot ni mama at tuluyan n ngang pumasok sa kwarto nila.

"Bat nandito kapa?" Baling ko agad ky Lucas na bahagya nya namang ikinagulat . Natawa nmn ako don sa reaksyon nya pero sa isip lng.

"Ah e umuulan pa kc , tyaka napasarap ung usapan nmin ni Tita" Nagaalangang sabi nya

"T-Tita? tama ba narinig ko ? tinawag mong tita ang mama ko?" Nasa hagdan parin ako habang kinakausap sya .

"O-ou? problema mo don?"

"Nagtanong kapa talaga noh? Nauntog kaba huh? ung sobrang lala ? kc parang nakakalimot kana sa mga nangyare ei.

Nakalimutan mo na mga ginawa nyo sakin ng barkada mo??" Nagtitimpi kong sabi at baka marinig kami nila mama.

"Eh ano namang connect non sa pagtawag ko ng Tita sa Mama mo?" ay abat pilosopo pa talaga to noh?

"Bobo kaba? Mama ko yon' d tau close ,actually galit nga ako sau e' .Hnd ka ganyan as far as i know, kaya wag kana magpanggap please lang pwd? " diko na talaga napigilan bugso ng damdamin ko .alam nyo nmn pinaggagawa nilang magbabarkada sakin db?

Tila natigilan nmn sya at nag'iba ang timpla ng mukha nya.

"Ohkey Sorry" sya na me pataas taas pa ng kamay wari moy pinapakalma ako.

"Sorry kc imbis na kaibiganin ka namin ei nabastos kapa namin . sorry kc nandito ako ngayun at umaastang parang walang nangyare kc gusto ko lng naman sana makipag ayos sayo " masuyong pagpapaliwanag nya. Ewan pero parang unti unti nyakong nakokombinse habang nagsasalita sya . Nbabasa ko sa mga mata nya ung sincerity na walang bahid ng pagpapanggap. Natamimi ako at d na nga nakuha pang mag salita pa ...

"Nak tapos ko ng painomin ng gamot ang papa mo. pupunta lang ako saglit sa palengke at bibili ng uulamin natin ,ikaw na munang bahala dito ah ,pati na jan sa bisita mo"

"Ah oh sige po mah." nasabi ko nlng. buti nlng din at lumabas na sa kwarto si mama. ang awkward na kc ng pakiramdam ko knina..

"Ahmm mah wait lang. Ako nalang po pala bibili . me babayaran din po kc ako kay manang , kulang ung bayad ko knina ei" hayss buti nlng . naalala ko atlis makakaiwas nako kahit papano kay Lucas.

"Ahh ganun bah? e ako nlng magbabayad nak ."

"Hnd na Mah ako na po. akin na ung pambili mah " pilit ko ... kahit naggugulomihanan si mama ei binigay nalang din nya sakin ung pera. Wala ng patumpik tumpik pa at agad nmn akong umalis .Buti nalang at tumila narin ang ulan...

_LUCAS POV_

Umalis si Jaz at hnd man lang pinansin ung paghinge ko ng tawad . Aaminin ko maling mali kami ng mga tropa ko. Nadadala lang din nmn ako sa kanila ei . Tyaka normal nalang din talaga samin ung mam bully. Don kami masaya ei tyaka ang sarap sa pakiramdam kapag me naaasar kang tao.

Pero biglang nag iba ung pananaw kong yon nung araw na makita ko si Jaz sa building nayon ,papalabas at umiiyak.

Para akong nakaramdam ng guilt kahit alam ko namang hnd ako ung dahilan ng pag iyak nya nung araw nayon. Diko rin mapaliwanag ung naramdaman ko na actually hnd naman dapat dahil isa rin ako sa mga taong nanakit sa kanya.

Pero nung araw nayun pakiramdam ko gusto ko syang icomfort . kaya naisipan ko syang sundan at ayaing sumabay na sakin kahit na alam ko na't paniguradong tatangge sya.

Halos hindi ako nakatulog nung araw nayon kakaisip sa kanya. Hindi ko mawari . sobrang wierd...

Kinabukasan pinuntahan ko agad sya sa Apartment nya pero sabi ni Manang Lucy nakaalis nadaw sya. Naisip ko nalang na Hingin ung address nila na binigay naman agad ni manang Lucy. Sa totoo lng nagbabanta panga sya sakin na baka ano lang daw gawin ko kay Jaz pero inamin ko nmn ung totoong pakay ko, na makausap ng maayos si Jaz at makahinge narin ng tawad.

kaya heto. nandito ako ngayun sa kanila na parang timang kahit nakakahiya na yong pananaray ni Jaz ei diko parin makuhang umalis . Desidido at seryoso kc akong makipag ayos na sa kanya.

"Tita samahan ko na po si Jaz" baling ko ky tita na patungong kusena.

"Huh? a eh ano ikaw ang bahala ," Nasabi na lamang ni Tita sa paglingon nya. Hindi narin ako nagpa'teka² at sinundan na nga si Jaz. Sa kasamaang palad , diko nmn inakala na ganun pla sya kabilis mag lakad.

Paglabas ng gate nila . Nagpalinga linga agad ako.Nakita kong paliko na sya sa kanto na dinaanan ko knina. Sa pagmamadali ko imbis na sumakay sa kotse eh tinakbo ko sya ... nung medjo malapit nako sa kanya nagsimula nako maglakad at tahimik syang sinusundan. Diko alam kong lalapit paba ko o hnd na ,baka mamaya magalit n nmn toh. kaya mas pinili ko nlng na sundan sya . Pumasok na sya sa Palengke don pero hnd nya parin ako napapansin. Tahimik parin akong nakabuntot.

"Teh magkano sa Sayote?" Tanong ni Jaz don sa isang tindera ng gulay

"Sampo ang guhit" sagot nmn nung tindera pagkaabot nung sayote at agad na tinimbang..

"Ahh sigeh dagdagan nyo narin po ng isang cubes teh tyaka luya,tyaka itong dahon ng labuyo. babalikan ko nlng po mamaya teh bibili pa po kc ako ng Manok ei" anas pa ni Jaz . bumilib nmn ako ng konte d2. Mautak din pla toh kahit papano . Puro kc gulayan d2 ei asa loob p banda ung mga nagbebenta ng karne. Umalis na si Jaz pero hnd nya parin ako napapansin. pasimple kc akong namimili kunware sa kabilang pwesto habang tinitingnan sya ...

"Amin na po yan miss" tangkang kuha ko don sa mga pinamili ni Jaz na binalot na nung tindera. Halata namang nagulat sya

"Hoy ,hoy! bat mo kinukuha yan?" Pagtataka nya. pinalo palo pa yong kamay ko nung panghampas nya ng langaw.

"Ah miss kasama nya po ako. ito po ung bayad" Pahiya kong sabi at tinuro si Jaz na papasok na sa karnehan. Hindi nmn na umimik ung tindera pero nakataas yong kilay at sinuklian nlng din agad ako.

Agad nmn akong bumuntot uli kay Jaz. Maya pa napansin ko na iniwan nya uli ung Karne kaya kinuha ko uli un at binayaran agad .

Pakiramdam ko parang akong tanga dito na buntot ng buntot sa kanya. San na nmn kaya pupunta toh? kala ko ba ulam lang bibilhin nito?

Papunta sya sa isang maliit na grocery . mukang luma na at wala ding pangalan.

imbis na sumunod minabuti ko nlng tumambay sa labas at don sya antayin .

Mga 30mins siguro bago ko napansing lumabas na sya . Hindi ko narin naisip magtago at plano ko din namang magpakita sa kanya. Isa pa dala ko na ung mga pinamili nya maliban lang don sa hawak nya.

Pero para namang hindi nyako nakita at tuloy² lang na naglakad pabalik sa palengke,

Napakamot nalang ako sa ulo at sumunod n nmn sa kanya.

" Kuya nasan napo ung iniwan kong manok dito?" Pagtataka ni Jaz. Natigilan nmn ng kaonte si Manong at tumingin sa gawi ko. Nasa likod lang kc ko ni Jaz pero grabeh sobrang manhid nya. D man lang ako napapansin.

Tila nagaalangan namang syang lumingon at agad nag iba ung timpla ng mukha nya nung makita ako.

Nagawi ung tingin nya sa hawak ko at mataray na binalik ung tingin sakin sabay alis...

Parang sira bwesit .kala mo babae amp!

Sunod na naman ako . Pero now medjo mabilis na lakad ko kc ambilis nya rin ei. nakasunod parin ako nung bigla syang huminto. malapit na kami sa kanto at wala pang dumadaan na tao.

"Bat kaba sumunod?" Bungad nyang tanong sa pagharap nya sakin. Para nmn akong napepe at d agad nakapag salita.

"Bat d kana lang umuwi agad sa inyo?? naisip mo pa talagang sundan ako noh?" Anas nya pa , lumapit sya sakin at kinuha ung karne at gulay na dala ko.

"Umuwi kana. Wag mo sabihing makikikain kapa samin?" d parin ako nakaimik at nakuha nalang titigan sya.

Sa totoo lang hnd ko lng nmn ngayon toh napansin. Actually matagal na simula palang nung makita ko sya don sa Paupahan ni Aling Lucy. D ko maitatangge na sa lahat ng nakilala kong Bisexual, sya ung pinaka cute para sakin. Ang linis nya pati tingnan khit na hnd sya ganong kakinisan.

"Huy sabi ko umuwi kana . Bat nakatulala k nlng jan?" me pagtatakang sambit nya n pumukaw nmn sa atensyon ko.

"Tsk. Bat ba gustong gusto mo akong pauwiin sinadja p kita dito para lng humingi ng sorry tapos paalisin mo ako ng diko man lng nkukuha ung sadja ko"

"Aba, Tigas din talaga ng muka mo noh? teka nga?! ano b nkain mo huh? kelan lng inaaway nyoko nung barkada mo , tas ngaun heto k parang tanga kabubuntot sakin?" nagtatakat naiinis nyang mga tanong na d ko nmn agad nasagot dahil maski ako hmd ko rin alam. Mula kc nung makita ko sya sa lugar nayon at umiiyak parang sobrang naguilty ako.

"Tss, nakakairita ka" sambit nya at sa mukha ei bakas ung pagka inis nya sabay talikod sakin at naglakad n ngat iniwan akong mag isa

"Wag mo na tangkaing sumunod pa. umuwi kana ng matahimik nako" anas nya pa. aba² me attitude talaga ah.

"Eh Sira-- este nkapark sa inyo ung kotse ko. Ano, paglalakarin mo ako?" anas ko

"Daming sat² . kunin mo at umalis kana kung pwd lng . plss" sarkastiko nyang pagkakasabi. 'Tsk pakiramdam ko nasayang lng effort ko , wala na talaga atang pag asang magkaayos pa kami nito. Mas matigas pa sa matigas na ano toh ei. ah basta .!