webnovel

LOVE or LUST???

Nauna akong magising kay Marco kinabukasan. Pinilit kong bumangon kahit pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko... Hinagilap ko ung boxers ko at agad ung sinuot... Para akong sinampal ng katotohanan na lahat ng nangyari kagabi ay dala lang ng sobrang pagkasabik at kalibogan.

Ni hindi ako nagdalawang isip at iniwan ko si Marco na nahihimbing parin sa pagtulog dahil narin siguro sa pagod...

Marahan akong lumabas sa kwarto nya. Buti nlng at wala ng tao. Halos lahat kasi ng bed spacers ni madam ay nagtatrabaho.

Tutuloy na sana ako sa kwarto nung marinig kong tumunog ung doorbell. Imbis na antayin si madam e ako na ung pumunta medjo napapapikit pako dahil

sa sinag ng araw. Sinilip ko kung sino

Me babae sa labas. Muka syang yayamanin at mahinhing klase ng babae. Maputi sya at medjo blond ung maikli nitong buhok. Nakasuot sya ng floral dress na lampas ng konte sa binti. Maganda sya inshort.

Hnd nako nagdalawang isip pa at binuksan na agad ung maliit na pento nung gate. Sumilay nmn agad sa mukha nya ung tuwa nung makita ako este makitang bukas ung gate.

"Sino pong hanap nyo? " bungad ko. Napansin ko nmang hnd na sya makatingin ng diretso sakin. Naalala ko n nakaboxers ngalang pla ako.

"Ah k-kuya dito ba nagrerent si Marco De Guzman? " medjo natigilan ako

"O-ou. B-bat sino ho ba sila. Kaw po ba ung kapatid nya? " medjo nangisi nmn sya

"Hindi po, ako si Stacey, Bali Girlfriend nya" me pagkaproud nyang pagkakasabi. Para nmn akong pinagsasampal at tinadtad ng dakdak ni Miss Maricel Soriano.

Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko. Kung iiyak bako o tatawa? O pagsasabayin ko nlng. Pakiramdam ko me kung anong kumorot sa puso ko at nakaramdam ako ng kirot.

Umasa ako 😭

"Jaz? Sino yang kausap mo jan? " hnd ko napansin si Madam na nasa likod ko na pala. Sinilip kung sino ung kausap ko. Hindi nmn ako nakaimik

"Hnd ka pala pumasok? " baling nya sakin tas bahagya akong tinampal sa balikat nung pamaypay nya. pero imbis na magsalita ay iniwan ko sila. Hindi ko na kasi kaya pang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong dumaloy mula sa mga mata ko.

Dumiretso ako sa CR. Agad na naghilamos, umaasa na mapipigilan nito ang pagluha ko pero hindi ei.

Nasasaktan ako. alam kong wala akong karapatan pero un ung nararamdaman ko. Siguro dahil umasa ako... Na kahit alam kong libog lang, umasa ako... 😭

Nagpasya akong bumalik na sa kwarto.

Napasalampak ako sa kama at don ko binuhos ung nararamdaman ko... Patuloy lng ako sa pagiyak...

Nasa ganoong kalagayan ako nung mag ring ung phone ko.

Tumatawag si Mama. pero imbis na sagotin ei pinatayan ko sya. Pero si Mama yun ei alam ko tatawag uli un. At hnd naman ako nagkamali. Inayos ko muna sarili ko bago ko sinagot ung tawag.

"H-helo Mah.? " Medjo garalgal ang boses ko

"Helo Jaz? Anak. Buti nmn at sinagot mo na." Mula sa telepono dinig ko ang tumatanda ng boses ni mama. 51 na kasi si mama . Late na syang nag asawa hnd nmn daw dahil sa pihikan sya , kondi dahil dw sa isa syang dalagang pilipina -_-

"Bat po ba kau napatawag mah. Db po pag gantong oras alam nyong me trabaho ako? " pagsisinungaling ko. Hnd nmn nga talaga kasi ako pumasok ngayun.

"Pasensya na nak. Nandito kami ngayun sa ospital, sinugod na nmn kasi ang papa mo (naiiyak). Ayaw ka nga nyang patawagan at baka nga daw busy ka. Pero kilala mo nmn ung papa mo na yun, sinasabi nya lang yun pero ang totoo miss na miss kana rin nun, kung pwd sana nak umuwi ka muna."

"Huh? E Ma, bat n nmn po ba sinugod si papa? inatake n nmn po b ng highblood? Db sabi ko nmn po bawas bawasan na nya ang pagiinom at pagkain ng matataba? " pag aalala ko. Diko n napigilan pa at umiyak na nga ako kay mama dahil narin sa Halu-halong imosyon... Bat ba kasi nagkasabay'sabay pa? 😢

"E naaya daw nung kumpare nya don sa birthdihan. Alam mo nmn tong papa mo hnd marunong tumanggi" sumisinghut singhut na sabi ni mama

"Naku Mah. E hnd nmn po pwding lagi nalang ganun. Gaya nyan, inatake n nmn sya, ngayun pauuwiin nyo n nmn po ko" lagi kasi ko pinapauwi ni mama aa tuwing aatkihin si papa, para me katuwang raw sya sa pag'aalaga kay papa. Sila ate hnd rin nmn maasahang umalalay dahil sa me mga kanya² naring pamilya.

"S-Sige Mah. Susubukan ko pong magpaalam bukas sa Office." Tila napipilitan kong tugon. Naaawa din kc ako kay mama ei. Alam ko naman kasing kayang kaya nya na yung alagaan si papa pero kasi tumatanda narin sya kaya kung ano² naring iniinda...

"Naku Nak, maraming salamat, pagpasensyahan mo nalang talaga kami nitong si papa mo nak"

"Ano pa nga po ba.? Sige po Mah, Magpapadala nalang din po ako ng pera mamaya. Ingat nalang po kau jaan. uuwi po ako kapag pinayagan ako sa office. Kakasimula lang po kasi nung bagong project ei"

"Pasensya kana talaga Nak. Gising na pala ang papa mo. Gusto mo ba munang makausap? "

"Naku Mah wag na po. Baka mapagalitan ko pa yan si papa. " me pagkainis kong sabi.

"Kahit sandali lang nmn nak"pagpupumilit ni mama

"Mah wag na. Wala din naman po akong sasabihin kay papa. Saka nalang po siguro kapag pinayagan nakong makauwi jan" tanggi ko parin. D nmn talaga kasi kami close ni papa. Naiinis kasi ako lagi sa kanya kapag naglalasing sya. Lagi nalang kami nila mama napagbubuntunan nya. Kaya nga mas pinili ko nlang magtrabaho dito sa malayo para narin makaiwas kay papa. Pangit man kung iisipin pero wala ei...

"E nak. Ikaw ang bahala " tila me pagkadismaya nmn sa tunong yun ni mama.

"Geh po mah, bye"

"Geh anak. Magiingat ka lagi jan ah? "

"Opo mah. Sigeh na po"

"Sigeh anak."

Toooott!

Nagpunas na muna ako ng luha bago nagdisisyong bumangon sa higaan ko. Kahit papano nakatulong yong paguusap naming yun ni Mama para panandiliang makalimutan ko si Marco.

Hindi ko alam kong me mukha paba akong ihaharap sa kanya after nung nangyari. Para akong sinampal ng katotohanan at nakaramdam ng matinding hiya. nalaman ko pa na me girlfriend na pala sya kaya mahirap mang aminin pero libog lang talaga ang namagitan samin kagabi.

Tiningnan ko ung oras at alas onse na pala. Nagpasya akong magasikaso para sa kakainin ko at maliligo narin pagkatapos...

1hour later...

Inipon ko lahat ng labahin ko. Ipapalaundry ko nlang to para mabilis at ng matuyo din agad. naisip kong sa sako ko na inilagay at per kilo din kasi sila kapag sumingil.

Pababa nako ng hagdan hatak² ung sako nung makita ko si Marco kasama ung Girlfriend nya. Nakagayak at halatang me lakad...

Nagmadali akong bumalik sa taas para hnd nya ko makita. Para akong sira na umiiwas kay Marco na sa palagay ko parang wala namang pakialam kung may nangyari man o wala saming dalawa kagabi.

_NANG'IWAN_by This Band

Nagtataka

Natatakot, nalulungkot, nagiisa

Alaala nung panahon ng nanjan ka

Tila bangungot ng magising wala kana

Wala kana

Nangangamba

Kung ako ba kayay iibigin pa

Dahil sayong dinulot, parang wala na

Ang puso ko ngayoy pagod ng umibig pa

Umibig pa

Bridge:

Ilang taon ang tiniis

Para hindi ka umalis

Ngunit akoy iyong nilisan

Ako ba ang may kulang

Chorus:

Bakit ba binuhos, panahon ko sa iyo?

Hindi na dapat pang sinayang

Sau ang puso ko

Ngayon akoy nahihirapan

Kala koy walang hangganan

Ang sakit'sakit isipin na

Akoy iyong iniwan

D mapinta

Aking sarili ng ikaw ay mawala

Hanapin ang sariliy diko na kaya

Hanggang kailan kaya ko magdurusa

Magdurusa

Ano bang mali

Bakit satwing iibig akoy laging sawi

Ibigin ang sarili ay nawala na

Hanggang kailan kaya ko magdurusa

Magdurusa

(Repeat bridge& chorus)

At kung muli na magtagpo

Sana sabihin mo nalang ang totoo

At kung huling usap nato

Isang tanong nalang ang sasabihin ko

(Repeat chorus)

Tila agad namang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Kahit na alam kong wala namang masyadong connect ung kantang yun na kasalukuyang pinapatugtog ng kapitbahay namin sa pinagdaraanan ko ngayun.

Para akong tanga na umiiyak sa Lalaking ni minsan hnd naman talaga naging akin. Na sa isang gabing pagkakamali ko lamang nakasamat nakasalo sa isang bagay na tanging magkasintahin lang ang gumagawa.

Kelangan pabang sampalin pa uli ako ng katotohanan para lang magising ako at sabihin sa sarili ko na tama na! Kasi ang tanga² mo nA!