webnovel

1st Encounter

Peppp!!! Peppp!!! Peppp!!! Tuwing umaga nalng yan lagi ang naririnig ko tuwing lumalabas ako sa looban kung saan ako nakatira. Usok at alikabok ang laging bumubungad sakin araw² sa kalsadang binabaybay ko.

"Teh isang kopiko blanca nga po, at sky flakes" bungad ko don kay ate na nakapangalumbaba sa harap ng tindahan nya. Para nmn syang nakakita ng kung anong ikinagulat nya batay sa reaksyon nung mukha nya.

"A-ano yon? " si ate habang inaayos ang sarili nya...

Napa smirk nalang ako, halata nmn kasing me malalim na iniisip to. Am panget ngalang kc sa harap pa mismo ng tindahan nya at ang aga² pa nakapangalumbaba na. Tsk'

"Kopiko blanca tyaka sky flakes poo" medjo malambing pero me diing pagkakasabi ko. Maayos pa ung pustora ng mukha ko sa kanya pero sa isip ko naiinis nako ng kaunti. Mabilis kc akong mainip lalo kapag gantong nagmamadali ako... Me pasok pa kc ko 7am na pero heto bibili palang ako ng almusal suot² patong pantulog kong malaking white t-shirt at boxers lol... Hnd nmn po kc ako mayaman... Nangungupahan lng ako jan sa looban or let me say bed spacer in specific way.

So ayon na nga nabigay na sakin ni ate ung binibili ko and btw heto nga't naglalakad nako pabalik sa bahay. Pero bago pa mn ako makarating sa mismong gate, na natatanaw ko na mula sa kinatatayuan ko sakto namang me mga tambay na malapit don, yon don sa may bandang kaliwa malapit lang sa gate nung Bedspace house. At syempre alam ko na kung anong susunod na mangyayari.

"Pri" tawag pansin nung nasa gitna sa kaibigang nasa kanan nya.

"Oh" matipid nitong sagot habang busy kakalikot sa phone nya. sa totoo lng me mga itsura sila, tatlo kc sila pareparehong busy yan knina sa mga phone nila nag ML siguro , kaso itong isa, ung nasa gitna malakas din tlga ata radar sa mga kagaya ko. O baka sakin lng tlga. Madalas ko kc silang mkitang nakatambay jan pero khit ganon d ko parin sila kilala. Hindi kc ako friendly. Pero sila ang alam ko kilala na nila ako. Not sure kung gano kalalim, as of now ang alam ko , alam na nilang BI ako and they know my name too. I guess un lng alam nila 'sana nga un lang lol. Wala nmn akong tinatago' wala ngaba? HMmmm..?

So ayon na nga mabalik tau don sa tatlo, napalingon si kuyang pogi na medjo supladito ang itsura don sa tumawag sa kanya at sabay lingon sa gawi ko. Nung makita't mkilala siguro ako ayon napa smirk ung loko.

Napukaw narin nila ung pansin nung isa pa. Nagkatinginan silang tatlo sabay hagalpak ng tawa. Ayan ang saya² na nmn nila, Hayystt.! Halos Araw² nlng bah?? Nakakainis na ah! Ano b problema ng mga toh? . Sa totoo lng lagi silang ganyan, tatawanan ako pero hnd ko alam dahilan. At hnd nmn ako nag aassume lang kc now ako lng talaga ung naglalakad papasok ng looban. And yah sakin sila nkatingin. Kung dati binabaliwa ko lng sila ? now hnd na. Its time, its time to face them now! Kahit malalate nako. -_-

"Hi, ako ba pinagtatawanan nyo? " makahulugan kung bati sa knila.

"Pri tinatanong ka ata"pukaw ng pansin nung nasa gitna na nkawhite sando. Ung sabi ko malakas ang radar. 'Bka kauri ko rin toh' lol

"Actually i said 'nyo' so it means kayong tatlo ung tinatanong ko" bwelta ko. Napangisi n nmn sila.

"Tapang pala nito pri , sayang kasi naging bakla lng" pangaasar nung guy na nasa kaliwa at shirtless. Tawanan n nmn sila. Hot p nmn sana sya kaso ansama ng ugali, ;\

"E ano nmn ngaun kung ikaw nga pinagtatawanin namin. Tyaka mukang tumatapang kana ata ngayun. Bat kaya mo naba kami? " maangas na pagkakasabi ni kuyang supladito. Sabay tau at inangas angasan ako. Maputi tyaka makinis kutis nya, aakalain mong mayaman at d nakatira sa mistulang squaters area nato kung makakasalamuha mo sya sa labas. Dinuroduro nyako na dahilan para mapaatras ako. Medjo nakakramdam nmn nako ng kaba. Mukang mali ata ung disisyon kong komprontahin sila-_-.

" pri lalaban na ata yan ei. " gatong nung isa

"Baka magpapakalalaki na pri " gatong nmn ni shirtless guy. Napalingon naman tong si mokong sa dalawa , sabay smirk pagbalik ng tingin sakin. Ung dalawa nmn natatawa parin.

"Oh ano, bat d ka na makaimik ngaun" angas ni kuyang gluta este pogi. Sabay duro uli sakin. Medjo masakit na ah...

"Pri hayaan mo naLang yan. Mukang nangangatog na sa takot sau. Maiihi panga ata" gatong pa ni shirtless guy uli. Sabay halakhak. Nakitawa nlng nmn din ung isang katabi nya. Pero itong si pogi mukang seryoso na talaga ata. Papatulan na talaga ata ako nito.

Nakatitig nlng ako ng makahulugan sa kanya, ung tipong me takot na parang tatakbo na at parang maiiyak pa ':D

"Hooy! Ano n namang kalokohan yang pinagagagawa nyo. Nakikitambay na ngalang kau dito pati pa bed spacer ko pinapakialaman nyo.! " awat samin nung me ari ng bahay. 'Wiw save by the owner'. Nasabi ko nlng.

Para namang napahiya ung tatlo at kaagad na umexit ':D naksunod lang nmn ung tingin nmin ni madam.

Btw sya si madam auring este lucy short for lucifer jwk. Lucy lang...

"Anong ginawa sau nung tatlong un? " me pag aalala sa tuno nya.

"W-wla nmn po. Pero kung d pa kau dumating siguro meron na" pagbibiro ko. Natawa nmn sya na naging dahilan para masampal ako nung pamaypay nya.

" aray masakit... " arte ko

"Baklang twooo" biro nya

" madam Bi lang po. hnd bakla" paliwanag ko.

" Bi, bakla, kah8 ano pa yan. Oh syat pumasok kana sa loob , anong oras na oh. Nakapantulog kapa. Db me pasok kapa, pasado alas syete na nandito kapa"

Pagbubunganga niya...

Minsan feeling ko ampon lng talaga ako ng parents ko ei at sya talaga ung nanay ko.-_-

"E madam bat po ba lagi d2 nakatambay mga yan, bat d nalang don sa knila? " pahabol na tanong ko. Bago pa mn ako tuluyang makapasok sa gate. Me maliit na pinto kc un. Un lng ang nakabukas.

" Adik kc sa ML mga yon. E mahina daw signal don banda sa knila kaya d2 sila banda tumatambay" paliwanag nya na kala mo chismosa kung kausapin ako. Na pa 'mmmm' nalang ako at tuluyan ng pumasok na sa loob.