webnovel

Chapter 9

June 24, 2019

7:35 p.m.

Chan's POV

"Grace, pwede ba kitang ligawan?" Hindi ako makapagsalita. Ilang minuto ang lumipas tulala pa rin ako. Hindi akalaing matagal na akong mahal ni Rheinz.

"Grace, ok lang kung hindi mo sasa-" Pinag isipan kong mabuti kung ano ang isasagot ko.

"A-ah, pag iisipan ko muna." Napatigil naman si Rheinz at nanlaki ang mata niya.

"T-talaga!?" I nodded for the response. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Thank you Grace! Thank you for the chance. Hihintayin ko yung sagot mo." Hinalikan niya ako sa noo. Nakaramdam ako na may masamang mangyayari.

"I have to go Rheinz." Tarantang sabi ko.

"Are you okay?" I nodded. Hindi ko na hinitay ang sagot niya. Nag wave nalang ako at ganun rin siya. Naglakad lakad ako papuntang gate.

*phone beeps*

From: Sistah👽

Hoi babae, umuwi ka na. Ako yung pinapagalitan ni nanay. Hay naku! Mamatay ka.

Napatawa ako dahil sa text nang kapatid ko. Hindi yung kapatid ko na manloloko, yung bunso namin. She didn't failed to make me smile everytime. Nag dali dali akong naglakad kasi baka awayin nanaman ako ng elyen kong kapatid.

Nag glance ako sa gym at may nakita akong anino ng tao.

Teka? Bakit may tao pa dun? Hala baka na lock si Rheinz.

Tumakbo ako papunta ulit sa gym. Nagulat ako nang si Sai ang nakita ko hindi si Rheinz. Hindi naman siya na lock. Eh anong problema niya?

Papasok na sana ako nang sumenyas siya na huwag pumasok. Napakunot naman ang noo ko. I mouthed 'Bakit?'

Sumenyas lang siya ulit na wag. At dahil matigas ang ulo ko pumasok pa rin ako.

Napa face palm nalang siya dahil pumasok ako. Bakit? Gusto lang naman makatulong.

"Oh, bakit?"

"Sabi ko huwag kang papasok diba?"

"Bakit hindi? Gusto ko lang namang makatulong."

"Eh, wala ngang problema kaya umalis ka na. Mapapahamak ka lang." Halatang nanghihina siya at matutumba na. H-hala anong gagawin ko.

"Ha! Bakit?! May killer ba dito. Tatawag ako ng 911." Lalabas sana ako sa pinto ng bigla niyang hugutin ang kamay ko at niyakap.

Ahh...

...

...

Bakit n-niya ako niyakap?

Tinulak ko siya papalayo

"Bakit mo niyakap?!" Sigaw ko habang tinuturo siya.

Hindi siya sumagot at umupo na lang sa gilid. What's with him? Hindi ko talaga naiintidihan kung bakit.

"Bahala ka nga diyan." Tumalikod na ako at pina ikot ang mata sa sobrang inis... na medyo kinilig. Hindi ko napansin na nakangiti na ako. Ayuee.

Napatigil ako sa pagngiti nang hindi ko mabuksan yung pinto.

Pinihit ko yung doorknob pero nakalock. Pinihit ko ulit...pero ayaw. Ano?

Hinarap ko si Sai.

"Bakit naka lock?!" Tinitigan niya lang ako at parang walang planong kausapin ako.

"Sai, sagutin mo ko."

"Talaga? Nice talking." Saracstic kong sabi

Tiningnan niya lang ako. Langya.

Napa face palm nalang ako kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pinalo palo ko ang ulo at sinampal ang sarili...mentally.

"Hey! What are you doing? You don't need to harm yourself." T-teka, hindi pala yun mentally. Totoo na pala yun. Aish! Pati sa paggawa nang kwento, mali mali ang sinasabi ko. Ulol ko talaga.

"Ah, talaga? Akala ko kasi mentally ko ginawa eh. Hehehe" At tumawa tawa ako.

"Tss.." ay ang sungit. Pero nung nung kumanta kami ang bait bait.

"May pagkaplastik ka rin pala noh?" Bulong na nagpaparinig.

"What?"

"Wala!"

Pano nga pala kami makaka uwi niyan? Hindi pa ako nakakain. Ang lamig pa dito. Tapos ang sungit pa nang katabi ko.

Bakit ko nga ba siya naging crush? Hindi ko kasi matandaan.

Tiningnan ko ang phone ko. LOWBAT.😑

Unti-unting nagdilim ang kalangitan. Patay ako kay muder nito. Natanaw ko si Sai sa malayo. Ayun nag heheadphone. Tss... walang paki.

Hala ang dilim. Natatakot pa naman ako sa aswang. Lowbat pa phone ko, walang flashlight.

"Sai, may flashlight ba phone mo?" Sigaw ko sakanya. Tiningnan niya lang ako nang masakit. Luh! Anong ginawa ko sakanya?

Naalala ko ang sakit ko. Kapag sobrang natakot ako pwede umatake ang sakit ko. Di pwede to, walang tutulong sakin, *tinignan ko si Sai*, kahit na may kasama pa akong haup.

Nagugutom na ako. "Sai, may pagkain ka ba?" Tiningnan niya lang ako ulit at pinaikut ang intsik niyang mata. Abat! L*che to ha. Kanina pa siya.

"Sai, kung tawagan mo kaya ang mga taong pwedeng tumulong satin dito. Noh?! Para may worth ka naman."

"Wala akong load." Ugh! Naiinis na talaga ako! Pinuntahan ko sita at sinuntok sa tiyan. Napahawak siya sa tiyan nya at mukhang nasaktan sa ginawa ko.

Naks! Hindi ko alam na malakas pala ako.

"T*ngina! Ang sakit!" Kumunot ang noo ko. So, masakit nga talaga. Tinulungan ko siya pero tinulak niya ako.

"L*ngya ka! Tinutulungan ka na nga eh! Kasalanan ko ba na malakas ako?" Sabi ko atsaka umalis. Tiningnan niya lang ako nang masama.

Biglang umulan nang malakas. Packsh*t naman! Hanggang saan ba matatapos ang malas ko? Nang biglang kumulog.

"Ay!, l*che kang ulan ka!" Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Natatakot ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang damit ko. Napatingin naman bigla si Sai. Kumunot yung noo niya at biglang nataranta.

Sa di malamang dahilan pinagpawisan ako nang malamig. Nahirapan akong huminga. Umaatake nanaman siya. Juice ko po! Ayaw ko pang mamatay. Walang clinic ngayon.

Humigit ako nang malalim na hininga para ma stable ang paghinga ko. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

Lumapit si Sai sakin at tiningnan ako nang may pagaalala. Nagsimulang tumulo ng luha ko dahil sa sakit.

Nanlaki ang mata ko nang biglang tinanggal ni Sai ang butones nang damit ko. Pinigilan ko siya kahit nahihirapan ako.

"Relax, wala akong gagawing masama. Mas makakahinga ka kapag ganito." Nagnod lang ako. Tinanggal niya ang butones nang damit ko nang nakasira ang mata at nakatingin sa malayo.

Kinuha niya ang jacket niya at sinuot sakit. Nakahinga naman ako nang maluwag kahit papano dahil sa ginawa niya.

Kumuha siya nang paperbag at pinahinga sakin. Paulit ulit lang akong huminga hanggang sa naging okay na ang pakiramdam ko.

"T-thank you." Sabi ko kahit nahihirapan pa ako nang kaunti. Ngayon ko lang namalayan na niyayakap niya ako.

"It's okay." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Binigyan niya ako nang sandwich. Alam niya sigurong gutom na ako.

Pinunasan ko ang natitira ko pang luha at napangiti. I owe him for my life. Kahit na masungit siya, he has a good heart.